Chapter 15

Tumambay na lang ako sa puno, na pabirito kong tambayan. Malamig kase rito at tahimik, pakiramadam ko dito lang ako safe. Nang lunch na, pumunta ako ng cafeteria nang banggain na naman ako ni Mondragon at biglang tinapunan ng Juice. What the?

"Oops sorry, hindi kita nakita. Nandilim kase bigla ang mata ko sa, kalandian mo!" sigaw nito sa akin at sasampalin na sana ako nang may isang kamay ang pumigil sa kamay ni Mondragon.

"Hurt her, and i will f******g kill you..." malamig na sabi ni Shadow. Halata namang gulat na gulat si Mondragon at halos mangiyak na sa mga nangyayari. Tch, mabuti nga sa kaniya.

"But--- hindi na pinatapos ni Shadow magsalita si Mondragon, hinila na ako nito at pinaupo sa kanilang Vip Seat nila. Nakakainis rin ang lalaking ito, palagi na lang s'yang lumalapit sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?" malamig na tanong ko.

"Wala."

"Wala pala, aalis na ako..." ani ko at aalis na sana nang hawakan nito ang kamay ko. Hindi ko alam pero biglang nang-init ang mukha ko.

"Kumain ka mo na..."

"Hindi mo kailangan sabihin 'yan, kakain talaga ako kase nagugutom ako!" ani ko at umalis na, pumunta ako ng counter at um-order. Pagkabigay sa akin, umalis na ako at hindi na pinansin si Shadow. Mas'yado na kaming na-chichismiss sa school.

Nang matapos akong kumain, naisipan ko na lang pumasok ng room. Wala pa ang teacher, kaya naman tumango na lang ako para matulog.

Nagising ako ng mag-breaktime na, nagsilabasan na rin ang mga tao sa paligid ko. Tumayo na ako at lumabas na, nairita ako bigla nang malaman kong may nagmamasid na naman sa akin. Wala ba silang sawa sa pagsunod sa akin? Pati rito sa School, sinusundan ako? F*ck.

"Ms! Wait---" Kunot noo kong tinignan ang babaeng tumawag sa akin.

"What?" iritang tanong ko nang magkalapit ito sa akin.

"Puwede ba akong makipagkaibigan? Ako si Keysel!" pakilala nito at inilahad ang kamay sa akin, para sa shakes hand.

"I don't need friends..." malamig na sagot ko at tinalikuran siya. Tch, hindi ko kailangan nang kaibigan. Magiging sagabal lang sila sa buhay ko.

"Ms! Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh! Ano bang pangalan mo?" hindi ko na ito pinansin, sinabi kong ayaw ko ng kaibigan eh at wala akong panahon para sa kanila. Med'yo naiirita ako nang sumunod ito nang sumunod sa akin, kahit saan ako pumunta sumusunod siya sa akin.

Umupo ako sa isang bakanteng table at kumain na. Nang maramdaman kong umupo rin ito sa harap ko. Wala ba itong balak na lubayan ako?

"Hehe... Hello ulit, ano nga ang pangalan mo?" tanong ulit nito at ngumiti sa akin ng malaki. Buwisit talaga!

"I said, I don't need friends--- kahit lumuha ka ng dugo, hindi ko sasabihin pangalan ko. Alamin mo kung gusto mo! Lubayan mo ako, nakakasuka ka kase..." iritang sabi ko. Wala akong paki kahit masaktan siya sa sinabi ko, ito lang ang paraan para lumayo siya sa akin. Ilang segundo rin nasayang sa oras ko sa pakikipag-usap sa kaniya.

"Gusto lang naman kita, maging kaibigan eh..." hindi na muli akong nagsalita, masasayang lang oras ko sa tulad n'yang hindi marunong makaintindi.

Habang kumakain pa rin ako, hindi pa rin siya umalis. Ang kulit talaga, maya maya lang biglang umingay sa paligid. Pumasok lang pala ang grupo ni Shadow.

"Wahhhh! Narito na sila!"

"Kyaaahhhh! I love you so much, Lay!"

"Kyahh akin ka na lang Clarnce!"

"Ice ngumiti ka naman please! Kahit isa lang hihihi!"

"Ang guwapo mo talaga, Ice!"

"I love you, Shadow!!"

"Pakasalan mo na ako, Shadow please!"

Nakakairita ang biglang pagingay sa Cafeteria, akala mo naman artista. Tch, bakit ba sila kinikilig sa mga kupal na 'yan? Para sa akin hindi naman sila guwapo. Bigla naman tumahimik ang lahat nang um-eksena si Mondragon.

"Tigilan niyo nga ang asawa ko! Hi babe!" sigaw nito sa mga babaeng na sa paligid at humawak pa ito sa braso ni Shadow. Med'yo napahiya ito nang tabigin bigla ni Shadow ang kamay ni Mondragon na nakakapit sa braso nito.

"I miss you babe!" ani naman nang alipores ni Mondragon kay Clarnce, pero tinabig lamang ito ni Clarnce.

"Hindi mo ba ako ko na-miss, Mahal?" tanong nito.

"Hindi," matipid na sagot ni Clarnce.

"Hi Lay, my love! I miss you!" malanding ani nito kay Lay at yumakap pa. Pero agad rin itong tinulak ni Lay. Tch, natatawa na lang ako sa kanila like boss like alipores? Gan'on ba 'yon.

Tch, bakit ba ako naging narrator nang mga malalanding 'yon, tch. Ang isang babae namang ito, sobra ang titig kay Ice. Dahil wala na akong paki-alam sa kanila, umalis na ako. Palabas pa lang ako nang harangin ako ng babaeng ito.

"Hep! Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain, ang dami mong tira. Sayang naman!"

"Tch. Kainin mo kung gusto mo..." ani ko at tuluyan nang lumabas.

Buong akala ko, wala nang susunod sa akin. Pero hanggang makarating ako sa garden, sumusunod pa rin siya sa akin. Dala pa nito ang mga pagkaing natira ko sa cafeteria.

"Wala ka bang ibang gagawin at, sunod ka nang sunod sa akin?" iritang tanong ko. Kung puwede ko lang patayin ang babaeng ito, ginawa ko na.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakikipagkaibigan sa akin!" determinadong ani nito.

"Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maiintindihan?"

"Bakit ayaw mo akong maging kaibigan?"

"Dahil hindi ko kailangan ng kaibigan, magiging sagabal lang kayo sa buhay ko! Kaya kung ako sa'yo, huwag ka nang umasa na magiging kaibigan mo ako! Because my decision is my decision, hindi na 'yon magbabago..." malamig na sabi ko at umakyat sa puno. Umalis naman na ang babae, mabuti naman. Napabuntong hininga na lang ako at natulog na.

__

Nang magising ako, uwean na. Tumalon na ako sa puno at nagulat ako nang makita ko si Shadow sa ibaba. What the heck?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko.

"Tambay," tipid na ani nito. "Ikaw bakit narito ka pa?"

"Wala ka na r'on, tch." Sagot ko at umalis na. Sumabay naman ito palabas ng school, mabuti na lang talaga wala ng student sa paligid. Naglakad lang ako pauwe dahil, wala naman akong kotseng dala ngayon. Nagtaka naman ako dahil nakasunod pa rin si Shadow sa akin sa, paglalakad.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi,"

"Tch..."