Chapter 21: CONRAD
CINDY
Takbo ako ng takbo dahil andaming humahabol saakin, hindi ko akalain na mafia ung matandang iyon. Sabi ko kasi sakanya ayoko na kaya kasalanan niya kung bakit ko siya sinapok ng bote, pagod na pagod na ako.
“ huli ka!” napapikit ako, nahuli parin nila ako? Akala ko naman ay nakatakas na ako.
“ tulong!!” sigaw ko, ngumiti ung lalaki.
“ walang makakaligtas sayo, sumama ka saamin” kinaladkad ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin pero sana wag akong patayin dahil sa ginawa ko matandang iyon.
Dinala ako sa napaka daming tao, anong meron kaya dito at anong gagawin namin dito?? Ipinasok nila ako sa isang kkwarto, andaming mga gamit.
“ alam mo bang ikaw lang ang nakagawa non saakin” natakot ako sa tingin nong matanda.
“ pinilit mo ako, sabi ko ayoko na pero mapilit ka” sabi ko sakanya.
“ sana bago ka mag desisyon ay inisip mo muna kung ano kakalabasan, ngayon bilang kabayaran sa ginawa mo saakin, isusubasta kita” kumunot ang noo ko, anong subasta?
“ hindi mo alam?? Kung alam mo ang bidding iyon ang ibig sabihin” napa awang ang labi ko.
“ teka lang naman, wag naman. Sorry sa ginawa ko---”
“ huli na, mas okay narin na isubasta kita dahil mas malaki ang kita ko sayo” ngumiti siya at tumalikod na.
May pumasok na babae, namili ng damit at ibinigay saakin. Isusuot ko ba ito? Tinignan ko ung babae na napaka sungit..
“ isuot mo kung ayaw mong bugbugin pa para isuot yan” kinuha ko ung damit, bakit ba napaka malas ko. Lagi na lang bang ganito ang buhay ko? Kung hindi gagamitin, ibebenta naman.
Lumabas na ako at nag hihintay kung anong mangyayari sa susunod, bumukas ung pintuan at binitbit ako. May naririnig na akong lalaking nagsasalita, kinakabahan tuloy ako kung anong mangyayari saakin.
Inilabas ako at ppinailawa ako, nag palakpakan ang mga tao at nag salita na ung lalaki. Nag simula na silang mag bid at ano na lang ang gagawin ko pag nabenta ako? Anong gagawin nila saakin.
“ wala na kayong talo dito dahil sariwang sariwa pa, gawin niyo na ang lahat sakanya total bibilhin niyo naman” sabi ng lalaki, nanginginig na ang buong katawan ko lalo pa nong nagsisigawan ung mga lalaki sa kasabikan.
WalA man lang bang tutulong saakin? Sino nga ba tutulong saakin? Sino? Tinignan ko ung mga tao na patuloy sa bid at ng may mapansin akong pamilyar, si conrad na naka tingin lang.
“ sino pa?? bid lang, napakakinis ng kanayang kutis at napaka bango” sabi ng lalaki sabay amoy saakin, napalunok ako.
Kasama ni conrad si ben na naka tingin din, hindi sila nag bibid ibig sabihin hahayaan lang nila ako tsaka bakit ba ako aasa na ililigtas nila ako? Gaya nga ng sabi ni conrad hindi na siya mangingialam, naikuyom ko ang kamao ko.
“ mEron pa ba?” naka tingin lang ako kila conrad, nag taas ng bid si ben at nagkaroon ako ng pag asa pero may nag bid uli, tinapatan uli ni ben.
Tinignan ko si conrad na walang pakialam, tinapatan ang bid ni ben at hindi na ako mapakali hanggang nag bid uli si ben, napaka laki na ng halaga at diboble pa nga ng isang lalaki. Nagulat ang lahat ng tao, naka tingin ako kay ben na mukhang problemado na.
Napapikit ako, nag bilang na kasi ung lalaking salita ng salita pa kanina. Tumulo na din ang luha ko dahil habang papalapit ng papalapit ang bilang nawawalan na ako ng pag asa na tumbasan pa ni ben. Napaka laki na nong halaga kaya---
“ mine for 1 billion” napa angat ako ng ulo, pamilyar na pamilyar ang boses na iyon.
“ may hihigit pa ba sa isang bilyon?” tannong ng lalaki, nanahimik ang lahat ng tao. Nag bilang na ung lalaki at wala ng nag balak pa kaya napunta ako kay conrad, nilapitan ako ni ben at doon ko lang napansin na nanghihina na pala ang tuhod ko.
“ paano ka napunta dito cindy?” tanong ni ben.
“ conrad napaka swerte mo at ikaw ang nakakuha” lumapit ung matanda kaya mabilis akong humawak kay conrad, ngumiti ung matanda.
“ wag kang mag alala hindi kita gagalawin dahil nabili kana ni conrad” sabi ng lalaki
“ manyakol!!” galit kong sabi.
Sinamaan niya ako ng tingin para mapakapit ako ng mahigpit kay conrad, nag tago na din ako sa likod niya. Ayoko na muling mapunta sakanya, nakakadiri siya
“ ung tao ko na lang ang bahala sa pera mo” malamig na sabi ni conrad.
“ sige, aasahan ko yan” sabi ng matanda, tumalikod na si conrad. Sumunod naman ako, ngayon ano na ang mangyayari saakin?
Sumakay sila sa kkotse, tinignan ako ni ben na parang sinasabing sumakay na. tinignan ko naman si conrad na walang sinasabi.
“ sakay na cindy” sabi ni ben kaya sumakay na ako, nabili ako ni conrad kaya hindi ngayon ang panahon para mag inarte. Iniisip ko tuloy kung paano na kaya ung babayaran ko sa hospital, tumunog naman ang phone ko, dinukot ko sa may dibdib ko kahit nakakahiya. Doon ko kasi inilagay nong hinahabol ako, mabuti nga at hawak ko pa.
“ ma?” tanong ko sa kabilang linya.
“ nasan ka? Dinala uli sa operating room ang kambaal” umiiyak si mama at doon pa lang hindi ko na kinaya.
Binaba ko ang phone ko dahil ayoko pang marinig ang iyak ni mama, ano na ang gagawin ko. Tumulo na ang luha ko.
“ may pproblema” tanong ni ben.
“ pwede bang sumaglit muna tayo sa hospital? Titignan ko lang ung kambal na kapatid ko” tinignan namin si conrad na walang imik.
“ okay lang kung hindi ppwede” pinunasan ko ang luha ko.
Ilang minuto ay napansin kong pamilyar ang luhar, nasa hospital kami pero paano niya alam??
“ samahan mo ben, mag hihintay ako dito” malamig na sabi ni conrad, nginitian ako ni ben kaya bumaba kami at nag madali na ako.