“Stay away from your wife?” Napatingin naman ako kay Dustin nang sabihin niya ‘yon.
“Dustin . . .” marahang tawag ko kaya naman humigpit lalo ang hawak ni Callum sa kamay ko.
“First of all, I can’t do that, Callum. I’m her best friend. Nasa buhay na niya ako, college pa lang kami. Kasama na niya ako bago ka dumating sa buhay niya. You’re her husband, yes, but you can’t just order someone around her circle to just stay away from her like that. Do you want her to live alone and just be with you all the damn time?” matamang sambit ni Dustin habang nakikipagtagisan ng tingin sa asawa ko.
“No. But if it’s you who she’s with, I’d rather want her alone than be with you all the fucking time.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin kay Callum na seryoso ang mga mata at parang anumang oras ay sasaktan niya si Dustin sa harap ko. Kung hindi lang siguro ako nakapagitan sa kanilang dalawa.
Callum advanced when Dustin did not flinch of what he said, instead he chuckled without humor. Agad ko siyang pinigilan dahil baka kung ano ang gawin niya kay Dustin. Sakto naman na bumukas na ang pinto ng elevator sa palapag ng opisina ko.
“Cal, let’s go. I’m sorry Dustin. We’ll talk some other time. I’m really sorry.” Tumango lang si Dustin sa sinabi ko at hinayaan na kaming lumabas. Hinila ko si Callum palabas do’n.
“Why are you so scared I’d beat him up?” Callum said when he neared my office. Napanguso ako.
Agad napatayo si Christina nang makita kami ni Callum na paparating. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin kaya naman sinenyasan ko lang siyang umupo na. Hindi naman siguro magtatagal si Callum dito.
“I’m just concern,” sambit ko habang hawak pa rin siya sa palapulsuhan. Nagpapatianod naman siya sa akin papunta sa opisina ko.
“You’re concern to him?” Nahihimigan ko ang iritasyon at . . . selos sa boses niya. Hindi ko alam kung selos bang talaga ‘yon.
Nang makapasok kami sa loob ng opisina ko ay hinarap ko siya at sinagot. I’m still a meter or two away from him, not too distant from him.
“Of course, he’s my best friend. It’s normal for me to be worried and concerned to him.” diretsong sambit ko na nagpadilim ng kaniyang ekspresyon sa mukha. “But I don’t want him to hurt you . . .” sa maliit na boses ay sambit ko bago nag-iwas ng tingin. “I don’t want you to get punched by Dustin,” sa mahinang boses ay sambit ko.
When I glanced at him I saw him stifling a smile. I frowned.
“You don’t want me hurt?” he asked languidly.
“Of couse,” I said in a small voice before looking away again. My face heated.
Humakbang siya palapit sa akin. Kinain ng malalaki niyang hakbang ang pagitan namin. Nahigit ko ang hininga ko at hindi agad nakakilos dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin.
“Wife . . .” nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong namumula ang tainga at leeg niya. Hindi ko alam kung bakit? “Fuck,” mariin siyang pumikit at parang hirap na hirap magsalita o magbigkas ng kung anong salita. Mas lalo pa siyang lumapit at hinawakan ang aking kamay bago ako hinila nang marahan palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit.
I gasp when I felt his warmth as hug me tight. He kissed my head consecutively and whispered something.
“I don’t think I can do my plans now . . . Fuck. What are you doing to me?” Naguguluhan man ay hindi ko na lang ‘yon pinansin.
It confused me. What plans is he talking about? What does that mean? I remember him saying a word ‘revenge’ before. But for whom? Where is he coming from to say those words? I don’t know. I want to ask but I don’t want to invade his privacy. Naka magalit pa siya sa akin. So I stayed silent until he’s contented with the hug.
Nang kumalas siya sa yakap ay tinitigan niya ako nang mariin. Pinagmamasdan niya ang buo kong mukha. I look at him the same. He then, crouched a little to kiss my lips tenderly. I almost wobble when I felt how gentle he kissed me.
Nang tapusin niya ang halik ay namumungay ang mga matang tiningnan ko siya. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labing namumula dahil sa halik.
“H-Hindi ka pa ba babalik sa trabaho?” tanong ko nang makabawi sa halik niya.
“Later,”
Iniligid niya ang paningin para tingnan ang aking opisina. Hindi naman gano’n kalaki ito at hindi rin gano’n kaganda kaya nahiya ako bigla. Panigurado napakaganda at napakalawak ng opisina niya. Hindi man ako nakapasok nang tuluyan noon sa opisina niya pero alam kong maganda ‘yon kahit isang sulyap lang ang nagawa ko.
“Pasensya na, hindi gano’n kalawak ang opisina ko.” sambit ko bago naglakad papunta sa sofa at pinagpagan ‘yon, pati na ang unan na naroon. “Upo ka muna,”
Tumango siya at naglakad papunta sa sofa at umupo nang dahan-dahan.
“About what you witnessed—”
“Ayos lang ‘yon, Callum. Uhm . . . hindi naman ako inosente pagdating sa ganiyan. And base on what I’ve heard, that old man betrayed you. So it’s normal for you to react that way.” Ngumiti ako sa kaniya.
Inabot niya ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Muntik pa akong matumba dahil sa kabang nararamdaman. Kung hindi niya lang hinawakan ang beywang ko ay baka nasubsob ako sa kaniya. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
“I . . . I’m sorry you have to see that side of mine. I was just pissed. Pinipirata nila ang mga produkto ng kompanya ko. Pati na ang ibang empleyado. Akala nila ay hindi ko malalaman ang ginagawa nila,” nag-igting ang panga niya at mas hinila pa ako palapit sa kaniya. Sa huling hila niya ay nagpatianod na talaga ako at napaupo na sa kaniyang kandungan. Nakaiwas lang ang tingin ko dahil sa kabang nararamdaman.
“Bakit nila ginagawa ‘yon?” I asked in a soft and innocent voice.
“They want my empire down,” he then, nuzzled on my neck and kissed it.
I frowned, “they have their own businesses, companies, and own known name. Why are they doing such things like that?”
He chuckled, “baby, that’s how business world does. They were eaten by power, envy, and money. They can do things beyond limitations.”
“They should be contented on what they have. They’re already successful and already have plenty of money so why the need to do evil things?” sikmat ko na tinawanan lang niya.
“You’re adorable,” he hugged me tighter. “But don’t worry about me, I can handle them.”
Nanatili kami ro’n ng ilan pang sandali hanggang sa magpasya akong pumunta sa aking lamesa para gumawa ng trabaho ko. Kahit naiilang dahil nasa sofa siya at nakahilig habang binabantayan ako ay nagawa ko pa ring magtrabaho nang maayos. Hindi rin bumisita si Dustin sa opisina ko at mabuti ‘yon para hindi rin sila magpang-abot ni Callum sa loob ng opisina ko. Mainit pa naman ang ulo ni Callum sa kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung bakit gano’n na lang palagi ang reaksyon ni Callum kay Dustin sa tuwing nakikita niya ‘to.
Halos mag-iisang oras na akong nakatutok sa laptop ko nang maisipan kong lingunin si Callum. Sumikdo ang puso ko nang makita ang hitsura niya sa sofa. Nakahilig na ang kaniyang ulo sa backrest ng sofa, nakabuka ang mga hita, at ang kaniyang mga mata ay pikit na, natutulog. Halata ang pagod sa kaniyang mukha kahit na nakapikit na siya at natutulog. Pero kahit gano’n, ang g’wapo pa rin niya. Hinubad na niya ang kaniyang suit at necktie, natira na lamang ang kaniyang white long sleeve na nakatupi hanggang siko.
Huminga ako nang malalim bago tumayo at dahan-dahang lumapit sa kaniya. May unan naman sa sofa kaya p’wede naman siyang humiga. Mariin akong napalunok at hinawakan ang batok niya at dahan-dahang iginiya pahiga sa unan. Akala ko ay magigising ko siya pero mukhang lumalim na ang tulog niya rito.
Umupo ako sa gilid ng beywang niya kung saan may bahagyang espasyo. Hawak ko ang kamay niyang medyo magaspang, siguro ay dahil sa trabaho niya? Hindi naman sobrang gaspang pero ramdam mo pa rin ang kaunting gaspang no’n. Unti-unti ay minasahe ko ang kaniyang palad. Hindi naman ako pagod kaya kaya ko pa siyang imasahe. Nang matapos ay ang kabila naman niyang palad ang kinuha ko para masahiin. Inilapag ko sa aking hita ang isa niyang kamay na tapos ko nang imasahe.
I look at his calloused hand intently as I massage it softly. I heard him groan a little. Napanguso ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. I got elated when he suddenly held my waist gently using his right hand. He softly caressed it while I’m massaging his hand. I pouted.
“Sorry, did I wake you up?” I carefully asked.
“No,” he said in a hoarse voice.
I nodded, “you looked so worn out. Wala ka bang trabaho ngayong hapon? P’wede kang magpahinga rito. Though, I will have a meeting with my team later, you can wait here while I’m out or you can just rest. My secretary’s just outside, you can ask her for some snacks.” I said softly but he didn’t respond. I know he’s awake but he kept his eyes shut and resting.
Nang matapos sa pagmasahe sa kaniyang kamay ay ibinaba ko ‘yon sa gilid niya at hinawakan ang kanang braso niya. Nagulat ako nang yakapin niya ako habang nakahiga siya.
“May tatapusin lang ako, tapos mamaya ay lalabas ako para i-brief ng kaunti ang team ko. May presentation din kasi kami mamaya.” Bahagya siyang tumango habang yakap pa rin ako. “Sleep here,” sambit ko bago umuklo at hinalikan ang kaniyang noo.
Nang medyo umusog ako para tumayo ay kumalas siya sa yakap at hinayaan akong tumayo. Hindi naman siya nagmulat ng mga mata at nagpatuloy lang sa pagtulog. Ako naman ay bumalik na sa aking lamesa para tapusin ang ginagawa. Pagkatapos no’n ay lumabas na ako, hindi na ako nagpaalam dahil malalim na ang tulog niya.
Ibinilin ko sa sekretarya ko ang tungkol kay Callum. Hindi ko naman na siya isasama dahil wala rin naman siyang gagawin doon.
Halos dalawang oras akong walang pahinga hanggang sa matapos ang mga meeting at presentation ng team. Naging maayos naman ang kinalabasan at naaprubahan naman agad. Sa sunod na araw ay may presentation ulit. Sana ay maaprubahan din ‘yon dahil malaking proyekto ‘yon.
Hinihilot ko ang balikat ko nang binuksan ko ang pinto ng opisina ko. Naabutan ko si Callum na nakaupo na sa sofa habang may kausap sa kaniyang cellphone. Dahil sa dahan-dahan ang ginawa kong pagbukas ng pinto ay hindi niya ako napansin.
“Yes, that’s my plan. That bastard shouldn’t be part of my company but I have no choice because I still have plans on him.” His voice is full of wrath, I don’t know where it came from. “Don’t worry about that part of my life, I can handle her.” he paused making me frown. “Kung p’wede lang patayin agad ang gagong ‘yon, ginawa ko na. Hindi na dapat siya nabubuhay pa. Yes . . . Maxine’s doing her part, too.” He had a long paused after sighing heavily. “I will make sure her parents will feel my wrath . . . I said don’t worry about her, ako na ang bahala sa kaniya.”
Napabaling siya sa gawi ko kaya nagulat siya nang makitang naroon na ako at nakatayo. Umayos siya ng tayo at agad pinatay ang tawag bago seryosong nakatingin sa akin. Na para bang . . . biglang nawala ang Callum na kasama ko kanina.
“What? Are you just going to stand there?” he asked coldly.
Bigla akong natauhan at umiling. Bakit may pakiramdam akong galit siya sa akin?
“Did you overheard my phonecall?” he asked again.
Umiling ako, “hindi naman. Kadarating ko lang naman.” sambit ko, nagsisinungaling, pero mukhang totoo dahil hindi ko naman talaga alam kung ‘yon na ba lahat ng pinag-uusapan nila ng kausap niya o ‘yon lang ang huling parte ng usapan nila.
“I have to go now, I have a meeting.” aniya sabay lapit sa akin at halik sa aking labi.
Bahagya akong ngumiti, “take care.”
Lumabas na siya ng opisina ko nang lingunin ko siya. Ako naman ay naiwang nakatulala at nakatayo lang do’n.
Pakiramdam ko ay bigla siyang nagbago. O sadyang gano’n naman talaga siya? O baka dahil may narinig ako?
‘Her’ . . . Who’s her? Last time rin ay narinig ko rin siyang binabanggit ‘yon. Hindi nagbabanggit ng pangalan pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi selos. Hindi ko alam kung ano ito. And Maxine . . . Who’s Maxine? A friend? His secretary? What?
Then I remembered the name he mentioned last time when he was in a phonecall, it was Maxine, too. Who’s that woman? Seems like they’re doing something. Maybe in business.
Plan . . . what did he mean by his plan? Who is he talking to his phone earlier and the last time?
I don’t want to be nosy so I didn’t ask about it. But I can’t help but think about it.
Ugh! I’m overthinking again.
AUTHOR'S NOTE: Greetings! Sana po ay may magbukas ng bawat chapter using a purchased coins po to help me earn from my story, too. Kasi po wala pong kikitain ang authors kung bubuksan niyo using advertisement. Okay lang po kung bubuksan niyo through ads, but I am still hoping that there's someone to purchase a coin to open a chapter po. It will really help me earn po. Thanks!