Chapter 16
"Ano! Edi lalong dapat kitang isama," sagot niya sa dalaga, sabay kuha sa isang kamay nito at pahila silang tumakbo ng nakayuko, upang hindi sila tuluyang tamaan ng mga umuulang bala ng baril.
Mabilis na nabuksan ni Jerome ang pintuan ng kanyang sasakyan, at pinaunang sumakay si Venice, umusog naman ito kaagad sa katabing upuan bago tuluyang sumakay si Jerome at pinaandar ang sasakyan.
Nakaalis sila ng mabilis sa lugar na pinangyarihan, kahit na nakita nilang maraming tao ang nadamay sa putukang iyon, mabilis ring nakatawag ng mga pulis ang ilang mga naroon. “Anong gagawin natin, maraming tao ang nadamay?”
“Hayaan mo lang may mga galamay ako sa lugar na iyon, sasagutin ko ang gamutan nila,” pangako naman ni Jerome. Iyon ang palagi niyang ginagawa sa tuwing may mga inusenteng tao na nadadamay sa gulo na siya ang dahilan.
Maagap nilang natakasan ang mga humahabol sa kanila, ngunit hindi sila nagtungo sa dati niyang rest house, kundi dumeretso sila sa isang pantalan, at isinakay sa isang roro ang kanilang sinasakayang kotse. May isang bagay lang na iniabot si Jerome sa isa sa mga kawani ro’n. At nang makapasok na sila sa roro, ilang sandali silang naroon.
“Paano kung nasundan tayo rito?” nag-aalalang tanong ni Venice sa kanya.
“Malabo na iyon, maliban na lang kung sasabihin mo sa kanila,” pabiro niyang sambit sa dalaga. Ngunit ang totoo ay ibinigay na niya ang tiwala niya sa babaeng kasama niya ngayon nang hindi niya namamalayan.
“What if ginawa ko nga ang sinasabi mo? Huwag mong sabihin na lubos na ang tiwala mo sa akin?”
Tumingin muna siya sa dalaga, saka sinagot ang tanong nito sa kanya. “Oo, siguro nga katangahan, hindi ko rin alam,” nasabi na lang niya sabay muling ibinaling ang tingin sa karagatan.
Ilang oras lang naman ang pagsakay nila roon at nakarating na sila pantalan, bumaba sila at muling sumakay sa isang sasakyan. Alam niyang napansin nito na sa ibang sasakayan na sila uli sumakay, ngunit hindi nagtanong sumusunod lang ito sa bawat niyang gagawin.
“So ganito pala ang mga strategy mo, kaya pala sabi nga nila ikaw si Jerome, ang pinaka madulas na Mafia Boss,” sabi ni Venice sa kanya.
“Yup, kaya nakasisiguro akong hindi na tayo masusundan ng kalaban,” nakangiting salita niya, habang nagmamaneho. Ngunit nanlaki nang bahagya ang mga mata niya nang biglang tutukan siya ng baril ni Venice.
“Owww! What’s the meaning of this?” naihinto niya ang pagmamaneho sa sasakyang kinalululanan nila, ngunit hindi siya nagpakita ng anumang kaba o takot sa kanyang reaksiyon. Marahil ay inaasahan na niya na anumang sandali ay maaring magbago ang isip nito.
“Ito ang sinasabi kong hindi mo dapat ibinibigay ang tiwala mo sa isang tulad ko!” sagot ng dalagang assassin.
“Came on! Venice, nakikipag deal ako sa ‘yo, kanina pa, ito ba ang pasya mo?”
“Hindi ko puwdeng panaligan ang pangako mo, hindi naman kita kilala, hindi ko rin alam kung hanggang saan ang kakayahan mo, kung papayag ako sa gusto mo, sa huli, mamatay lang din tayong pareho,” salita pa ng dalaga habang matatag ang mga kamay na nakahawak sa forty-five caliber na baril, ngunit tila maiiyak na.
Seryosong tinitigan niya ito, suminghap muna siya, bahagya ring umiling, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi alam ng dalaga na may mga sasakyang nakasunod sa kanila, iyon ang mga tauhan niya. Isang baril na may mahabang nguso na nasalikuran niya ngunit nasa labas naman ng sasakyan, ang inginuso rin ni Jerome. Napalingon naman si Venice.
Nanlaki ang mga mata nitong muling naibalik ang paningin sa kanya, “O ano? Magtitiwala ka na ba sa kakayahan ko bilang Mafia Boss?” nakangisng tanong muli ni Jerome sa dalaga. Nakita nito ang sandamakmak na mga tauhan ni Jerome, at lahat ng mga iyon ay may mga hawak na armas, at tiyak na kung kikilos siya ng masama, siya ang malalagot.
“Bago mangyari iyon, mapapatay muna kita!” matatag pang salita ng dalaga.
Natawa naman siya ng marahan, gaano ka nakasisigurong may lamang bala ang hawak mong baril, lumingon ka nga lang ilang segundo, natanggalan ko na ang bala ang hawak mo, nang hindi mo nalalaman,” sabay tawa ng malakas si Jerome.
Nauumid na napalunok na lang ng sariling laway ang dalaga, nakita niya ang bahagyang pagsuko sa mga mata nito, agad niyang hinila ang baril mula sa mga kamay nito, at nakangising ipinakita kung paano niya tanggalan ng mga bala ang baril na iyon.
Lalong nanlaki ang mga mata ng dalaga ng mapagtantong niloko lamang niya ito.
“ SINUNGALING!” masama ang tingin na naipukol na lang ni Venice.
“Alam mo Venice, isang assassin ka lang, ang alam mo lang ay pumatay ng mga taong ipinapapatay sa iyo, samantalang ako… ako ay Mafia Boss, at ang pagsisinungaling ay bahagi na nang aking buhay, iyan ang tatandaan mo,” mariin niyang sabi sa dalaga.
Tapos noon ay muli na naman niyang pinaandar ang sasakyan, hindi na kumilos pa ng mali ang dalaga lalo na nang makita nitong may mga sasakyan at mga tauhan ang nakasunod sa kanila.
NAKARATING sila sa panibagong rest house ni Jerome, ngunit hindi katulad sa naunang rest house mas malaki ang rest house na iyon, doon ay napakaraming tauhan, hindi makalalabas o makakapasok ang kahit na sino ng ganon-ganon lang, kaya naman doon lang napagtanto ng dalaga na hindi nga pipitsuging Mafia Boss si Jerome.
“Ano Venice, nakita mo na ba kung ano ang kakayahan ko?” mayabang na tanong ng binata, habang nakangising kumikindat sa dalaga.
“Ito lang ba iyon? Hindi pa ako satisfied, dito lang pala ang pinaka hide out mo, ang liit-liit nito, kaya kitang takasan sa lugar na ito anomang sandali,” sagot niya na gumagawa ng kasinungalingan. Marahil iyon ay natutuhan niya sa binata.
Nasa isang silid siya, at ang una niyang ginawa ay ang maligo, alam niyang hindi iyon ang oras para maligo, kaya lang nakakaramdam na siya ng init sa kanyang katawan, at pagkaasiwa. Hindi niya alam kung paano siya makakatakas sa binata, o kung paano niya magagawang patayin ito, sa kabila ng naantig siya sa kabutihan nito para sa mga kabataang ulila, kinakailangan pa rin niyang tuparin ang misyon niya, kinakailangan niyang patayin ang binata. Ngunit para bang may kumurot sa sulok ng puso niya, isang bagay na hindi pa niya alam ang dahilan.