Chapter 15: Scripted or not...
CELYN'S POV:
--
PAGKALABAS ko sa gate ng bahay namin, nagulat ako nang makita ang bulto ni Carlson na pormadong-pormado at may hawak itong bungkos ng pulang rosas sa kanang-kamay habang nakasandal sa dulo ng sarili nitong kotse.
'Magbubukas lang ako ng gate para mailabas ang kotse ko, bakit nandito ang asungot na ito?'
"Napadalaw ka?" patay-malisyang tanong ko kay Carlson nang makalapit ako dito. Hindi gumagana ang kaartehan ko sa kanya kasi nga hindi ko siya gusto.
"For you," aniya bago inabot sa akin ang bungkos ng bulaklak.
"Thank you, nag-abala ka pa." labas sa ilong na pagpapasalamat ko. Labag sa loob ko na makita ang bulto ni Carlson. Buti sana kung si Calvin ang sumundo sa akin matatanggap ko pa, pero ang mahangin na ito? Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto hanggang gabi.
"I came here to pick you up, sabay na tayo pumunta sa set." aniya.
"Ah. Kung okay lang sayo pwede naman akong sumabay. Ilalabas ko sana yung kotse ko kaso nandito ka na." naiilang na sabi ko.
Carlson smiled at me. "You don't need to use your car, I can give you a ride whenever you want. So, ready ka na?"
Tumango na lang ako sa offer ni Carlson bago isara ang main door ng bahay namin at ang gate na pinag-abalahan ko pang buksan. Inalalayan ako ni Carlson na makapasok sa loob ng kotse. Sa tabi ng driver seat ako naupo hawak ang rosas na bigay sa akin ng binata, gusto ko sanang ihampas ito sa mukha niya kaso next time na lang kapag sinipag ako.
Nang makasakay si Carlson ay agad na pinaandar nito ang kotse palayo sa bahay namin. Hindi pa man kami nakakalayo sa subdivision, biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko roon ang pangalan ni Kastiel kaya naman walang atubiling sinagot ko ang tawag ng walang pagtatanong ng pahintulot mula kay Carlson.
"What's up, Kasti? How are you?" masayang bungad ko kay Kastiel na nasa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko nang marinig na sobrang ingay ng paligid ni Kastiel.
"Gaga! Ikaw ang kamusta? Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam sa amin ni Liezel ah!?" pasigaw na sagot naman ni Kastiel hanggang sa makarinig ako ng pagsara ng pinto at biglang tumahimik ang paligid sa kabilang linya.
Nasapo ko ang sarili kong noo nang maalala ko na hindi ko pala nasabi kay Kastiel at Liezel na busy ako sa taping.
"Oh God, I forgot to tell you na I passed sa audition ng CDC. Actually, I am part of the big project named Sky Fall and nasa kalagitnaan na kami ng shoot." nahihiyang paliwanag ko kay Kastiel.
"Ay ang galing. Kung hindi pa kita tinawagan hindi ko pa malalaman ang sitwasyon mo sa buhay!?"
"Sorry girl. Madami lang kasing nangyari these part few weeks and I forgot to call the both of you."
"Ganyan ka naman palagi, kapag may taping ka kinakalimutan mo kaming mga kaibigan mo."
"Ang drama mo ha!? Busy nga ako."
"Oo na!" rinig kong tawa ni Kastiel.
Kahit kailan talaga nagpapa-baby ang lukaret na ito. Huling balita ko kay Kastiel ay umalis na siya sa poder ng kanyang Ama at kasalukuyan itong nagtatrabaho bilang isang sekretarya ng kompanya. I don't know all the details kasi nga never na kami nakapag-get together dahil sa nag-iba-iba ang landas naming magkakaibigan.
Also, I didn't know where is Liezel right now even Kastiel didn't know where she is.
"Speaking of which, may balita ka ba kay Liezel?" tanong ko.
Natahimik bigla sa kabilang linya na siyang ipinagtaka ko. "Kasti?" tawag ko pa sa pangalan nito.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kastiel mula sa kabilang linya. "No. I don't have any news about her after kong umalis sa tinutuluyan niya kasi nga nagw-work ako sa isang company. Don't worry about it, baka may inaasikaso lang si Liezel sa sariling buhay niya."
"Sabagay." sagot ko na lamang pero nag-aalala ako sa mga kaibigan ko.
"Anyway, kelan ka ba magiging free? Gala naman tayo, naiinis at nai-stress ako sa Boss ko. Pogi sana kaso mukha namang bato sa tigas ng mukha kung makapag-utos sa akin. Kahit gabi tatawagan ako para lang sa walang kwentang utos niya."
I let out a giggle because of Kastiel's rumbling. "Hindi ko pa alam eh, since nasa kalagitnaan na kami ng shoot. Maybe a two or three, magkakaroon naman ako ng break, pupuntahan kita sa condo mo."
"Sure! Anyway, ibababa ko na ito dahil naririnig ko na naman ang boses ng Boss ko. Babush! Loveyou girl!"
Bago pa man maputol ang tawag ni Kastiel, narinig ko ang boses ng isang lalaki na pamilyar sa akin.
"Baby Kastiel bilisan mo!"
"Ang init ng ulo mo Calvi, kaya hindi ka nagkaka jowa eh!"
"Excuse me, baby Kastiel may pinopormahan yan na nasa loob ng kompanya niya."
"Manahimik ka tandang Ulysses."
Hanggang sa naputol ang tawag, sigurado ako na boses yun ni Calvin.
"A friend?"
Napaigtad ako ng biglang magsalita si Carlson. Nakalimutan ko na nasa kotse niya pala ako.
"Y.. yeah. She's said she missed me and she wanted to hang out for a little bit kaso ang hectic ng schedule natin."
"You can tell her to visit L. A University to watch our shoot."
"Nah. She's busy in her own life." sagot ko na lamang.
Ayokong pahabain ang usapan namin ni Carlson dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya. Nang makarating kami sa L. A University, tanging ang production crew, camera man, at staff ang nadatnan namin kaya naman agad akong bumaba sa sasakyan ni Carlson bago lumapit kay Peri na abala sa pag-aayos ng tent na gagamitin ko.
"Wala si Sav?" tanong ko kay Peri habang nagpalinga-linga ang paningin ko sa paligid.
"Sabi ni Direk, siya daw muna bahala sa inyo dahil hindi daw makakapunta si Madam Saviel. Aalis yata papuntang Iceland."
"Iceland? Anong gagawin niya doon?"
"Hindi ko alam. Yun ang rinig ko kay Direk, eh."
Tumango na lang ako kay Peri bago pumasok sa tent ko at naupo sa isang stool. Itinabi ko muna ang hawak kong bouquet ng rosas at kinuha ang phone ko.
Hindi pa naman nagsisimula ang shoot kaya nagpasya akong magbrowse muna sa internet. Pero ganun na lamang ang pangungunot ng noo ko nang makita ang isang headline tungkol sa banda ng BlackHand.
"Peri?" tawag ko kay Peri sa labas.
Agad namang lumapit si Peri sa akin at tumayo sa likuran ko.
"Bakit?" tanong nito baga hinawakan ang buhok ko at tinignan sa vanity mirror ko kyng anong magandang hairdo ang gagawin niya sa akin mamaya.
"Ano tung headline tungkol sa BlackHand?" usisa ko. Pinakita ko pa kay Peri ang screen ng phone ko kung saan naroon ang kaliwa't-kanang interview sa mga myembro ng BlackHand pero karamihan sa mga cameraman naka-focus ang atensyon sa isang lalaki - kay Perth Dezrail. Ang dating bokalista ng banda bago si Ernaline.
"Ah, yan ba? Mainit ang usap-usapan na yan sa social media. Bumalik na sa banda ang dating bokalista pero si Ernaline hindi alam kung na saan. Ayon sa sabi-sabi, nasaktan daw ito dahil sa pansamantalang spotlight lang ang binigay sa kanya ng banda. Tila daw ginawa lang pantapal ang kanta ni Miss Ernaline para muling mabuhay ang banda pero ang totoo, all of the BlackHand members cherish Ernaline Montenegro a lot hindi dahil sa anak ito ng mga Montenegro. May kumalat pa nga dati na balita na nagdi-date daw si Miss Ernaline at Kyle in private pero ang totoo si Perth lagi ang kasama ni Miss Ernaline since personal bodyguard niya ito."
"Ito pa ang malalang chika, hindi alam ni Miss Ernaline na myembro ng banda si Perth at ito mismo ang bokalista pero naging bodyguard ito ng dalaga."
"Grabe naman 'yun."
"Pero walang proof. Puro haka-haka lang 'yan. Balita ko busy sa paghahanda para sa concert ang BlackHand."
"Sa December ang concert nila diba?" usisa ko.
November na ngayon at mabilis nang masold out ang tickets nila kaya naman hindi ako nagpahuli na hindi makabili ng ticket para sa most awaited concert ng nasabing banda. I realy love Ernaline's voice, bukod sa inosente nitong mukha, para rin itong anghel na bumaba sa lupa kapag kumakanta ng sarili nitong akda.
"True. Hindi nga ako nakahabol ng ticket kahit general admission man lang. Hindi ko makikita si Fafa Kaizen ko." naiiyak na wika ni Peri kaya naman natawa ako dito. "So, anong chika mo din at magkasama kayong dalawa ni Carlson? Kaya ba ayaw mong magpasundo sa van dahil bet mong kasama ang mahangin na 'yon?"
Ngumiwi ako sa sinabi ni Peri at pinalo ko ang kanyang braso. "Hindi no! Nagkataon lang na nadatnan niya ako sa bahay. Dadalhin ko sana 'yung kotse ko papunta dito kaso ang loko naghihintay na pala."
"Sus, palusot ka pa. May pa flowers pang nalalaman. Nililigawan ka ba nun?"
Namula ang mukha ko.
"Ay confirm!? Nililigawan ka nga?" dugtong pa nito.
"O... oo, pero hindi ko naman alam kung nanliligaw ba siya o hindi. Sabi niya sa akin no'ng isang araw gusto niya ako." nahihiyang paliwanag ko kay Peri.
Napaigtad ako nang kurutin nito ang tagiliran ko dahilan para mapahiyaw ako at muntikang mahulog sa upuan.
"Ases ang lola mo hindi na virgin. Pero bakit si Carlson? Pwede namang si Boss Calvin na lang, mas gwapo pa!?"
"Kadiri ka. Sa lahat ng ikokompara mo si Calvin pa? Bukod sa kiss stealer ang gagu, manyakis din--"
"Shet! Hinalikan ka?"
Nanlaki ang mga mata ko at pinigilan ang bibig ni Peri nang bigla itong tumili. Sa kabutihang palad ay kami lang dalawa sa loob ng tent ko kaya kampante ako na walang ibang nakarinig sa pinag-uusapan namin.
"Pwe-- kadiri ng kamay mo. Lasang kanal! Naghugas ka ba ng pempem?" maarteng wika ni Peri.
"H.. hoy! Kadiri ka!"
Biglang ngumisi si Peri sa akin at binigyan ako ng tingin na may halong pang-aasar.
"Ano nga ulit si Boss Calvin? Kiss stealer? Maniac? Wala bang brainiac?"
"Ulul. Tigilan mo nga ako."
"Oyy! Aminin. Crush mo si Boss Calvin no?"
"H.. hindi no! Mukha kaya kaming aso at pusa pero si Calvin yung galis!"
"Asus. Galis galis pang nalalaman. Ikaw Celyn Alarie, kumekerengkeng ka ha porket wala ang iyong Inang Bayan na si Tita Lynzi. Kung isumbong kaya kita?" dugtong pa nito habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Ano ba!" pinalo ko ang kamay ni Peri na panay sundot sa tagiliran ko pero ang gaga hindi natigil. "Kahit isumbong mo ako kay Mommy, hindi siya maniniwala na may nagkakagusto sa akin!"
"Ay di mo sure. Gawin ko na bang example si Carlson?"
"Manahimik ka, Peri." banta ko sa kanya pero sng bakla humalakhak lang na tila tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin.
Nang mapatingin ako sa salamin ng vanity table ko, doon ko lang napagtanto kung gaano kapula ang pisngi at tenga ko.
Napapailing na bumalik na lang ako sa kinauupuan ko at muling nagbrowse sa facebook. Kahit saan namang platform ako pumunta, puro chismis ang laman na wala namang katotohanan.
Hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang blind item, sa curious ko, binuksan ko ang page at nagulat ako ng bumungad sa akin ang sandamakmak na blind item.
One post got my attention, tungkol yun kay Eunice na isang female model din na nalilink sa issng hot na artista at pinagoipyestahan ngayon sa social media.
Ang isa naman ay hiwalayan ng mag-asawang artista dahil sa hindi raw nag click ang mga ugali nito sa isa't-isa.
Nagulat ako ng biglang magrefresh ang page nang biglang mag-pop up sa screen ko ang bagong post na blind item.
'Blind Item: Sinetch itey na ate girl na hinatid ng isang sikat na male model sa kanilang bahay pero pagkaalis nung guy, isang hot male personality naman ang hinalikan?
Ayun sa mga nakakasama ng tatlong personalidad na ito, minsan na raw nakasama sa isang trabaho ni ate girl si male model at ito namang hot male personality ay recently lang na link kay ate girl because of the said big project at main role ang dalawa?
Palaig raw nagbabangayan si ate girl at hot male personality tapos ito naman si male model, hatid-sundo si ate girl with flowers? Bongga!
Magkakaroon ba ng love triangle sa pagitan ng tatlo!? O ugali talaga ni ate girl na dala-dalawa ang kanyang sizzling hot pandesal na fafa?
Abangan ang proof sa susunod na post natin mga ka-blind item.'
Napangiwi ako sa pagiging exaggerated ng post. Wala talaga silang magawa kundi pakialaman ang buhay ng mga taong ang gusto lang ay magtrabaho. Hindi na bago sa aming mga modelo ang samu't-saring isyu.
Napapailing na pinatay ko na lang ang phone ko bago ibinalik sa bag. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas ng tent para tanungin si Direk sa mga dapat gawin sa susunod naming shoot gayong wala si Saviel ngayon.
Pagkarating ko sa set ay agad akong lumapit kung saan naroon ang grupo nina Peri.
"Nakita niyo 'yung bagong post na blind item?" usisa ni Mia nang makalapit ako. Hindi nila napansin na naroon ako kaya hinayaan ko lang sila at nakinig sa pinag-uusapan nila.
"Jusko ka Mia, ang aga-aga chismid agad inaatupag mo." sagot naman ni Peri habang pumupilantik sa ere ang mga daliri nito.
"Vitamins ko everyday ang chismis, Peri." ganting sagot naman ni Mia dahilan para matawa silang lahat.
"Pero may ideya ba kayo kung sino yun?" sabat ni Ayesha.
"Gaga! Kaya nga blind item, malamang huhulaan natin kung sino 'yon."
"Wala man lang clue na binibigay si Blind Item."
"Sus. Chismis lang 'yun, walang halong katotohanan diba-- Celyn?! Nandyan ka pala?" bulalas ni Peri nang lumingon ito sa gawi ko.
"Kadadating ko lang. Anong meron?" palusot ko kahit na narinig ko lahat ng pinag-uusapan nila.
"Wala naman. Chismisan lang ng mga hampas lupang tulad namin. Magsisimula na ba ang shoot? Tara na, aayusan na kita."
Bago pa man ako makapagsalita ay nahila na ako ni Peri pabalik ng tent. Ramdam ko ang pagkabagot ngayong araw na ito dahil wala si Saviel, Sinji at Calvin.
'So, namimiss mo si Calvin?'
Manahimik ka inner self kung ayaw mong gawin kitang adobo mamaya!
'Pwede mo namang sabihin na namimiss mo ang away ninyo ni Calvin, denial ka pa!'
Hindi ko na lang pinansin ang bulong ng isip ko at tinuon ang atensyon kay Peri na abala na sa pagpupunas ng kolorete sa mukha ko.
Makalipas ang ilang minuto, suot ang uniporme ng L. A University, lumabas ako sa tent at pumunta kung saan naroon ang grupo. Nadatnan ko si Althea at Averie habang kausap si Monique.
Ang magiging scene kasi ay ibubully ako ni Monique at Averie habang si Althea ay nakatatanda kong kapatid na isang taon lang ang lamang sa akin sa school na ito.
"Ready ka na bang masaktan, Celyn?" bungad sa akin ni Monique nang makita ako nitong papalapit sa pwesto nila.
"Eksena lang ito Monique." mabigat sa kalooban na sagot ko.
Tinatamad talaga ako ngayon dahil makakasama ko ang tulad ni Monique na ipinaglihi sa dimunyu dahil sa sobrang sama ng ugali nito pagdating sa akin. She can execute her kontrabida like character pero dinadala niya yon sa personal na buhay sa tuwing magtatagpo ang landas naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo sa akin ni Monique gayong wala naman akong naalala na may nagawa ako sa kanyang mali.
"Goodluck to you later," dugtong pa ni Monique.
Monique flips her hair while looking at me from head to toe as if I am a species she needs to destroy.
Nang makalayo si Monique ay agad na lumapit si Althea at Averie sa akin.
"Huwag mo na lang pansinin si Monique, mabait naman siya eh." sabi ni Althea.
"May saltik lang talaga si Monique pero hayaan mo na. Lilipas din yan." dugtong naman ni Averie.
Nginitian ko na lamang ang dalawa.
Matapos ang makabagbag damdamin na 'yon, tinawag na kami ni Direk para simulan ang shooting namin.
Sa umpisa okay pa naman yung flow ng story pero habang tumatagal. Palakas ng palakas ang sampal ni Monique sa mukha ko, pati ang pagsabunot ni Averie ay ramdam ko ang pag-iyak ng anit ko.
"CUT! Thirty minutes break, then proceed sa next scene!" rinig kong sigaw ni Direk.
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung ilang takes ang ginawa namin sa scene kung saan binu-bully ni Camille at ng alipores nito si Loraine.
Sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa pambubugbog ni Monique at Averie na tila may galit talaga sa akin. Hindi naman ako makapag-reklamo dahil parte 'yon ng movie. Pero sa bawat pag-ulit namin ng scene, nilulubos ni Monique ang pagpaparusa sa akin. Lahat ng galit niya ibinuhos sa akin.
Ang scene kasi ay ibubully ni Camille at Samantha si Loraine matapos ang tagpo ni Camille, Erik at Loraine sa park. Erik called off the engagement because of Loraine but Camille didn't allow it because Erik's family indebted to Camille's family. Kaya naman pinagkasundo na lamang ang dalawa para sa kasal at pag-isahin na lamang ang dalawang pamilya.
Camille loved Erik very much but Camille got blind by her own love to the point that she's hurting someone like Lorraine na walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang rin si Erik ngunit pinaglaruan sila ng panahon at pagkakataon.
Pagtayo mula sa kinasasadlakan kong sahig, muntikan akong matumba ng makaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti na lang ay nasalo ako ni Peri.
"Okay ka lang, Celyn?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. Inalalayan ako ni Peri hanggang sa makaupo ako sa bakanteng silya.
Napaigtad ako nang biglang may pumitik sa tagiliran ko kaya naman napapikit ako dahil sa sobrang sakit. Yung peke na dugo na inilagay nila sa katawan ko ay nagiging totoo na at nagkakaroon na rin ako ng pasa sa katawan na agad namang nakita ni Peri.
"Oh my god! Pasa ba ito?" bulalas ni Peri habang sinusuri ang braso ko.
"Gaga! Make-up yan, ako naglagay." palusot ko kay Peri. Hindi kasi lingid sa kaalaman ni Peri na marunong akong maglagay ng fake blood at pasa sa katawan ko gamit ang make-up.
"Pero hindi makatarungan yung ginawa sayo ni Monique. Parang hindi ka model kung ituring. Paano kung mabangasan 'yang mukha mo, edi natyugi ako sa nanay mong may dinamita ang bunganga!"
Natawa ako. "Isipin mo na lang, it was all part of the movie. Tyaka nag-ienjoy naman ako sa ginagawa ko eh. Ilang tulog na lang, sa cinema na ulit tayo magkikita-kita."
Ngumiwi si Peri sa harap ko. "Oo, nag-enjoy ka nga. Sobrang naenjoy mo 'yong pambubully no?"
Inirapan ko na lang si Peri at hindi pinahalata sa kanya na masakit ang katawan ko. Gusto ko ng umuwi at magbabad ng hot water sa bahay.
"Siya nga pala, Peri. Sa van ako sasabay mamayang uwian. Huwag na huwag mo akong iiwan!" pagbabanta ko dito.
"Oo na. Di ka na mabiro." sagot naman nito.
Pagkatapos ng pahinga ay muli kaming sumabak sa intense na pamb-bully at literal na sumuka ako ng dugo.
Hinampas ba naman ni Monique ang tyan ko gamit ang baseball bat?!
"Hoy! Gagu ka Monique! Anong ginawa mo!? Scripted dapat yun!"
"Oh my god!"
"Cut! Kumuha kayo ng first aid kit."
Natigil ang shoot nang biglang sumigaw si Peri dahil nga sa pagsusuka ko ng dugo. Napuruhan ako ni Monique.
Yong supposed to be na banat sa akin ni Monique is scripted pero hindi niya ginawa bagkus ginawa niya itong makatotohanan.
"What the fuck did you do, Monique?" galit na sigaw ni Carlson ng makalapit ito sa akin at tutulungan sana akong makatayo kaso sobrang sakit ng tyan ko. Pakiramdam ko naisama sa paghampas ng bat yung ribs ko.
"Carlson, huwag mong gagalawin si Celyn at baka lalong lumala. Ano ba!? Ibigay niyo sa akin ang first aid kit!" sigaw naman ni Direk na hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Tumawag na ako ng ambulansya, Direk." rinig kong sambit naman ni Peri.
Nagkakagulo na ang paligid ko pero heto ako nanatiling nakapilipit sa sahig. Nakita ko pa ang mukha ni Monique na namumutla dahil sa hindi makapaniwalang nagawa niya.
Hanggang sa dumating ang ambulansiya, agad ako inilagay sa stretcher at isinakay sa sasakyan. Si Peri ang sumama sa loob ng ambulansya at agad na pinasibad ng driver ang sasakyan.
"Siraulo talaga ang babaeng 'yon. Hindi marunong sumunod ng script!" nanggagalaiting wika ni Peri habang nakatingin sa akin at hindi malaman kung saan ako hahawakan.
Agad na kumilos ang nurse para bigyan ako ng vital examines.
"Para po makasigurado ipapa-xray po agad namin si Miss Bautista kung sakaling may nabali man pong buto sa katawan niya." sagot ng nurse.
"Please do, at baka ako ang hatawin ng baseball bat ni Tita Lynzi." naiiyak na wika ni Peri sa nurse na umaasikaso sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko sasabunutan si Monique kapag may nangyaring masama sayo, Celyn."
Ramdam ko ang pagod at sakit ng katawan ko. Hanggang sa tuluyang namayani ang kadiliman sa paligid ko, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid hanggang sa pumikit ang mga mata ko at gapiin ako ng antok.
SOMEONE'S POV:
--
"WHAT the fck, bakit ganun ang impact nung basball bat? Mahina lang ang hampas ko?!" nanggigigil na wika nito habang kaharap ang isang babae na kasalukuyang inaayos ang sarili sa harap ng vanity table.
Natigil ang shooting dahil sa nangyari at hindi alam ng direktor kung paano ipapaliwanag sa Boss nito ang mga kaganapan.
"Kumalma ka nga." ani nito na tila hindi man lang kababakasan ng pag-aalala.
"Paano ako kakalma? Masama ang ugali ko pero hindi ako mamamatay tao! What if she won't make it to the ospital?!" nasabunutan nito ang sariling buhok dahil hindi nito lalam ang gagawin kung sakaling makapatay nga siya ng tao.
"Buhay pa siya okay? Walang namamatay sa plastic na baseball bat, napuruhan mo lang siya." sagot pa nito.
Pero ang totoo, pinalitan nito ang plastic na baseball bat ng isang metal kaya napuruhan ang biktima.
She smirk on her own reflection in the mirror. "Umpisa pa lang ito ng pagbagsak niya."
Lumingon ang dalaga sa kaharap nitong babae na nananatiling inaayos ang lipstick sa labi nito.
"I quit! Ayokong madamay sa kabaliwan mo." wika nito. Akmang aalis na ito pero pinigilan soya ng kausap na makalabas sa tent kung saan sila naroon.
Lumukob ang takot sa katawan ng dalaga nang tignan ito ng pailalim ng babaeng kausap. Tila nakakita ito ng isang dimunyu na nagkatawang tao.
Ibang-iba ito sa nakikilala ng publiko na mahinhin at palakaibigan pero sa harap ng dalaga, isa itong dimunyu.
"You can't quit right now. Nag-uumpisa pa lang ang kalbaryo. Don't test me or hindi lang siya ang makakaranas tulad ng ginawa mo sa kanya kanina!?" bulong nito sa dalaga. "Bit by bit, I will make sure to rot your body in hell. Kaya wag ako, ha? Sumunod ka lang sa sasabihin ko and you will be fine."
Naikuyom na lamang ng dalaga ang sarili nitong kamao nang iwan siya ng babaeng kausap at naglakad ito palabas ng tent suot ang sarili nitong maskara para lokohin ang mga tao sa paligid nila.
Hindi ito ang pinagkasunduan nilang dalawa kaya hanggang maaari ayaw niyang madamay kung may pinag-aawayan man ang dalawa.
Wala siyang galit kay Celyn dahil naging kaibigan niya ito sa pagmomodel pero dahil sa inggit nagawa niyang ipagpalit ang pagkakaibigan nila ni Celyn sa career na parehong tinatahak nilang dalawa.
Nanlulumong napaupo na lamang sa sahig ang dalaga at doon umiyak ng tahimik. Hinihiling na sana maging maayos ang lahat lalo na sa itinuring niyang kaibigan noong nagsisimula pa lamang siya bilang modelo.