8: I admire you

Things are different now. It felt like yesterday... Dati lang ay naglalaro lang ako sa quadrangle na 'yan ng chinese garter noong grade three kami ni Armenia, ngayon ay d'yan na gaganapin ang moving up ceremony ng mga grade ten this year. Ngayong taon din, grade ten na kami.

A few months.

Ang daming nagbago, ang dami kong gustong i-kwento pero 'di ko alam kung saan ko sisimulan. Parang sasabog ang utak ko kakaisip kung anong uunahin ko...

"Just remember what I told you, okay? Pasok ka na sa team ng school pag napanalo mo 'to. You're going to do well. Goodluck, doll." ginulo ni David ang buhok ko at tumakbo papuntang bleachers.

Wala akong mailabas na ekspresyon dahil sa kaba. Nag-iwas ako ng tingin sa direksyon niya. Triple sa inasahan kong mga tao ang manonood ngayong hapon. Meron pang galing sa ibang school dahil pinayagan ang outsiders this year. Nakakakaba.

"Lynelle!" David shouted. Agad na napabalik ang mata ko sa direksyon niya. Nakita ko ang hawak niyang banner na may pangalan ko. Tanging 'Go Lychie' lamang ang nakalagay roon pero bonggang-bongga ang designs dahil sa drawings niya. Napaawang ang bibig ko sa gulat.

"Sana all!" sigaw ni Monica sa aking likuran habang siya'y nag-uunat. "Hays, g-graduate na lang lahat-lahat hindi ko pa naranasan na may magcheer sa akin. Tanginang buhay 'to oh!"

Tumawa ako. Nabawasan ang kaba ko dahil dito. I nervously smiled at David too.

I like him. The boy I like is watching me. He taught me how to play volleyball. He's cheering for me. I want to make him proud.

"I'll do well." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Habang naglalaro kami ay hindi ko marinig ang sigawan ng mga tao na kahit wala namang nakakascore ay nagtitilian pa rin. Hindi ko alam kung para sa kabilang team ba 'yon o sa amin pero hindi ko na 'yon pinagtuonan pa ng atensyon ko dahil baka mas lalo lang akong kabahan.

Proud na proud ako sa sarili ko dahil ako palagi ang nakakasupalpal ng bola at lagi 'yong nakakascore. Nakipag-apir sa akin si Monica na may ngisi sa labi.

Tumabi siya sa akin. "Iba talaga pag may taga-cheer eh!" Mahina niyang sabi at umiling-iling pa.

Lamang kami. Kapag itong set ay madepensahan namin, panalo na kami.

Isang paparating na bola ang gumulantang sa akin. Ang akala ko ay makukuha iyon ni Monica pero nagulat ako nang umilag siya. Huli na nang marealize ko kung anong mangyayari. Malakas ang pagkakahampas sa bola na 'yon kaya alam kong masakit ito!

Inasahan ko na ang susunod na nangyari. I remember it... This is the first time I saw him.

I'm so embarrassed.

Napaupo ako sa sahig. Ni hindi ko nga naramdaman na may tumutulo na palang likido sa aking ilong. Kung hindi lang iyon sinabi sa akin ng mga kateam mates ko ay hindi ko pa malalaman.

"Sorry," nagpilit ako ng ngiti dahil sa hiya.

"Anong sorry?! Your nose is literally bleeding and you're saying sorry?" hindi makapaniwalang buga ng nagsisilbi naming leader na si Minerva na galing sa ibang section.

Tinayo ako ni Monica. Mas lalo akong kinabahan, hindi na ako makatingin sa mga manonood dahil sa kaba ko. Nakita ba 'yon ni David? Malamang!

Bago pa magsimula ang laro ay nakarinig ako ng isang malakas na pito. Akala ko ay iyon ang senyales na magsisimula na muli ang laro pero nagkamali ako. Hindi ito galing sa tagagawa nito. Tagaktak ang aking pawis nang pumihit ang aking ulo sa pwesto na pinagmulan ng pitong 'yon.

And there I saw David, dancing like a girl. He's making everyone laugh while looking at me. He's wearing a bralette, underneath is his plain black shirt that he was was wearing earlier. He's also holding pompoms while dancing.

"Go be! Keri mo 'yan! Kapag hindi ka nanalo riyan, matetegi ka sa 'kin!" Maarteng sigaw ni David sa akin na ipit pa ang boses, pinipilit maging babae.

Natawa ako. Pakiramdam ko ay umatras ang luha kong gawa ng aking kaba dahil sa ginawa niya.

Huminga ako nang malalim at nagfocus sa ginagawa.

Pagkaserve ko ay hindi iyon napaghandaan ng kabilang grupo kaya agad akong nakascore. Parang natahimik ang mundo ko, nawala lahat ng aking iniisip dahil sa nangyari.

Just two more points... please.

"Lynelle! Lynelle, okay ka lang ba?"

Unti-unting bumalik ang pandinig ko, I saw Monica's worried face.

"Huwag ka kaya muna maglaro?" tanong niya pa.

Agad akong umiling at binalik ang focus ko sa laro. "Two more."

Alanganin siyang tumango at bumalik sa pwesto niya.

Pagkaserve ng kalaban ay sinupalpal agad ito ni Monica kaya kami nakapuntos.

Malakas na hiyawan ang aming narinig dahil dito.

"Not so fast," nabasa kong nilabi noong babae sa kabilang team. Sumilay ang nakakatakot na ngiti sa kanyang labi kaya medyo kinabahan ako. Napalunok ako at mas lalong naging seyoso.

"We will win," nilabi ko rin sa kanya sabay ngiti.

Humugot siya ng malalim na hininga bago hinagis ang bola sa ere. Ibinalik ni Monica sa kanila ang bola. Pabalik-balik lang ang bola, talagang walang nagpapatalo. Hanggang sa napagdesisyonan kong magbuwis.

Malakas kong hinampas pabalik sa kanila ang bola. Sa lakas no'n ay walang nakasalo, dumiretso ito sa lupa.

Nakakabinging hiyawan ang aking narinig habang nakatulala ako dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko ang kamay ng mga team mates ko sa akin. Tumatawa sila at nagtata-talon.

"We won!" Savca celebrated.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pwesto ni David kanina pero nadismaya ako nang makita na wala na siya roon. Pero pagkabalik ng ulo ko sa pwesto nito ay may humila sa akin para sa yakap.

"Ang galing mo! Ang galing-galing mo, Lynelle!" Ang malaking katawan ni David ang yumakap sa akin. His voice sounds really happy while he's saying that and hugging me.

Pinunasan niya ang pawis ko gamit ang panyo niya sabay yakap ulit sa akin. "Libre kita. Basta sabay tayo uwi ngayon ulit... Congratulations po!" Lumapad ang ngiti niya.

"Salamat!" Ngumiti rin ako.

Kumakalabog ang dibdib ko habang malalim ang tingin niya sa akin. "Uwi na tayo?"

"Sige!"

********

"Nakita mo ba si David, Monica? Pagkatapos nating magpalit ay wala na siya sa labas."

"Huh? Akala ko magkasama kayo?"

"Oo nga eh, nakikita mo naman 'di ba, kasama ko siya?" Sarkastikong tugon ko. "Kaya nga tinatanong ko sa 'yo."

"Weird... Ayaw pa naman no'n umalis sa tabi mo. Ano kayang nangyari?"

Doon ako kinabahan... Hinding-hindi umaalis si David sa tabi ko nang hindi siya nagpapaalam. Nasaan na kaya siya ngayon? Sana naman okay lang siya. Sana hindi siya napaaway o ano...

"David!" sigaw ko nang matanaw ko ang bulto na nasa pintuan.

Nagdudugo ang labi niya. What happened?! May nang away na naman ba sa kanya? Who the did this to him?

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Saan ka pa nasaktan?"

Tumawa siya pero hindi iyon umabot sa mata niya tulad nung dati. "Ayos lang ako. Natamaan ako noong lalaking nasa harapan ko dahil talon siya nang talon, ang tangkad ko kasi kaya natamaan ako ng ulo niya. Hindi naman ako nasaktan."

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya pero niyakap ko na lang siya. Alam kong may mga bagay talaga na hindi mo kayang sabihin sa iba at naiintindihan ko 'yon dahil ganoon din ako. Sana lang ay ayos lang siya.

Sana ayos ka lang, Tamizen...

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako," sabi ko at dinala na ang bag ko. Hindi naman talaga ako nagtatampo na hindi niya sinabi sa akin ang totoong dahilan, gusto ko lang na sundan niya ako.

"Tara," aniya at sinubukang kunin ang bag ko pero iniwas ko agad iyon sa kanya. "What?"

"Uuwi akong mag-isa, Tamizen,"

Ngumiti siya. "'Di ka pwedeng umuwi nang hindi ako kasama, Centeno. Buntot mo ako. Mula ngayon, kahit saan ka pumunta susundan kita. Naiintindihan mo ba? Ha?"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Dami pang sinabi." Kunwari'y padabog ang pagbigay ko sa kanya ng aking bag.

Lagi niya akong pinapauna maglakad, ayaw niya na nahuhuli ako. Gusto niya rin na nasa gilid niya ako at siya ang nasa tabi ng kalsada.

Baka raw kasi mamatay ako tapos siya pa masisi ng magulang ko.

Masayang-masaya sana ako no'n pag-uwi. Hindi ko inakalang nakauwi na pala si Mama sa Pilipinas at kasama niya si Papa.

"Lychie, nandito ka na pala. Tulungan mo 'kong maghugas ng pinggan!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. "Bakit ngayon ka lang, malapit na maggabi ah?"

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Nabalot ng takot ang aking katawan. Pakiramdam ko ay babagsak na ako anomang oras. "A-Alas kuwatro pa lang naman po... Three thirty po ang uwian namin..."

"Oo na! Sige na! Maghugas ka na."

"M-Magpapalit lang po ako ng damit." Madali akong pumunta sa kwarto ko at madaling nagpalit ng damit. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil nandito si papa, ngayon pa kayang kasama niya si mama?

"Lychie! Bilisan mo! Aba! Napakakupad mo! Ang laki laki mo na hindi ka pa namin mapakinabangan ng tatay mo!" Galit nitong sigaw sa akin gayo't kakapasok ko lamang sa kwarto para magpalit.

"Pasensya na po! Saglit na lang!" Baliktad pa ang aking blouse na nakuha sa drawer noong matingnan ko ito saglit sa salamin na nasa tabi ng pintuan. Buti na lang at short ang suot ko sa ilalim ng aking palda kaya hindi ko na kailangan pang magsuot nito. Tanging blouse lang ang pinalitan ko.

"Ayaw mo ba kaming makita? Nagdadabog ka na?" Galit na tanong sa akin ni mama. "Kakauwi ko lang dito mai-i-stress na naman ako sa 'yong bwisit kang bata ka." inis niyang iniwan ang mga hugasin sa akin.

Ramdam ko na ang pagbabadya ng luha ko nang palitan ko siya sa kanyang pwesto para magsimula nang mag-urong. Nakakatakot. Nakakatakot talaga.

Gabi na pero nanatili lang ako sa kwarto ko, nagpapanggap na tulog dahil alam kong pag nakita nila ang mukha ko'y may iuutos sila o kaya naman sa akin nila maibubuntong ang sama ng loob nila galing sa trabaho.

Bata pa lang ako ay tumatak na sa aking isipan na kapag pinapaliwanag ko ang sarili ko sa kanila at sinasabi nilang pabalang na pagsagot ito ay dinadagdagan nila ito ng, "balang araw, paglaki mo, magkakaroon ka ng anak. Sana lang ay hindi ka nila ganyanin. Demonyo ka."

Sinabi ko sa sarili ko,

Balang araw. Balang araw hinding-hindi ako magiging katulad niyo. Mas pipilitin ko pang maging isa kesa mandamay ng ibang tao dahil sa pagiging miserable ko.

Ayaw ko ng anak. Pero kung sakali, sa hinaharap, hinding-hindi ko ta-tratuhin ang anak ko na ganoon...

"Goodnight, ma, pa," bati ko sa kanila habang maluha-luhang nakatingin sa ilaw na unti-unting nawawalan ng liwanag.

'Di manlang nila naalala na takot ako sa dilim.

As I cried, David's voice echoed in my head. His voice keep playing, it's the words he said earlier before we parted ways to our so called 'home.'

"You did it, Lynelle. I knew it. I knew you could do it. I'm proud of you for that. This... This is another reason why I admire you.

Earlier you're doubting yourself but you did your best. You did great. You risked it all, thinking you have nothing to lose but everything to gain.

Do it again... Things get better. Always. Yesterday you can't sleep because of doubts in your head but trust me, tomorrow will get better and you'll be glad you took the risk instead of losing the chance. I don't need to say this because I already know you're willing to take the risks in everything in order for things to get better...

And that's what I admire about you the most. Lychie, I admire you."