Chapter 17: Keysel Pov

Hello po, sa wakas may pov na 'ko. I'm Keysel Andeta 17 year old Lumipat ako ng school dahil ang mga student sa dati kong school, lagi akong binubully ewan ko ba bakiy gan'on sila? Mas'yado silang mapagmataas, porke 'di ako lumalaban kasama ko ang pinsan ko na nag-enroll dto dahil naawa ito sa akin, kaya sinamaan niya ako. Halo araw araw nila akong binubully n'on, dati nga balak ko nang magpakamatay. Wala naman mali sa 'kin mahilig lang talaga ako mag-suot ng glasses. Para kase akong nerd kaya palagi akong tumpulan ng tukso. Tapos nakita ko agad si Ms. Cold, gusto ko talagang maging kaibigan siya. Dahil parang hindi naman siya masama.

Kanina kasama ko si Ms. Cold, grabe kase napakalamig kong tumingin. Tapos bigla na lang siya nawala sa paningin ko. Hanggang uwean 'di ko na nakita si Ms. Cold, nasaan kaya siya? gusto ko siyang maging best friend, pakiramdam ko kase hindi siya ang taong mahilig mam-bully.

Sinabi ko sa driver ko maglalakad na lang ako dahil malapit lang naman ang inuupahan ko rito. Yeah, umuupa ako nang isang apartment dahil malayo ang bahay nami. Mabuti nga at pinayagan ako ni Mommy at Daddy. Naglalakad ako nang madaanan ko ang mga grupo ng mga lasing kinakabahan tuloy ako, mukha kaseng wala silang magandang gagawin.

"Hi Ms! Saan ka pupunta? " tanong ng isang lasing, jusko ang panget nila. Tapos ang tataba pa nila, hinawakan ako ng isang lalaki sa braso. Pumalag ako pero mas'yado silang malakas.

"Ano ba? Binatawan niyo ako!" sigaw ko. "Tulong, tulungan niyo ako!" sigaw ko.

"Manahimik ka nga! Palaban ka ha? Alam mo ba ang gusto ko sa babae ang palaban!" ani ng isang panget na babae.

"Huwag ka na pumalag, Ms. Sumama ka na lang samin, masasarapan ka promise!"

"Ayoko please! Bitawan niyo ako!" maya maya lang hinawakan ng isang lalaki ang panga ko at hinaplos ang mukha ko.

"Ang ganda mo pala," ani ng isang lalaki at hahalikan sana ako nang magpumiglas ako. Minsan na lang ako makatanggap nang papuri sa mga katulad pa nila. Jusko.

"Bitawan niyo ako! Please help me, help me!"

"Huwag ka na pumalag, Ms. Paliligayahin ka naman namin..." ani ng lalaki at gusto na akong galawan ng magpumiglas ulit ako.

"Help me!"

"Huwag niyong pilitin kung ayaw!" isang tinig ng babae ang aking narinig, sino kaya siya? Parang pamilyar sa akin ang boses niya?

"Sino ka? Huwag mo nga kaming paki-alaman!" galit na ani ng isang lalaki.

"Ako? Sino nga ba ako? Ah ako pala ang taong papatay sa inyo!" sabi nito, my gosh nakakatakot ang sinasabi niya.

"Matapang ka ha? Hawakan ninyo ang babaeng 'yan at patayin!" sigaw ng isang lalaki lumapit ang apat d'on sa babae na 'di ko maaninag ang mukha dahil sa madilim sa parte kung nasaan siya. Nagulat na lang ako nang makita kong wala ng malay ang apat na lalaki.

*Kaihara Pov*

Papauwe na ako ng mansion nang masiraan si Baby Damon ko, kaya't tinawagan ko na lang si butler Kin. Habang nakatambay ako sa madilim na parte ng kalsada, may narinig akong babaeng humihingi nang tulong. Hinayaan ko lang ito, ano bang paki ko? May mga bagay rin akong dapat gawin.

Habang narito pa rin ako, naiirita na ako sa sigaw ng babae. Para silang mga lamok, tch. Wala sana akong balak, tulungan ang babaeng kanina pa sumisigaw pero tinulungan ko na lang dahil wala na akong choice, kaysa naman marindi ako sa mga sigawan nila tch. Lumapit na ako at nakialam na, lumapit naman agad sa akin ang apat na lalaki. Agad ko silang pinatulog nang walang pag-aalinlangan. Basic lang sila dahil mahihinang nilalang sila tch.

Sumugod naman sa akin ang lalaking nag-utos na patayin ako. Agad ko itong sinipa sa mukha, at binugbog. Nanggigil talaga ako eh, dahil mas'yado silang maingay. Kung walang makakakita rito, baka lahat sila pinatay ko na. Nakawala naman ito at biglang hinatak ang babae at ginawang hostage.

"S-sino ka ba?" tanong ng leader nila nauutal pa. Kalalaking tao, takot sa kagaya ko?

"Ako lang naman ang papatay sa'yo!" ani ko, agad at dahan dahang lumapit sa kanila.

"Huwag k-kang lapapit! Papatayin ko ang babaeng ito!" hindi ako nakinig rito at dahan dahan pa rin akong lumapit.

"Huwag ka nang lumapit, please? Ayoko pa mamatay!" nang makalapit ako, nakita ko ang babaeng makulit. Nah? Ano'ng ginagawa nito sa lugar na ito sa ganito oras?

Ngumisi lang ako sa lalaking may hostage, halata ritong takot na takot ito. Nakita ko na kase ang short nitong basa na ng ihi. Tch, bakla.

"Huwag ka sabing lalapit!" sigaw ulit nito. Hindi ko na pinatagal at agad ko nang binunot ang baril ko at binaril ang lalaki sa balikat. Agad naman itong natumba at nawalan nang malay.

Umiiyak namang lumapit sa akin ang babaeng ito at, yumakap pa. Feeling close?

"Thank you akala ko talaga mamatay na ako!" umiiyak na ani nito.

"Bitaw..." ani ko at tinago ang baril ko.

"Huhu.. salamat talaga! Ano nga pala pangalan mo? Hindi mo pa kase sinasabi sa akin!" umiling na lang ako at tinalikuran na siya. Ang kulit talaga, sana hiyaan ko na lang siya. Kung alam ko lang eh.

"Sige na kase, friend na tayo! Sabihin mo na ang pangalan mo!" nakakarindi na ang katulad niya sa paulit ulit na tanong.

"Tch I dont need friends and, one more thing. 'Di ako nag bibigay ng pangalan sa taong 'di ko kilala, lastly kaya kita tinulungan ang ingay ingay niyo kase naririndi ako tch..." ani ko sa naiinis na boses.

Hindi ko na pinansin ang mga pangugulit niya, pero sana tumigil na siya dahil 'pag ako 'di nakapagpigil baka mapatay ko na siya.

"Young Lady, maayos na po ang kotse n'yo!"

"Good!" ani ko at sasakay na sana ng pigilan ako ng babaeng ito.

"What?" inis na tanong ko, tinulungan ko na siya. Bakit 'di pa siya umuwe? Ano hinihintay niya? Pasko?

"Iiwanan mo ako?"

"Yeah, tinutulangan na kita puwede ka na umuwe." inis na sabi ko at pumasok na.

"Wahhhh! Anong klase kang tao? wala kang puso! Iiwan mo ako rito mag-isa? Hahayaan mo akong mamatay rito ha? Huhuhu... Hindi ka ba nakokonsensiya na iiwan mo ako rito?" Arggg, nakakainis na ang babaeng ito. Ang sakit na ng tenga ko sa kakapalahaw niya, tang*na kinonsensya pa ako tch.

"Can you please, shut up you're f*****g mouth!" inis na ani ko at napahilot na lang sa sintido.

Hinatid ko na lang sa apparment niya ang madaldal na babaeng ito, para akong masisiraan ng ear drum sa sobrang kadaldalan niya.

"Hayst mabuti naman, naihatid na na'tin ang maingay na babaeng 'yon..."

"Yeah,"