Chapter 23: Don’t let her die

Dawn's POV

"Besides she's a half-blood" pagkasabi ni Mara nyan ay natigilan ang lahat except sakin at ni Rania. Mukhang alam naman niya kung ano talaga si Silver.

I'm also aware that Silver is a half-mortifer, hindi ko lang sinabi sa kanya dahil ang gusto ko ang mama niya mismo ang magsabi nito. Bakit ko alam na Mortifer siya? Simply because the covenant of love is task to stop or kill the descendants of mortifer, and that's why I'm here. Hindi ko lang alam kung ano ang isa pang lahi ni Silver.

"Then anong lahi niya po?" Tanong nung may itim na buhok na isa sa mga kaibigan ni Silver. Kung hindi ako nagkakamali ay Alex ang pangalan nun. Habang hindi pa nagsalita si Mara na nakaharap sa kanila, ay tiningnan ko ulit si Silver, at sa di malamang dahilan ay para akong nahypotismo sa mark niya. Unti- unti kong iniabot ang aking kamay sa tiyan niya. At ng maabot ko ito ay biglang tumigil ang mga violet na veins sa paggalaw galaw.

"Dawn no!!!" Hah? Tumingin ako kay Mara na natigilan sa ginawa ko. Ngayon ko lang narealized na umiilaw ang isa kong mata. I didn't use my power pero bakit umilaw bigla?

Bigla na lamang bumukas ang mata ni Silver at kulay black ang pupil nito na may veins na kulay violet, yung lang ang nagbago sa mata niya, pero wala yan sa sinabi o deskripsyon ni tita Mara kanina tungkol sa mata ni Silver paglumabas ang curse niya.

Nang bigla itong bumangon at inihagpas ang kamay niya sa direksyon ko at naramdaman ko nalang na tumilapon ako ng pagkalakas-lakas as I felt something behind me only to realized na shield yun, dahil pag hindi shield ang pumigil sa akin, siguro nasa labas na ako ng palasyo ngayon na tumagos tagos sa mga walls dito. Hindi ko din mapigilang umubo pero walang dugo, dahil walang naman akong ganun.

Tumingin ako ulit kay Silver, nakatingin lang ito sa akin na walang ekspresyon. Kinabahan ako bigla, hindi ko gusto ang mga tingin na yan. Parang handa ako nitong patayin anumang araw, oras, o minuto. Hindi pa siya kumikibo at wala siyang pakialam sa iba, sa akin lang talaga ang tingin niya. Ang mga guards ko ay nasa tabi ko na ngayon at pinapatayo ako habang katitigan ko parin si Silver.

"Silver, listen kami toh, tsaka si Dawn yan, ang girlfriend mo." sabi ni Annie dito kaya tumingin si Silver sa kanya, at napaatras naman si Annie at pati nadin ang iba. Habang si Mara ay nakatayo lang sa tabi ni Silver.

Biglang tumayo si Silver habang nakatingin kay Annie. Si Annie naman ay kinabahan pero parang nagreready rin baka sakaling aataki si Silver but I doubt it, tingin ko ako lang talaga ang gusto niyang kalabanin.

Habang nakatingin ito kay Annie ay biglang bumaba ang tingin nito at nagshift bigla sa direksyon ko at naglakad palapit. Humarang naman agad si Anna at Cher sa harapan ko.

"Anna, Cher tumabi kayo" sabi ko sa kanila. Pero ang dalawa hindi nakinig. Nasa harap ko pa rin at nagreready na umatake.

"Hindi niya ako ulit sasaktan. Trust me." Sabi ko sa kanila. "Princess, don't convince us about her not hurting you, like we didn't see what just happened." sabi ni Anna. Si Cher naman ay tahimik lang sa tabi niya pero parang sumang-ayon kay Anna.

Huminto si Silver sa harapan nila pero sa akin nakatingin. Hayyy, dahil matigas ang ulo ng dalawa sa harapan ko kaya bigla kong pinapunta ang sarili sa likod ni Silver. Natigilan naman ang dalawang guards ko, "Princess!" tapos pupunta ulit para ilayo sana ako kay Silver.

"Stop." Si Rania na mismo ay nagsabi nun.

"Let them talk. I don't think Silver will do anything today that will hurt her again physically." Patuloy pa nito. Ang dalawa naman ay hindi makagalaw na siyang si Rania din ang may gawa. Sa pagkakaalam ko kay Rania ay bago palang itong holder ng covenant kaya hindi pa nito masyadong control ang kapangyarihan ng covenant niya.

She can command a person to do this and that and can put a punishment if she wanted to as long as it's for justice. You can also make a deal with her but dapat tutuparin yun kundi kamatayan ang kapalit. She's like a living law, a prison and a scale. Gaya nga ng sabi ni Silver ay hindi ito nakikipaglaban kung walang dahilan, ibig sabihin, lahat ng galaw nito is driven with her own reasons. Pag wala itong makitang reason kung bakit niya gagawin ang isang bagay ay hindi niya ito gagawin o pakiki-alaman. Pero isang tao ang nakikita kong nagawang makapasok sa utak nito kahit unreasonable ang pagdating nito sa buhay niya. Si Hereum.

"Fine. Just let us move now." sabi ni Cher kaya nakagalaw nadin yung dalawa at umalis bigla si Rania palabas. Sumunod naman dito ang mga kaibigan niya.

"Lets go Anna and Cher.... and Silver, kir ghen dwy." sabi ni Mara kaya tumingin si Silver dito hanggang sa makalabas sila. Kaya ngayon kami nalang dalawa ang nasa room. Ano kaya yung sinabi niya kay Silver? Ngayon ko lang narinig ang ganong language.

At bumalik ang tingin nito sa akin. Tinitigan lang ako nito at hindi nagsasalita. Tinitigan ko lang din siya. Ganun padin ang tingin niya, yung parang papatay pero mukhang ganito lang talaga yata siya tumingin?

"I'm sorry about what I did earlier." sabi bigla nito, natigilan naman ako. She's sorry? How come? Cursed niya toh at hindi ang original na Silver. Kaya nakakapagtataka.

"You must be Love, right?" tanong nito kaya tumango naman ako. Akala ko ba alam niya? Palagi kaya siyang nagsasabi ng love sa akin. Bakit parang iba toh ngayon? I mean parang ibang curse or ano?

"Listen Love, I've got no issues with you, I don't care if nagmamahalan kayo ni Silver but I care about the prophecy even if I don't like it, but whatever happens in the future, don't let Silver die." Hah? Wala naman talaga akong planong patayin si Silver. Pero if yun nalang ang option, hindi ko alam ang mararamdaman. Ikakamatay ko yun.

"But at the same time, don't die. I am not the cursed na siyang kakalaban sayo. Dalawa kaming cursed na nasa kay Silver, ako ang violet, kahit itim ang nakikita mo sa mata ko at yung palaging nagpaparamdam ay ang itim, pero violet ang mata niya, but darating ang araw na maglalaban kayong dalawa at sa mga panahong iyon, hindi ko na kontrolado ang pagiging cursed ko. Kaya wag mong hayaan na mamamatay si Silver and at the same wag ka ding mamamatay. Because trust me, kakailangan niyo ang isa't isa." sabi niya at tumalikod, pabalik sa bed.

"You have suffered a lot from her part. Hindi mo deserved yun. Hindi niyo din deserved kung ano ang meron sa propesiya." Patuloy pa niya tapos humiga ulit sa bed at pumikit. Pero ano daw? Suffered a lot from her part? Ako? Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin sa suffered a lot from her part? Bakit, ano bang meron?" tanong ko dito pero hindi na ito nagsalita muli. Kaya naglakad ako palapit kay Silver.

"Silver?" sabay tapik ng mahina dito pero walang reaksiyon. Tulog na ulit? Mukhang wala na ang cursed niya. Hayyy, anong bang meron?

"Covenant" sabi ko sa isip ko. May gusto akong malaman kaya itatanong ko nalang sa covenant ko.

"Dawn?"

"Bakit dalawa ang cursed ni Silver?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na dalawa ang cursed ni Silver, tapos ang cursed niya pa mismo ang nagreveal.

"Hindi ko din alam Dawn." sagot naman niya.

"Bakit wala kang alam sa mga pangyayari? Eh covenant ka diba?" sabi ko sa kanya. Medyo naiinis ako, kaya I take a deep breath para kalmahin ang sarili ko.

"I really don't know anything about it Dawn."

"Eh ako? Anong alam mo sakin? Bakit sabi nung cursed niya na I suffered a lot from Silver's part? Ano yun?" tanong ko pero hindi nagsalita ang covenant ko.

"Ano? Hindi mo ba ako sasagutin covenant?" tanong ko ulit. Sa isip lang kami nag uusap ng covenant ko, hindi na kailangang sabihin pa talaga gamit ang bibig. Pero wala pading covenant na nagsalita, nakakainis na siya hah. Kaya pumikit ako at yumuko. Hayyy

"Dawn?" Hah? Tumingin ako kay Silver at nakita kung gising na pala ito. Kulay gray na yung mata niya, ibig sabihin siya nato.

"Silver." sabi ko at dali dali siyang niyakap kahit nakahiga parin siya.

"Ang clingy mo." sabi niya at yumakap pabalik.

"Hmmm Girlfriend." sabi ko and she suddenly chuckled. Tapos nilagay bigla ang kamay niya sa cheeks ko at kinurot ito bigla.

"Aray naman mashakit." sabi ko sa kanya. Lumalakas loob niya ngayon hah, pero okay lang basta para sa kanya.

"Masakit bah? Halika dito? Hahalikan ko yan para mawala ang sakit" sabi niya. Hindi ko maiwasang mamula, ba't ganito siya ngayon? Nawalan lang ng malay, pagbalik niya naglalakas loob ng mang anu.. Hahaha

"Halika, halika ka nga" sabi nito habang hawak hawak ang mukha ko. Hahalikan na nya sana ang cheeks ko habang sobrang lapit naming dalawa.. ng biglang

"Ahem... Punta na kayo sa dining room. Pinapunta kayo... Agad" sabi si Rania tapos biglang nawala. Yung tao talaga na yun, ang insensitive hah, hindi man lang pinatapos si Silver na halikan ako huhu

"Tara na love. Doon na tayo sa dining room, gutom na rin ako. Ilang araw pala akong tulog?" tanong niya, ayan tuloy, nakalimutan yung halik na sinasabi niya. Nakapout lang ako habang nakasunod sa kanya.

Pagkadating namin doon ay bigla silang tumahimik. "Oh Dawn, ba't ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Anna, tapos ayon biglang tumawa si Annie. Sira talaga toh kahit kailan. Palagi nalang akong tinatawanan.

"Hahahaha ano ba kasing nadisturbo mo doon Rania at ganyan ang mukha niyan? Hahaha" sabi ni Annie na tawang tawa, at biglang itong siniko ni Alex. Kaya ayon, tumahimik. Buti nga sa kanya hahaha si Alex lang pala ang katapat.

"Ano bang ginagawa ng mag girlfriend?" tanong ni Rania na sagot na din niya sa tanong ni Annie. Kaya ayon, tawang tawa silang lahat, except lang yata sa mama ni Silver. Nandyan pala si Ama, at tumatawa din.

Hmmm, pinagtritripan ako ng mga toh. Makatrip nga din. Payback time.

The agreement between Justice and Moderation, I command you now to break the seal of the deal.

Mukhang natigilan yata si Rania sa ginawa ko. Naramdaman niyang break na ang agreement dahil siya ang holder ng justice na siyang magmake ng agreement between both parties kaya ramdam niya na wala na ang agreement namin.

"Oo nga noh, ano nga ba ang ginagawa ng mag girlfriend?.... Diba Rania?" sabi ko ng nakasmirk habang nakatingin sa kanya at hinawakan ang kamay ni Silver para umupo na kami. Hahaha alam kong hindi na niya girlfriend si Hereum ngayong break na ang agreement, but knowing Hereum? Hahaha di yun papayag.

So now, let me summon, Hereum.