Chapter 30: TIME
CONRAD
Naging maka sarili nga ba ako? WAlA akong ibang ginusto kundi siya at sa pag kakaalam ko napapasaya ko siya sa pag tulong ko, ako pala ang dahilan kung bakit naging ganito kami. Ako ang dahilan kung bakit ganun ang ginawA saakin? Okay sige, para matapos na ito kasalanan ko na so ngayon ppaan na??
Ilang araw kami na hindi nag papansinan ni cindy, andito sila sa bahay ko. Malaya sila, hindi nakakulong at kung gusto nila umalis ay maaari silang umalis. Nakamasid lang ako sakanila na nag lalaro ng may lumapit.
“ ano na balak mo iho?” si manang.
“ kung ano ang dEsisyon ni cindy igagalang ko, ayokong ipagkait ung buhay na gusto niya. Ayokong guluhin o sirain ang plano niya” napa ngiti si manang.
“ mahal mo talaga siya” tumango ako.
“ minsan ang maling pamaraan na pagmamahal ang mismong naglalayo sa taong mahal mo, hindi ko alam na may ganun dahil minsan lang naman ako mag mahal manang dahil buong buhay ko ang gusto ko lang ay makapag higanti sa pumatay kay mama at nang makuha ko iyon dumating naman si cindy”
“ dumating siya at hindi mo na pinakawalan at hindi mo alam ay sumobra ka” tumango ako.
“ ang alam kong tama ay mali pala sakanya, bata pa naman ako manang kaya madami pa ako matutunan sa buhay” tumango si manang.
“ tama 25 y/old pa lang kayo, nag uumpisa pa lang diyan ang mga pagsubok. Wag niyo masyado bilisan dahil kung kayo talaga ay magiging kayo dahil darating ung araw na magkikita kayo at mapapaisip niyo na talagang kami ay itinadhana” napa ngisi ako.
Kinuha ni manang si rad at tinignan ako, nilapitan ko si cindy na halatang iniiwasan ako. Bumuga muna ako ng hangin.
“ pwede ba tayo mag usap?” bumuntong hininga at tumango.
“ gusto ko lang malaman kung ano ang gusto mong mangyari or balak para sainyo ni rad??” tinignan ako.
“ gusto ko sanang irespeto kung ano ang balak mo, hindi ako kokontra sa gusto mo dahil gusto ko maging masaya kayo ni rad. Kung balak mong lumayo kasama si rad, okay lang saakin pero hayaan mong sustentuhan ko si rad”
“ paano kung gusto namin dito?” sagot niya.
“ andami mang gulo sa buhay natin hindi naman ako selfish para ipagkait kay rad ung pamilya na buo, limang taon tayong naglalaro and mukhang alam naman na natin ung mga mali na nagawa natin” tumango ako.
“ may hihilingin lang ako kung sakaling dito kami, hayaan mo akong kumayod para kumita ng pera para makagawa din ako ng sariling pangalan. Para pag nagipit ka meron akong susuporta sayo, gusto kong malaman mo na ayoko talagang naka depende sayo ang lahat lalo pat napaka delikado ng mga pinapasok mo, hindi din natin masabi dahil madami kang kaaway”
“ gusto ko din na sa pag dating ng panahon ay tumigil kana sa pagiging mafia mo, ayokong ikamulatan ni rad na ganito ka, gusto ko ng tahimik na buhay” hindi ko alam kung nasa pelikula ako o nanaginip dahil sa mga naririnig ko.
“ bakit hindi natin subukan, pag bibigyan kita ngayon conrad. Napag isip ko na naging unfair din ako sayo noon kaya kalimutan natin ang mga nangyari at mag simula. Sorry sa mga nagawa ko sayo and thank you dahil kahit ano pa ung nagawa ko hindi mo ako pinatay” napangiti ako.
“ sigurado ka ba??” tumango siya.
“ Kung ganun payag ako, kung gusto mo kumita ng pera sa pamamaraan mo payag ako pero hindi mo maalis na may nakabantay sayo para kung may mag balak ng masama ay andiyan sila. Wag kang mag alala nasa gilid gilid lang sila at hindi ka nila papakialaman. Para sa proteksyon mo lang, ikaw na din nag sabi na madami ako kaaway at wag ka din mag alala dahil nasa plano ko ang pag tigil na sa pagiging mafia, Iaayos ko lang ang lahat para malinis at panatag akong mamumuhay ng tahimik” ngumiti siya.
“ mukhang nagkakaintindihan tayo ngayon, okay ata ung ilang araw nating di pag papansinan dahil nakapag isip isip tayo” sabi niya, ngumiti ako at lumapit sakanya.
“ thank for giving me chance” kumunot ang noo niya, niyakap ko siya.
“ uy, ang bilis maka tsansing ah. Hinay hinay naman” sabi niya, tinaas ko ang kilay ko.
“ ako talaga? Tignan mo nga kung saan banda ung kamay mo” tinignan namin at nanlaki ang mata niya.
“ hindi ko alam yan” agad niyang sabi, napa ngiti ako.
“ may sariling buhay ung kamay para mapunta diyan” inirapan ako, paaano ba naman kasi nasa gitna ko ung kamay niya eh niyakap ko lang naman siya hahaha.
Akala ko talaga lalayo sila at mabuti na lang ay binigyan ako ng chance, gusto ko din kasing makita ang anak ko na lumaki pero syempre iniisip ko ung balak ni cindy. Ayoko na kasing alam niyo na, para wala siyang masabi saakin.
“ mukhang may bagong balita” si amanda.
“ nagkaayos na ba kayo??” tanong ni ben.
“ tinamaan ako ng kabaitan” sagot ni cindy.
“ naku conrad sulitin mo na iyan, baka mawala agad” sabi ni daniel, himala at dumalaw siya.
“ malabo dahil mahal ako niyan” tinignan ko siya sabay kindat.
Napailing na lang siya, hindi mo talaga masasabi kung ano ang mangyayari. Ung akala mo na mangyayari ay magiging kabaliktaran pa kaya mas okay na wag ng pangunahan ung mga bagay bagay at hayaan na lang na mangyari para hindi lumala.
Pero kahit ganun man hindi ako magsisi na minahal siya kahit mag desisyon siya na lumayo dahil siya lang ang pinili ng puso ko at wala ng iba.
Binigyan ako ng pagkakataon para mapatunayan ko ang sarili ko at hindi ko sasayangin iyon, mamahalin ko sila at hindi sila pababayaan. Iyon ang paninindigan ng pagiging mafia ko ang maging tunay at hindi sakim.
THE END
THANK YOU SO MUCH PO!
YOUR AUTHOR: D. R. S. R
The End
You finished this book. Find your next story below.





