Chapter 20: Wakas [Lychie’s POV]: Million ways to say I love you

Younger us would probably be proud of where we are now. It's been five years since we saw each other again. Ten years na simula noong magka-cancer ako. Since he came back, I felt my life back too.

Sabay kaming naka-graduate. I'm proud of both of us. Lahat ng pangako namin sa isa't isa, unti-unti na naming natutupad.

I moved to his house two years ago. Ayaw ko siyang iwan mag-isa. Tutal lagi rin naman siyang bumabalik sa bahay namin ay doon na ako lumipat sa pwesto niya.

After we both graduated; me as a psychologist and him as a top-notcher in a bar exam, we lived together. No touching each other, just tender kisses to give each other comfort. He kept his promise, he'll marry me.

He never made me insecure of other girls. He made them jealous of me because of how he treats me. I'm thankful for that. Sa lahat ng matinong lalaki sa mundo, siya ang ibinigay sa akin. Walang salita ang kayang magdescribe kung gaano ako ka-thankful na siya 'yung ibinigay sa akin.

Umuwi kami sa Pilipinas para daluhan ang kasal ni Erin at Cadmus.

They're both so happy looking at each other. Malapit na rin kaming ikasal ni David, kaunting tyaga pa.

Hirap na hirap si David sa paghandle ng school, lalo na sa airport dahil ang daming pasikot-sikot doon. Kaantabay niya ang asawa ni Erin na dati palang nag-aral bilang isang piloto kaya medyo dumali ang ginagawa ni David na walang kaalam-alam sa business.

Ang magpapakasal ngayon ay parehas na business partners, pati sa buhay magka-partner na rin sila. Nakakatuwa silang dalawa tingnan.

Pumunta kaming dalawa sa Baguio para magroadtrip. Literal na road trip kasi walang babaan sa sasakyan, humihinto lang pagbibili ng pagkain o may gusto kaming i-try.

Papauwi na kami ng Iceland dahil kailangan naming tulungan si mama na bantayan si papa dahil inaatake na ito ng kanyang Alzheimer's disease.

Hinahanap ko ang lipstick ko sa bag ko nang biglang mahulog iyon sa sahig, gumulong iyon kaya hinabol ko. Nakihabol din si David sa akin.

He grew so much. I grew so much. We both grew together! That's our flex as a couple. We reached our dreams together!

"Bull's eye," David says when he finally got my red lipstick. "This is your favorite lipstick, right? Why settle for the tested when you can buy a whole collection?"

"Nagtitipid ako, David." Nahihiyang sabi ko at kinuha ang lipstick.

"Hindi kita tinitipid, Lychie."

"Eh!" Gusto ko pa sanang kumontra pero wala naman akong maisip kaya iyon na lang ang sinabi ko. Ginulo na lang niya ang buhok ko.

I'm wearing a white top with yellow flowers as it's design and a light brown trouser then a white boots. David is carrying my luggage, some staff already offered to take it but he insisted to carry it.

"Pati staff, pinagseselosan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Bakit ako magseselos do'n? May sarili ba siyang international school at airport?"

Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. Ang presko ha!

Pinapasok na kami roon sa isang black na carpet, sa dulo noon ay ang pintuan ng eroplano. Hindi ko alam ang tawag doon. Hindi ko rin sigurado kung nakita ko talaga ang mukha ng boyfriend ni Kahel o nandito talaga si Fajarez? Nagtatago pa siya eh sa laki ng katawan niya halata na kung sino siya.

Sumakay kami, pero hindi sa eroplano.

"Akala ko ba sa eroplano tayo sasakay?" Tanong ko habang nakatingin sa baba. Ngayon lang kasi ako nakasakay ng helicopter, kitang-kita ko pa ang mga tao sa baba.

"I changed my mind,"

Tinaasan ko siya ng kilay. Gumagamit na naman siya ng kapangyarihan niya.

"Beautiful..." Manghang sabi ko nang makita ko ang mga puno na malapit sa airport. Medyo nakakalayo na kami.

"Like you..." sabi naman ni David.

Humarap ako sa kanya tsaka ako tumingin doon sa pwesto ng piloto.

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Iyon ang asawa ni Erin na si Cadmus! Siya ang piloto ng helicopter na sinasakyan namin ngayon.

"Hi," bati nito sa akin.

Tumikhim si David kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko. Don't tell me, pati kaibigan niya pinagseselosan niya?

"Hello," bati ko pabalik kay Cadmus sabay ngiti.

Medyo nakakalayo na kami. Ewan ko ba kung mali lang ako o talagang mali kami ng dinadaanan? Hindi ako sigurado dahil sa eroplano ay 'di ko gaanong nakikita ang mga nasa baba.

"Hindi ako familiar dito ah..." bulong ko sa sarili. "Sigurado ka bang marunong si Cadmus?"

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng ulo ni Cadmus sa sinabi ko. Tila nainsulto siya.

David laughed. "I don't know." he shrugged.

"Jerk!" Cadmus laughed too.

Pakiramdam ko ay may mabigat sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagbaba ng eroplano nang bahagya. Natanaw ko ang school ni David. Puno iyon ng mga bata, nakapila sila. Pamilyar sa akin ang uniform, mga kinder ang mga batang 'to.

Nagulat ako nang mabilis silang nagtakbuhan para gumawa ng pila. Una kong nabasa ang letter na binuo ng pila ng mga estudyante.

L.

Sunod na pumorma ang pangalawang grupo.

Y.

Hanggang sa nasundan na nang nasundan.

C.

H.

I.

E.

Lychie?

Kinalabit ako ni David. Magtatanong pa sana ako sa kanya kung ano ang nangyayari nang inguso niya 'yung nasa harapan namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng isang eroplano, sa ilalim no'n ay may nakasulat na letter.

Will you marry me?

Napatakip ako ng bibig sa gulat tsaka ako tumingin kay David. Nakaluhod na siya sa harapan ko! Kinuha niya ang isang maliit na box sa bulsa ng kanyang jacket at unti-unti itong binuksan sa harapan ko.

"Oh my god..." Gulat kong sabi.

Tumawa si David. "Nasa eroplanong 'yon ang parents mo..." Aniya.

"David what the hell..." Hindi pa rin ako makapaniwala. Sigurado akong ang daming paghahanda at gastos ang ginawa niya para rito. Dinamay niya pa ang mga estudyante!

"I brought your parents a house, I brought ours... Bonus na 'yung dalawang kotseng binili natin noong nakaraang buwan. We achieved it all together, my Lynelle... And if you would accept this proposal. I will promise to our father that I'll cherish and love you forever. You together with your family. If you would give me the privilege to be called as your husband."

Naluha na ako sa sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumugtog ang malakas na speaker.

♪ Wise men say

♪ Only fools rush in ♪

♪ But I can't help falling in love with you ♪

♪ Shall I stay? ♪

♪ Would it be a sin ♪

♪ If I can't help falling in love with you? ♪

"I will always stay, Lychie---"

"Yes... Yes, David. I'd love to marry you."

♪ Take my hand ♪

♪ Take my whole life, too ♪

♪ For I can't help falling in love with you ♪

He stood up, nearly crying as he hugged me tight and kissed me quickly.

I not only feel home with him, he gives me the comfort, the balance of everything and many more that I can't explain.

There's million ways to say I love you.

For me, personally, if you love someone you would stay with them. No matter how hard it is to stay with them, you really must. You should at least try to be with them and don't let time be in your way. There's limitations, boundaries yes... But you must wait.

For both of us and David, we didn't leave each other in our hearts. Our string is always intertwined. Our hearts will only belong to each other. Our souls are meant for each other and our love will be the symbol of our hardworks with each other and the challenges we've been through.

I found someone I could walk with in this lifetime.

"And it's you."

"It's you, Noelle Marcella Tamizen." David added.

Our daughter clapped.

"It's me, the symbol of your love!" She smiled and hugged her dad. She's a daddy's girl.

Kuhang-kuha niya ang mukha ni David. Pakiramdam ko tuloy ay tinraydor ako ng sarili kong anak dahil hindi naman tatay niya ang nanganak sa kanya pero mas naging kamukha niya pa ito. Parusa siguro ito sa akin dahil dati binalak kong kitilin ang buhay ko.

Sobrang sakit na ng ulo naming dalawa ni David sa sobrang kulit ng anak naming dalawa. Hindi lang isa ang naging anak namin. Kambal pa. Doble ang sakit sa ulo pero swerte pa rin kami sa kanila.

"Haumea Astrid! Come to mommy..." Agad akong lumuhod at inambahan siya ng yakap. Pumunta naman siya sa akin at agad akong niyakap.

Tahimik si Haumea, 'di tulad ni Noelle na maingay at sobra ang kulit. Pero syempre, makulit din si Haumea, mas makulit lang talaga si Noelle. Si Noelle, daddy's girl. Si Haumea naman, mama's girl. Pero parehas silang kamukhang-kamukha ni David. Kambal sila, e.

They're made by David and I's love.

Sa buhay nila, magkasama silang palagi. Kambal sila eh! Parang kami lang ni David. Nakikita ko ang sarili namin sa kanila.

Pero 'di namin hahayaan na maipasa namin sa kanila ang generational trauma na naranasan namin mula sa parents namin. Iyon ang pagkakamali na hinding-hindi namin gustong ulitin. We want them to learn but in a right way. Not too strict, not too open. Just balance.

And now, we're on our journey to our plan...

Stay with each other until our hairs are gray.