Chapter 20

"Best wishes sa kanila!" I faked a laugh, trying hard myself to sound normal. "No lies, they are perfectly matched for each other, 'di ba?"

I bit my lower lip to prevent myself from crying. I was damn exhausted from crying, at sawang-sawa na ko.

I pledged myself to not cry again from the same person but here I was, 'yong mga pesteng luha sa mata ko ay nagbabadya na namang tumulo.

"Mukha ngang totoo na proposal 'yon at karamihan talaga sa amin ay naniwalang totoo 'yon!"

I came back to my senses when she told us that. What does she mean?

"Taping lang daw 'yon, parte ng movie na ginagawa nila. Akala tuloy ng marami, e proposal na. Acting lang pala ang lahat." Natatawang sambit nito.

Well, that's a relief. Dahil siguro sa sinabi niya ay nakahinga na ko nang maluwag. Compared kanina, hindi na masikip ang dibdib ko.

"Sounds relieved, huh?" Nang makasakay sa kotse ay 'yon kaagad ang ibinungad ni Dylan sa akin.

Nag-take-out na lang kami ng mga pagkain at nag-decide na sa campus na lang kainin.

"W-What do you mean?"

"Kung umaasa ka pa rin naman pala kay Eli, bakit hindi mo siya binigyan ng second chance?"

Mataman na tiningnan ko siya. "It's not like that! Hindi na ko umaasa sa kanya at nilinaw ko na sa kanya na wala nang pag-asa na magkabalikan pa kami---"

"Pero no'ng napanood mo 'yong video na nag-propose si Eli kay Trisha, aminin mong nanghina ang tuhod mo no'ng makita mo 'yon."

I just laughed my ass out. "Wala talaga akong bagay na maitatago sa iyo, 'no? You are an excellent observant, aren't you?"

"Edi inamin mo rin na umaasa ka pa nga kay Eli sa kabila ng lahat ng nangyari." Pinasadahan niya ako saglit ng tingin. "Ako ang nasasaktan para sa iyo, Magi. Sa mga ginagawa mong 'yan, mas lalo mo lang inilalapit ang sarili mo sa isang hawla na magkukulong sa iyo habambuhay sa nakaraan." Aniya at tiyaka ibinalik ang tingin sa daan. "Sabihin na nating mahirap para sa iyo na kalimutan si Eli.

Mahirap kalimutan 'yong mga memories na nabuo mo kasama siya pero sana naman 'wag mong gamiting dahilan 'yon para hayaan ang sarili mo na umasa pa rin sa kanya.

Hindi mo nga siya binigyan ng second chance, pero patago ka namang umaasa na may chance pang maging kayo. Sana okay ka lang talaga, Magi."

My mind cleared when Dylan talked about that. Akala ko graduate na ko sa pagiging tanga pero hindi pa rin pala. May mga loopholes pa rin, palpak pa rin ang pag-m-move-on ko.

What do you expect? Hindi naman kasi ganoon kadali ang mag-move-on. Pero maniwala man sila sa akin o hindi, sinusubukan ko ang lahat para unti-unting kalimutan ang lahat ng mga memories na pinagsamahan namin ni Eli.

Pinipilit kong kalimutan pero may mga instances pa rin talaga na hindi ko maiwasang tamaan ng sakit ko --- ang karupukan.

"Ayokong dumating 'yong araw na maging motto mo na bilang babae na okay lang naman maging marupok, basta wala kang tinatapakan na tao.

Ewan ko na lang, Magi. Baka ipagtayo ka na talaga namin ng rebulto." As he opened the door on my side, 'yon ang i-w-in-elcome niya sa akin wearing his sheepish smile.

"Nice joke," I went outside of his car at dumiretsyo na ng pasok sa loob ng campus.

"But you know what," I mumbled. "He confessed everything yesterday."

"Confessed about what?"

"He did that on purpose... denying me as her girlfriend." I replied. "Ginawa niya 'yon para lang matigil na 'yong pam-b-bash sa akin ng mga tao. Hopefully, it works. Pero 'yong sakit, sariwa pa rin."

"Just because they did that for you doesn't mean you will forget everything he did. Let's ginawa niya 'yon para tigilan ka ng mga bashers, pero hindi pa rin sapat ang ginawa niya para maghilom ang sugat na ibinaon niya sa puso mo."

"Kaibigan ko si Eli sa loob ng mahabang panahon... pero sa ginawa niyang ito, pansamantala ko munang kinalimutan na kaibigan ko siya. Darating ang araw na mapapatawad ko siya... at mapapatawad mo siya."

Napayuko ako para iwasan ang mga mata niya. Hindi ko ginustong masira ang friendship nilang dalawa nang dahil lang sa akin. Sobrang na-guilty ako sa part na 'yon. Sa ngayon, hihintayin kong dumating ang araw na kaya ko nang patawarin si Eli. Malaki ang espasyo sa puso ko para sa kapatawaran... hindi nga lang sa ngayon.

Puno ng pagtataka ang isip ko kung bakit ang dami kong flyers na nakikita na nakapaskil sa mga bulletin boards na nadaraanan ko. Iisa lang naman ang litrato na laman no'n --- pagmumukha nina Eli at Trisha.

Hanggang dito ba naman ay dinadalaw nila ako? Sa totoo lang, ang sakit nila sa mata.

"Kung ako sa iyo, 'wag mo na lang tingnan para hindi ka na masaktan." He immediately placed his arm around my shoulder once again at hinatak paalis sa bulletin board na tinatambayan ko kanina.

"Hindi naman ako nasasaktan, 'no? Why do I even care about them?"

"Magsinungaling ka na sa kahit na kanino pero hinding-hindi mo maloloko ang sarili mo. Sigurado akong mahal mo pa siya." Tumigil siya sa paglalakad, gayundin ako. He looked at me and genuinely grinned. "Pero kung sakaling kailangan mo ng panakip butas para sa puso mong sugatan, handa akong maging rebound para sa iyo."

Wala naman sa mukha niya na nagbibiro siya kaya sure ako na seryoso siya sa mga salitang binitawan niya. Ako naman itong si malandi at kalahating tanga, ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay uminit bigla ang pisngi ko. Sinabayan pa ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi ko rin namalayan na dahil sa pagtulala ko kay Dylan ay nakarating na pala kami sa classroom namin. My mind was just preoccupied by the words he uttered.

Am I starting to fall for him?

I harshly shook my head. There's no way I would fall for his charisma. Asa pa, 'no!

Hindi ko man alam kung ano'ng klaseng gayuma ang ipinainom ni Dylan sa akin para maging close kami sa isa't isa, 'di ko pa rin hahayaan na sa isang katulad niya ako babagsak.

Hindi naman sa panget si Dylan. Mabuting tao rin naman siya and boyfriend material talaga. Kaya lang kasi worried ako dahil pakiramdam ko mali na sa kanya ako magkakagusto.

Basta mali!

"Lutang ka na naman! Wala ka sigurong kain, 'no?" I heard Julia ask.

"Mamaya na lang,"

"Nga pala, nasabi na ni Delancy sa akin 'yong about sa Lola mo at kay Dylan.

It's too late na para magalit ako sa iyo kasi naunahan ako ni Eli na malaman 'yon kaya hindi na lang ako magagalit." She held my hand and glanced at me seriously. "Pero kasi bakit hindi mo sa amin sinabi ang tungkol doon?! Akala ko ba kaibigan mo kami, huh?

Pero ano 'to, nag-s-secret ka na sa amin ngayon? Hindi mo na ba kami friend, Magi?!"

Napa-aray ako sa isip ko dahil ang talas ng boses ni Julia. Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Hoy, Julia! Ang ingay mo naman, umagang-umaga!" Rinig kong saway sa kanya ni Dylan na kasalukuyang nakaupo sa likuran namin.

"E si Magi kasi---"

"Pasensya na kung itinago ko sa inyo 'yong totoo. Ayoko lang na makadagdag pa sa mga iisipin niyo kaya pinili kong isikreto na lang sa inyo ang lahat." Tumingin ako kay Julia and suddenly, I pouted. "Sorry na nga, e."

"Nako, Magi! Puro ka sorry pero palagi mo namang inuulit! Ang sama ng ugali mo, nakakatampo ka talaga!"

"Julia, tigil-tigilan mo nga pag-iinarte riyan. Hindi ka naman maganda para umarte, e. Mukha ka lang tanga." Sambit ni Dylan. "Huwag niyo na lang siya pansinin, huhupa rin ang pagtatampo ng maarte na 'yan."

Pigil ang tawa namin ni Delancy nang marinig ang sinabi ni Dylan. Medyo harsh siya sa kapatid niya pero ewan ko ba, gusto kong matawa, e.

"Ang sasama talaga ng mga ugali niyo! Magsama-sama kayo sa impyerno!" Gigil na sambit nito at dahil siya si Walk-out Queen, ayon siya't nag-walk-out na nga.

Palibhasa may isang oras pa bago mag-start ang klase kaya nagawa niya pang mag-walk-out, e. Iba talaga si Julia Villarosa, hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi siya nag-w-walk-out, e.

"Uy, Dylan. Ang harsh mo kay Julia!" Natatawang sabi ni Delancy.

"Tinawanan mo nga siya, e. Kaya ikaw ang mas harsh." Sagot naman nito. "Sanay naman na 'yon sa akin kaya 'wag niyo na siya alalahanin. Bibili lang 'yon ng pagkain sa cafeteria kaya lumabas."

"Nga pala, about last time..." ani Delancy. "Hindi pala totoong nagkabalikan na 'yong dalawa!"

"Who?" I asked.

"Si Trisha at Eli," she added. "Hindi ba't umalis ka kaagad no'n noong marinig mong sabihin ni Trisha na sila na ulit? Pagkaalis mo, binawi rin kaagad ni Eli 'yon at sinabing nagbibiro lang si Trisha."

Tumango ako't hindi na lang nagsalita. Sa mga sinabi ni Delancy, ewan pero parang naging manhid ang katawan ko. Wala akong maramdaman... kung malungkot ba ako o masaya.

"Huwag n'yo na pag-usapan si Eli... para maging madali na lang para kay Magi ang mag-move on." Kasabay rin noon ay ipinatong ni Dylan sa table ko 'yong paperbag na may laman na pagkain na binili namin sa coffee shop ng Tita niya.

"Hindi ka pa pala kumakain ng breakfast mo, 'di ba? Wala pa namang Professor kaya kainin mo na 'yan."

"Hati tayo rito, 'di ba?"

"Sa iyo na, busog pa naman ako---"

"Kaya nga dalawang order ang sinabi ko sa Tita mo kasi tag-isa tayo, e. Hindi ka pa rin naman kumakain kaya sabay na lang tayo." Sambit ko at ibinigay sa kanya 'yong isang cup of coffee and 'yong maliit na box ng pancake.

"Ang sweet niyo,"

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain when suddenly, Delancy talked. She's now looking at both of us --- Dylan --- habang busy kami sa pagkain.

"What's with the look? Halatang may malisya, ah?"

"Ang sweet niyo kasi tapos ang cute niyo pang tingnan. Late ko nang na-realize na bagay pala kayong dalawa." Kinikilig pa nitong sabi.

I felt awkward after that. I can feel Dylan's gaze landing on me but I just pretended that I didn't know he was looking at me just now.

"Pakipot lang si Magi, e. Ayaw niya pa sa akin." Dylan said in between laughs. "But kidding aside. Friends lang naman kami, 'di ba?" He looked at me after saying that.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I have this feeling na medyo nalungkot ako when he says that we're just friends.

Literally, friends slash neighbor lang naman kami but I have this feeling na may in-e-expect pa ako na higit pa roon.

I don't know either. It's kinda weird.

"Of course, we're friends!" I replied habang ngumunguya. "Akala ko nga hindi kami magiging magkaibigan at hindi ko siya makakasundo, but I failed. Nalaman ko na rin 'yong dahilan mo kung bakit mo siya nagustuhan noon." From staring at Delancy, I looked at Dylan. "He was a nice guy, which I failed to determine when we first met. He's so sweet and caring --- a boyfriend material, indeed."

Ideal man si Dylan kaya ang swerte talaga kung sinuman 'yong first love niya na hanggang ngayon ay hinihintay niya pa rin. Ang palad ng babaeng 'yon 'cause her lover is Dylan. I think she has nothing to ask for.

"Grabe naman 'yong compliment mo sa akin, baka lumaki na tuloy ulo ko niyan." Natatawa nitong sabi.

"Compliment na ba 'yon? Sinasabi ko lang naman kung ano 'yong nakikita ko sa personality mo." I sip on a cup of coffee. "I just thought you're the guy na dapat iniingatan at minamahal kasi deserve mo 'yon.

Unlike me, I think love isn't fated for me, e. Mas deserve 'yon ng iba kaya siguro mas maiging mabuhay na lang ako gaya ng isang patatas."

"Magi, ayan ka na naman, e! Hindi mo na naman maiwasan na i-compare ang sarili mo sa iba. Alam mo hindi 'yan healthy kasi baka habambuhay mo na lang ikumpara ang sarili mo without knowing na may kani-kaniya tayong uniqueness."

"Doesn't mean someone hurt you, hindi ka na deserve na mahalin. We all deserved to be loved but in order to do that, learn to love yourself, first.

Kapag kasi nagmahal ka ng iba nang hindi mo man lang minamahal ang sarili mo --- together with your flaws and imperfections --- magiging mahirap para sa iyo na iwasan na i-compare ang sarili mo sa iba. Kagaya na lang ng ginagawa mo ngayon." Dylan said, which made me stop from chewing for a little while.

Was that so selfish I am to myself?

Baka nga sa sobrang mapagmahal ko, nakalimutan ko nang paglaanan ng pagmamahal ang sarili ko kasi mas naitutok ko 'yon sa ibang tao.

Maybe they were right, I'm a bit too selfish for myself para 'di ko bigyan ng pagmamahal ang sarili ko. Kaya nga siguro ako ganito, hindi ko maiwasang i-compare ang sarili ko sa iba 'cause I'm lacking of self-esteem.

Hanggang sa magsimula na ang klase namin ay nanatiling lutang ang isip ko. I wanted to make a change in my life at gusto kong simulan 'yon sa sarili ko. This time, I want to focus only on myself.

As they say, true love begins within loving ourselves. That's how important self-love is, and finally, I will consider loving myself from now on.

---

Nang makapasok sa loob ng unit ko galing campus, agad akong humarap sa salamin. Kanina pa talaga lumilipad sa utak ko ang salitang self-love kaya nangako ako sa sarili ko na simula ngayon, I will start to love myself.

Ako 'yong tipo ng babae na hindi talaga palaayos, unlike Julia na kada papasok ay palaging nakaayos. Si Delancy naman ay palaayos din pero simple lang siya mag-ayos.

Wala talaga kasi akong talent sa pag-aayos kaya ang ginawa ko, nanood ako ng make-up tutorial, hair tutorial, skin care tutorial at kung ano-ano pang tutorial sa youtube para matuto akong mag-ayos sa sarili ko. Buti na lang fast learner ako kaya natutunan ko kaagad ang mga 'yon, maliban lang sa pag-c-contour sa mukha.

"Hindi ko naman need mag-contour kapag papasok kaya deadma na." Bulong ko sa sarili.

Ilang oras din ang itinagal ko sa harap ng salamin. Hindi naman nakakapangsisi ang naging outcome kasi 'yong itsura ko kanina ay ibang-iba na sa ngayon. Para akong ibang tao sa itsura ko ngayon, samantalang nag-ayos lang naman ako ng sarili ko.

Siguro totoo 'yong mga nababasa ko sa facebook. Kapag talaga nasaktan ka, auto glow-up ka, e. 'Yon ang susi para mag-glow-up ka, kailangan mong masaktan. LOL.

Pero at some aspect, may punto rin naman, 'di ba?

Come to think of it, once na ang isang tao ay nasaktan, doon na siya magsisimula na mag-doubt sa sarili niya kung ano bang kulang sa kaniya para iwan siya ng taong mahal niya. Realizations will start to pop-out on their minds na sa sobrang mahal nila 'yong isang tao, doon nila halos naibuhos lahat ng pagmamahal nila, neglecting to have at least a little amount of love for themselves.

Admit it or not, pero karamihan sa mga na-b-broken or nasasaktan ay kulang sa pagmamahal sa sarili nila.

We all made the same mistake, and that is we forgot to love ourselves as we are too busy lending our love to someone wholeheartedly.

Kaya ngayong nasaktan ka o tayo sa isang tao, that's the time that we've realized to focus on ourselves and have the initiative to love ourselves from now on --- at doon nag-start kung paano nag-glow-up ang isang tao after masaktan.

That's only my theory which is based on my experience.

Napalingon ako sa pinto ng unit ko nang marinig kong tumunog ito. I opened the door only to see Delancy and Warren while holding hands.

Wait, iniinggit ba nila ako?

"What are you guys doing here?" I asked irritatedly.

"Magi, ikaw ba 'yan? Hindi ka namin nakilala, ah?" Namamanghang tanong ni Warren.

Oh, muntik ko nang makalimutan. Sinumpong nga pala ako ng sakit ko na mag-ayos ngayon kaya hindi ko masisisi kung ganiyan ang reaksyon nilang dalawa sa akin ngayon.

"Ready to go ka na pala, e. Kaya let's go na!" Na-e-excite na sambit ni Delancy as she grabbed my hand to pull me outside.

I remained at my position and gave them a serious stare. "Ano'ng sinasabi niyo? Saan ba ang lakad niyo at bakit isinasama niyo pa ako?" Naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.

"Double date tayo! Inaya na namin si Dylan sa kabila kaya may ka-pair ka na." Delancy replied.

"What?" My mouth formed an O-shape. "Hindi niyo man lang ako sinabihan tungkol dito---"

"Mukhang hindi naman na kailangan kasi nakaayos ka na nga. Kaya tara na, Magi!" Pinagtulungan nila akong hatakin palabas ng unit ko at hinila pababa.

The nerve of these two. Mabuti na lang at nakaayos na ko nang puntahan nila ako --- but wait, what's the occasion ba kasi?

"Hey, here she is!" Rinig kong sigaw ni Delancy nang makarating kami sa lobby.

There I saw Dylan who was standing there backwards, but as he rotated his body to face us, I was stunned at his behavior. I hate to admit it but he's so gorgeous.

Ang gwapo niya sa paningin ko; o baka malabo na ang mga mata ko?

"Ang ganda mo ngayon, Magi. Bumagay ka tuloy sa kagwapuhan ko." He winked at me and the most shocking part was that he held my hand which made me astounded.

Gwapo naman talaga si Dylan kaso 'yong kayabangan niya ang nakaka-turn-off sa kaniya.

"Told you! Bagay na bagay talaga silang dalawa!" Narinig ko pang sambit ni Delancy habang papunta kami sa parking lot.

I was a bit cringeworthy right now. Having Dylan beside me while he's holding my hand makes me tremble. Plus, the fact that my heart was throbbing like at any time, my heart would jump right off my chest.

"Are you okay?" As soon as we finally got inside the car, he asked me with his worried tone of voice. "Parang ang lamig yata ng kamay mo. Nilalamig ka ba?"

Dahil gabi ngayon at medyo breezy pa, dumagdag siguro sa panlalamig ng kamay ko ang panahon.

But seriously, the main reason kung bakit nanlalamig ang kamay ko ay dahil kinakabahan ako --- which I don't know why I have to feel this way. This is driving me crazy!

"N-No. I'm okay---"

"Bakit kasi sleeveless ang isinuot mong dress? Hindi ka ba na-inform na malamig ngayong gabi? Alam mo namang ganito palagi kapag malapit ng mag-BER months."

"Minadali kasi siya ni Delancy kaya 'di na nakakuha ng coat si Magi." I heard Warren said kaya naman pinalo siya ni Delancy sa braso.

"Ikaw kaya 'yon! Sabi ko kay Magi take her time para mag-ayos pero hinatak mo na kaagad siya palabas ng unit niya!"

Napailing na lang ako sa dalawang ito. Sumbatan sila ng sumbatan, e pareho naman silang hindi nagsasabi ng totoo.

To make the long story short, they both pulled me outside of my unit at pareho nila akong minadali dahil sa sobrang excited sa kung saan man kami pupunta.

"Wear my coat, instead." Hinubad ni Dylan ang suot niyang makapal na coat at kaagad 'yong ipinatong sa balikat ko.

I remained silent for a while dahil uncomfortable talaga ako sa pwesto ko ngayon. I just can't withstand na makatabi si Dylan kasi natatakot akong marinig niya 'yong lakas ng tibok ng puso ko.

Hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan tahimik doon ngunit mahangin at maaliwalas ang paligid kahit madilim. Nakita kong naglatag ng dalawang tela sina Warren at Dylan sa may damuhan, at pagkatapos no'n ay mayroong kinuha sina Warren at Dylan sa may compartment ng kotse --- isang telescope.

Wait, parang familiar sa akin ang lugar na ito. Noong panahon na kami pa ni Eli, dinala niya rin ako sa lugar na 'to kasi balak niyang mag-star gazing kami dahil alam niyang gusto kong gawin 'yon. Gusto ko ang mga bituin at ang sarap lang nilang pagmasdan kapag malapitan.

Naniniwala akong isa mga bituin sa langit ang Mama at Lolo ko na ngayon ay kasama na nila si Lola. Hindi nga lang natuloy 'yon kasi alas-tres pa lang ng hapon nang dalhin ako ni Eli rito kaya wala pa kaming stars na aabutan.

Yeah, mission failed siya roon.

"Magi, halika na rito! Kain na muna tayo habang inaayos nila 'yong telescope." Rinig kong sabi ni Delancy kaya naman tinabihan ko siya na maupo sa tela na nakalatag sa damuhan habang kumakain ng chips.

"Bakit niyo naman biglang naisip ito?" Hindi ko na naiwasan pa ang sarili ko na magtanong kay Delancy.

"Actually, plano talaga 'to ni Dylan. Kunwari lang na inaya namin siya para may ka-pair ka, kasi ang totoo niyan, planado niya 'to lahat. Gusto niyang kahit sa ganitong paraan man lang ay maibsan niya ang pangungulila mo sa Lola mo."

I glanced at Dylan habang inaayos 'yong telescope. I just can't help but be amazed by him because he's willing to do everything just to make me smile --- which was that he never failed to draw a smile on my face.

"Hmm, mukhang na-figure-out mo na 'yong mga qualities na nagustuhan ko kay Dylan before," I looked at Delancy after saying those words. "Don't try to deny it, Magi. I am sure that you're starting to like him, don't you?"

I wasn't given a chance to answer her question when suddenly, Dylan appeared in front of me only to grab my hand and pull me to the location where the telescope was.

"Sana nagustuhan mo 'tong place na 'to at sana makita mo mula sa likod ng mga ulap ang mga mahal mo sa buhay, Magi." Nakangiti siya sa akin habang sinasabi 'yon.

Lumapit ako sa telescope at sinilip mula sa madilim na kalangitan ang mga nagkalat na mga bituin. Hindi ko inaasahan na sobrang dami pala talaga nila kapag titingnan mo sila nang ganito kalapit. Tapos ang titingkad rin ng kinang nila kaya sobrang ganda nila pagmasdan.

Hindi ko man sure kung alin sa mga bituin na nakikita ko sina Mama pero masaya na ko ngayon kasi at least natupad 'yong matagal ko nang balak at 'yong plano na nasira ni Eli --- dahil tirik pa ang araw no'n --- na makapag-star gazing ako.

"Salamat---" nang ma-satisfy na ko sa nakita ko ay kaagad kong iniangat ang ulo ko upang lingunin si Dylan ngunit laking gulat ko nang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Ilang beses nang nangyayari 'to sa amin, kaunting-kaunti na lang ay malapit ko nang isipin na sinasadya niya talagang ilapit ang mukha niya sa akin.

"Kagaya ng mga bituin sa langit, mas masarap kang tingnan 'pag malapit." Aniya na ikinabilis lalo ng tibok ng puso ko.

"Dylan,"

"Hmm?" Tanong niya ngunit hindi pa rin siya lumalayo sa akin.

"Pasensya na kung gagawin ko 'to. Ikaw rin lang ang gumagawa ng dahilan para gawin ko 'to."

His eyebrow creased. "Huh? Alin---"

I just can't resist my temptation to do this action, so I let my inner self drive my whole being. I put my hand on the back of his neck and pulled him closer to me to seal his lips with a kiss.