Chapter 15
Nangangatog ang buo kong katawan habang unti-unting rumaragasa ang luha mula sa aking mga mata.
I can feel that my teeth are trembling like hell when Eli turns his back to me. He didn't let me explain my side at basta niya na lang akong tinalikuran nang gano'n.
He's so unfair!
"Kawawa ka naman, Magi. How does it feel na talikuran ng lalaking pinakamamahal mo? Does it feel good?" Trisha just told me that while she's walking towards me. "You deserved that."
I clenched my fist to hold back myself from slapping this trash. "Have you planned all of this?"
"Yes, everything is part of my plan. Inalam ko lahat ng tungkol sa iyo para kapag dumating ang araw na 'to ay mayroon akong magagamit to threatened you.
My plan doesn’t fail kasi nararamdaman kong mawawasak na ang relasyon niyo.
Finally!"
Sinasabi ko na nga ba, e. Kaya pala masama ang kutob ko no'ng dinala ko ng babaeng ito sa dart room. Ito pala 'yong balak niyang gawin.
Bakit naman kasi hindi ko naisip na pupwede siyang gumawa nang ganitong bagay, when in fact, I already knew what type of person she is.
Indeed, I'm an idiot.
"Just because you will succeed to split their relationship doesn't mean babalik na sa iyo si Eli or makikipagbalikan na siya sa iyo, Trisha." I heard Dylan speak behind my back. "Nagtagumpay ka man sa pinaplano mo, pero hindi sapat na dahilan 'yon para mahalin ka ulit ni Eli.
Matagal na niyang tinapos ang lahat sa pagitan ninyong dalawa. Tanga ka kung aasa ka pa rin na magkakaroon pa ng second chance ang relasyon niyo."
This time, ako naman ang ngumisi kay Trisha once I saw her reaction because of what Dylan stated. Her face seems to explode at any time while wearing her evil stare.
"Sige, makikita natin. I will do my best to win him back. One of these days, baka magulat kayo na pag-aari ko na ulit siya." After saying those words, she turns her back and walks away.
As she fades from my sight, so does my smile. Ngumiti lang naman ako para asarin siya but I can't stand to let myself flash a smile on my face that long 'cause I'm still thinking of how I will deal with this problem.
Ngayong nakita ni Eli 'yon --- at hindi malabong malaman na rin ng iba naming mga kaibigan --- ay mas lalong lalaki ang gulo.
Yes, I'm aware of that. Ilang oras mula ngayon, I can feel that a thunderstorm is about to happen.
"Don't worry that much, Magi. Everything will be alright." Dylan suddenly held my shoulders.
I faced him and immediately took a step away from him. "Will you please stay away from me?
After what happen, do you think pwede pa tayong makita ng iba na magkasama? Gusto kong ayusin ang isyu na 'to hindi para palakihin, so please layuan mo muna ko."
I was about to walk out from him nang biglang may nakasalubong akong mga nagtatakbuhang reporters papunta sa akin --- sa amin ni Dylan.
"Miss Magi, hindi ba't ikaw ang girlfriend ni Eli Dela Peña?"
W-What? Paano nila nalaman na ako ang girlfriend ni Eli? Hindi naman namin sinabi sa public --- mukhang part ito ng plano ni Trisha.
That beach!
"May nakarating kasing balita sa amin ngayon-ngayon lang na may relasyon kayo ng isa sa mga kaibigan ni Eli?" Tumingin ito sa likod ko. "Ikaw si Dylan, 'di ba? Totoo bang may namamagitan sa inyong dalawa?"
"Gaano katagal niyo ng niloloko---"
"Could you please stop asking nonsense questions? Wala naman kayong alam kaya 'wag na lang kayong makialam!" I shouted at them, deadma na kung may mga cameras na nakatutok sa akin.
Tumakbo ako paalis sa lugar na 'yon dahil ito lang naman ang isang bagay na magagawa ko sa ngayon. Hanggang makakaya ay kailangan ko 'tong takasan at kapag handa na 'ko ay tiyaka ko 'to haharapin nang may lakas ng loob.
Hindi pa nga ako handa na magpakilala sa publiko bilang ako ang girlfriend ni Eli tapos biglang mangyayari ito? Makikilala ako ng lahat as Eli's girlfriend sa ganitong paraan? Tuwing iisipin ko, mas lalong nadaragdagan ang galit ko kay Trisha. Kasalanan niya ang lahat ng ito!
Palabas na talaga ko ng hotel nang makita ko sina Julia at Delancy sa may lobby --- seems that they are waiting for me to arrive. Delancy's face filled with a lot of concern ngunit kabaliktaran ang kay Julia.
She walks towards me before she slapped my face. "Alam mo kung gaano ko kagusto si Eli pero nagpaubaya ako kasi akala ko hindi mo siya sasaktan. Akala ko matagal na kitang kilala para pagkatiwalaan ka na ang ganoong klaseng bagay ay kahit kailan hindi mo magagawa.
Pero ano 'to, Magi? Niloko mo si Eli tapos kapatid ko pa talaga? Of all people, bakit si Dylan? Ano bang nasa utak mo, huh? Nababaliw ka na ba?!"
I looked at her. "Kung magpapaliwanag ba ako sa iyo, paniniwalaan mo ako? What if I tell you that everything was all planned by someone na gustong sirain ang relasyon namin ni Eli?" Now I'm looking at her face while her forehead creased. "You all know how I devoted my time, attention and love for Eli just to show how much I loved him. Dahil sa sobra kong pagmamahal kay Eli, I even forgot to love myself.
What's the use of all of that kung mag-c-cheat lang din naman ako sa kaniya? Para saan pa na kinalimutan ko ang sarili ko para lang mahalin at suportahan siya kung ipagpapalit ko lang din naman siya sa iba?"
"I understand you," Delancy come closer to me and tap my shoulders. "Alam kong sa kabila ng isinakripisyo mo para lang tumagal at tumibay ang relasyon niyo ni Eli ay hindi mo 'yon magagawa sa kanya. 'Wag kang mag-aalala, maiintindihan din ni Eli ang lahat."
"Kabaliwan na 'to!" Julia shouted which almost breaks my eardrums. "Gusto kitang paniwalaan, Magi. Kaso kapag naaalala ko na nakita kayo ni Eli na magkahalikan ng kapatid ko, bumabalik 'yong galit ko sa iyo at gustong-gusto kitang saktan.
Pilitin ko man na unawain ang mga sinasabi mo pero ang hirap." She walks away after saying those words.
I felt my tears are now falling down on my cheeks once again. Ang sakit pala talaga na tinalikuran ka na nga ng boyfriend mo nang hindi ka hinahayaang mag-explain, tinalikuran ka pa ng kaibigan mo na hirap paniwalaan ang explanation mo.
"Nandito pa rin naman ako sa tabi mo, Magi. Kung nararamdaman mo man na walang naniniwala at handang makinig sa iyo, nandito ako. I'm always here by your side." I heard Delancy suddenly said.
Gamit ang palad ay inihilamos ko ito sa mukha ko. "Sirang-sira na ako sa mga tao, Delancy. Natatakot ako na husgahan ako ng mga tao once they find out that I cheated on him... when in fact, na-setup lang naman ako. Paano ko ito lulusutan?"
"Hindi ko rin alam, Magi." She caressed my back, hoping I calmed down. "Magiging maayos din ang lahat, okay? Gagawa tayo ng paraan para malinis ang pangalan mo sa publiko."
I faced her and forced a smile. "I hope so," the only thing I did was to lock myself from both of her arms. I just really need a warm embrace from a friend.
Alam kong magiging mahirap para sa akin na ayusin ang problemang ito but for the sake of someone I love, pipilitin ko itong ayusin. I won't just stand without doing anything upang maayos ito.
---
"Wala namang problema sa Lola mo, Magi. Kumakain naman siya sa oras at umiinom din ng gamot." Nurse Jane told me wearing her sweetest smile. "Hindi lang ipinapaalam sa iyo ni Dylan pero simula ng sumpungin ang Lola mo, e palihim niyang dinadalaw ang Lola mo kaya siguro lagi siyang nasa mood."
My eyes widened. "What? Did he tell you what's his reason for not telling me na dinadalaw niya si Lola without letting me know?" I asked.
"Hindi sinabi kung bakit," she smiled at me. "Pero 'wag mo na lang tingnan na mali ang ginawa ni Dylan nang dahil lang sa hindi ka niya sinabihan about doon. Ang mahalaga naman, e hindi na sinusumpong ang Lola mo dahil sa ginagawa niya, 'di ba?"
I slowly nodded my head before I went straight to my room. Ang dami ko na masyadong iniisip tapos dumagdag pa 'tong si Dylan. He should at least let me know na gagawin niya 'yon hindi 'yong ganitong magugulat ako na malaman sa iba that he's visiting my Lola privately.
Really, what's on his mind?
I harshly shrug my head. "That shouldn't be my concern now, kung di 'yong issue about my relationship with Eli." I whispered.
Now that I've mentioned it once again, ano nang gagawin ko? How will I fix this issue? I don't even know kung paano ko haharapin si Eli at ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Natatakot ako na baka hindi niya ako pakinggan. Natatakot ako na baka tuluyan nang nalason ni Trisha ang isip niya.
I hope not.
Hindi lang 'yon ang dapat kong pinoproblema kung hindi ang paglagay ng dumi ni Trisha sa pangalan ko. Aware ako na sirang-sira na ako sa mga tao, although hindi naman ako artista na kagaya nila. Ang gusto ko lang naman ay tigilan na ako ng mga bashers --- sending rude messages to me na may halong pam-b-bash, paggawa ng memes about me and different posts na patama sa akin.
Dahil sa nangyari, I'm forced to take a social media break. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko sa twitter and Facebook feeds ko... na halos tungkol sa akin.
Tuluyan ng kumalat ang issue. Paano na ako haharap sa maraming tao nito?
---
While I walk going to my classroom, I felt uneasy when I've noticed some of the students here are eyeing on my behaviour. Hindi ko man sila tingnan isa-isa pero kitang-kita ko sa peripheral vision ko na kakaiba ang paraan ng pagtingin nila sa akin.
They seem like eyeing on me na puno ng panghuhusga. Hindi na rin naman ako magugulat kung marami na ang makaalam tungkol sa issue na kumalat kahapon lang. Nakasisigurado ako that Trisha already did an action to make her plan work.
Demonyita talaga 'yon. Tsk, may araw din siya sa akin.
"Feeling ko kailangan mo ng isang gwapong kagaya ko na maghahatid sa iyo sa classroom niyo."
I was close to being shocked when someone spoke beside me at talagang umakbay pa sa akin para lang itakip ang sarili niya sa mga estudyanteng kakaiba kung makatingin sa akin.
"No way! Kaya ko ang sarili ko!" Kaagad akong lumayo kay Israel tiyaka siya hinarap. "Kung ang inaalala mo ay baka 'di ko kayaning maglakad papunta sa classroom namin just because some students here are poking their judgemental eyes on me, then you're mistaken. I can handle myself, so you can now leave me alone."
"Sa bibig mo na mismo nanggaling ang mga salita na alam kong nagpapahina sa iyo. Kahit na hindi ko itinatanong pero sa dila mo na mismo nanggaling na affected ka sa mga tingin nila."
Nilingon niya 'yong mga estudyante sa gilid namin at nginitian niya pa ang mga ito. "At kayo naman, imbes na nasa loob kayo ng classroom niyo para kumopya ng assignment, e mas pinag-aksayahan niyo pa ng oras na tingnan si Magi nang ganiyan. Papasa ba kayo kung huhusgahan niyo siya?"
"Hey, are you trying to make a scene here?" I asked Israel, irritated. "Just leave me alone instead of making my morning extra awful!"
"Magi," tiningnan niya ko while holding my wrists. "Minsan lang ako magpaka-gentleman at isa ka sa mapapalad na makakatanggap ng extra service. Let's go!"
He didn't let me reply, instead, he immediately grabbed my hands at hinatak na paalis doon. Gustuhin ko man magpumiglas sa pagkakahawak niya but I think my body was running out of strength.
Maybe Israel was right, I was indeed affected by those students' gaze at me. Nakakapanghina na dahil lamang sa isang isyu na kinasangkutan ko ay mag-iiba na ang tingin sa akin ng ibang tao.
I just can't believe how an issue changes someone's perspective in life, and so the trust they have in that person involved in the issue.
"Kung ako sa iyo, 'wag ka ng mag-overthink nang sobra. Hindi 'yan makakatulong para ma-solve ang issue. Ang kailangan mong gawin ay harapin 'yong mga taong kailangan ng paliwanag mula sa iyo." Habang naglalakad ay biglang nagsalita nang gano'n si Israel. "Lubos na nasaktan sa nangyari ay si Eli kaya hangga't maaga pa ay sana kausapin mo siya.
Hangga't maaga pa ay ayusin niyo ito bago mo pagsisihan na pinatagal mo muna bago mo inayos --- kasi naunahan ka na ng iba."
Kasabay no'n ay nakarating na kami sa classroom ko. Iniwan niya ko sa may pintuan upang pumasok sa classroom nila dahil hindi naman isa sa mga subject na tini-take niya ang first class namin.
I let out a heavy sigh. Kinakabahan akong pumasok sa loob kasi baka kagaya ng mga estudyanteng nadaanan ko kanina, e husgahan din ako ng mga kaklase ko. Natatakot akong saluhin mag-isa 'yong mga mapanghusga nilang mga tingin---
"You don't have to feel nervous, Magi. Nandito lang ako sa tabi mo." In the midst of having a conversation with myself, Dylan suddenly came beside me.
I glanced at him. "Mahirap ba para sa iyo na intindihin 'yong sinabi ko kagabi? Gusto mo ba talagang lumaki lalo 'yong isyu kung patuloy nila tayo makikitang magkasama? Use your brain, come on!"
"Kahit ano pang sabihin mo, wala akong pakialam." After saying those words, he held my right hand and pulled me to enter our classroom.
What the? Is he really out of his mind?!
"Dylan---" I attempted to pull my hand back when someone suddenly spoke.
"Magi, are you okay? Nabalitaan namin 'yong tungkol sa kahapon. Was that true?" Miguel, our class president, asked.
"A-About that," I stuttered, finding the right words in my mouth to utter.
"Hindi 'yon totoo, Migs. Tanga ang nagplano ng bagay na 'yon kaya tanga lang din ang maniniwala roon." Nagulat ako nang manggaling ang mga salitang 'yon kay Julia.
"Pero 'yong video kasi na kumalat sa facebook kahapon---"
"Gaya ng sinabi ko, planado ang lahat ng iyon. Na-set-up sina Magi at Dylan kaya nangyari 'yon kasi gusto ng gumawa no'n na sirain ang relasyon ni Magi kay Eli."
"Sino namang gagawa no'n?" Naki-chismis na rin ang VP namin sa classroom.
"Aalamin kung sino," Dylan replied. "But for now, sana 'wag niyo kaming husgahan ni Magi. Na-set-up kami at lahat ng iyon ay hindi namin kagustuhan na mangyari."
"We trust you, guys, naman. Tayo-tayo ang magkakaklase sa loob ng halos tatlong taon kaya tayo-tayo lang din ang magtutulungan sa problemang ganito. May tiwala kaming maaayos din 'yan."
A smile suddenly flashes on my face because of what Miguel said. Nakakataba lang ng puso na marinig ang gano'ng bagay sa kinatawan ng klase namin. Buong akala ko ay huhusgahan din ako ng mga kaklase ko but it turns out the other way around --- a lot way better.
I didn't expect that I would find comfort with these people inside our classroom. Ang swerte ko sa part na magkaroon ng mga kaklaseng kagaya nila, na imbes na husgahan ka, e i-c-cheer-up ka pa nila.
"Hindi ka na galit kay Magi?" I heard Delancy asked to Julia na tila humuhugis-puso pa ang mga mata nito.
Julia looked at me seriously, but a few seconds had passed before she smiled and hugged me. At first, nagulat ako sa ginawa niya but at the same time, I felt delighted as I felt the warmth of her embrace.
"Alam mo namang 'di ko kayang tiisin ka!" I heard she shout at my ears tiyaka lumayo sa akin. Akala ko tuloy nabingi na ko. "Hindi ako nakatulog kagabi kasi hindi ako pinatulog niyan!" Sabay duro kay Dylan. "Kinonsensya niya ako magdamag kaya ko na-realized ang lahat-lahat. Siguro nadala lang ako ng emosyon kaya hindi ko napakinggan nang maayos ang paliwanag mo."
Should I owe Dylan a thank you? Thanks to him because, finally, Julia understood where I am coming from.
"Thank you," that's the only phrase I muttered.
"Isa na lang ang problema at 'yon ay si Eli. Kailangan mo siyang makausap bago ka maunahan ni Trisha." Dylan seriously said.
Once I cleared everything with Eli, malilinis na rin ang pangalan ko sa mga tao.
"Ano'ng kinalaman ng ex ni Eli rito?" Naguguluhang tanong ni Delancy.
Julia poked her forehead. "Sino pa ba ang pwedeng gumawa nang ganitong kabaho na plano kung di si Trisha lang naman. Obvious naman kung bakit niya ginawa 'to... kasi gusto niyang magkabalikan sila ni Eli. Ang tanga, 'di ba?"
Puno ng pagtataka ang mukha ni Delancy, obviously hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. "Buong akala ko pa naman ay mabuting tao 'yong si Trisha."
Julia chortled habang ako naman ay biglang na-curious at nagtanong. "Bakit? I mean, what did she do for you to believe that she's a nice person?" Hindi naman sa pam-b-bash pero kasi ang hirap paniwalaan na mabuting tao 'yong Trisha na 'yon, lalo pa sa ginawa niyang pag-set-up sa amin ni Dylan.
Nakakayamot siya!
"Uhm, kahapon kasi sa party, inabutan niya ko ng wine habang busy tayo na pinapanood ang DWEIYAH. Kaya naisip kong nice person siya."
"Kaya ako tumawa," Julia said in between laughs.
Naupo na lamang ako sa upuan ko para isipin na lang kung ano'ng diskarte ang gagawin ko para makausap si Eli. Alam ko namang hindi niya sasagutin ang mga messages and calls ko, kaya ano'ng pwedeng alternative doon?
"Kung ako ang tatanungin, dapat mo na siyang kausapin, Magi." I heard Dylan say who sat on the chair on my back. "Today is a good day to try, or else you will regret it."
I did not bother myself to face him, instead, I processed the words he just mumbled. At some point, Dylan was right. Ayokong maunahan kaya kailangan kong gawin ito. Deadma na kung ipagtabuyan ako ni Eli o piliing 'wag kausapin. But still I won't give up on him.
I am Magi Serrano... who believes that giving up is only for the rookies.
---
As soon as our classes ended, I immediately bid my goodbye to Julia, Delancy and Dylan. Gaya ng ipinayo nila sa akin, this is the perfect time para kausapin si Eli. It's between now or never kaya gagawin ko na ngayon bago ko pa 'to pagsisihan sa huli.
Lakad-takbo ang ginawa ko makalabas lang ng campus nang mabilisan. Alam ko naman na kung saan ko pupuntahan si Eli, ang problema ko na lang ay kung saan ako sasakay. 'Yong sundo ko ay wala pa pala sa may parking lot nang makalabas ako.
The heck? Mamamasahe ako?
"Dylan called me to pick you up. Let's go?" I heard someone speaking behind me, only to see that it was Alec.
I smiled sheepishly. "You're a blessing in disguise. Thank you!" I said and went inside his car.
He drove as fast as he could, ultimo may hinahabol kaming oras dahil sa tulin ng pagpapatakbo ni Alec sa kotse. And because of that, ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa building ng SGN.
I unplugged the seatbelt. "Thank you so much!" I said and hurriedly went outside of the car.
Nagtatakbo ako papasok sa loob, although may pumigil sa akin na mga guard na bawal daw pumasok kung walang appointment.
The hell I care?!
Kailangan kong makausap 'yong boyfriend ko kaya s-in-ample-an ko sila ng mga natutunan ko kay Ippo Makunouchi sa Knockout kaya siguro makakahimbing sila kahit kalahating-oras man lang.
Agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang numerong 13 kung saan naroon sina Eli ngayon. While I'm waiting na makarating sa 13th floor ay hindi ko maiwasang mapansin ang panginginig ng dalawa kong kamay. Ramdam ko rin ang lamig ng pawis ko sa noo --- but I shouldn't endure it and chose to back-out, instead. Nandito na ko kaya itutuloy ko 'to.
This time I have to be brave. Kailangan maging matapang ako na harapin si Eli para lang maayos ito. Doesn't mean I wanted to be brave, I will go looking for any trouble. Ang isyu na nangyari ay hindi ko sadya at wala sanang ganitong trouble kung walang nakialam. Kasalanan ito lahat ni Trisha, e. Pagbabayaran niya 'to and I will make sure she will be able to taste her own medicine.
As soon as I arrived at the 13th floor, patakbo kong hinanap kung nasaan ang studio ni Eli. Nagtanong-tanong pa ko sa mga staff, and finally nahanap ko na rin. Before opening the door, I let out a heavy sigh to release the anxiousness I feel. After that kaartehan I have, I opened the door---
Only to see myself in Eli's shoes when he caught Dylan and I kissing at the rooftop garden.