Chapter 6

Third Person's POV

3 months. 3 months since na coma si Aser. 3 months since bumalik si Ace rito. 3 months na at alam na nila na nandito si Ace. 3 months at hindi pa rin alam ng kanilang ermats at erpats ang nangyari sa kanilang anak. 3 months na at hindi nila alam na may nabubuong nilalang sa tiyan ng kanilang kapatid.

Sa pamamahay ng mga Romano…

“Ace, nasaan ba si Aser, anak?” tanong ng kanilang reyna.

Ang tatlong magkakapatid ay napatigil dahil sa tanong ng kanilang ina. Nagsitinginan silang tatlo.

“Oo nga, Ace. Tama ang ina niyo? Nasa’n na ba si Aser?” tanong ng kanilang hari na kakarating lang.

Tumingin si Ace kay R at Agoeath. Pinandilatan naman siya ni Agoeath para sabihin na ang totoo. Habang si R ay tumango-tango.

“Ma, Pa, ang totoo kasi niyan…”

Mabilis na tumakbo ang kaniyang ermats at erpats papunta sa room ng kanilang kapatid. Nagkaroon sila ng tigdalawang bukol sa ulo—isa sa ama at isa sa ina.

Pagkarating ng pagkarating nilang lahat sa room ng kanilang kapatid agad na pinatawag ang doctor na naka assign sa kapatid nila.

“Doc? How's my daughter?” Hindi mapigilan ng kanilang ina ang mag-alala. “When will she wake up? Would she still remember us?” May halong sakit na tanong ng kanilang ina sa doctor.

“Mom! Would you please calm down first!” sabi ni Ace habang akay-akay niya ang kaniyang ina.

“Madame don't worry. Sooner or later, she will wake up and YES, she will remember all of you. She's better than okay and as well as the baby,” sabi ng doctor.

“Hay. Salamat mabuti na r—” Napatigil ang kanilang ina sa pagsalita.

“Baby?” takang tanong nito.

“Yes, baby?” lumapit naman ang kanilang ama sa kanilang ina, sinuntok ng kanilang ina ang ama nila.

“What the heck, baby!?” sabi ng kanilang ama habang hinimas-himas ang ulo nito. Hindi niya makuha kung bakit binatukan siya nito.

“Doc? Did you just say baby?” Tanong ng kanilang ina habang eni-emphasize ang salitang baby.

“Yes. Didn't you know? She's pregnant for 3 months!” Masayang sabi ng doktor na ikinatigil ng lahat. Tumingin ang doktor sa kanyang relo at nagpaalam ito dahil may ibang pasiyente pa raw ito.

Silang lahat ay tulala. Madaming tanong ang nasa utak nila. Nagkatinginan silang lahat at kalauna’y… ang ina nila ay lumapit kay Aser at hinawakan ang medyo umbok na tiyan.

“Pa'no nangyari 'yon?” tanong ng kanilang ama habang ito ay nakatitig sa asawang masayang-masaya.

“Pa, we don’t know,” sagot ni Ace at tumango naman sina R at Agoeath.

“Pa, I think it’s better to ask her when she wakes up. For now, we should protect both of them,” saad ni Agoeath sa kanyang ama na inaalis ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng kanilang bunso.

“Everyone! Don't worry!” Masayang saad ng kanilang ina.

“Ma bakit... mukhang masaya ka?” tanong ni R na sumisipsip ng Chuckie.

“Dahil atlast! May bata ng maglalaro at mag-iingay sa tahimik na mansyon ng mga Romano!” excited na wika ng ina nila.

“E, ma! Paano ‘pag walang ama 'yan!” galit na saad ni Ace.

“Duh. Kahit walang ama 'yan kaya naman natin ‘yang palakihin.” Inirapan si Ace ng kanyang ina.

“What!? No! It better have a father!” sigaw na naman.

“Fine! Chill! We can investigate this!” Iritang sabi ng kanilang ina.

“Tsk!”

“E, ikaw kasi Ace! Malapit kanang mawala sa kalendaryo hindi ka pa rin nagkaka-anak! Ayan tuloy naunahan ka! Lalaki kang GU-RAAAANG!” Panunukso ng kanyang ina. Uminit naman ang ulo ni Ace dahil sa sinabi ng ina.

“Foul na 'yun ah!” tawang sabi ni R, tawa naman ng tawa ang ama nila pati na rin si Agoeath.

“That hurt, Kuya,” sabi ni Agoeath na hawak-hawak ang kanyang tiyan dahil sa kakatawa.

“Damn it,” Ace murmured.

Elzid's POV

It's so boring without toys being played. Kinuha ko ang telepono ko at t-in-ext ang gago.

Uy? Ano ‘gawa mo?

After fucking 15 minutes and blah blah blah nag reply na siya.

Zord the Great!

Wala. Ano, bar hop tayo?

Hmm. Mukhang okay 'to.

Okay. Kitakits nalang sa Joker's Club.

Hindi na nag reply ang gago. Baka naligo na 'yon. Bumaba na ako galing sa condo ko at pinuntahan ang baby ko.

“Baby, did you miss daddy?” ngisi kong sabi. Pumasok na ako at ipinaandar agad ‘yon. Nag drive ako patungo sa JC's at hinintay ko siya. After 30 minutes ata nandito na siya. Nangangawit na nga ang mga paa ko rito at baka pumuti na rin yung mata ko.

“Ang aga ah,” wika ko na puno ng sarkasmo.

“Better late than never,” sagot nito sa akin habang pinapaikot ang car keys niya sa hintuturo.

Sumunod ako sa kanya pero pinigilan kaming pumasok ng isang bouncer.

“18 below hindi pwede,” matigas na saad nito na animo’y may kasalanan kaming nagawa.

Tumungin naman sa akin ang gago.

“Men, dalawa lang tayo! Dapat 18 daw!” Natatarantang sabi ni gago sa akin at sinuntok ko nalang siya.

“Gagi!” sabi ko at tinulak siya upang ako na ang bahala sa bouncer. Mukhang ‘di niya ata kami kilala.

Siguro bago ito.

“I'm Optimus and that idiot is Prime,” pakilala ko sa aming dalawa at ipinakita ang card na rito sa JC's lang pwedeng gamitin.

“Sorry, sir! Come in come in,” ani ng bagong kakarating lang. Agad naman akong pumasok at kasunod ko lang siya.

“The ambiance here makes me wanna fly!” sabi ni gago habang sinisinghot-singhot ang baho dito sa JC's.

“Zord, how high are you?” tanong ko habang palinga-linga upang may makitang upuan.

“So high, that would make girls moan!” Halakhak nito.

I smirked.

Sa wakas may nakita rin akong bakanteng upuan kaya umupo kaming dalawa. May isang waitress ang pumunta sa gawi namin at kinuha ang order namin.

“Men, ano sa'yo?” tanong ni gago sa ‘kin pagkatapos niyang sabihin ang order niya.

“Tubig.”

“Tubig daw Miss, tub—” Napatingin ang gago sa akin. “Is that you, men!?” takang tanong nito sa akin. Tumango naman ako.

Anong bang meron?

“Pwede kanang makakaalis, Miss. Tubig lang sa akin,” paliwanag ko sa waitress at pumunta naman siya sa counter upang kunin ang order namin.

“Men! Nasapian kaba?” ‘di makapaniwalang tanong ng gago habang inilagay ang likod ng palad niya sa noo ko. Iwinaklis ko ito.

“This is me, idiot! Wala lang akong ganang uminom ngayon,” saad ko habang nakatingin sa mga sumasayaw.

“Grabi men! Ikaw pa ‘tong nag-aya! Ikaw pa 'tong ayaw uminom. Tsk!” Sinuntok ako ng gago sa braso. Napahilot ko tuloy ito dahil medyo may lakas 'yong pagsuntok niya sa akin.

“Here's your order, Sir,” Sabi no’ng babae na kumuha ng orders namin. Inilapag niya iyon sa mesa at kumuha naman ako ng pera upang ipambayad.

“Fuck men! Mukhang may lalapit sa ating chikababes!” sabi nito habang naka upo na—spread legs. Yung parang kayang kainin ang lahat.

“Pwede bang maki-share?” tanong no’ng babae na halos kita buong kaluluwa. Damn. I hate it, but sometimes I love it. Oops.

“Opkors. Opkors. Sit down, Ladies,” sabi ng gago na iginaya sila para umupo, may umupo sa side ko pero iniwasan ko 'yon. This is not like me. So not me.

“Men, ano bang nangyayari sa'yo?” sigaw ng gago sa akin.

“Why?” Takang tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Zord no’ng nakita niya siguro ang inosente kong mukha.

“Why are you avoiding her?” Turo niya sa babaeng nasa gilid ko.

“I don't know. But I think may pinagtataksilan ako. Arghhhh! Basta!” saad ko na litong-lito sa buhay. But I really do feel na parang may pinagtaksilan ako. Nakaka-stress ng bulbol.

“Men! Are you nuts!? You don't even have a girlfriend para pagtaksilan mo!” paliwanag niya sa akin na nagpamulat sa aking sarili.

Yeah. He's right! Better do happy things before I die.

Third Person's POV

“Lord Zoroa. Hindi pa rin po gising ang babae,” mahinahong saad ng doktora.

“Pero ayos naman ‘yung bata ‘di ba?” tanong nito na nag-alala sa magiging apo niya.

“Oo po, wala namang problema. As far as I know po alam na po ng magulang no’ng babae na buntis siya,” paliwanag ng doktora.

“’Pag gising na ang babae d'yan nalang tayo magpapakita,” wika ni Lord Zoroa na napakamot sa ulo dahil sa pagkakamali ng doktora.

“This sounds interesting.” Ngumisi si Lord Zoroa.

“Pa'no po, Lord Zoroa?” tanong ng doktora habang inaayos ang shades niya.

“Tingnan natin kung matatauhan ka na ulit, Elzid,” saad nito at iniwan ang doktora na nagtataka.

Sa panig ng babae...

“Mom what are you doing?” Biglang sumulpot si R na ngayon ay nasa tabi na ng kanyang ina na tinitingnan ang tiyan ng kapatid niya.

“Tinitingnan ko lang kung papatid si baby,” masayang saad nito habang nag ha-humm ng isang lullaby.

“Mom!” sigaw ni Ace na halatang gigil na gigil sa ina.

“What baby?” Tanong nito na para bang bata si Ace.

“Mom! You're starting to creep me out!” sigaw nito ulit.

“Gusto mo ba ng kiss ni momma, babyyy?” saad nito habang papalapit kay Ace.

“Don't you dare!” duro nito sa Ermats niya.

“Come to momma, baby Aceee!” sabi nito at nahawakan na si Ace at niyakap niya ito. “You've grown so much, my boy,” wika nito at i-k-in-iss sa pisngi!

“Watdahek! Mom! I’m not a kid no more!” galit na wika nito habang tawa ng tawa ang kanyang ermats lalo na si R.

Nakita nilang pumasok ang kanilang ama kasama si Agoeath na kakabili lang ng pagkain.

“Come to momma again, babyy!” sabi na naman ng kanyang ermats. Takbo ng takbo sila sa room ng kaniyang kapatid.

“Mom! You're creeping me out!” saad na naman nito ulit. Kahit na malakas si Ace may takot ito sa kaniyang ermats. Ang pagiging creepy nito ang dahilan. No, there's more to that. Habang sina R, Agoeath at ang kaniyang ama ay tawa lang ng tawa sa kanunuod ng dalawa. But then…

“What the fuck happened to me?” A cold voice boomed! That made them stop laughin' ang playin'. They look to where it came from, and shock was written down on their porcelain face.