Chapter 6

"What was that? Pagtapos niyang ilapit sa'kin ang mukha niya, bigla na lang niya akong

tatalikuran?" Bulong niya sa sarili nang mawala na sa paningin niya si Jace.

Pumasok siya sa kaniyang kwarto at malakas na isinara ang pinto. "Sino ba siya sa inaakala

niya? Well, hindi ko naman gusto na halikan niya ako. What I mean is, ang lakas ng loob niya

i-reject ang favor ko. Argh!"

Pabagsak siyang umupo sa kaniyang kama pagtapos sabunutan ang sarili at mahigpit na

hinawakan ang kumot dahil sa inis. Nang hindi niya mailabas lahat ng inis sa kumot ay isa-isa

niyang binato ang mga unan sa pintuan kahit wala naman do'n si Jace.

Kinabukasan, hindi niya pinapansin si Jace, kahit na pagbuksan pa siya nito ng pintuan ng

sasakyan. Hindi nga siya nagpasalamat sa kaniya, kahit balingan ng tingin ang binata ay hindi

niya ginagawa. Sinasabi pa niya sa sarili na kasalanan ni Jace kung bakit hindi niya pinapansin

ito. Kung sana pinagbigyan ni Jace ang gusto niya, baka gumanda pa ang pakikitungo niya kay

Jace.

Malapit na sila sa eskwelahan nang magpasya si Itzy na mauna na bumaba sa kanila dahil

baka pagkaguluhan ulit ang mga kasama niya at maipit pa siya.

"Ayaw mo ba kami makasabay sa pagpasok, ma'am?" Tanong ni Linus nang sabihin ni Itzy na

bababa na siya ng sasakyan.

"Hindi sa gano'n. Aware ka naman siguro kung paano kayo pagkaguluhan ng mga estudyante

'di ba? Gusto mo ba akong maipit?" Tugon ni Itzy at pinaikutan ng mata si Linus.

Linus pouted and said, "Pasensya na, ma'am, kung masyado kaming mga gwapo." He faked a

sigh and shook his head, pretending to be guilty.

Itzy rolled her eyes once again in response to Linus's behavior. Although she couldn't accuse

him of lying since she could clearly see their faces, and begrudgingly admitted to herself that

they were all quite good-looking, but of course, she wouldn't dare utter such a thought out loud.

Especially not after Jace had already rejected her favor.

"I'll just go down here," sabi ni Itzy sa driver, hindi na pinansin pa si Linus dahil baka humaba pa

ang usapan nila at baka hindi na siya makababa pa.

Bumaba siya kung saan wala masyadong dumaraan na mga estudyante para na rin maiwasan

ang bulong-bulongan tungkol sa kaniya. Halos lahat na nga ng estudyante ay ayaw sa kaniya

dahil kay Loxley at ayaw na niyang dagdagan pa ang dahilan ng mga estudyante para ayawan

siya. At baka rin kasi may makapansin na ang sasakyan na binabaan niya ay ang sinasakyan

ng apat. Kapag nakarating iyon kina Loxley, baka lalo pa siyang bully-hin ng mga iyon.

Ayaw na niya makatanggap pa ng mga pananakit ng tatlo bullies niya, pero wala naman siyang

magawa kun'di i-take lang ang mga iyon. Gusto na nga niya umalis sa eskwelahan na iyon para

lamang iwasan ang tatlo, ngunit kapag nagsabi naman siya sa parents niya na gusto niya

mag-transfer, magtatanong sila kung anong dahilan niya, kung bakit gusto niya lumipat ng

eskwelahan.

Malapit na siya sa gate ng eskwelahan nang makita niya ang kumpulan na mga estudyante.

Halos hindi na makadaan ang van na sinasakyan niya dahil nahaharangan na ng mga

estudyante ang daanan.

Napaawang ang bibig ni Itzy, hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Hindi siya

makapaniwala na natandaan agad ng mga estudyante ang sasakyan na sinakyan ng apat

kahapon. Bigla tuloy niyang naisip kung ano ang mangyayari sa kaniya kung hindi siya bumaba

kanina.

Hindi na niya namalayan na ang tagal na pala niyang nakatayo ro'n, hindi pa sana siya gagalaw

kung wala lang tumapik sa balikat niya. Paglingon niya sa kaniyang likod, isang gwapong lalaki

ang bumungad sa kaniya.

Siya si Ajax, isa sa mga lalaking kinababaliwan ng mga babae sa kanilang eskwelahan. Ito ang

unang encounter nila sa isa't-isa, at ito rin ang unang beses na nakita niya ito ng malapitan.

Kung hindi pa kinaway ni Ajax ang palad niya sa mukha ni Itzy ay baka tumulo na ang laway

niya.

Sobra nga talagang gwapo ni Ajax, mapagkakamalan mo pa siyang model o artista dahil sa

sobrang puti at kinis ng kutis niya. Sino nga ba naman ang hindi mababaliw sa ganitong lalaki?

Kung gwapo ang mga bodyguards Itzy, double ata ng kagwapuhan nila itong si Ajax. Pwede na

gawing ulam kapag wala kang ulam.

"Are you okay?" Tanong niya kay Itzy nang nakangiti.

"Angel," wala sa sariling bulong ni Itzy, ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Ajax.

Natawa ang binata. "Ajax ang pangalan ko," sabi niya.

Napakurap si Itzy, mukhang bumalik na siya sa katinuan. She bowed her head and said,

"S-Sorry."

Ajax chuckled, he found her cute. "It's fine. Do you also have a crush on them?" He asked, now

looking at the van where Itzy's bodyguards were.

Itzy also turned her head there. "Ah, you mean those four transfer students?"

Ajax nodded and turned to Itzy. "Yep."

Itzy shook her head. "No, of course not. I don't even know them," she replied, averting her eyes.

"Gusto mo ba sumabay sa'kin sa pagpasok?" Tanong ni Ajax, ang ngiti niya ay ando'n pa rin.

Wala namang pagdadalawang isip na tumango si Itzy. Habang naglalakad silang dalawa ni

Ajax, do'n lamang niya na-realize ang desisyon na ginawa niya. Nang mag-sink in sa kaniya

ang nangyayari, napatigil siya sa paglalakad at humarap siya kay Ajax na napatigil din dahil sa

kaniya.

"May problema ba?" Tanong ng lalaki.

"Ajax?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Nagtataka namang tumango ang lalaki, at nang

makumpirma nga ni Itzy na si Ajax iyon ay agad siyang napatakip sa kaniyang bibig. "Sorry,

mauuna na ako sa pagpasok. Bye!" Sabi niya at kumaripas ng takbo, iniwan niya ro'n si Ajax na

nakatayo.

Napailing si Ajax, hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nangyari. Maya-maya pa ay

napunta na sa kaniya ang atensyon ng ibang mga estudyante, samantala ang apat naman na

na sa van ay hindi pa rin nakabababa. Hindi nila mabuksan ang pintuan ng sasakyan dahil may

mga nakaharang na mga estudyante.

Walang tigil sa pagpapatunog ng busina ang driver ngunit hindi pa rin na babawasan ang mga

estudyante ro'n. Si Ryker ay chill lang na nakikinig sa musika gamit ang headphone. Si Linus

naman ay kinukunan ng bidyo ang mga babaeng walang humpay sa pagtili. Si Laszlo naman ay

natutulog lamang, hindi na niya alam ang nangyayari, kahit ang pagbaba ni Itzy sa sasakyan

kanina ay hindi niya alam dahil tulog siya. Habang si Jace naman ay unti na lang at sasabog na

sa inis. Gusto na niyang bumaba ng sasakyan dahil ilang minuto na silang na-stuck sa gate, at

hindi na nila alam kung ano na ang nangyayari kay Itzy.

Lalo pa siyang nainis nang mahagip ng mata niya si Itzy na tumatakbo papasok ng gate.

Trabaho nila ang bantayan si Itzy at siguraduhin na safe siya, ngunit paano nila iyon magagawa

kung may mga sagabal sa kanilang misyon.

Inis na sumipa si Jace, dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng tatlo pati na rin ng

driver. Natigil sa pag-b-bidyo si Linus at nagising naman si Laszlo.

"May problema ba, Jace?" Tanong ni Ryker, binaba ang kaniyang headphone.

"Nakita kong pumasok ng gate si ma'am, paano natin siya mababantayan kung hindi naman

tayo makababa sa lintek na sasakyan na 'to," tugon niya, magkasalubong ang kilay.

"Wala bang guard dito?" Tanong ni Linus at sumilip muli sa bintana. "Kanina pa 'ko walang

napapansin na guard."

"Tawagan kaya natin si sir Gerard? What do you think, guys?" Suggestion ni Laszlo.

Jace responded, "No, we shouldn't bother him in this situation. Let's try to resolve the issue

ourselves. We can start by confronting anyone who comes our way."

Linus voiced his concern, "Isn't that too extreme?"

Jace gave him a stern look and replied, "If you're not comfortable with that approach, you don't

have to participate. But if you do nothing, don't be surprised if it leads to getting fired."

And with that, Jace got down in the car and was surprised that nobody touched him despite the

squealing noise that persisted. Instead of dwelling on the reason for this, he simply continued

walking and ignored anyone who greeted him. His fellow bodyguards followed him, while the

driver breathed a sigh of relief as the students disappeared from around the car.