Chapter 1
"Ysla? Let's go." Matthias yelled downstairs. Hindi ko naman na muna siya pinansin at nakaupong tinignan lang ang tanawin dito sa Tagaytay habang sumisimsim sa kape ko. Gusto ko manirahan dito.
"Ysla. Are you listening to me? Let's go. Your figure skating competition will start about an hour." Matthias added.
"Yeah. Coming." I answered. Matthias is my older brother pero tinatrato lang naming magka-edad ang isa't isa which made us really bond together.
Sinuot ko na ang Bavarian themed dress complete with billowing sleeves and dazzling tiara para sa gaganapin ngayong competition ko dito sa Tagaytay Sports Center.
Bumaba na ako at isinuot naman sakin ni Matthias ang Coat at boots para hindi muna ako malamigan hanggang sa makarating kami dun.
Tatlo lang naman kaming pupunta dun. Ako, Matthias, at si Nova. My bestfriend.
"You look so good in that outfit, Ysla." Nova complimented while looking at me. I smiled, nagkakabutterflies ako whenever my girl friends complimented me, eme.
"Well, yeah. Kanino pa ba magmamana ang kapogian ni Matthias kundi sakin lang naman." I said then flipped my hair. Natawa naman silang dalawa at napailing nalang.
Pumasok na si Matthias sa drivers seat at ako naman sa shotgun seat, habang si Nova ay nasa likod lang kasama ang Ice skates ko.
Mahigit 15 minutes lang ang binyahe namin galing sa hotel papunta sa sports complex, marami na ring tao ang nandito ngayon para manood sa gaganaping competition. Hindi na ako kinakabahan dahil rin ay nasanay na ako.
My family and I used to go to the mall weekends for ice skating, but over the time they saw the potential in me to be a pro skater so I didn't miss it dahil mahal ko rin ang ginagawa ko.
Lumabas na kami sa sasakyan at pumasok sa loob ng complex, hindi ito masyadong malawak pero sakto na rin upang makapag perform ang isang figure skater.
Ako ang huling magp-perform kaya sinulit ko na muna ang oras, pinanood ko na muna ang mga nagperform habang sumisimsim ng kape.
"Uh, Matt." Pagtawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Can i have one more?" I asked, I'm referring to coffee.
Magsasalita na sana siya ngunit naunahan na siya ni Nova. "I'll buy three! Para sating tatlo. I want to drink coffee too!" She said. Hindi naman na nakatanggi si Matthias at napabuntong-hiningang tumango na lang.
"Thank you!" Sabi ko kay Nova at kinindatan naman ako nito.
"Isn't it a bit strange? Yung ginagawa nilang moves lahat ay magkakapareho." I said to Matthias. Tumango naman ito habang nakalagay sa chin niya ang isa niyang kamay.
Kanina ko pa kasi napapansin. Slide, talon, ikot. Hindi man lang nila binagay ang moves nila sa music na nakaplay kaya nagtataka ako. Well, this is just a division level kaya siguro may ibang hindi pa talaga makuha ang tamang tiyempo.
"Matt, Ysla. Your coffee." Nova handed me the coffee and smiled. I also smiled when i got the coffee at binaling na ulit sa mga performer ang atensyon.
"Why do they all make the same moves? Or is it just me?" Nova said. Napatingin rin ako sa kaniya at sumang-ayon. Napansin niya rin pala.
Sinuot ko na ang ice skates ko dahil ako na ang susunod na mag p-perform. Nagbend na muna ako para mastretch ang hita saka binti ko nang hindi ko naman ito mabigla mamaya.
"Goodluck love! You can do it!" Nova said. Nginitian ko lang siya saka ko tinignan si kuya.
"You can do this. Road to regionals tayo bes." Matthias said. Kumembot pa siya kaya natawa ako at tumayo nalang ng tuwid at nagseryoso.
"For our last performer from Makati City, let's give a round of applause for Ysabel Lauren Gossom!" The announcer said.
Nagskate naman ako papunta sa gitna, umikot saka yumuko, pagbalik ko ng posture ko ay napako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ng glass habang nag thumbs up sakin kaya kunot noo ko siya tinignan.
He mouthed 'good luck' kaya mas lalo akong nagtaka. Nagsimula na ang music kaya hindi ko nalang rin siya binigyan pansin.
Nagsimula na akong magpaikot ikot sa ibabaw ng yelo habang nakapikit na pinapakinggan ang music na Dance of the little swans ni Tchaikovsky. Magandang pakinggan kaya ito ang napili ko para sa performance ko ngayon.
I just swayed my body kasabay ng music, at tumatalon para umikot naman na parang ballerina. I'm just dancing with this cold atmosphere, pinapakiramdaman ko ang piligid habang ang tingin ay nakapako na ngayon sa judges.
I smiled at them and then i jumped once again, when I landed, I curved my back until it was about to touch the floor. I even heard people say 'wow' while I was doing that.
Inayos ko na ang posture ko, nagskate papunta sa gitna at yumuko. My performance lasted for about 2 minutes. Not bad.
I saw the man who told me good luck earlier. Papalapit na ako kina Nova kaya kinindatan ko nalang siya. Nakita ko namang namula ang mga pisngi niya kaya natawa nalang ako at umiling.
"Your final move says it all. You improved a lot after months of training huh." Nova said then hugged me.
Mamayang 3pm pa naman ang announcing of winners kaya nagbihis na rin ako at sinabi kay kuya at Nova na kakain muna kami dahil nagutom na rin ako. Hindi naman pwede na laging kape lang no!
"Is it possible na lumipat ako sa school mo Nova? For this third quarter?" I asked. Hindi ko kasi gusto ang atmosphere sa School kung nasaan ako ngayon.
No one dared to compete with me, from acads to extra curricular kaya hindi na imposible na ako ang grumaduate na Valedictorian sa batch namin.
"I'll talk to Miss Principal about that, don't worry. I'll make it possible." She said. I smiled at her.
"Btw, bakit lilipat ka Ysla?" Tanong naman ni kuya kaya nagkibit balikat lang ako at tinuloy na ang paglalakad papasok sa resto dito sa tagaytay.
"Bulalo Matt." Sabi ni Nova sa kaniya kaya nag thumbs up rin ako dahil ang sarap rin ng bulalo dito sa Tagaytay.
"Novs, kanina may lalaking naggoodluck sakin saka nag thumbs up pa." Sabi ko kay Nova nang maalala ko ang lalaki kanina sa performance ko.
"Eh? Sino naman kaya yun?" Tanong niya. Napakibit balikat nalang ako.
Dumating na rin si kuya kaya nagsimula na kami kumain.
"Matt, do you know someone named Elias?" Tanong ni Nova kay kuya. Pinapakinggan ko lang sila habang ngumunguya.
"Yeah, why?" Tanong naman ni kuya kay Nova.
"Why Novs? What about him?" I asked. Hindi ko kasi kilala kaya nakakapagtaka na kilala ni kuya.
"Your crush? Nova?" Kuya asked, nagblush naman si Nova kaya confirmed na kung bakit niya natanong kay kuya. Babaeng to 'di pa kami dineretso eh.
2:30 pm na nang makabalik ulit kami sa complex para masaksihan kung sino sino ang mga nanalo. May 30 minutes pa naman kaya nakaupo lang kami dito sa upuan habang may mga nag p-perform na banda sa stage.
Nagpaalam na muna saglit si Nova dahil may bibilhin lang raw muna siya. Naiwan naman kami ni kuya dito habang kumakain ako ng waffles. May naalala naman ako kaya hinarap ko si Matt.
"May gusto ka kay Nova no?" I asked. Namula naman ang pisngi niya kaya nang-aasar ko siyang tinignan.
"Sus. Pahalata ka naman masiyado, pasalamat ka manhid si Nova." Pagsabi ko kaya napailing nalang si Matt.
"How did you know?" He asked, inalala ko naman yung nangyare kanina. Nung binanggit kasi ni Matt yung crush ni Nova na si Elias daw, ay nawalan ito ng mood at hindi na nagsalita hanggang sa matapos kumain kaya kami nalang ni Nova ang nag-uusap.
"Wala lang alam ko lang." Sagot ko saka nakaharap na ulit sa bandang nagtutugtog.
Siya yung lalaki kanina ah? Nag d-drums pala siya? Sa kaniya lang ako nakatingin hanggang sa matapos sila magperform. Nakita niya naman akong nakatingin sa kaniya kaya kumaway siya at kinawayan ko naman ito.
"Who's that man?" Matt asked. Nilingon ko naman siya saka nagsimulang magkwento.
"Kanina kasi pagtapos ko yumuko bago magperform nakita ko siya dun sa harap ng glass nag thumbs up saka sinabihan ako ng good luck. Hindi ko naman siya kilala pero wala lang. Trip ko lang rin." Pagk-kwento ko.
Bumalik ulit ang tingin ko dun sa stage at nakita si Nova sa gilid habang kausap yung lalaking tinutukoy ko kanina, kaibigan niya siguro. Hindi ko nalang pinansin dahil nagsimula na rin ang awarding ceremony.
"Good afternoon Ladies and Gentlemen, our media partners, sponsors, reputable officers and our very talented skaters! I heartily greet you with all this at the award ceremony of this institution.
It gives me immense pleasure to host this event which has been celebrated to celebrate the achievements of our teams, officials and skaters. This incident really reflects the commitment that all the members have shown for the sports competition organized in December last year. The previous year was really a very busy year for all of us because we had really worked hard to get through this competition. You people have given us great pride.
Today, we are here to announce the lucky winners of the 5 awards and also to appreciate the victory of our respected award recipients.
And for the fifth place.. Ruth Santiago from San Mateo District! Congratulations!" Sinimulan na nga ang pagtawag ng mga nanalo para sa regional finalist. Lima lang ang kukunin habang 30 kami kaninang nag perform.
Tinawag na ang fourth at third kaya ang naiwan nalang ay second at first.
"For the second place.. Kanna Delos Reyes from Makati City! Congratulations!" Kani-kaniyang akyat na sila ng stage habang nagkukuhanan ng litrato habang hawak ang mga medal na nakasabit sa leeg nila.
"And for our first place, who gets the gold medal in this afternoon.."
Hindi na ako aasang matatawag pa ang pangalan ko. Wala namang masama sakin dahil nasanay na rin ako, win or lose ang importante ay nakapagperform ako ng malinis.
Inayos ko na ang mga gamit ko saka inipon sa iisang plastic lahat ng basura sa kinain ko kanina para iisang tapunan nalang lahat.
"Ysabel Lauren Gossom! Congratulations!" Nagulat ako nang bigla banggitin ang pangalan ko kaya hindi na muna ako nakagalaw ng ilang segundo. Omg. I got the first place!
Tumayo na kagad ako at tumakbo papunta sa stage, sinabitan naman kaagad ako ng medal, gold medal pa! Nakita ko si Nova sa baba ng stage at kinunan ako ng litrato.
Kaya pala nawala bigla ang bruha. Bumili pala ng DSLR. Kinamayan ko naman ang mga judges at nagpasalamat. Bumaba naman ako at agad na sinalubong ng yakap ni Nova.
"Congrats! Omg. This isn't the first time but it really feels like first." She said. Tumawag naman ng ibang tao si Nova para kuhanan kaming tatlo ng litrato.
"Okay. 3, 2, 1. Smile!"
Days had passed at naaprubahan ang pagtransfer ko sa Roedean High para tapusin ang 3rd and 4th quarter and today is my first day sa school na iyon.
Although lagi kong binibisita si Nova ang kaso hindi ako pinapapasok.
"Welcome to Roedean High, Miss Gossom." Miss Principal said. I just smiled at nagpasalamat.
Kahit san ako magpunta ay winewelcome nila ako, am i that popular? Na kahit dito sa school na hindi ako pinapapasok ay kilala pa rin ako ng mga tao?
Well, i guess I'm quiet popular, all i need to do is to find who can compete me in acads and extra curricular. Ayokong tinatrato akong espesyal. Gusto ko challenging yung magiging last year ng highschool ko.
"Miss Gossom, pinapatawag ka sa Principal's office. Miss Pricipal needs to discuss something about you." Pagtawag sakin ng isang babaeng nasa 2nd year. Nakaupo lang naman ako dito sa waiting chair sa labas ng court habang hinihintay si Nova.
To: Nova EnglisherangFrog
Antagal mo naman. Pinapatawag ako sa Principal's office. May kailangan daw sabihin si Miss Principal. Punta ka nalang don ha.
Pagtipa ko habang naglalakad. Tinext ko nalang siya kasi hindi ko naman alam kung sino ang nasa loob ng court. Baka mamaya pala maraming tao.
Pumasok nako sa loob ng Principal's office saka umupo, hinihintay lumabas ang Principal sa banyo.
"Good morning, Miss Gossom." Pagbati ni Miss Principal sa akin. I just smiled and greeted her back.
"Good morning po, bakit niyo nga po pala ako pinatawag dito?" I asked politely.
"I need to be honest with you. We have a lots of students who can definitely match or outperform your intelligence and talent, so I'll just say that we can't treat you as special as the former school you attended did to you." She said kaya napatango-tango naman ako.
"Don't worry Ma'am. I'm also too choked by their treatment of me as special, I also don't like it and I also want to have a competitor than give me achievements that I don't ask for." I explained.
"Maybe this is also the school I've been looking for a long time, thank you so much for accepting me even though the exam for third quarter is near." I added, napatango naman siya at nginitian ako.
"And by the way. We have a top student named Elias Blake Octavious. We still can't find his opponent for the debate to be held next week because they are also afraid to fight him. Is it okay for you to present?" Saad naman ni Miss Principal.
Nagningning naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya kaya agad akong tumango tango. "Yes Ma'am! I really want to volunteer!" Pagsagot ko.
"Okay then, our debate next week is settled. You can go back to your classroom for now." She said, nagpasalamat na rin ako saka lumabas na ng office niya.
Pagkababa ko sa building ay nakita ko na si Nova na naghihintay kaya hinawakan ko ang balikat niya at niyuyugyog siya.
"Hey! What the hell is your problem!?" An unfamiliar voice said to me before she looked at me.
Hala..!?
"Ysla! Sorry I'm late!" Rinig kong pagtawag sakin ni Nova mula sa likuran ko.
Hala!? Sino yung niyugyog ko kanina!? Hala.. nakakahiya!
"Omg miss, I'm really sorry! I mistaken you for Nova and i didn't meant to." Kagat daliri kong paghingi ng tawad. Jusme marimar nakakahiya! Lupa lamunin mo na ako pakiusap..
"It's okay. I'm not hurt, i was just surprised at what you did." She said then smiled. Nahihiya pa rin ako kaya humingi ulit ako ng tawad saka hinila ang braso ni Nova at umalis.
"What happened, Ysla?" She asked at inabot sakin ang coffee. Alam niya talaga ang magpapakalma sakin.
"Eh akala ko naman kasi ikaw yung nakaupo kaya pagkababa ko ng building hinawakan ko yung balikat niya saka niyugyog siya ng sobra!" I explained to her, still embarrassed.
Tumawa naman siya ng sobra kaya pinanliitan ko siya ng mata. Papunta kami ngayon sa 4th floor kung saan rin yung classroom namin. Hindi pa naman kami late since may 10 minutes pa kaming natitira mula sa break namin.
The Greeks developed three architectural systems, called orders, each with their own distinctive proportions and detailing. The Greek orders are: Doric, Ionic, and Corinthian. There are three special sections in 4th year and named it after orders.
I and Nova were in Section Corinthian at ang dalawa naman ay Doric at Ionic. Habang ang non-special section naman ay ipinangalan sa Greek Gods and Goddesses.
Nang makapasok na kami sa Classroom ay umupo na kami ni Nova, magkatabi at maya-maya naman ay pumasok na ang Professor.
Tinanong ko si Nova kung anong pangalan ng Professor na nagtuturo ngayon sa harapan namin, at sabi niya naman ay Henry Samueli.
Nagtuturo siya ngayon ng Science at ang topic ay Biology.
"How does the outer layer of skin cells on my finger detect when I am touching an object? Anyone?" He asked. Someone raised their hand.
"Yes, Ms. Lynch."
"The outer layer of skin cells on your finger does not detect anything." Lynch answered. Hindi pa rin nasatisfy si Prof sa sagot niya kaya naghihintay pa ito ng idadagdag.
"The outer layer of your skin contains cells that are dead. In fact, the outermost 25 to 30 cell layers of your skin consist of dead cells that do nothing beyond providing a physical barrier that keeps water in and chemicals out." She added.
"Okay, thank you." Ani Prof Henry. Nagdiscuss lang siya ng topic patungkol doon sa tanong kaya medyo natagalan rin ang pagdiscuss niya, hindi rin naman nakakaboring kasi nagsisingit siya ng joke.
Natapos na ang lahat ng subject namin ngayong araw. Kaninang tanghali naman ay nananghalian lang kami ni Nova sa cafeteria at pumasok na ulit sa klase. Wala kaming ibang ginawa ngayong araw kundi ang mag-aral dahil rin next week na ang exam para sa third quarter.
"Ysla, samahan mo muna ako sa court." Sabi niya kaya napatango nalang ako at sumunod sa kaniya.
Sakto naman na pagpasok namin ay kakatapos lang magpractice ng basketball team. Sinundan ko lang si Nova na puntahan ang lalaking nasa bleacher habang nagpupunas ng pawis.
"Hi Eli! Are you free after this?" Tanong ni Nova sa lalaking nagpupunas ng pawis. Grabe. Atapang babae.
"No, i'm sorry. I'm still going to the conference room for our training on radio broad, you know that our school needs to win the regionals so.. I don't have time to go out now. Pasensya na talaga ha." Paghingi ng pasensya nung lalaki, nginitian naman ito na parang nahihiya. Hindi ko nalang pinakialaman dahil bored na rin ako.
"It's okay, don't be sorry. Good luck on your practice." Nova smiled genuinely at him. I and Nova was about to leave when someone yelled her name. Ang dami namang fans ng babaeng 'to.
"Nova! Yuhoo!" Lumingon naman si Nova at binati ang lalaki.
"Oh, hi Blaize! How are you doing?" She asked. Eh? Bakit familiar yung lalaki?
"Okay lang, ikaw?" Tanong niya at napabaling ang tingin sakin. Nanlaki naman ang mata niya at namula ang pisngi. Nagtaka naman si Nova kaya napatingin siya sakin at tinignan ko naman siya.
"I'm good. What happened to you? Bakit bigla kang namula dyan?"
"W-wala. Wala naman, luh sinong namula?" Natatawa kong tinignan ang itsura niya kasi nakakatawa naman talaga.
"So your name is Blaize. Nice to meet you, Blaize." I offered my hand to him, matagal niya itong tinitigan bago inabot.
"Oo lods, Blaize Grayson pangalan ko. Nice to meet you rin." Sabi niya saka nakipag shake hands.
"Do you guys know each other?" Nova asked.
"No, pero siya yung sinabi ko about dun sa performance ko. Siya yung kinindatan ko na namula rin yung pisngi hahaha." I said. Hinampas naman ni Blaize ang braso ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ayos ka ah Blaize, sapakan?" Tanong ko pero sabi niya ay mamaya nalang daw at maliligo pa siya. Napatingin naman ako dun sa kasamahan niyang si Eli.
Nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay, napailing naman ito at umalis na rin.
Lumabas na kami ni Nova sa court. Saktong may kinuha pa ako sa conference room. Nakita naman ako dun ng head coach ng journalism kaya kinausap niya muna ako.
Napatagal naman ng sampung minuto ang pag-uusap namin kaya paglabas ko ay nakita ko na si Blaize na may kasamang dalawang lalaki habang kausap si Nova kaya lumapit na rin ako sa kanila.
Intro; We are the Y. A. P Young Aiders' Patrol. Listen up now.
Ian (anchor 1) : Fearless, Vigilance and Balance Broadcasting.
Eli (anchor 2) : News with no bias!
Ian : News with no exemptions!
Eli : Include nothing but the truth!
Eli & Ian : This is DZXB 92. 5 Young Aiders' News Patrol!
Ian : The voice..
Eli : The agents..
Ian : I am Ian Dylan Martinez.
Eli : And I am Elias Blake Octavious.
Eli & Ian : The Catalyst of Makati.
"Ano yun?" Tanong ko nang marinig sa paligid ang parang radyo.
"That's Eli and Ian. They're currently practicing radio broadcasting for the regionals dahil napanalo nila ang division level last month." Pagsagot sakin ni Nova, tumango nalang ako.
No wonder kung bakit maraming nagkakagusto sayo Eli. Your voice feels like home.