Chapter 18
"What a joke!" I whispered.
Agad akong bumaba sa tinutuntungan kong bleachers at hinayaan sina Julia at Delancy na maki-chismis doon. Akala ko naman kung sinong celebrity ang naroon, 'yong dalawa lang pala na ayokong-ayoko nang makita.
Pinipilit ko sa sarili ko na isipin na hindi ako bitter. What's the reason para magpaka-bitter ako, 'di ba? It's not my loss if Eli chose that bitch over me. I shouldn't feel this way but --- yeah, medyo masakit para sa akin na makita silang magkasama. And worse... marinig ang balitang sila na ulit.
Just like how I see both of them no'ng libing ng Lola ko, bagay na bagay silang dalawa. Hindi ko naman mapigilan 'yong sarili ko na mag-isip ng ganitong bagay at kainggitan na naman ang Trisha na 'yon.
How much I tried to think na wala naman ako dapat ikainggit sa kanya, still, I can't help na mainggit sa kung ano'ng mayroon siya at i-compare ang sarili ko sa kanya.
"Sorry,"
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad when I accidently bumped into someone.
"Okay ka lang?" That someone was Israel, holding tons of papers na mukhang dadalhin niya sa faculty room.
I nodded. "Yes, I'm okay. Actually, pabalik na akong classroom kasi galing ako sa---" I stopped for a second, nagdadalawang-isip ako kung babanggitin ko ba kay Israel na nandito sina Eli ngayon para i-promote 'yong upcoming series nila.
"Huwag mo nang subukan itago pa sa akin kasi alam ko naman na nandito sina Eli, 'di ba? Kaya ka lutang habang naglalakad kasi nakita mo sila at mukhang sinumpong ka ng sakit mo."
"Wala naman akong sakit,"
"Ka-bitter-an!" He said while laughing. "Expert na ko sa field ng pakikipagrelasyon kaya kabisado ko na ang mukha ng mga babae kapag bitter sila. Sa dami ba naman ng mga babaeng na-bitter dahil pinagpalit ko raw sila sa panget, e sanay na sanay na ko roon."
I clenched my fist at tiyaka 'yon ipinakita kay Israel. "Gusto mo bang maranasan kung gaano kasakit ang masuntok sa mukha? Sakto kasi e, mainit 'yong ulo ko ngayon. Pwede ko bang ilabas sa iyo 'tong sama ng loob ko?"
"Magi," nag-aalangan na tumawa siya bago dahan-dahang lumayo sa akin. "Nakalimutan kong kailangan na pala ni Ma'm ito. Ingat ka, huh? 'Wag ka sana madapa---"
Pero siya 'yong nadapa kaya lumaglag lahat ng hawak niyang mga papel sa sahig.
"Buti nga," I rolled my eyes before heading back to our classroom.
Nang makarating doon ay naabutan kong walang laman iyon maliban kay Dylan. He was sitting on the teacher's table habang nag-d-drawing ng kung ano sa whiteboard.
"Where are they?" I asked as I entered the room. "Kanina no'ng paalis kami, nandito pa sina Migs. Saan sila nagpunta?"
"I don't know," he replied. Lumingon siya sa akin, so our eyes met. "Ikaw, where have you been?"
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya because I felt discomfited in his stares. Ewan ko kung ano'ng mayroon sa kaniya para tingnan niya ko nang gano'n.
"Just went outside to breathe some air," kaagad ko rin iniiwas ang tingin sa kaniya at naupo na lamang sa isa sa mga upuan sa harap.
"You went to see kung ano'ng pinagkakaguluhan sa labas, 'di ba? But what did you find out?"
"I saw the two people whose involved in why I'm suffering this. How do you expect me to react after seeing them who tend to be delighted in each other's arms?" Dahil wala namang tao rito bukod sa kaming dalawa lang, I let myself cry. "How to unsee, Dylan? How?"
"Alam mo, Magi, desisyon mo kung i-i-ignore mo sila o pipiliin mong tingnan silang dalawa kahit na nasasaktan ka na. Choice mo 'yan kaya kung nasasaktan ka man ngayon, mali ang choice na pinili mo." Lumapit siya sa akin only to kneel down in front, and then he wiped my tears using his fingers. "Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang umiiyak nang dahil lang kay Eli. Sobra-sobra na ang pinagdaraanan mo ngayon pero 'wag mo naman sanang gawing alibi 'yon para araw-arawin mo rin ang pag-iyak."
Natamaan ako sa sinabi niya. Iyak nga ako nang iyak dahil sa pagluluksa ko kay Lola, tapos umiiyak pa ko dahil kay Eli. Kasalanan ko bang mawalan ng dalawang importanteng tao sa buhay ko? You can't blame me kung mag-inarte man ako nang ganito, pero at the same time, nakuha ko ang ipinupunto ni Dylan. I shouldn't tolerate myself to be like a crying baby. Walang mangyayari sa buhay ko kung iiyak lang ako at walang gagawin para bumalik sa dati ang sigla ng buhay ko.
Because of what Dylan said, naalala ko ulit 'yong purpose kung bakit ako umalis sa bahay namin --- and that was to relieved the pain I'm suffering and para na rin makatakas na ko sa pagkakakulong sa madilim na nakaraan.
"Alam kong hindi madali para sa iyo na kalimutan na lang ang lahat ng nangyari pero kung susubukan mo nang pakonti-konti, alam kong magagawa mo rin. Hindi mo kailangang magmadali sa pag-m-move-on, Magi. Ang kailangan mo ay subukan mong gawin, okay?"
"Sinusubukan ko naman, Dylan. It just that, I just can't help but to cry sa tuwing naaalala ko ang lahat."
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at naupo siya sa tabi ko. "Subukan mo lang hanggang sa magawa mo na. You shouldn't let yourself be imprisoned by the darkness of your past. Let the memories of your grandmother go and set her free, gano'n din si Eli.
Sa kaso naman ni Eli, given na mahal mo siya pero hindi lahat ng sugat ay nagagamot ng pagmamahal. Sometimes, the best way to heal yourself is to let him go. Let someone who's just hurting you leave your life, and open your heart for someone who's willing to help you heal yourself.
That's how life was working, Magi. People come and go. If they choose to leave you behind, let them be. Let him go and have the initiative to welcome a new life awaits from you together with another person.
You have to remember na hindi natatapos ang kwento ng buhay natin just because someone brings misery in our life. As you welcome another person in your life, you have the willingness to start another page of your life with that person. Masanay ka na sa ganiyan, Magi."
I don't have any objection to sa mga sinabi ni Dylan 'cause everything he said was all a fact. The central idea of it is that people come and go --- everything was fated to be temporary. It's their choice kung mag-s-stay sila sa iyo, but most of the time, they will leave you behind for their own sake.
"Should I narrowly avoid something like falling in love again para lang maiwasan ko na ulit ang masaktan? Kasi sa iyo na mismo nanggaling, people come and go. Ang gusto ko lang ay maka-experience na totoo ang forever sa pagmamahal, but I think, it isn't possible to happen."
"Let me love you," lumaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon.
"W-What?"
"Kung gusto mong maranasan ang forever, let me love you."
Hindi ako agad nakasagot dala ng sobrang pagkabigla sa sinabi niya. Ewan ko ba kung nag-j-joke lang siya o talagang seryoso siya sa sinasabi niya.
"This isn't funny, Dylan."
"Maybe I'm that someone na kailangan mong i-welcome sa buhay mo." He said in between laughs.
"Nawalan na ako ng gana na kausapin ka. Bahala ka riyan!"
I just leave him there hanggang sa mabaliw siya roon kakatawa. Tama bang magbiro siya sa akin, e ang seryoso ko nga na nag-s-share sa kaniya ng problema, e. Sa kanya ko na lang nga ito inilalabas tapos aandar pa 'yong pagka-corny niya. Sinong 'di maiirita roon, huh?
---
I received a text message from Julia at pinapapunta niya ko roon sa may study area dahil naroon daw sila ni Yuwi ngayon.
Silang dalawa nga ang nadatnan ko as I arrived there while looking at Julia's phone na parang may kausap sila roon.
"Ano'ng mayroon?" I asked bago ako umupo sa tabi ni Julia. I peeked on her phone only to see that Harris and Alec was on the screen. "Oh! Hi sa inyong dalawa!" I greeted them cheerfully.
[How are you, Mags? Nakikiramay kami ni Harris sa pagkamatay ng Lola mo. I'm sorry if we weren't able to go to your grandmother's funeral. Ang busy kasi rito sa office kaya 'di ako makaalis-alis.]
[Dito rin sa amin, kaya pasensya na, huh? Condolences sa grandma mo, at sana maka-recover ka na sa nangyari. 'Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo para 'di na kami mag-alala sa iyo ni Alec. 'Di ka VIP, remember?]
Ito na sana 'yong first time na may matino akong narinig na sinabi ni Harris pero wala e, sumablay pa rin sa dulo. Pareho sila ni Julia e, parehas maldita!
"Iba talaga tabas ng bunganga nitong si Harris---"
"Parehas lang naman kayo," sabat ni Yuwi.
"Kinakausap ka ba? 'Yan ang hirap sa iyo e, hindi ka naman kasi kinakausap pero sabat ka ng sabat!"
[Talaga bang pag-aawayan niyo pa 'yan dito? Sige kayo, hindi na kami tatawag ulit kung sa tuwing magkakausap-usap tayo ay may away pa rin na nagaganap.] Sambit ni Alec.
"You know what, ako na lang sana kinausap niyo para sana walang gulo. Alam niyo naman kasi 'tong dalawang ito, daig pa aso't pusa kung mag-away." I said, ignoring Yuwi and Julia's gaze at me.
[May isang nagmamalinis, oh.] Tatawa-tawang sambit ni Harris. [Pero maiba tayo, totoo bang break na kayo ni Eli?]
Hindi na ko nagulat kung nakarating na kina Harris at Alec ang balita. Kung hindi ch-in-ika ni Julia sa kanila, e baka sa DWEIYAH nila naman nalaman.
"Itabi mo, Magi. Ako na ang sasagot." Bulong ni Julia sa akin tiyaka humarap sa phone niya. "Hindi kasi kami na-inform na may lahing gago pala si Eli. Akala ko gwapo lang, gago rin pala." Tumawa siya pero halatang sarcastic.
"Julia, ako na---"
"Sino ba naman kasing matutuwa sa kanya, 'di ba? Papanga-pangako siya kay Magi na walang balikan sa ex, pero kinain din naman niya 'yong sinabi niya. Nakita lang niya na kahalikan ni Magi si Dylan, which is na-set-up lang naman ng demonyita niyang ex, e naniwala na si Eli. Gumanti siguro kaya nakipaghalikan din sa ex niya kaya wala na. MaLi shippers, lubog!"
[Legit ba? Sa lahat ng pwedeng gumawa no'n, hindi ko aakalain na si Eli. Kung si Israel siguro ang gumawa no'n, 'di na ko magugulat pero kasi si Eli, ang tino no'n tapos ganito lang pala ang mangyayari. Nakaka-disappoint.] Harris stated at halata talaga sa mukha niya na disappointed siya.
"Wala tayong magagawa kung ganiyan ang naidulot kay Eli ng pangarap niya. Siguro sumobra 'yong tingin niya sa sarili niya para isipin na hindi niya deserve na lokohin siya ni Magi kaya ang ginawa niya, gumanti rin. Nang dahil malayo na ang narating niya, siguro hindi niya natanggap na niloko lang siya at kung hindi siya gaganti, parang tinapakan ang ego niya no'n." Yuwi explained.
[Agree ako kay Yuwi. Siguro gano'n nga ang nangyari pero kung ako ang nasa katayuan ni Eli, nakakapangsisi na ginawa niya 'yon. Para lang sa kapakanan ng ego niya, ginawa niya 'yon nang 'di inaalam kung ano ang magiging consequence no'n. Hindi niya alam na ang laki ng sinayang niya para sa sarili niya.] Sambit naman ni Alec.
Ngayon ay nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Based sa mga naririnig kong pananaw nila, maski ako ay na-disappoint kay Eli. If it happened that their theories were right, then I have to be grateful kasi I've finally released myself from a selfish person.
[Basta 'wag mo na lang dibdibin lahat, Magi. Kasi una sa lahat, wala ka naman no'n. Tiyaka isa pa, hindi makakatulong kung mag-o-overthink ka. I-enjoy mo rin ang buhay mo at palayain sa ka-bitter-an ang sarili mo.]
Nagpaalam na silang dalawa matapos no'n. At least for now, naliwanagan nang kahit papaano ang isip ko. Ang hindi ko na lang sigurado ay kung tama ba ang mga 'yon o hindi.
Tanging si Eli lang ang makakasagot.
"Bakit nga pala wala si Delancy?"
"Nag-date sila ni Warren nang makaalis kami sa gym kanina. Kaya nga kasama ko 'tong sabatero na 'to kasi kung sasama pa raw siya kina Warren, e baka mapagkamalan pa siyang third wheel o chaperone."
"Sabatero na ba 'yong taong naglalahad lang naman ng opinyon?"
"Ang point ko kasi, hindi ka naman kinakausap o hindi naman namin hinihingi ang opinyon mo. Nakakainis kaya 'yon, ang hilig sumapaw sa iba."
"May permission mo ba dapat bago ako maglahad ng opinyon? Sa pagkakaalam ko kasi, wala namang masama kung maglalahad ka ng opinyon dahil sabi nga nila, walang tama o maling opinyon. Kaya 'di kita ma-gets kung bakit putok nang putok 'yang butche mo sa akin."
Patago akong umalis ng study area dahil wala akong balak na pakinggan pa ang pag-aawayan ng dalawang iyon. I let them fight as much as they want, walang pipigil sa kanila. Even though I tried to stopped them, hindi naman nila ko papansinin kaya wala rin sense 'yon kaya ako na lang ang nag-adjust at umalis.
Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta. Bakit ba kasi kami pinapasok ng mga Professor kung 'di rin naman sila magtuturo? Sana in-announce na lang nila sa facebook page ng campus na walang pasok, edi sana ang saya-saya kong nag-m-movie marathon sa condo ko.
"Why are you all alone?"
Naramdaman ko na lang na may biglang nagsalita sa gilid ko while he gently placed his arm around my shoulder.
"Who permits you na akbayan ako?" I asked while raising my left eyebrow.
Humarap siya sa akin at inilagay ang daliri sa left eyebrow ko upang ibaba 'yon. "Gusto ko lang gawin ito kasi habang tumatagal, mas nagiging komportable ako sa iyo."
Baliw na ba 'to si Dylan? Why did he say that all of a sudden? Nahihiwagaan na ko sa mga sinasabi niya, para talagang malayong-malayo na siya sa Dylan na nakilala ko noon.
He's a lot sweeter than before.
"I don't feel the same way kaya pwedeng dumistansya ka sa akin?"
"Just this once, allow me to be this closer to you. Kahit ngayon lang, 'wag ka naman sanang maging maramot sa akin." As I turned my gaze to look at him, his face was an inch away from me --- tapos nakanguso pa siya.
Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ko inilayo ang mukha niya sa akin gamit ang palad ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin 'yong bilis ng pagtibok ng puso ko. It feels like the same way Eli makes my heart skip a beat.
"Narinig kong wala na raw tayong klase kaya pwede na raw umuwi," rinig kong sabi niya. "Uwi na ba tayo o may gusto ka munang daanan before we head back to home?"
Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na simula ngayong araw ay sabay na kaming papasok at uuwi since same place naman ang location ng tinitirhan namin. Nag-insist siya kaya pumayag naman na ako 'cause I don't have any issues naman regarding that.
"I'm starving," I said while walking outside of the campus.
"Saan mo gusto kumain?"
He opened the door of his car for me --- 'cause that's what he usually does --- perks of a man na nasa early stage pa ng panunuyo sa babae.
Like magpapaka-gentleman sila hanggang sa makuha ka nila, and after makuha nila 'yong Oo mo, wala na. 'Yong mala-gentleman moves nila, parang bula na naglaho.
"You know what, gusto ko ulit matikman 'yong ibinigay mo sa akin kahapon. No lies, ang sarap mong magluto and I like the dish you have for me."
"Talaga?" Bakas sa boses niya na natuwa siya tiyaka sandali akong tiningnan. "Kaya lang bukas pa ako mamimili ulit ng mga ilalaman sa ref ko kaya 'di kita magagawan."
Aww, sayang. Hinahanap pa naman ng dila ko ngayon 'yong mga Korean dishes.
"May alam ako na malapit na Korean Restaurant dito, doon na lang kaya tayo kumain?"
"Kahit saan basta they serve any Korean dishes kasi nag-c-crave talaga ko,"
"Let's go!"
Gaya ng sinabi niya, we went to a Korean restaurant na alam niya but unfortunately, nang makarating kami roon ay sumalubong sa amin ang salitang CLOSED sa pintuan pa lang ng restaurant kaya balik kami sa kotse.
"Ang aga naman yata nagsarado ng restaurant na 'yon? No'ng nadadaanan ko 'yon dito hanggang 9 P. M., e bukas pa sila." Rinig kong sabi niya.
"Wala ka na bang ibang alam bukod roon?"
"Ako si Dylan, Magi. DYLAN iyan ang alam kong restaurant. May alam pa ako." He said in between laughs which made me feel so annoyed.
Sa totoo lang, ang corny ng banat niya na 'yon. Halatang trying hard na ipasok 'yong pangalan niya para makapagpabida. Kung 'di lang talaga ko gutom, baka bumaba na ko rito at nag-commute na lang.
Few minutes had passed before we arrived at the Korean restaurant na sinasabi ni Dylan. We got outside of the car and went straight to the counter para makapagpa-reserve ng seat.
"Hello, Ma'm and Sir. We're sorry to tell you but we're no longer accepting any reservations for dine-in nor take-out of orders dahil fully booked na po ang lahat. Come again next time na lang po, thank you!"
Napapikit ako nang mariin bago kami lumabas ng restaurant na 'yon. Mas lalo tuloy umiinit ang ulo ko dahil gutom ako. Bakit naman ang lupit ng tadhana? Gusto ko lang naman kumain ng korean dishes pero bakit naman ganitong pinapahirapan pa ako?
"Do you have some---"
"Wala na, Magi. Limited ang Korean restaurants dito sa lugar natin, e."
Walang-gana na napasandal ako sa upuan ng kotse dala ng panghihina at sobrang gutom. Napahilamos ako sa mukha at lakas-loob na sinabi kay Dylan na, "Tara na lang sa McDo. Pagtitiyagaan ko na lang 'yong Chicken Fillet nila."
Hindi ko na kasi talaga kaya pang tiisin itong gutom ko. Pwede na sa akin kahit manok, basta mahalaga edible.
---
"Bakit bigla mo naman naisipang pumunta sa inyo? May nakalimutan ka ba roon?" Dylan asked while we were in the midst of the roadway going to our house.
I shook my head. "I just want to check if our household workers there are doing well. And besides, a part of me was dying hard to go there."
"Sure ka bang kaya mo na ulit umapak sa bahay niyo after everything that happened?"
I take a glimpse of him. "Hindi habambuhay ay matatakasan ko ang nakaraan, Dylan. Time will come na kailangan ko 'tong harapin. I just want to have a trial for now --- at least I tried, 'di ba?"
"Totoo pala na ang mga pinagdaanan ng isang tao ang isang bagay na tutulong sa isang tao para magbago --- for the better." Tiningnan niya ako saglit bago siya ngumiti sa akin; tipong nakapikit na siya while looking at me. "You've changed a lot, Magi. Parang dati ay takot ka pang sumubok ng mga bagay kasi natatakot kang hindi maging maganda ang outcome no'n, but look at you now, you're making a development little by little."
I immediately averted my gaze at him. Ni hindi ko nga napansin sa sarili ko na development na pala 'yon. Maybe I just realized something and advice from my friends are a great help to make some realizations in life.
Just like how I'm afraid to ride a bicycle when I was a child... kasi natatakot akong magsemplang. But when I tried na sakyan 'yon, I ended up smiling.
"You did great, Magi. I'm so proud of you." He added, which makes my heart skip a beat, once again.
A huge silence enveloped us before we finally arrived at our house. "Wait me here na lang. Saglit lang ako." I said before going outside of the car.
Nang makapasok na ko sa loob ng bahay, nakakapagtakang ang tahimik at ni isa sa mga kasambahay ay hindi ko makita.
Where are they?
"Magi,"
Agad akong pumihit patalikod nang may magsalita sa likod ko --- it was Eli who just confronted me. In just a span of seconds, our eyes met.
"What are you doing here?" As I got back to my composure, I asked him.
"Pwede bang magsabi ka sa akin ng totoo?"
Kumunot ang noo ko. "What do you mean by that?"
"I just found out that your grandmother was diagnosed with Alzheimer's disease. Hindi ka na niya naaalala bilang apo, but it was Dylan who she thought of as her grandson."
W-What? How did he find out?
He steps closer to me at mataman na tinitigan. "To keep your communication with your grandmother, nakipag-deal ka kay Dylan to be in a fake relationship. Were all of that true?"