Chapter 19: Too late.

Two more hours and Hannah's most dreaded confrontation was about to unfold. Natatakot siyang ma-reject. Natatakot siyang malaman na hindi na siya kailangan pa ng kanyang ama sa buhay nito.

Hannah's last memory of David Rodriguez was when he asked her to leave his house dahil ayaw umano ng bago niyang stepmother ang presensya niya sa bahay nila. She was making his wife remember that she was just a second wife raw.

Naalala niya na nagmakaawa siya noon dahil wala siyang pupuntahan. Pero nagmakaawa rin ang kanyang ama na umalis na siya.

He needed his second wife, he said. 'Yon lang daw umano ang paraan para tuluyan itong makarecover sa pagkawala ng kanyang ina.

That's when Hannah ran to Olive for help. At hindi siya binigo ng kaibigan niya.

Nine years later, heto siya, sana nga buo na ang kanyang loob na makaharap ang kanyang ama at ang bago nitong pamilya.

"Nervous?" tanong ni Nate.

"A bit," amin niya.

Tama, kasama niya si Nate. She was actually surprised na sumama ito.

---

"Nate!" She called him nang pareho na silang nakalabas sa kwarto ni Elisha. Nilingon siya ng binata na papunta na rin sa gawi ng silid nito. "I–" napalunok siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang sasabihin. "Elisha doesn't need to come to school tomorrow," umpisa niya. "I - I'm wondering if we– Elisha and I can visit my father?"

Naghintay siya sa sagot nito pero hindi ito kumibo. Nag-alangan tuloy siya sa plano.

"We'll return on Sunday. I promise. I am not bringing Elisha to take her away. I just– I just want her to meet my dad. If it's okay with you lang naman. I mean, if not, I can go alone. I won't bring Eli–"

"Okay. The three of us will go."

"Thanks!" Nakahinga siya nang maluwag bago narealize ang sinabi ni Nate. "Wait, what?!"

"I'm coming with you or you're not going anywhere without me tomorrow." Walang kangiti-ngiting sagot ni Nate bago ito tumalikod. "Goodnight, Hannah."

Natameme naman siya. Why would Nate Sarmiento want to come? Nag-aalala ba ito na baka itago na niya si Elisha kapag pumayag itong silang dalawa lang ng bata ang aalis?

But saying no to her request would have been a lot easier because surely if he had said No, Hannah would not push the issue. Siya na lang ang uuwi mag-isa.

But no. He offered to come with them instead.

'Okay na, Hannah. 'Wag ka nang mag-inarte!' Her mind said.

"Seven tomorrow morning! Will that be alright?" Pasigaw na niyang tanong dahil malayo na ito.

He gave her an okay hand signal without looking back.

"Thanks!"

—

Hindi lang basta sumama si Nate. Ito pa ang nagmaneho kahit sinabihan na niya ito beforehand that it's going to be a long drive.

Kasama naman nila si Paul and a couple of bodyguards na as usual ay nakabuntot lang.

"You're brave doing this," he said.

"I've been far away from home long enough, Nate. Sa tingin ko panahon na para balikan ko ang pinanggalingan ko," bahagya niya itong nilingon. Nasa passenger seat siya for the first time kahit kasama nila si Elisha sa sasakyan. Ang bata pa mismo ang nagpaupo sa kanya roon. Ngayon ay tulog ito matapos mapagod na sa kakatingin sa mga dinadaanan nila.

"After what he did to you, Hannah?"

"He's still my father, Nate. I wouldn't be here without him. Isa pa, may kasalanan din ako. Dapat bumalik balik din ako kahit papa'no. I never did. So hindi lang siya ang tumalikod sa pagiging ama niya sa akin. Ako rin, tinalikuran ko ang pagiging anak."

Nate did not answer pero base sa paggalaw ng mga panga nito, hindi ito sang-ayon sa kanya.

"Siguro kung nakikita kami ni mommy ngayon, hindi siya masaya," patuloy niya.

"Your father neglected you."

"If he didn't, I never would have met your daughter. Perhaps you will never meet her too. Olive might have had Eli aborted and there would have been no one to stop her." Napangiti siya. Tama. Maybe, she understood better now. Iyon ang purpose kung bakit siya nawalay sa kanyang ama.

"That does not justify his wrong doing. No one should abandon a child, Hannah. Let alone let him feel unwanted." Alam ni Hannah na may hugot na ang pahayag ni Nate. Hindi naman niya ito masisisi. Ilang beses na mas malala ang ginawa ng ama nito sa ginawa ng kanyang ama.

"Everything happens for a reason, Nate. We just have to choose to see the bright side of every situation. I'm certain, kung nanatili ako sa probinsiya, hindi ko kayo makikilala ni Elisha."

He didn't answer. That's good. Baka na-realize nito na tama siya. Pero sana hindi niya rin masyadong na-emphasize na sobrang okay siya sa naging kapalit ng pagtatakwil sa kanya dahil isa ito sa mga naging bahagi ng buhay niya.

Tumanaw siya sa labas ng bintana at itinuon ang buong atensyon sa berdeng tanawin. Mga bundok, puno, mga taniman... Malayo na nga sila sa lungsod at papalapit na sa kanyang pinagmulan.

She was busy reminiscing when Nate suddenly spoke.

"Sigurado ako na makikilala pa rin kita sa ibang paraan, Hannah," sabi nitong napakahigpit ng hawak sa steering wheel. "You didn't have to go through that pain of losing a mother and being disowned by your father."

Hannah was touched that she didn't find her voice at once. He said he was sure he would have met her in a different way. Seriously? Nate would still want to meet her kung hindi sila magkakakilala the way they did?

"T-thanks, Nate," mahina niyang saad.

-----

An hour and a half later, they pulled over in front of a house that's very familiar to Hannah. This was it. Home. At long last.

"Are you sure this is the address?" Nagdududang tanong ni Nate na sinisipat ng tingin ang lumang dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy.

"Of course. I grew up here," she said unbuckling her seatbelt bago napansin niya ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Hannah." Nate held her hands at kung hindi siya nininerbiyos ay baka napaigtad na siya sa parang kuryenteng dumaloy sa kanyang mga kamay sa pagkakahawak nito. "You do not have to force yourself. In fact you don't have to go this far para ipakita sa akin na kaya mong patawarin ang iyong ama and I should do the same. My situation is different, Hannah."

"Silly," pinilit niyang ngumiti. "I'm doing this for myself" and for you but I'm not going to admit that, dugtong niya sa isip.

"Mommy, Daddy... Are we here yet?" Mula sa backseat ay tanong ng kagigising lang na bata.

"Yes, Eli," sagot ni Hannah. "Let's go?" Bumaba muna siya at pinuntahan ito sa backseat para ayusin sandali bago hawak-hawak ito sa kamay na pumunta sila sa bahay while Nate stayed inside the car.

Strange.

'Yon ang unang napansin ni Hannah nang makapasok na sila sa bakuran. 'Yong mga namamatay na halaman at mga tuyong dahong nakakalat, 'yong mga untrimmed grasses na hindi noon hinahayaang magsilaki ng kanyang ama, the dusted tight closed windows, the unbearable silence– mga senyales na walang nakatira sa bahay.

May kabang bumundol sa dibdib ng dalaga as she almost rushed to the door and knocked. Walang nagbubukas ng pinto. She began to knock furiously, almost hurting her knuckles in the process.

"Daddy! Daddy?!" She shouted.

"Mommy, is my lolo inside?" Inosenteng tanong ni Elisha na medyo nagpakalma sa kanya.

"Hannah, I don't think may tao sa loob. This house looks abandoned," Nate said na hindi niya namalayang nakaikot na pala sa likod ng bahay.

"No," mahina niyang usal bago nanghihinang napasandal na lang sa saradong pinto. "Where did they go?"

Mga ilang minuto rin ang lumipas nang may dumating na matandang babae.

"Hannah?" The old woman approached them. "Ikaw nga ba?"

"Po?" Pilit niyang kinapa sa memorya kung sino ang matanda bago naalalang tiyahin niya ito. "Tita Mercy!" She ran to hug her.

"Naku, anak!" hinagod-hagod nito ang likod niya. "Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Mahabang kwento po, Tita." Kumalas siya ng yakap dito. "Si daddy po?" Ewan niya pero malakas talaga ang kabog ng dibdib niya. At lalong lumakas iyon nang malungkot siya nitong tiningnan.

"Anak, do'n muna tayo sa bahay," inaya sila nito sa katapat na bahay. Ipinakilala niya rin ang mga kasama niya.

"Si Daddy po?" Ulit niyang tanong ng makaupo na sila sa sala.

"Hannah," ginagap ni Mercy ang dalawa niyang kamay. "'Wag ka sanang mabibigla, anak. Ang daddy mo–" umiling ito at medyo namasa ng luha ang mga mata habang natagpuan ni Hannah ang sariling umiiyak na sa kaba. "Kasama na siya ng mommy mo."

"P-po?" Hindi iyon halos lumabas sa bibig niya. Basta sunod niyang naramdaman ang mga bisig ni Nate na yumakap sa kanya.

"Dalawang taon noon pagkamatay ng mommy mo. Hindi niya nakayanan ang depresyon."

Depresyon? Two years? Hannah felt her world falling apart. Halos kakaalis lang niya nang mamatay ito? Ayaw mag-sink in sa kanya ang nalaman.

"Hindi siya natulungan ng bago niyang asawa, Hannah. At pinagsisihan niyang pinaalis ka niya. Hindi mapatawad ni David ang kanyang sarili. Sinubukan ka naming hanapin, anak."

Hannah was too late. Eight years too late. Ngayon wala ng pagkakataon para humingi siya ng tawad sa kanyang ama. Wala ng pagkakataon para makabawi siya.

"Hannah," she heard Nate whisper her name as she started crying against his chest. Alam niyang mababasa niya ng luha ang damit nito. Pero hindi rin naman siya binibitawan ng binata. In fact he was comforting her and it was huge for Hannah.

"I'm too late, Nate!" She cried. "Wala na akong magagawa ngayon para humingi ng tawad. Ang sama ko!"

"That's not true," mariing sabi ni Nate.

"Hannah, may mga iniwan para sa 'yo ang daddy mo," anang tiyahin niya na may kinuhang makapal na envelope sa silid nito. Inilapag nito iyon sa mesa nang 'di niya magawang abutin iyon. "Maiwan ko muna kayo ha?"

—

Bumalik sila sa bahay nina Hannah. Naroon na sina Paul at Elisha. Malinis naman sa loob ng bahay na ayon sa tiyahin niya ay regular naman nilang nililinis dahil baka nga isang araw ay bumalik siya.

This was the day they have waited for so long. Nakabalik na siya. But she was too late. Ulila na pala siya walong taon na ang nakararaan... Just a year after she left, sana hindi niya tinigasan ang puso niya noon at bumalik siya kaagad. Marahil hindi ito namatay.

"Mommy, is it true?" Naupo sa kandungan niya si Elisha habang tinitingnan niya ang mga laman ng envelope na galing sa kanyang ama. "Lolo's gone?" Malungkot nitong dagdag.

"Yes, Eli... But–" her voice cracked again and Eli was quick to embrace her, gaya ng ginawa ng ama nito sa kanya kanina. "He's with lola now... And I know, they're already happy. Together."

"Then why are you still sad?"

"I - i just missed them, anak."

"But they're happy now, right? So we should be happy too," nag-aalala ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

She managed a smile only to make Elisha feel better.

She scanned the papers inside the envelope. Mga dokumento ang mga iyon. Mga titulo ng bahay at lupa ng kanyang mga magulang. Hindi siya natuwa sa mga iyon, no matter what earthly possession his father left for her, it will never change the fact that her parents were already gone. Ulila na siya. The sad part was, she wasn't able to bid her father goodbye... If only she had return much sooner... If only she hadn't left–

"Hannah, magpahinga ka na," Nate said, kinuha na nito si Elisha. "Sabi ng tita mo bukas na tayo pupunta sa puntod ng daddy mo."

"Salamat." She barely looked at him.

"You need to rest," naramdaman niya ang kamay nito sa balikat niya.

"I will."

Ililigpit na lang niya ang mga papel nang may malaglag na sobre mula roon. It was addressed to her- from her dad.

Hannah,

Mahal ko, patawarin mo ako, anak. Naging mahina ako. Pinaalis kita kung kailan dapat ay inuna kita higit kanino man. Pinagsisisihan ko ang desisyon kong iyon, anak. Hindi ako tumigil sa pagmamahal sa iyo, Hannah. Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako.

-daddy

"I love you too, daddy," bulong niya sa pagitan ng paghikbi.

Ang sakit. She felt helpless at her loss. Maingat niyang ibinalik sa sobre ang sulat bago tumayo at isilid sa mga gamit ang buong envelope.

Tapos sumunod na siya sa dating kwarto niya kung saan dinatnan niyang pinapatulog ni Nate si Elisha. She stayed by the door at hindi muna ipinaalam ang presensya niya.

Siguradong mararamdaman ni Nate ang bigat ng nararamdaman niya ngayon kung patuloy nitong tinigasan ang puso nito. Benjamin Sarmiento was not getting any stronger and Nate might just be too late like her. Hindi hahayaan ni Hannah na mangyari iyon.

"Hey," mahina niyang sabi. "Ako na ang bahala kay Eli," nakangiti niyang saad sa kabila ng sakit na patuloy niyang nararamdaman.

"She's almost asleep," tugon ni Nate na inanyayahan siyang mahiga na rin.

Naalala ni Hannah iyong gabing tabi-tabi silang tatlo natulog at nagising siyang nakayakap siya kay Nate. This time, when Elisha was already sleeping, siya naman ang hinintay ni Nate na makatulog. And not only by watching her fall asleep, humiga ito sa tabi niya at niyakap siya hanggang sa makatulog siya.

"I admire your courage, Hannah. Have a rest now. Everything's going to be alright," he whispered before planting a quick kiss on her temple.