Chapter 14: Sweet Fiance

Dama pa rin ni Lisa ang init ng katawan ni Alessandro habang yakap siya nito. “Les?” Nakahiga sila sa damuhan pero komportable pa rin ang pakiramdam niya dahil nakadagan siya dito.

“Hmm?”

“Wala lang,” sabi niyang nakangiti lang habang hinahaplos ang pisngi nito. “Ang pogi mo.”

“I know,” he said and gave her a boyish grin.

“W-what will happen now?”

“What do you mean? Things will be the same. I’m still your fiance. We will get married when you turn twenty-five.”

“Ang tagal pala. Pwede ba kapag twenty na lang ako?”

Umalingawngaw sa paligid ang malakas na halakhak nito. “You ha,” anitong nagkunwaring bading. “Natikman mo lang ako, gusto mo na agad magpakasal.”

“Hitsura mo!” Lalo lang din itong natawa sa kanya habang pinabubulaanan ang kapreskuhan nito.

“Patapusin mo muna ako ng MBA saka natin asikasuhin iyung kasal natin, my pretty fiancee,” nakangiting sabi nito at kinintalan siya ng halik.

Lumaki ang mga mata niya. First time siyang tawagin nito ng ganoon, hindi na bata o bulinggit. “Pumapayag ka nang fiance kita?”

“Three years mo nang ipinagpipilitan iyan sa akin. Inakit mo na ako dati, naakit mo naman agad ako kaya para akong batang agad pumirma ng kontrata natin. You got me wrapped around your finger, princess. Kumbaga sa house and lot, may titulo mo na ako. I’m yours, baby,” nakangiting sabi nito habang pinapaliguan siya ng halik. Para siyang mag-ha-hyperventilate. Sa kanya na raw ito. Nagpapasakop ito sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Natigil lang sila nang maramdaman ang malalaking patak ng ulan. Nagmamadali silang magbihis pero malakas na ang ulan. “Mamaya na tayo umuwi,” anito at hinila siya papunta sa dulong bahagi ng burol. May maliit na kubo doon.

“Paano iyung motor mo?”

“Walang kukuha doon. I own this place.”

“You own?”

“Yup, this is our property. Hiningi ko ito kay Daddy at ibinigay niya basta pumayag ako maging fiance ng magandang dalagang karga ko,” anito at siniil siya ng halik bago siya ibinaba.

“Les?”

“Hmm?”

“C-can we do it again?”

Natigilan ito. “Are you sure? Y-you’re sore.”

“I c-can. I just want to feel you again if it’s fine with you.”

“If it’s fine with me? I will love to make love with you again!” Hindi na siya nito hinayaang makatugon dahil mabilis na siya nitong siniil ng isa na namang halik. Mabilis din nilang naalis ang mga saplot at sa kabila ng lamig ng paligid dahil sa ulan at hangin ay natupok sila ng init. Nagliliyab ang kanilang mga sarili na parang kayang sunugin ang kubo.

“C-can I do it?”

“Ang alin?”

“T-the one that your girls are doing to you.”

“Kaya mo ba?”

“Teach me.” He just smiled and remained standing. She moved down and touched his raging penis with her two hands. When she looked at him he was leaning on the wooden door. Para itong mababaliw habang hindi mapakali kung saan ilalagay ang kamay. Moments later, her lips and tongue did wonders to his huge part. Her mouth was full, a bit distracting but satisfying. She was right when she said that he growled like a lion. He was noisy, but she loved it. It was as if she was driving him crazy. “Do you like it?”

“I love it,” he said and grabbed her hand. He pulled her up and did the same to her. She understood why he looked like a lunatic person when she pleasured him. She guessed she looked the same. Moments later, he stood up and carried her. Her legs circled his body while her body leaned against the wall. They did it standing. They both moved. They both gave and demanded to be given. It was perfect. It was hot yet full of love. For the second time, he drove her into a total frenzy as he spilled his juices into her.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na ang ulan pero sila ni Alessandro ay mukhang walang balak tumigil hanggang sumikat ang araw. They just stopped when they were both spent. She was sore all over after doing it thrice. Alessandro was insatiable and full of stamina, and she would like to thank him for that. She knew it was wrong. Her parents would be disappointed or even mad. But, the man beside her made her feel like a natural woman. “Alessandro?”

“Hmm?”

“Uwi na tayo,” aniya. Hatinggabi na at baka mag-alala na ang mga magulang at kuya niya.

“Pwedeng isa pa? Last na?”

“Hindi ka pa ba nagsasawa?” Gulat na gulat siya rito.

“Hindi pa,” anito at tumawa nang malakas. Pinagbigyan niya ito at naulit pa iyon ng ilang beses hanggang parang pakiramdam niya ay wala na silang lakas para umuwi.

“Alessandro, hindi ko na yata kaya,” aniya. Damang-dama niya ang panginginig ng mga tuhod.

“I’ll carry you, my fiancee,” he said while kissing her. They got dressed. He carried her to his motorcycle. Sa harap siya nito pinapuwesto para kapag nakatulog siya sa biyahe ay yakap pa rin siya nito.

“Thank you,” aniya nang maihatid siya nito at bumaba na ng motor nito.

“My fiancee, you forgot something.”

“Ano iyon?”

“My kiss,” sabi nito at pinatulis ang nguso at mariin niya iyong hinalikan. Malalim iyon at mapusok na tumagal ng ilang minuto bago nila pinakawalan ang isa’t isa. “Goodnight, baby. Dream of me,” he said and winked at her. Pinaandar na nito ang motor.

Hindi pa ito nakakalayo ay tinawag na niya ito. “Alessandro.”

Agad itong huminto at lumingon sa kanya. “Why?”

Patakbo na siyang lumapit dito. “I love you,” aniya at nagmamadaling tumalikod dito at tumakbo papuntang gate nila. Bago siya makapasok ay nilingon muna niya ito. Nakatingin lang ito sa kanya, hindi nakangiti, hindi nakasimangot, parang nabigla lang ito pero hindi niya sigurado dahil blangko ang ekspresyon. Nang tawagin niya para sa flying kiss, doon pa lang ito natauhan at ngumiti sa kanya. Hanggang makatulog siya ay dala niya ang kasiyahan na ipinagkaloob niya ang sarili dito. Mali pero para naman iyon sa kanyang fiance at sa taong una at nag-iisa lamang niyang mamahalin.

Pero kinabukasan ay wala man lang itong text o missed call sa kanya. Tinext niya ito ng “Good morning, my fiance. I love you so much.” Maghapon siyang naghintay ng reply nito na hindi dumating hanggang kinabukasan. Pagdating ng Lunes ay pinuntahan niya ito sa college building nito. Hindi na siya pinapaalis nito kaya kampante naman siya. Isa pa, graduate na naman ang lahat ng kaibigan nito. Tanging ito na lamang ang nag-aaral pa. Nasa likod ito ng building at nakatutok sa laptop nito. Pasimple na siyang lumapit. Abala pala ito sa thesis nito at mukhang hindi pa ito kumakain kahit vacant na.

“Good morning, my handsome fiance.” Doon pa lang ito lumingon sa kanya at parang gulat na gulat na makitang naroon siya.

Ngumiti ito pero pakiramdam niya ay awkward iyon. “Oh bulinggit na makulit. Miss mo naman ang gwapo mong fiance,” naiiling na sabi nito.

Napangiti na lang din siya. Mukhang busy lang din ito. Gusto niyang mainis na iyon na naman ang tawag nito sa kanya pero natutuwa siya na ina-acknowledge nito na ito ang fiance niya. Nagkuwentuhan pa sila habang yakap nito. Mas naging malambing na ito sa kanya at pagdating ng uwian ay ito pa ang naghatid sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay lagi na itong nakaabang sa kanya sa baba ng building kapag vacant. Wala na itong pakialam kahit may nakakakita sa kanila na holding hands habang naglalakad. Sabay silang kumakain sa cafeteria at inihahatid pa siya nito pauwi na ikinatutuwa ng mga magulang niya.

Ang Kuya Leandro niya ay nasanay na rin marahil dahil minsan ay nahuli silang naghahalikan nang ihatid siya ni Alessandro. Sumigaw pa ito. “‘Tol, alam kong fiancee mo na iyan pero kapatid ko pa rin iyan. Huwag mo masyadong panggigilan at nakakaasiwang makita.” Tinawanan lang iyon ng kanyang fiance. Ang kuya naman niya ay napapailing na lang at pasimpleng nagtatanong sa kanya bago siya sinabihan. “Kaibigan ko iyon, kapatid kita at nag-iisa ka lang. Magsabi ka lang kapag may ginawa iyang kalokohan.” Napangiti tuloy siya dahil sa concern ng kuya niya na tinupad ang pangako nitong unlimited supply ng pizza at pasta.

Nang sumunod na linggo ay tapos na ang thesis defense nito at ga-graduate na ito. Masaya naman siya dahil sabay silang mag-ma-martsa. Siya ay sa high school, ito naman sa college. Sa araw ng kanilang graduation, muli niyang ipinagkaloob ang sarili dito.

ISANG araw ay dumalaw sa kanya si Christian at niyaya siya sa park ng kanilang bayan. Magkikita sila ni Alessandro at dadalhin daw sa isa pa nitong safe haven. Umaga pa lang noon at tanghali pa naman siya pupuntahan ng fiance niya. “Bakit ka pala nakipagkita? Bakit wala naman dito si Rex?”

“Lisa, pupunta na kami sa US.”

“Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi?”

“Biglaan lang eh. By the way, I broke up with Charice.”

“Bakit naman? Ano ba ang problema?”

“I can’t go on pretending anymore. Lisa, mahal kita. Akala ko kaya kong mahalin si Charice.”

“B-bata pa tayo. N-nagkakamali ka lang siguro.”

“Bata ka pa rin naman pero alam mong mahal mo si Alessandro kaya nga ang hapdi sa pakiramdam eh. Nasaktan ko si Charice pero hindi ka kailanman magiging akin.”

“H-how is she?”

“Nasa Maynila na. Okay lang naman daw siya. Magka-text pa kami kagabi at siya ang nagpilit sa aking umamin sa nararamdaman ko sa ‘yo dahil sayang daw kung hindi ko masasabi. P-pasensya ka na ha.”

“O-okay lang iyon,” aniya kahit naiilang.

“Pupunta na rin naman ako sa US. Mami-miss kita,” anito at biglang pumiyok. Her best friend loved her, and she wasn’t aware of it.

“I’m sorry,” aniya habang pinupunasan ang mga luha nito.

“C-can I kiss you. If it’s okay with you.”

“Christian…”

“Please,” anito habang patuloy sa pag-iyak.

She couldn’t bear it. “Okay,” aniya at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. Hindi sila gumalaw pareho at parang ninamnam lang nito ang mga labi niya habang nakapikit. Siya na ang kusang kumawala rito.

“Thank you, Lisa. Halika ihahatid na kita sa inyo.”

“Sige,” aniya at yumakap muli rito nang mahigpit habang umiiyak. Inisip na lang niyang mag-uusap pa rin naman sila at nandiyan si Rex para samahan siya.