Chapter 4
Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog ng alarm. I see 3 missed calls from Aero.
Nagshower muna ako at saka nagbihis. I'm wearing black dress and white shoes. Wala pa akong uniform kaya naka civilian muna ako.
Pagdating ko sa school agad na tumingin ang mga mata ng mapanghusga at marites sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at diretso lang akong naglalakad sa hallway papunta sa first class ko.
"A criminal" sabi nung babae pag daan ko sa harap niya. Well, if that's what you think. It's your mouth, I don't own that shitty.
Pagpasok ko sa room ay tumahimik silang lahat na nakatingin lang sakin. Na starstruck ata sa ganda ko.
Umirap ako at umupo sa dulo. Wala pa yung prof namin kaya yung mga kaklase ko ay nag batuhan ng bolang papel. Girls vs. Boys, ata?
Inilabas ko ang aking phone at naglagay ng headset dahil ang ingay nila. Biglang kong nararamdaman na may tatamang bolang papel sakin kaya inangat ko ang aking isang kamay at sinalo ito saka tinapon sa sahig.
Nakatingin lang silang lahat sa ginawa ko at may ibang nagulat. Ano gusto nila ibato ko sa mukha nila?
Binalik ko ulit ang aking tingin sa phone. Biglang may lumapit sa akin at tinangal ang headset sa tenga ko.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nakita ang lalaking bumato kanina ng bolang papel sakin.
"Hoy! Ang angas mo ha!" sabi nung lalaki at hinampas ang table ko. I'm scared huhu, ulol.
Hindi ako natatakot sayo no! at ang baho ng hininga mo! Pero hindi ko yung sinabi sa kanya. Nanahimik lang akong nakatingin sa mata niya.
"OH! ANONG TINITINGNAN MO!?" sigaw niya. Masama ba na tignan ko ang mata niya? O di kaya'y may tinatago siya?
"Nothing" mahinahon kong sagot na kinagalit niya. What's wrong sa sagot ko? Ulol.
"Aba! sumasagot pa" sabi nung babae sa likod niya. Aba! sumisingit!
"Ang angas mo talaga no! Baguhan ka lang dito kaya wala kang karapatan na umangas!" madiin na sabi niya at nilapit ang kanyang mukha. Tinakpan ko ang aking ilong at tumawa ng mahina. Iniinis ko siya para lumabas ang tunay niyang kulay.
"Anong tinatawa mo dyan ha!" sabi niya. Tumawa ng mahina ang lalaki na katabi niya at saka humawak sa balikat ng lalaki sa harap ko.
"Bro, tinatawanan ka ata" dahil sa sinabi nung lalaki na humawak sa balikat ng nasa harap ko ay mas nagalit siya sakin. Nilapit niya ulit ang kanyang mukha sakin.
"Ang baho ng hininga mo" sabi ko at tinkpan ulit ang aking ilong. Tumawa ang lahat ng marinig ang sinabi ko.
He glare at me. "I want to punch her face" maarteng sabi nung babae sa gilid at pumulupot ang kanyang kamay sa braso ng nasa harap ko.
Punch me if you can, bitch!
"I will do that for you, baby" malambing na sabi naman ng mabahong lalaki. Oh! girlfriend niya pala yan. Kala ko bakla siya kasi yun ang nakikita ko sa mga mata niya ng titigan ko ito.
Humarap ulit sakin ang lalaki at akma sana akong susuntukin ng masalo ko ito. Tumayo ako at mabilis na inikot ang kanyang kamay saka minudmod ang kanyang mukha sa table ko.
Nagulat silang lahat at may ibang nagbubulungan.
Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at mas minudmod ang kanyang mukha. I can see his left ear turn red.
"Punch me if you can, beggar" huli kong sabi at binitawan siya saka tinulak sa girlfriend niyang mukhang bakla.
Nang makatayo siya sakto naman na dumating yung prof namin. He glare at me but I just smirk.
Natapos na yung iba kong klase at isa nalang ang kulang. I have two hours vacant bago sa sunod na klase. Suddenly, my phone beep two times. I see two messages from Aero.
From: Aero
Hideout, now
From: Aero
Urgent
Binalik ko muna sa aking bag ang phone bago dumiretso sa parking lot kung nasaan naka park ang aking sasakyan.
Wala pang limang minuto dumating na ako sa hideout. I park my car beside Aero's Range Rover.
Bago ako binuksan ng pinto tinanong muna ako ng bantay.
"Code"
"Silent" I said and he open the gate. Dumiretso ako sa loob kung nasaan silang lahat.
"Silent is here" sabi nung lalaki na nakabantay sa gate kanina.
"Sit down" sumunod lang ako sa sabi ng nakakataas sa min. Umupo ako sa tabi ni Aero.
"We will meet Mr. Handi tomorrow sa Laguna para pag usapan ang mangyayaring transaction sa darating na Sabado." he look at Aero and then me. Alam ko na ang sasabihin niya.
"Aero and Katana will meet him" tumayo na ako para lumabas sa room na ito. Hindi na bago sakin ang makipag meet sa iba because it's part of my job.
Aero has been my partner in crime since I entered this organization. I can't say that we're friends because I don't want to.
I feel someone's presence following me hanggang makalabas ako.
"Coffee? while planning for tomorrow?" Aero asked me. May one hour and half pa naman ako kaya okay lang.
"Sure" sagot then he smile but I didn't mind. Sumakay na ako sa aking kotse. Unang umalis si Aero at sumunod lang ako.
He stopped when we arrived at the coffee shop. Pumasok kami sa shop ng makita ko ang kamukha ni Max with some girl. I will call him Max for a while since I don't know his name already.
Mabuti nalang hindi kilala ni Aero si Max. Diretso lang siya at nagorder ng dalawang coffee for us. I search for a vacant seat and there I see it. Malapit kay Max ang nahanap ko.
Walang alinlangan akong umupo dun at naghintay kay Aero. Nakita ko si Aero na papalapit sa akin.
"One for brave woman I know and one for the hottest man in the org." he said while giggling. Umirap ako at nagsimulang humigop sa coffee. Feels heaven sa sarap.
"He seems familiar, right?" biglang tanong ni Aero sakin. Sino?
"Who?" I ask.
"Yun" he point Max using his lips. Familiar sa kanya si Max? How come?
"Nakita mo na siya?" tanong ko sa kanya. Baka may hindi ako nalalaman sa mokong na ito.
"He's a bit familiar hindi ko lang maalala kung san ko siya nakita" he answer at humigop sa coffee niya.
"Baka sa school" bored kong sabi. Ayaw kong pinag uusapan siya, Aero.
"Hindi tayo same ng school, Kat. I think that man hiding something. I can feel it from his presence" sabay tingin niya sa labas dahil may kumatok na batang kalye.
Hiding something? Baka nga diba patay na siya? I saw in my two eyes nung inilibing namin siya.
Or hindi talaga siya si Max.
We finished drinking coffee at pumunta na ako sa school for my last class. I don't know kung saan pumunta si Aero. I don't care too.
Pagdating ko sa last class nakita ko ang mabahong lalaki kanina at yung girlfriend niyang bakla. Oh! we're classmates again. Nang makita nila ako they just glared at me.
"Class dismissed" sabi ng prof at nag silabasan na yung iba. Lumapit sakin ang mabahong lalaki at girlfriend niya. May pumasok na dalawang lalaki at lumapit rin sakin.
"Ano ka ngayon? Pagbabayarin kita sa ginawa mo sakin kanina" nangagalaiting sabi nung lalaki.
"Zero, ano gawin na natin?" tanong nung isang lalaki kay Zero. So, Zero pala ang pangalan niya. Zero tulad ng kanyang utak. Nag smirk si Zero sa akin bago sagutin ang kasamahan niya.
"Sige simulan niyo na, Mop" Ow! Mop pala ang pangalan nung lalaki na nagsalita kanina. Mop? nakakatawa.
Nakatayo lang ako malapit sa aking upuan habang naka cross arm at bored na naghihintay sa gagawin nila. I feel like I want to stretch ng kaunti.
Lumapit ang isang lalaki sa akin at akmang susuntukin ako. Pero umatras ako at hinawakan ang kanyang kamay saka siya sinipa sa tiyan kaya napaatras siya at natumba. Swerte niya hindi yung junior niya ang nasipa ko.
Sumunod na naman si Mop susuntukin niya sana ang mukha ko pero umilag ako at sinipa siya sa junior niya kaya napaatras siya at naupo sa sahig.
"Yun lang?" sabi ko to tease them. Weak naman pala itong mga gago, babae lang ako oh! Babae na tatalo sa inyu, bruh.
"Ang angas mo talaga no!?" sabi ni Zero at humarap na sakin para siya ang sunod na matumba. Ang talim ng mga titig niya tingin sa akin.
"Hindi naman" simple kung sagot na lalong kinainis niya. I mean ikinagalit.
Lumapit siya sakin at sumuntok sa bandang ulo ko pero inatras ko ang aking ulo at sinuntok ang kanyang mukha saka sinipa sa pisngi at agad natumba. Nilapitan agad siya ng kanyang girlfriend.
"Zero, are you okay?" tanong nung babae at tinapik ang pisngi ni Zero.
Kinuha ko ang aking bag at naglakad palabas sa room pero dumaan muna ako at tumigil sa harap nila.
"Don't worry mild injury lang naman" sabi ko sabay tapik kay Zero sa balikat at nag smile sa babaeng hukluban.
Paglabas ko sa room ay diretso muna ako sa restroom para ayusin ang sarili baka nagusot o ano ang dress ko.