Chapter 4

Third Person's POV

Dalawang linggo. Dalawang linggo na nilang alam kung nasaan ang hari. Dalawang linggo na pero hindi pa rin ito nagpapakita. Dalawang linggo na simula no’ng na coma ang kapatid nila.

"Oy, ‘goeath! Para sa 'yo, bakit hindi pa siya nagpapakita?" tanong ni R kay Agoeath habang binibraid nito ang sarili nitong buhok, nangangawit na nga siya pero tinitiis niya lang.

"Alam mo naman. May pa grand entrance 'yon," pailing-iling na sabi ni Agoeath.

Habang tutok na tutok sa kanyang telepono si R at braid nang braid si Agoeath sa kanyang buhok. Biglang bumukas nang napakalas ang pinto.

"Anak ko… anak ko!" iyak ng isang ale at pinuntahan ang nakahandusay na pasiyente.

Tumayo naman agad ang dalawa at pinigilan na pumunta ang ale.

"Missus, nagkakamali kayo ng room," pahayag ni Agoeath. Kung dapat ba talagang tawaging Missus o Donya? Hello, mga masasamang tao lang ang puwede rito.

"Huh?" sabi no’ng ale o Donya at tumingin-tingin. Tiningnan niya ang pasiyente. "Oo nga 'no. Wala naman akong anak na panget," saad nito at umalis na. Weirdo ang unang naisip ng magkapatid.

"Kung makapangit wagas! Tsk! May silicone mask kaya si bunso!" gigil na saad ni Agoeath.

"That woman is a Bando," puna ni R habang iniriri-search ‘yong ale kanina.

"They're weak as far as I heard," salita ni Agoeath habang umiinom ng juice, pero naibulwak niya ito no’ng bumakas na naman ang pinto at nakita niya ang taong hindi niya inaasahan. "K-Kuya…" napalunok siya, tinitingnan niya kung saan papunta ang panganay niya. She smiled filled with worries.

"R, care to explain," ma-awtoridad na utos ni Ace kay R. Dahil doon in-explain ni R ang lahat hanggang sa napunta si Aser dito.

Lumabas si Agoeath sa room dahil mukhang may mabigat na aura ang nakapalibot doon. Umuwi nalang siya at matutulog kung saan walang aurang masama ang nakapalibot. Tumayo si Ace palapit kay Aser at pinisil niya ang pisngi nito.

"You dimwit! Tsk!" sabi nito tapos biglang umalis sa room at malakas na isinara ang pinto na ang dahilan kung bakit naging '6' ang '9' na room number.

Napailing-iling nalang si R habang nakatingin sa mga bells na nag-iingay. Umupo siya at si-net ang headset niya habang nanunuod ng Trolls. Hindi niya namalayan na may pumasok na isang doktor. Tiningnan niya ‘yon at tango lang ng tango ang sinasagot niya, walang pakialam kung ano ang ituturok sa kapatid niya. Sinabayan niyang kumanta si Poppy ng ‘Get back up again’ ‘yong feel na feel talaga. Tapos na ang ginawa ng doktor kaya lumapit ito kay R at may sinabi bilang sagot ni R tumango-tango lang ito at dahil akala ng Doktor na naintindihan ni R ang kaniyang sinabi nagpaalam siya nito at lumabas na. Hindi niya alam, dahil sa kamalian niya, may bagong haharapin na pagsubok ang nakababatang nilang kapatid.

Elzid's POV

Buhay masarap talaga. ‘Yung moment na gigising ka sa mahal mong kama.

"Papakasalan kaya kita," may nanunuyong sabi ko habang nakatingin sa kama. Humagalpak ako ng tawa.

"Puwede rin. Kaya lang ano naman ang gamit ng kaibigan ko?"

Ha! Ang suwabe ko talaga.

Naligo na ako at pumunta na sa kusina upang kumuha ng pagkain at pumunta sa sala. In-on ko ang TV at ang lumabas ay si Black Priestess. Sa katunayan siya talaga ang babaeng mahal ko kahit sa tanang buhay ko kahit na one-time ko lang nakita ang mukha niya tapos doon pa sa medyo madilim. Pero ngayon wala na, wala na ang babaeng mahal ko but, I have hope on her. Masamang damo siya kaya hindi madaling mamatay 'yon. Pero may DNA kasi. Kaya ‘yun tuloy 50/50.

Narinig ko na tumunog ng telepono kaya kinuha ko ito at, "What is it now, dad?" bungad ko habang nag-aayos ng maong.

"I'm just happy for you, son." Nagtataka akong napatingin dito.

"Happy for what?" takang tanong ko, mukhang may mali rito, imbis na sagutin niya ako binabaan niya ako.

"What the fuck was that!" sigaw ko at umalis na sa condo na binili ko. Pinisil ko nalang ang noo kong sumasakit dahil sa ginawa ng ama ko. Like watdapaking pak!

Naglakad lang ako ngayon dahil tinatamad akong mag-drive. Nasisiyahan din naman ako kasi ‘pag dadaan ako tumitingin sila sa akin. Pa'no ba, mala Adonis kaya ako.

Pumasok ako sa isang Coffee Shop na may pangalan na ‘God's Coffee’ paborito ko ito kasi totoo na ito ay Gods Coffee. Masarap ang mga inihanda nila, um-order na ako at umupo sa gilid nang may umupo sa tapat ko.

"Yo bro!" sabi ng isang nakakairitang boses.

Hindi na ako lumingon pa at sumipsip nalang.

"It’s been a while stupid mother fucking shit," patuloy nito at kinuha ang putang inang order ko at ininom niya.

"What the fuck, Zord!" sabi ko at hinablot ang order ko. Ano'ng akala niya?

"Men! It's been a long time. Tapos ito ang welcome mo sa 'kin? Ouch men! Ouch!" akto nito na nasasaktan. Baliw fota.

"Ulol mo!" sigaw ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"How's your friend? Still good?" sabi niya na may nakakainis na tingin. Tumingin pa ‘yung hayop sa baba talaga.

"Oo naman. Baka nga sayo hindi na," sabi ko at tumawa.

"Fuck off men! Nasa mission kaya ako this past few days," ngisi-ngisi niyang sabi.

"Bakit mukha kang masaya?" tanong ko habang hinihigop ang nalalabing tira ng aking in-order.

"You know me, men!" sagot niya at itinaas ang kamay hudyat na may ipapa-order siya.

"Yes, Sir?" sabi ng isang babaeng waiter na halata naman na nagpapa-cute. Isa pa 'tong babaero.

"One Cronus' Capuccino and… you," sabi niya at humagalpak nalang ako sa tawa. Kinilig naman ang babae, ang bilis ma attached, ganiya’n ba talaga kayong mga babae?

"One Cronus' Capuccino and... me? Sorry, Sir, but I'm not available," sabi ng waitress at bumalik na sa counter. Ang ganda niya naman siguro para hindi siya available.

"That was epic, Carson," sabi ko na may halong pang-iinis.

"Stop it, men! ‘Wag mo nga akong tawagin sa second name ko! Ang baduy ulol!" iritang sabi niya, kaya lalo kong inirita.

"Oh, gano’n ba? Bakit kapag si Eunice okay lang?" pambabara ko.

"She is my toy. Every toy of mine can call me only with Carson," he grinned.

"E, sino ba dapat ang tatawag sa ‘yo ng first name mo?" tanong ko at umupo ng pandekwatro.

"My loved ones only," he smiled.

"Zord… " sabi ko.

"What the fuck, men! I don't love you!" gigil na sabi niya habang ako naman ay tawa nang tawa.

"Zord that hurt my feelings. Am I not your bestfriend?" sabi ko at umakto na nasasaktan.

"Shut up, men!" Inirapan ako ng gago.

Tawa ako ng tawa hanggang sa dumating ang order niya. Pero iba na ang nag bigay. Nag thank you naman siya.

"Men, balita ko kayo na ulit ni Sab?" tanong niya na mukhang batang sumisipsip sa order niya.

"Para sa kanya. But for me? NO. I’m just playing with her," sagot ko at itinaas ang kamay ko. Mag o-order ulit ako kasi nagugutom na naman ako. Ano ba namang kasing klaseng nilalang ang nasa tiyan ko? Baka malaking sawa.

Dumating ang isang waitress pero iba sa kumuha ng order ni Zord.

"Can I take your order, Sir?" sabi niya habang handa na isulat ang order ko sa notebook na dala niya.

"Poseidon's Black Forest only," sabi ko, ini-repeat niya iyon para sakto at pumunta na sa counter.

"Are you still waiting for her, men?" tanong nito sa akin na may pataas kilay pa.

"But she's dead," sabi ko na naghihinayang. I mean, half, yeah, half.

"Men, she can't just die that easily, ya’ know."

"I know."

Nakita kong tiningnan niya ang kaniyang relo at tumingin sa akin.

"Men, I think I need to go. May putang inang mission na naman ako." Tumawa ako sa sinabi niya.

"Go ahead Zord, goodluck." Ngumiti ako at binigyan ako ng gago ng isang death glare.

Nga pala 'Zord Carson Villareal (Vilyareyal)' ang pangalan niya. We've been best friends since birth. Lol. Ang papa niya at papa ko ay best friends kasi noon. So, obvious naman siguro na anak nila ay tropa rin.

Tumayo na ako at nilisan ang God's Coffee at pumunta ako sa park. Nanunuod lang ako sa mga bata na naglalaro. Hindi ko kayang panuorin ang mga laberds, sumasakit kasi ang mga mata ko.

"Oh my God! Isn't that Elzid!?" Narinig ko na sabi ng isang babae. Hindi ako tumingin. Baka matunaw pa mag kakaroon pa 'ko ng atraso.

"Yes, bitch! It's him! Daliiiii!" Narinig kong tili no’ng babae kaya’t tumakbo na ako papunta sa ibang daan bago pa nila ako madumog. Mahirap na baka madumihan pa ang katawan ko nito.

Napunta ako sa isang maliit na eskinita at nakita kong tumatakbo sila pupunta roon sa malayo. Lumabas na ako at pinagpagan ang sarili ko. Palinga-linga ako baka nandito pa sila. I sighed in relief, dahil wala na.

Umuwi na ako galing sa condo nang may nakita akong naka-ipit sa may pintuan ko. Kinuha ko iyon at tiningnan.

'Congratulations' ang nakalagay. Wtf!?

Third Person's POV

Sa pamamahay ng Zoroa…

Someone knocked on the door. "Pasok," sabi ni Lord Zoroa at pumasok ang Dra.

"Lord Zoroa. Mission Success po," report nito at nag bow. Ngumiti si Lord Zoroa hanggang sa tainga.

"Makakaalis ka na," sabi ni Lord Zoroa sa Dra.

"Sa wakas! Matatapos mo na rin ang mga kalokohan mo Elzid. Dahil magiging isang ama ka na!" saad nito at tawa ng tawa. Uupo na sana siya nang nag ring ang telepono.

"Yes?" saad nito.

"Oh, Santiyeza?" Ngisi-ngisi siya. "Ano? Pero sabi ng Dra. ko tapos na raw!" wika nito na may halong pagtataka. "Ano? Hindi dumating?" takang tanong nito. "What!? No, hindi pwede! Deal na 'yon!" saad nito na galit na galit. "Sige kung gayon, close na," saad nito ulit at ibinato ang telepono sa malayo.

Pumunta siya sa intercom at…

"Doktora! Come in here!"

Ilang minuto ang lumipas dumating din ang Dra.

"’Di ba naiturok mo?" galit nitong saad sa kaniya.

"Oo po, Lord Zoroa," magalang na sagot nito.

"Bakit sabi ni Santiyeza na hindi ka raw dumating?"

"Pumunta po ako. ‘Di ba room 6. Eh room 6 po 'yon," paliwanag niya.

Nagbuntong-hininga si Lord Zoroa at minasahe ang templo niya.

"Pupuntahan natin 'yon bukas. Mukhang nagkamali ka ng pagturok," sabi nito sa Dra. at hindi makapaniwala ang Dra. sa narinig niya.