Chapter 22: Her
CALVIN'S POV:
--
KUNOT noong nakaupo lang ako sa visitor's lounge kung saan nasa loob ako ng opisina ni Gun dito sa L. A Hospital. Tinawagan niya ako kanina dahil may importante raw itong sasabihin ang kaso meron akong misyon na haharapin pero inuna ko na ang sasabihin ni Gun.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" naiinis na usisa ko kay Gun dahil kanina pa ito labas-pasok sa sarili nitong opisina dito sa ospital dahil sa dami ng pasyente na inaasikaso nito.
"Nandyan ka pala?" aniya na tila nasorpresa pa na makita ako.
"Tarantado! Pinapunta mo ako para lang sabihin sa akin yan?" binigwasan ko si Gun pero nakaiwas ito at tatawa-tawang umupo sa swivel chair nito.
Kung hindi lang nito suot ang lab gown hindi ko siya ituturing na doktor nang ospital na ito dahil sa pagiging maloko nang isang Glyden Ulysses Norhton.
"Sorry na Calbee~" aniya na tila dalaginding.
Tanging ang mga babae lang ng HuPoFEL ang pwedeng tumawag sa akin ng Calbee in a sweet way at hindi excempted si Gun doon.
"Uuwi na lang ako." sagot ko. Akmang tatayo na ako mula sa kinauupuan ko nang pigilan ako ni Gun gamit ang medical record na hawak nito.
"Ito naman hindi na mabiro. Tungkol ito sa girlfriend mo kaya maupo ka dyan." wika ni Gun at tinampal pa ang noo ko gamit ang makapal na log book na hawak nito.
"Sinong girlfriend? Wala akong girlfriend." sagot ko.
"Hindi ba't girlfriend mo si Bautista?" aniya na tila nagulat pa.
"Gagu!"
"Ay hindi ba? Sige kapatid na lang. Tungkol ito sa kapatid mo." dugtong pa nito.
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. "Deretsahin mo na lang kaya ako? May misyon pa ako Gun."
"Comatose si Miss Bautista."
Napatingin kay Gun. "What?"
"Sabi mo deretsahin kita tapos tatanungin mo ako? Dahil sa nawalang dugo sa kanya mahihirapang makarecover ang katawan ni Miss Bautista at ayun sa findings ng health niya, she fell into coma."
Natameme ako.
Saka ko lang napagtanto na isang taon na ang nakakalipas mula ng maospital si Celyn at monthly rin akong nagsusupply ng dugo sa kanya at hindi ko siya nadadalaw sa mismong ward kung saan siya naroon.
"Paano nangyari yon?" takang tanong ko.
"Kausapin mo na lang si Celyn na gumising na. Madami pa tayong hinaharap na problema sa HuPoFEL at Bloodfist kaya kung ako sa'yo gigisingin ko na ang girlfriend ko. Pupunta ka ng Bhutan diba? Balita ko kailangan ni Senri ang tulong mo kaso kailangan din ni Kastiel at Reiden ang presensiya mo. So, sino ang uunahin mo sa kanila?"
Tulala akong lumabas sa opisina ni Gun at napapabuntong hininga na lang ako nang mapansin kong nasa loob na ako ng sarili kong sasakyan nang hindi sinagot ang mga tanong ni Gun.
Ang daming bumabagabag sa isip ko at dumagdag pa ang kalagayan ni Celyn ngayon. Dad and Tita Lynzi is fine with their relationship at unti-unti na ring humaharap sa pamilya ni Tita Lynzi si Dad.
Ang isa pang problema, si Kastiel at Reiden na nasa Bhutan ngayon kasama si Thud at ang anak ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta ni Luther sa Bhutan.
Natinag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot.
"What is it?" wala sa sariling bungad ko matapos kong sagutin ang tawag.
"Where are you?" balik na tanong mula sa kabilang linya. Narinig ko ang ingay ni Andrew at Cold at mukhang may pinagdidiskitahan na naman sila.
"L. A Hospital, bakit ba?"
"Come here at HuPoFEL, Luther asked me to call you and your presence needed at the meeting later." sagot ni Dezrail.
"Hindi ba kayo makakapagsimula ng meeting nang wala ako?"
"Luther said it." ani ni Dezrail na pinagdiinan pa ang pangalan ni Luther kaya wala akong nagawa kundi ang magdrive papuntang HuPoFEL.
Pagkarating ko sa HuPoFEL bumungad sa akin ang ingay ni Andrew at Cold kasama si Saviel na mukhang may pinagtitripan na naman.
Kunot-noong lumapit ako sa kanila at nakitang abala sila sa paglalaro ng isang mobile game kasama ang isang babaeng ngayon ko lang nakita. At akala ko kasama ni Sinji si Saviel.
"Shet Cold dun ka sa turtle!" ani ni Andrew na kulang na lang ay wasakin ang sarili nitong cellphone.
"Tanga! Tank ako, kita mong abala ako dito. Si Saviel dapat dun."
"Bobo! Si Rent yong core."
Samu't saring mura ang naririnig ko sa kanila habang naglalaro kaya naman tinanong ko si Euve na may hawak ng pera.
"What are they doing?" usisa ko kay Euve. Isa sa mga babaeng assassin na under sa pamamahala ni Kastiel sana kaso nagkaproblema.
"Rent develop a mobile game and they are trying it with that girl." ani ni Euve at tinuro pa ang babae na ngayon ko lang nakita.
"Who is she?"
"Thud brought her here and he says that girl wanted to play into international stage where all the pro-players are gathered."
"Hindi ba't nasa Bhutan si Thud?"
"You know how he works even if he's out of the galaxy. So, you wanted to bet? Saviel's group against that girl."
Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang wallet sa likod ng pantalon ko. "10k sa grupo nina Saviel."
"You sure?" aniya na tila nagduda pa.
"Yeah." sagot ko bago inilapag ang pera sa kamay niya.
Binalingan ko ang grupo nina Saviel at nasa isang kastilyo na sila na winawasak ng babae na siyang kalaban nina Saviel.
"Defeat."
Malakas na hiyawan ang nasa paligid habang ang apat naman ay hindi maipinta ang mukha.
"Who's the winner?" usisa ko.
"You lost the bet. It's her who won the battle."
Tuwang-tuwa sila Euve nang manalo ang babaeng bagong salta at pinaghati-hatian ang pera. Napapailing na lang ako dahil ito ang unang beses na matalo ako sa pustahan kasama ang mga kaibigan ko.
"Bobo mo kasi Cold." rinig kong wika ni Andrew na tila sinisisi si Cold.
"First time kong laruin yon, bat di mo tanungin si Rent, siya ang developer nun?" ani ni Cold at sabay-sabay naming binalingan si Rent na kausap ang babae kaya naman napatingin din ito sa amin.
"Just admit your lost, she's undefeated when it comes to mobile games." sagot naman ni Rent na tila proud pa.
"Grabe ang galing mo girl." saad naman ni Saviel.
"Not really." sagot naman ng babae na tila nahihiya pa.
Iniwan ko na lang silang nagkakagulo doon at tinungo ang opisina ni Luther. Pagkarating ko sa harap ng pinto ay kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko ang boses ni Luther hudyat na pwede na akong pumasok.
Tumambad sa akin ang magulong opisina, pati ang taong namamalagi dito - gulo-gulo ang buhok, maitim ang eyebag, lukot ang suot na puting long sleeve at tila binagyo ang paligid.
"What happened here?" usisa ko.
Puro ako tanong ngayong araw na ito dahil sa minsan lang akong mapunta sa HuPoFEL sa dami ng trabaho na inaatupag ko sa CDC.
"A usual scenario of my territory. What brought you here?" sagot ni Luther. Bakas sa boses nito ang pagod pero pinipilit pa rin nitong magtrabaho kahit hindi na kaya ng katawan nito.
"Mission. You told me I need to go to Bhutan to pick up Kastiel and Thud?"
"Right. But no need to worry about it, Montenegro can do his thing with his family."
Napatanga ako. Ano na lang ang gagawin ko?
"Anyway, help me with this documents." dugtong pa ni Luther bago binitawan ang papeles na hawak nito.
Napabuga na lang ako ng hangin bago lumapit sa swivel chair nito.
"Take some rest, I will do the job. You look sick." wika ko kay Luther.
"I am not sick." depensa naman nito.
"Hindi nga pero kulang ka sa pahinga at tulog. Gusto mo bang tawagin ko si Saviel?"
"She has nothing to do with this."
Tinitigan ko si Luther kaya naman napabuntong-hininga ito. "Yes please, call her for me."
Agad kong kinuha ang cellphone sa pantalon ko bago tinawagan si Saviel at pinapunta sa opisina ni Luther. Nang dumating si Saviel ay agad nitong hinila si Luther palabas ng opisina nito. Narinig ko pang nag-aaway ang dalawa pero hinayaan ko na lang bago naupo sa swivel chair na iniwan ni Luther.
Tungkol sa mga natapos na misyon ang nasa ibabaw ng mesa ni Luther pero may isang papel ang nakakuha ng atensyon ko. Profile ng isang lalaki na nagngangalang Lucas, isang grupo ng banda na nagngangalang LawLess na pinangungunahan ni Cicillion Belgarde. I am not familiar with this people so I disregard it and do my thing.
CELYN'S POV:
--
NAGISING ako sa lamig ng hangin mula sa labas ng bintana. Bumungad sa akin ang puting kisame at mga aparatong nakakabit sa katawan ko. Dahan-dahan akong bumangon bago tinanggal ang oxygen na nasa bibig ko. Ako lang mag-isa ang nasa loob ng ospital room at hindi ko alam kung na saan si Mommy at kung ano ang nangyari sa akin.
Natinag ako nang bumukas ang pinto at bumulaga sa akin ang bulto ni Gun.
"Oh? Gising ka na pala?" aniya bago sinara ang pinto ng kwarto ko.
"Ilang araw akong tulog?" tanong ko dito.
Lumapit si Gun sa kama ko at chineck ang IV na nakakabit sa braso ko. "Hindi ka pa pwedeng kumilos ng padalos-dalos dahil dyan sa tahi sa likod mo at sa tyan. Mahiga ka muna ulit Miss Bautista."
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Doc Gun. Namamanhid na ang likod ko at hindi ko alam kung ilang araw na akong natutulog.
"Where's my Mom?"
Bumuntong-hininga si Doc Gun bago naupo sa tabi ko. "One year ka nang natulog Miss Bautista. Sa dami ng dugo na nawala sa katawan mo, you fell into coma. And your Mom? She's with your Dad. Gusto mo bang tawagan ko sila?"
"No need. Kailan ba ako pwedeng makalabas dito?"
Pakiramdam ko gusto kong gumala at kumilos dahil na rin siguro sa tagal ng pagkakatulog ko.
"Titignan ko pa ang lagay mo since kagigising mo lang. Almost a year ka ring natulog." sagot ni Doc Gun na tila nakikipag-usap lang ito sa tropa habang tinitignan ang log book na hawak nito.
"Almost a year?" usisa ko pa dito.
Tinignan ako ni Doc Gun bago sinara ang hawak nitong log book. "Yes. Madaming dugo ang nawala sayo at kailangan kong tahiin ang likuran at tyan mo. Kulang na lang magmakaawa sa akin si Mrs. Bautista dahil sa kulang ang supply ng dugo dito sa Pilipinas. Ang masaklap pa hindi compatible ang dugo niyo ng iyong Ina kaya naghanap ako ng magsu-supply ng dugo sayo. Every month ko siyang kinukunan ng dugo para sayo, buti nga buhay pa siya hanggang ngayon at malakas ang resistensiya."
"Sino ang nagdonate ng dugo sa akin?"
"Si Calvin."
Umangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi ni Doc Gun.
"What? You don't want to believe me? Alam kong mahirap abutin ang isang Calvin De Chavez pero para sa'yo handa siyang mawalan ng dugo mabuhay ka lang."
Matapos ang usapan namin ni Doc Gun ay iniwan na ako nito. Aniya, tatawagan niya ang Mommy ko para ipaalam dito na gising na ako.
Ang bilin pa ni Doc Gun ay bawal akong bumangon sa kama ko dahil sa tahi ko sa tyan at sa likuran. Pero nung pagpunta ko sa cr ay walang bakas ng kahit anong operasyon na naganap sa katawan ko kaya malaya akong makakakilos. Trip lang siguro ni Doc Gun na gawin akong bed ridden.
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at pinapakinggan ang huni ng mga ibon, tunog ng sasakyan at kung anu-ano pang ingay na maririnig sa labas ng ospital.
Isang taon na nga ang nakalipas nang mangyari ang aksidente habang kasama ko si Thud at Cassius. Unti-unting bumalik sa memorya ko ang nangyaring pagsabog at hindi ko alam kung na saan si Cassius at Thunder. Ayoko na rin namang magtanong kay Doc Gun dahil mukhang abala ito.
Sumapit ang dilim nanatili lang akong nasa harapan ng bintana bitbit ang dextrose na nakakabit sa braso ko habang tinitignan ang kaganapan sa labas ngunit tanging mga ilaw lang ng sasakyan ang nakikita ko.
Natinag ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa noon si Liezel na may dalang prutas. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang makita niya akong wala sa kama.
"Gaga ka! Bakit bumangon ka agad?" natatarantang wika ni Liezel bago isinara ang pinto ng kwarto ko at dumiretso sa mesa na nasa gilid ng kama ko at inilapag ang dala nitong basket ng prutas bago lumapit sa akin. "Kailan ka pa nagising?"
"Kanina lang." kaswal na sagot ko.
Marami akong gustong itanong kay Liezel kaso naunahan ako ng pagka-miss sa kanya kaya naman niyakap ko si Liezel. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nito kaya naman binitawan ko ito.
Pero ganun na lamang ang gulat ko ng makitang umiiyak na si Liezel.
"Hoy, bakit ka umiiyak?" usisa ko dito bago iginiya para maupo kami sa kama ko.
"Akala ko kasi galit ka sa akin dahil sa ginawa ni Althea." sagot ni Liezel sa bawat hikbi niya.
"Gaga, hindi no. Marami akong gustong itanong sayo pero isasantabi ko muna. How are you ba? Ang tagal mong hindi nagparamdam sa amin ni Kasti. Namiss kitang bruha ka!" hinila ko ang dulo ng buhok ni Liezel na tila pinanggigilan pero natawa lang ang babae sa ginawa ko.
"Alam mo naman ang kagagahan ni Althea. Pinarehab namin siya ni Carlson dahil sa tindi ng saltik niya sa utak. Hindi ko nga alam kung bakit nagkaganun si Althea eh."
"Tumahan ka nga. Kagigising ko lang tapos umiiyak ka sa harapan ko?"
"Masaya lang ako. Araw-araw akong pumupunta dito kahit pinagbawalan ako ni Tita. Syempre bestfriend kita at nag-aalala ako sayo pero wala akong balita kay Kastiel."
Kumunot ang noo ko. "May nangyari ba?"
"Bigla na lang nawala sa GMH si Kastiel."
"GMH? What is that?"
"Grind Me Harder. Hindi ba't nakapunta ka na dyan nung minsang sinama ka ni Kastiel? Dun kami nagtatrabaho. Noong magkaroon ng engkwentro sa loob ng bar at hinahanap ng sindikato si Kastiel, bigla na lang itong nawala na parang bula."
Napaisip ako.
Hindi kaya ang dumukot kay Kastiel ay yong Luther na tinatawag niyang Boss? Pero ilang beses ko nang nakakasalamuha ang lalaking yon at wala akong naramdamang kakaiba bukod sa awra nitong puno ng awtoridad.
"Hindi ba siya tumawag sayo?"
Umiling si Liezel.
Wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko sa loob ng isang taon na pagkakatulog ko. Tila maraming kababalaghan ang nangyayari na hindi ko alam.
"Nasa mabuting kalagayan naman siguro si Kasti? Wait na lang natin siya na tumawag so that we can ask her directly."
"Kung sabagay nga. Anyway, dinalhan kita ng prutas. Anong gusto mong kainin?"
Sinabi ko kay Liezel ang gusto kong kainin at nagkwentuhan kaming dalawa. Pinag-stay ko rin si Liezel sa kwarto ko dahil sobrang bored na ako at hindi pa rin dumadalaw si Mommy or baka nakalimutan ni Doc Gun na tawagan ang parents ko maging ang kaluluwa ni Calvin ay hindi ko makita.
Gusto kong magpasalamat sa binata dahil sa ginawa nitong pagsalba sa buhay ko gamit ang sarili niyang dugo.
Everytime na maiisip kong dumadaloy ang dugo ni Calvin sa katawan ko - I feel warm. I wanted to tell him how much I love him and thank him for everything he done for me while I was in coma.