Kahit sa elevator ay hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ni Callum. He's a well-known business magnate, tapos sisigaw-sigaw lang siya ng gano'n sa labas ng building namin? Hindi man lang ba siya nahiya sa ginawa niya? Ako na lang ang nahiya para sa kaniya.
Pagkarating ko sa opisina ko ay trabaho agad ang inasikaso ko dahil marami akong deadline ngayong araw. Halos hindi na ako magkandaugaga sa ginagawa ko habang ina-assist ako ng sekretarya ko. Hindi na rin ako nakakain ng tanghalian dahil sa sobrang pagiging abala sa trabaho. Ni hindi na rin ako ginulo Sheina, siguro ay nakita niyang marami akong ginagawa ngayong araw, gano'n din naman siya.
"Is that really true?" Napabaling ako sa pintuan ng opisina ko nang marinig ang boses ni Dustin do'n.
Kumunot ang noo ko, "ang alin?" tanong ko sabay baling muli sa monitor ng computer ko.
"That Callum Villanueva is your husband?" he asked, curiosity is visible in his eyes as he look at me.
"Yes," walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Why didn't you tell me?" puno ng pait at iritasyon ang boses niya at . . . sakit. "Kailan pa?"
"I'm sorry, Dustin. I know you're my best friend. Pero biglaan kasi ang nangyaring pagpapakasal naming dalawa—"
"I'm not just your best friend, Hailey!" Ngayon ay hindi na niya naiwasang magtaas ng boses. "I am also your fucking suitor!"
Sa gulat ko sa sinabi niya ay natigil ako sa ginagawa ko.
"Suitor?"
"Yes! Tang ina Alam mong matagal na akong may gusto sa 'yo, pero ano 'to?" Puno ng desperasyon at pagkadismaya ang boses niya.
Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata. Nasasaktan para sa kaibigan ko. Alam niya naman na matagal ko na siyang kinompronta tungkol diyan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaisipang p'wede ko pa naman daw siyang magustuhan. Dadating naman daw ang araw na mamahalin ko siya ng higit pa sa kaibigan. Pero hindi ko talaga kaya.
"I . . . I'm sorry, Dustin—" mabilis siyang lumabas ng opisina ko at padabog na isinara ang aking pinto.
Wala akong nagawa kung 'di ang ma-frustrate lalo sa opisina habang nagtatrabaho, or I rather say, pinipilit magtrabaho. Hindi makapag-focus sa ginagawa ko at iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Dustin. At ang nakita kong sakit at pagkadismaya sa mga mata niya kanina.
Ilang araw pa ang lumipas hanggang sa naging isang linggo na at naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa ni Callum. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. At sa mga nagdaang mga araw ay hindi nawala sa isip ko ang gustong mangyari ni Daddy. Halos araw-araw niya akong tinatawagan sa mga nagdaang araw. Araw-araw niya akong pinaalalahanan tungkol sa dapat kong gawin kay Callum.
Hindi rin ako tumigil mag-research tungkol sa plano ko. Kahit anong gawin ko ay pare-pareho lang ang lumalabas sa mga nase-search ko. Gulong-gulo na ako sa gagawin ko pero nanatili akong nag-iisip kahit marami akong ginagawa dahil kinukulit na rin ako ni Daddy.
At sa isang linggong iyon ay hindi rin ako pinapansin ni Dustin. Nasasaktan na ako sa pag-iwas niyang ginagawa. Kapag naman pumupunta ako sa opisina niya ay sinasabi ng sekretarya niyang may kameeting sa loob. Alam kong masyadong makapal ang mukha ko para magpakita at makipag-usap sa kaniya nang kaswal pagkatapos ng nnagyari, pero hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman alam na sobra siyang masasaktan. Or am I just too naive for that? Too dumb and numb to not know his feelings towards me?
And it frustrates me every time I think about that. I blame myself for his coldness towards me.
"Wife, ang tagal mo naman diyan . . ." napatalon ako nang bahagya nang biglang katukin ni Callum ang pinto ng banyo.
"T-Teka lang!" sigaw ko bago ibinalik ang tingin sa salamin.
Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. I smiled with nervousness in it.
"I can do this. I can do this. You can do this, Hailey." I chant to cheer myself up. Then I closed my eyes and took a deep long breath before opening my eyes and smiled. "Yes, I can do this." I whispered to myself, getting ready with what I will do tonight.
Nang matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako. Naabutan ko si Callum na nakakunot ang noo habang may tinitingnan sa kaniyang cellphone. Nang marinig niya ang pagbukas ng at pagsara ng pinto ay agad siyang napatingin sa akin. Tapos na siyang maligo kaya naman hindi na ako maghihintay sa kaniya. Napabuka ang kaniyang bibig habang nakatingin sa akin pero agad ding isinara nang mapansing nagtagal 'yon.
Nahiya ako bigla sa suot ko. It's an erotic spaghetti strap night dress. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang nakakagat sa pang-ibabang labi at nakaiwas ang tingin. I feel so uncomfortable wearing this daring night dress and also feel naked as he stare at me like that. Like I'm sort of entertainment to him.
Bwisit! Ang tapang-tapang kong magplano ng ganito pero kapag narito na siya at nakatingin nang ganito sa akin ay umaatras pati atay ko. Hindi ko pa rin pala kaya kahit ilang beses ko nang i-try na akitin siya. O . . . inaakit ko ba talaga siya, e parang wala naman akong ginagawa. Hindi naman 'ata pang-aakit ang tawag sa pagsusuot lang ng ganitong damit. Hindi ko naman kasi alam! Hindi ko pa rin alam kung paano ang gagawin kong pang-aakit . . . para may mangyari sa amin at para . . . mai-open up ko na sa kaniya ang tungkol sa gusto ni Daddy.
"Fuck, wife. You're so fucking sexy wearing that." Hindi na niya napigilang magsalita at lumapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napa-cross ang aking mga braso sa tapat ng dibdib. "What?" he asked with so much amusement in his voice.
"W-Wala . . . m-maglalagay lang ako ng lotion," sambit ko at umiwas sa kaniya bago pa siya makalapit sa akin nang tuluyan.
Agad ko siyang nilampasan at naglakad papunta sa vanity mirror kung saan naroon ang lotion na ginagamit ko. Kinuha ko 'yon sa nanginginig na mga kamay. I know he's watching my every moves but I just can't back out yet! I should at least try, right? I need to try. Walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko habang dinadama ang mga titig niya sa akin, nakakailang.
"Baby . . ." his husky voice filled my ear when he neared me. I stilled when I felt his calloused hand touched my bare skin.
"C-Callum . . ." kabadong tawag ko sa kaniya nang maramdaman ang init ng katawan niya sa likod ko.
"Are you aware of what you're wearing now?" he asked in a husky voice while hand were already caressing my skin.
"B-Bakit? H-Hindi ba bagay sa akin?" tanong ko sa nag-aalalang boses.
Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin para makita ang hitsura ko. Maayos naman ang damit ko. Bagay naman sa akin at mas nadepina ang kulay ng balat ko at kita rin ang hubog ng katawan ko dahil parang transparent 'ata ito na kita ang katawan ko sa loob.
He cursed under his breath, "bagay na bagay. You're so sexy, my wife." he chuckled then kissed my hair. "Why are you wearing this kind of night dress, by the way? Simula noong isang linggo, puro na ganito ang sinusuot mo? Why is that? I was used to your pajamas."
Napanguso ako sa sinabi niya. Napansin na pala niya ang mga pagbabagong ginagawa ko, kung gano'n? Mas lalo akong nahiya. Paano ko na gagawin ang plano ko? Lalo na't kabado ako kapag nagkakalapit na ang mga balat namin. Mas lalo akong kinakabahan kapag naglalapit kami.
"A-Ayaw mo ba nitong suot ko?" I asked in a low voice. Napayuko ako at halos hindi na matuloy ang ginagawang paghaplas ng lotion sa katawan.
Parang may mabigat na bagay na dumagan sa aking dibdib sa isiping galit siya dahil sa suot kong ito. Parang bigla akong nainis nang mapagtantong hindi ganito ang tipo ni Callum. 'Yong hindi desperadang ihantad ang katawan sa kaniya. 'Yong hindi ganito kumilos . . . kagaya ko.
"Sorry . . . magpapalit na lang ako." sambit ko at tinapos na ang paglalagay ng lotion sa aking binti.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod at ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking batok. Ramdam ko agad ang mabibigat at malalalim niyang hininga habang naroon sa aking batok at mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
"That's not what I meant," he said in a hoarse voice. I frowned when I felt something hard behind me. "Fuck, wife, you're giving me a hard on." he hissed and hugged me tight even more.
"H-Huh?" maang kong tanong, hindi alam ang sasabihin habang nararamdaman ko pa rin 'yon sa bantang puwitan ko. "W-What's that thing behind me, Callum? I-It's poking me . . ." nahihiyang sambit ko.
"My innocent wife . . ." he whispered, then he chuckled playfully.
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Natutuwa ba siyang inosente ako? O gusto niya ng mga babaeng marunong makipaglaro sa apoy gaya ng mga ginagawa niya? Gusto niya ba ng babaeng . . . exciting?
"B-Bakit?" hindi na ako halos makahinga nang maayos dahil sa kaniya at sa nararamdaman kong kakaibang kiliti sa katawan.
"You're still not yet ready, are you?" tanong niya habang unti-unting kumakalas sa yakap niya sa akin.
"S-Saan?" Kanina pa ako nauutal habang hinahabol ang maayos na hininga. Mas lalo kong napatunayan sa kaniya na hindi pa nga ako handa sa ganitong bagay kahit na matanda na ako.
"With that thing. Akala mo ba hindi ko napapansin?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumingon sa kaniya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
He smiled devilishly at me. A kind of smile that made my knees wobble, "I heard you ask your sister when she visited here last time. I overheard that you're asking about having . . ." he trailed off making me as white as paper. "Sex." napapikit ako nang mariin nang ituloy niya ang sinasabi niya.
Gusto kong magmura nang malakas dahil do'n. Sobrang kahihiyan na ang natatamasa ko ngayon. Do I deserve this embarrassment? Kagagahan naman kasi talaga itong ginagawa ko. Pero magagalit sa akin nang husto si Daddy kung hindi ko siya susundin, kung hindi ko ito magagawa.
"But I can see nervousness and hesitation in your eyes that's why every time you seduce me innocently, I couldn't make a move because I don't want you to regret giving yourself to me." mataman niya akong tinitingnan at bawat salita niya ay parang may ibig sabihin.
"H-Hindi naman—" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa aking labi.
He silenced me with his lips. His kisses made me weak as he kiss me fervently. Halos mawalan ako ng hininga habang hinahalingan niya ako kaya napakapit ako nang mahigpit sa kaniya. Nalukot ang manggas ng kaniyang suot na t-shirt dahil sa pagkakakapit ko nang mahigpit. Nang pareho na kaming kinapos sa hininga ay saka lang naghiwalay ang mga labi naming dalawa.
Huminga ako nang malalim habang nakapikit nang mariin, dama pa rin ang kaniyang halik. Pinagdikit niya ang aming mga noo habang pinapakalma namin ang aming mga sarili. He kissed my forehead before hugging me. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging komportable nang yakapin niya ako nang gano'n kahigpit. He's giving me comfort through his warmth. And it's kind of an ecstasy for me I got addicted with his hugs and kisses. Nasanay na ako na madalas niya itong gawin sa akin.
At hindi ko namamalayang sa bawat araw at linggong lumilipas ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Hindi ko alam na p'wede pala akong mahulog sa sarili kong patibong. Imbes na siya ang mahulog sa akin gaya ng nasa plano ko ay kabaligtaran ang nangyari sa aming dalawa. Ako pa ang nahulog nang sobrang lalim sa kaniya. I just hope this turns well.
"We should sleep now, baby. Baka hindi ako makatulog at . . ." he stopped himself from talking, making me frown.
"At . . .?" I probe.
"Nothing. Let's just sleep now, please." Tumango ako sa sinabi niya at sumunod na sa kaniya sa kama.
Niyakap niya ulit ako habang ako naman ay pinipilit ang sariling matulog. Praying that one day, Callum will fall in love with me without any hesitation.