Chapter 10

Maaga akong nagising para makapaglinis ng bahay at makapaglaba. Naabotan ko sa sala si papa na nakatulala, malalim ang iniisip.

"Goodmorning pa." Bati ko.

Medyo napatalon pa siya at tumingin sa akin ng masama. Tumayo siya at umakyat sa itaas para pumasok sa kwarto niya.

Eh weirdo!

Pagkatapos kong gawin ang gawaing bahay ay namalengke muna ako, bumili lang ako ng mga gulay , bigas at kung ano ano pang rekados na Kailangan ko sa pagluluto ko

Pagkauwi ko ay nagluto lang ako ng adobo at nagsaing para makakain na kami ni papa. Mamaya may pupuntahan ako dahil magkakaroon ako ng gig para sa banda, mayroon akong banda since highschool ay kilala ko na sila. Minsan nagsasama kami at tumutugtog kapag may rakit para doble kita din.

Pagkatapos kong magluto, umakyat ako sa itaas at tinawag si papa para kumain.

"Pa, kain napo tayo." Sabi ko sakanya.

"Pa?" tawag ko.

Bumukas ang pinto at masama siyang tumingin sa akin bago ako lagpasan. Ang weird ni papa. Hindi ko nalang pinansin at sumunod nalang sakanya.

" May pera kapa ba diyan?" Tanong niya.

"Meron papo, bakit?" Tanong ko din.

" Kailangan ko ng tatlong libo." sabi niya

No choice kaya bibigyan ko nalang siya mamaya, dahil kapag hindi iinit nanaman ang ulo niya at baka saktan nanaman ako.

Minsan nga natatakot na ako e bawat kaluskos at kung ano paman parang inaabangan ko na ang suntok niya.

Kumain na ako nang magsimula siyang kumain. Tahimik lang kaming dalawa, binilisan ko kain para makapag ayos na ako.

Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng tubig at uminom. Tapos nading kumain si papa. Umakyat na ulit siya , kinuha ko nalang ang pinagkainan namin. Hinugasan ko muna at nilinisan ang mesa.

Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong maglinis. Hindi ko paman naisasarado ang pinto ay pinigilan na kaagad ni papa.

"Ang pera akin na." Sabi niya.

Tinalikuran ko siya at pumunta sa bag ko para kunin ang wallet. Kinuha ko ang tatlong libo at binigay sakanya.

Hindi man lang nagpasalamat at padabog na sinirado ang pinto ko.

'thank you nak'

Nag ayos ako ng gamit ko, pagkatapos kong mag ayos ay naligo na ako. Malapit lang naman sa bgc, kaya hindi namin kailangang dumayo sa malayo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower. Pagkatapos kong magblower ay naglagay lang ako ng light make up. Kinuha ko na ang damit na susuotin ko.

Nakasuot lang ako ng sky-high heels and oversize sweatshirts combine with knack for streetwear and athleisure ensembles.

Inulugay ko lang ang buhok ko at pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako. Pumunta ako sa garahe at kinuha ang motor ko, Sumakay ako sa motor ko.

Pinaharurot ko ang motor ko , hindi naman ako kaskasera mag drive pero mabilis. Masaya mag drive kapag mabilis at dumadampi ang hangi sa mukha ko.

Pagkadating ko sa venue ay pinark ko ang motor ko at bumaba, marami ng tao pagdating ko. Pumasok na ako at hinanap si Zyrone.

"Oh andito na pala si cel e." Sabi ni zyrone.

Nag fist bump lang ako sakanya at nagwave naman ako kanila Rechie and Marvi.

"Halika pakilala kita." Sabi ni zyrone.

Sumunod lang ako sakanya at pumunta sa mga hindi ko kilalang band artist.

"This is celeste vocal artist namin." Pagpapakilala ni Zyrone sa akin.

"Hello."

"Wow.. gorgeous naman ng singer ninyo." Sabi ng lalaki.

Umalis na kami pagkatapos magpakilala at nag ayos na kami. Magsisimula na kaming tumugtog .

" Please help me welcome Iris band." sigaw ng host. Pumunta na kami sa harap at inayos ko ang mic ko.

"Hello.. goodevening everyone my name is Claire and this my bandmate the iris." Sabi ko hindi ko ginamit ang first name ko para maiba lang.

Nagsimula na kaming tumugtog at hinawakan ko ang mic ko. Zyrone strum his guitar.

"Left your head.." kanta ko habang nag sstrum sila ng guitara nila."baby.. don't be scared" pag papatuloy ko at pinikit ko ang mata ko habang dinadama ang pagtugtog nila."Of the things that could go wrong along the way.. you'll get by with a smile." rinig ko ang hiyawan ng mga taong nanonood sa amin.

"You can't win at everything but you can try... baby you don't have to worry." Sabay hampas ni Rechie sa drum at pagsabay ng guitara nina Zyrone at Marvi." Cause there ain't no need to hurry.. no one ever said that there's an easy way.. when they're closing all their doors and they don't want you anymore." Pagpapatuloy ko.

"This sounds funny but I'll say it anyway.. boy I'll stay through the bad times.. even if I have to fetch you everyday... you'll get by with a smile... you can never be too happy in this life...." pagkatapos naming magtugtog ay bumaba nadin kami nagpaalam muna ako sa kanila na magc-cr lang ako.

Pagkatapos kong mag cr lumabas na ako at pumunta sa counter para kumuha nang alak.

"Wow you have a beautiful voice." Sabi ng lalaki at tinignan ko siya.

"Ikaw nanaman?" Mataray na tanong ko.

" Opo ako.. ulit crush." Sabi ng lalaking antipatiko.

Hindi ko siya pinansin at uminom lang ako ng beer. Kahit saan nalang nakikita ko tong antipatiko nato. Kagabi lang nagkita kami at ngayon nagkita nanaman kami.

"Iisipin ko talagang stalker ka.." sabi ko at uminom ulit.

"Feeling mo naman nagkayayaan lang ng mga blockmates ko." Paliwanag niya at uminom din ng alak sa baso niya.

"I was thinking to invite you to go to my party... to play a song." Out of context niyang sabi.

Tumingin ako sakanya medyo gulat bakit ako?

"Why me?!" gulat na tanong ko.

"Why not?" He said and drink his beer.

"Well... I lovely accept that invite then." I said.

"How can I contact you? You'll give me your number and I'll contact you?" he asked.

"Fine!" I said.

Nilabas ko ang cellphone ko at ibinigay sakanya ang number ko.

"I'll contact you next week.. see you doc." he said.

" Okay I'll go ahead." I said.

"Thanks." Sabi niya.

" Thanks too." Sabi ko Iniwan ko na siya at pumunta na ako sa mga kabanda ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko opportunity.

Pagkatapos naming maginoman at mabayaran nagsiuwian nadin kami. Nagdrive lang ako pauwi at hindi pa dumating si papa kaya umakyat nalang ako, para makapag pahinga.

Kinabukasan maaga akong gumising dahil may pasok pa ako. Hindi na ako nag motor dahil tinatamad ako, kaya nag commute nalang ako.

Pagkarating ko ng room ay umupo lang ako at hinintay sina keziah, dahil mas nauna akong pumasok sa kanila.

Kinuha ko ang libro ko at Inayos ko ang salamin ko. Nagbasa nalang ako pero napatigil ng bigla kong naisip yung nangyari kagabi, yung pagyaya ng lalaki sa akin. Napapatawa nalang ako dahil alam ko namang para paraan niya lang ang pag imbita sa akin, pero tinanggap ko padin mukha naman siyang mabait.

"Yuck ngingiti ka dyan para kang timang." Biglang sabi ni patricia.

Napaigtad pa ako sa gulat at sinamaan siya ng tingin. Bwesit talaga tong babaeng toh , kala mo naman magkalayo kami sobrang lakas ng bunganga. Dumating nadin ang prof namin , magkatabi kaming tatlo nina keziah and patricia nag change kasi kami ng seating arrangement.

Nagstart na siyang magdiscuss at nakikinig naman kami sa bawat tinuturo niya.

" Okay Anatomy is focuses on the description of form, or how body structures at different levels look. Gross anatomy studies macroscopic structures for example, the body, organs, and organ systems " sabi niya at huminto saglit dahil kay patricia.

"Feel ko yata ang sem ngayon maraming mangyayaring exciting." Sabi ko.

"Alam mo kung anong exciting?" tanong ni keziah."May date kami mamaya." Dugtong niya.

"Ay girl sabi hindi raw makakapunta busy daw e." Sabi ko.

Natigilan naman siya kaya nakinig nalang kaming dalawa sa professor namin.

"Sir! I have a question sir." bibong sigaw ni patricia tsk para talagang tanga. " Tanong ko lang po kung ilang Missed and absences ang allowed sa klase niyo bago niyo kami e drop." Pabebeng sabi niya pero bibong bibo.

"Bakit?" tanong ni sir sakanya.

"Just asking po-"

"Sit down patricia!" sabi ni sir sakanya.

Umupo naman siya at inakbayan ko tung gagang toh. Magtatanong nalang hindi pa related sa topic namin.

"Alam mo bakla... Andito tayo to study, gusto mo bang malaman ang anatomy process? ganito kasi ya-" putol niya sasabihin ko.

"No and please shut up." Mahinang sabi niya sa akin.

Napaayos tuloy ako ng upo at napanguso nalang, tinawanan niya lang ako badtrip! Nakinig nalang kami at Ilang oras pa bago natapos ang klase namin.

Sabay kaming tumayo at nag ayos nang gamit. Sasabay ako kay keziah. Pagkalabas namin ay pumunta kami ng parking lot, dahil kukunin namin ang sasakyan ni keziah.

"Saan tayo?" tanong ni patricia.

Tapos naman na ang klase namin kaya uwian na.

"Mountain view , tambayan." Sigaw ni keziah.

"Uy uy si mikee yon oh." Turo ni patricia kay mikee.

" Opss.. may girlalu te." Mahinang sabi ko .

Huminto kami sa isang convenient store kung saan nandon sila mikee na naglalandian. pumunta kami sa harap nila at parang namutla naman bigla si mikee huli ka balbon.

"L-love?!" Ngiting pilit na sabi niya."A-ano pinsan ko." Pagpapakilala niya.

"Anong pinsan?!" Maarteng sabi ng babae.

"I'm not stupid as you think, anong tingin mo sa akin kahapon lang pinanganak?" Mataray na tanong ni keziah at sinampal siya at hindi pa siya nakuntento sinikmuraan pa niya si mikee.

"Ikaw baka gusto mo." Tanong ni keziah sabay angat ng palad niya sa mukha ng babae, sunod sunod naman ang pag iling nito.

Sabay kaming pumalakpak ni patricia, parang proud na proud kami sakanya.

"Good job! "Sigaw ni patricia.

"Ang galing galing mo." Sigaw ko.

Bumalik na kami sa sasakyan at iniwan silang nakatunganga at pinaandar na ni keziah ang sasakyan.

"Goodbye lover boy." Sabay na sigaw namin ni patricia at sabay pa kaming natawa.

Pumunta na kami ng mountain view at bumili din kami ng alak. Papalubog na ang araw na makarating kami sa mountain view.

Naglatag kami ng tela sa damohan at umupo dala dala ang mga alak na pinamili namin.

Nagsimula na kaming uminom at ilang oras pa kaming nagtagal at patuloy padin sa pag inom. Nalasing na si keziah e iilang bote palang naiinom niya.

"Baka akala niya hindi ko.. siya kayang palitan." Sabi ni keziah habang umiiyak.

"That's correct.. let's drink for that." Sigaw ko.

"Celeste! inaano mo naman yan e, ginagatungan mo pa." sabi ni patricia sakin.

"Alam mo patricia hindi ka naman malalasing sa coke na iniinom mo, look

pang mahina ang tama mo e sa nagproprose lang naman ako ng toast." Sabi ko.

"Bakit niya ako pinapalitan? maganda naman ako." Mas lumakas pa ang pag iyak ni keziah. "Hindi ko kaya.. mahal ko kasi siya." Sabi niya.

Tumayo si patricia at umiyak din ng malakas na parang bata nataranta naman ako.

"Oh bakit?" tanong ko." Si keziah ang may problema dito." sita ko.

"Kasi... buti pa si keziah pinapaiyak ng boyfriend niya samantalang ako hindi ko naranasan." Pagmamaktol niya.

"Please do the honors , pakibatukan mo nga keziah ang loka nayan pinapainit niya ang ulo ko." Sigaw ko .

" Cel.. you're not funny." Iyak na sabi ni patricia.

" But you are very funny! tigilan mo nayang pagiging hunghang mo ha." Sabi ko.

Mas umiyak pa siya lalo kaya tumakbo na kami sakanya ni keziah at tinakpan ang bunganga niya. Inalis namin ang kamay namin, sa bunganga niya pero binalik din kaagad dahil mas lumakas pa.

"Iaalis lang namin ang kamay namin pag tumahimik kana!" Sabi ko.

"Would you please shut up." Sabi ni keziah.

"At wala kang problema." Dagdag ko.

" Eh si axel hindi ako pinapaiyak e." sumbong niya.

"He!" sigaw namin ni keziah sakanya.

"Ibaba na namin okay." keziah said softly.

Binaba na namin at tumahimik na siya inabotan ko siya nang alak.

" From thick to thin" sigaw ko at itinaas ang alak." May the all of us remain friends forever." I shout.

"Makaka move on din ako!" sigaw ni keziah.

"Sana paiyakin din ako ng boyfriend ko." sigaw ni patricia at sabay namin siyang binatukan.

Tumawa lang kami at yumakap sa isat isa. Kaibigan yan ang laging andyan para sayo para pagaanin ang mabigat na nararamdaman. Ang iintindi at sasamahan ka sa lahat ng bagay.

Pagkatapos namin mag inoman ay nagsiuwian na kami. Ako na nagdrive dahil lasing na silang dalawa. Hinatid ko lang sila sa bahay nila at iniwan ang sasakyan. Pumara nalang ako ng taxi pauwi at pagkarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Naligo muna ako at pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako para magbihis ng pantulog.

Umupo ako sa kama ko at pinapatuyo ang buhok gamit ang towel ko. Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext.

Unknown:

Hello crush Laurence :)

Nireplyan ko lang ang baliw at nilagay ko lang ang towel ko Bago humiga sa kama ko para matulog.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like