“SINO ito?” Narinig kong bigkas ng taong nasa kabilang linya.
“Kuya! Ako ito,” tanging naisambit ko na lamang.
“Bunsoy? Bakit biglaan ka na lang hindi ma-reach?” untag niya..
“Kuya, naubusan ako ng batterya, Nanghiram muna ako kay Kael.”
“Nasaan ba si Kael?”
“Nagmamaneho.”
“Bunsoy! Kakagalin niya lang sa ospital tapos pinagmaneho mo?” Ngayon ko lang naisip. Napatingin ako bigla kay Kael. Kaya siguro tumatanggi siya kanina kasi may sugat pa sa kanyang kamay. Saka ko lang nasilayan ang mga bandagae sa kanyang kamay.
“Nag iingat naman kami.”
“Siguraduhin mo lang kasi mapapatay talaga kita!” napaigting ang panga ko mula sa sinabi ni Kuya. Kailangan ko ng buksan sa kanya ang tungkol sa aking mga panaginip. Pero, kailangan ko munang paalisin si Kael sa pagmamaneho.
“Kuya! Huwag mo munang ibababa ang tawag.” Tiningnan ko si Kael at kinurot ang tagiliran. “Ihinto mo muna.” Agaran naman siyang sumunod sa inutos ko.
“Bakit?” naguguluhan niyang wika sa akin.
“JM. Pumunta ka sa harap. Ikaw ang magmamaneho!” Agaran naman sumulong sa ulan si JM habang ako ay sumuksok papunta sa may likuran ng sasakyan. Sila ng dalawa nina Kael at JM ang magkatabi sa front seat.
“Kuya? Nandito ka pa ba?” tanong kong muli matapos kong dinampot ang cellphone no Kael.
“Jam! Hindi kita masyadong marinig!” wika niya. Iginalaw galaw ko ang aking hawak. Naglipat lipat na rin ako ng posisyon.
“Ayos na ba?” wika ko.
“Ayos!”
“Kuya! Nanaginip ako.”
“Hay! Sa wakas nakasama na rin ako sa panaginip mo!”
“Kuya naman e!” naiinis kong sabat. Naririnig ko siyang tumatawa.
‘Sige na! Magkwento ka na.”
“Hinahabol ako ng isang sasakyan kaya hinhingal akong tumatakbo. Nakakatakot.” Bumibilis ang pagmamaneho ni JM. “Nang sa isang iglap ay biglaan na lamang akong nadapa!” Para akong iniindayog habang nagkwekweto. “Pagtingin ko sa aking harapan ay may nakita akong punong kahoy at nakadapo rito ang itim na paru paro.”
“Jam! Kailangan na nating bumaba!” sigaw ni JM nang biglang may malaking punong kahoy na nakabangil sa aming harapan. “Wala na tayong madadaanan!”
“Lumipad ang itim na paru paro at ginamit kong tungkod ang punong kahoy dahil sa sakit ng aking paa.” Itinaas ko ang aking kamay habang nakatingin sina JM at KAel sa akin. Nasimulan ko na ito. Kailangan kong tapusin ang pagkwekwento ko kay Kuya. Sininyasan ko sila na maghintay na matapos kong kwentuhan si Kuya. “Naglakad ako gamit ang tungkod ngunit napabitiw lang din ako rito dahil muli na naman akong namudmud sa lupa dahil sa dumaang itim na pusa.”
“Jam? Ano ang nangyayari diyan? Bumaba ka na muna. Pakingan mo si JM. Huwag kayong susulong sa peligrong mga lugar!” wika ni Kuya mula sa kabilang linya.
“Sige. Huwag ka munang aalis, Kuya,” wika ko. “Wala ba tayong ibang pwedeng daanan?” untag ko kay JM.
“Wala na e. Siguro, huminto muna tayo. Maghanap tayo ng masisilungan. Habang kinakausap mo pa ang kuya mo!” suhisyon ni JM.
“Tama! Kailangan muna nating makahanap ng lugar. May alam ako!” biglaang nagsalita si Kael. Umandar na naman ulit ang sinasakyan namin.
“Kuya! Nasaan na nga ulit tayo?” tanong ko.
“Itim na pusa!”
“Okey! Namudmod ako dahil sa biglaang pagdating ng isang itim na pusang tumatakbo. Nanginginig ako habang nakadama ako ng kakaiba sa aking kamay. Dinungaw ko ito at nasilayan ko ang tatlong itim na paru parong nakadapo sa aking kamay.” Biglaang huminto ang sinasakyan namin.
“DIto na muna tayo! Malapit pa sa mainit na kape!” Itinuro ni Kael ang hulog baryang kape na malapit sa hinintuan namin. Saktong sakto nanlalamig na ako. Kailangan ko ng magpainit. Tumango na lamang ako sa kanila at lumabas ng sasakyan.
“Nagsiliparan ang tatlong itim na paru paro. Kasabay nito ang tumatakbong anino sa harapan ko. Sa muli kong pagharap sa malapit sa akin ay may tatlong barya akong nasilayan. Inisa isa ko silang pinagkukuha. Matapos noon ay isang rumaragasang sasakyan ang bumundol sa akin.”
“Akala ko ba ay kasama ako sa panaginip mo? Nasaan ako roon?” untag ni Kuya.
‘Kuya, may mga kakaibang symbolismo ang mga tao sa paligid ko sa panaginip na iyon.”
“Ano naman aber?” Lumalakas ang ihip ng mga hanging bumabalot sa aking katawan. Para bagang nagsisidatingin ang mga hangin sa aking harapan. Sobrang lamig.
“Noong sinabi ko kay Jeany ang panaginip ko na iyan. Biglaan na lamang nawala ang itim na paru parong nakadapo sa punong kahoy. Siya ang itim na paru parong iyon.”
“Hindi nga?”
“Kuya, hindi ako nagsisinungaling!”
“Okey! Sige. Ano pa?”
“Si JM ang isa sa tatlong paru parong nakadapo sa aking kamay. SI Ate Cristel ang isang maitim na pusa.”
“Nagpapatawa ka ba? Bakit nakasali si Cristel diyan?” ngumisi si Kuya.
“Seryoso ako, Kuya. Tsaka hindi lang naman si Ate Cristel ang naroon e.”
“Talaga? Sino naman iyan?” Nakikita ko sina JM at Kael na nakatingin sa akin habang nakikinig din. Minsan ay ngumingiti sila. Sa tuwing natatawa ako.
“Ang aninong tumatakbo ay ang anak na dinadala ni Ate Cristel. Tapos, si Kael at Chalmer ang dalawa pa sa tatlong itim na paru paro.”
“Ano naman ako?” untag niya.
“Kuya! Ikaw ang barya!” Kinapa ko ang baryang kinuha ko kanina at nilagay sa aking bulsa. Biglaan na lamang nawala. Ibig bang sabihin nito ay pwede ng itawag ko lang? “Bye! Kuya! Congratulations ulit. Mag-iingat ka riyan!” Ibinaba ko na ang tawag.
“Ano ang nangyari? Bakit parang ang saya saya mo?” wika ni Kael.
“Mukhang epektibo ang ginawa natin. Mukhang pwedeng itawag na lang natin. Kailangan ko ng matawagan si Mommy!” Madaliaan kong hinanap ang pangalan ni Mommy sa cellphone ni Kael. Ngunit, biglaan na lamang itong naubusan ng baterya kaya tuluyan ng namatay.
“Paano ka nakasigurado?” untag ni JM.
“Kanina kasi habang pinupulot ko ang cellphone ko ay isang barya ang aking nakuha. Imbis na ang cellphone ay ang barya ang una kong nahawakan. Pagkatapos, biglaan na lamang tumunog ang cellphone ko. Si Kuya ang tumatawag. Kinuha ko na rin ang barya at ipinasok sa aking bulsa. Sa ngayon ay wala na ang barya!”
“Ayos iyan! Siguro, kailangan na nating ma-contact ang Mommy mo!” bigkas ni JM at kinalkal ang kanyang cellphone. Hinahanap niya yata ang numero ni Mommy. Inilagay niya sa kanyang taenga ang kanyang cellphone. Tinatawagan na niya yatang talaga si Mommy.
“Sorry! Hindi talaga ma-reach e. Siguro, hanapin na lang natin ulit! Toital, humihina na naman ang patak ng ulan!”
“Kael, bigyan mo nga ako ng barya. Nauuhaw ako e!” saad ko. Biglaan naman niyang ibinigay sa akin ang dalawang barya. Kasabay noon ang isang malakas na kidlat at isang punong kahoy ang tinamaan. Malapit na malapit sa amin ang punong naputol bigla dahil sa sobrang lakas ng kidlat. Nakakabingi at nindig balahibo ang kidlat na iyon.
Kinuha ko ang cellphone ni JM at muling tinawagan si Mommy. Sumagot ka. Please, Mommy. Sagutin mo na ang tawag.
“Hello? Kilala po ba ninyo ang may ari ng cellphone na ito? Naaksidente po sila sa may riverside.” Nanlumo ako bigla ng marinig ang boses ng hindi ko kilalang tao. Nagsipatakan na lamang bigla ang mga luha sa aking mga mata. Hinablot ni JM ang kanyang cellphone at kinausap ang tumatawag.
“Puntahan na natin!’ Hindi ako makagalaw ng maayos. Parang ayaw kong sumama. Nahihirapan na ako. DIyos ko po. Huwag naman po sanang mawala sina Mommy at Daddy. Kailangan na kailangan ko pa po sila. Huwag muna. Pakiusap.