Chapter 4

Pag-uwi ng bahay ay agad na umakyat si Itzy sa kaniyang kuwarto upang mag-shower,

pagtapos ayusan ang sarili ay bumaba na siya sa kusina upang kumain. Natigilan siya saglit sa

pintuan nang makita ro'n ang apat niyang bodyguards kasama ang kaniyang mga magulang.

Nang mapansin ni Gerard Bush ang kaniyang anak ay agad niya ito sinabihan na pumasok at

sumabay sa kanila kumain.

Pag-upo ni Itzy ay tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng kaniyang mga kasama, at

nagwagi naman siya sa kaniyang ginawa, lumingon ang lahat sa kaniya tila naghihintay ng

kaniyang sasabihin.

"Dad, kailangan ba talaga natin isabay sa pagkain ang apat na ito?" Tanong ni Itzy sa ama,

tinuro ang apat.

Kinuha ni Gerard ang table napkin at nagpunas ng bibig bago siya magsalita, "Ayaw mo ba

silang kasabay? Malaki ang maitutulong nila sa'kin kaya dapat lang na tratuhin ko sila ng tama."

"Malaki rin naman ang naitutulong sa'tin ng mga kasambahay at ng iba pang mga guwardya

natin pero bakit hindi mo sila sinasabay sa pagkain?" Tanong ni Itzy, halata sa boses niya ang

pagtutol sa ideya na sumabay sa apat sa pagkain.

Bumuntong-hininga si Xinthy, dahilan para makuha niya ang atensyon ni Itzy na kaniyang anak.

"Itzy, they are not like them. Kasing edad mo lang ang mga lalaking ito at parang pamilya na rin

ang turing namin sa kanila."

Itzy leaned her back and crossed her arms over her chest. "Kailan lang niyo naman sila nakilala

pero parang anak na agad ang turing niyo sa kanila? Masyado naman ata kayong nagtiwala

agad sa kanila?" Sabi niya kasabay ng paglingon niya kay Jace. Pina-ikutan niya ito ng mga

mata bago binalik muli ang tingin sa kaniyang ina. "Hindi ba't kayo na rin ang nagsabi na h'wag

agad magtiwala kung kani-kanino?"

Lumingon si Xinthy kay Gerard, tila nanghihingi ng tulong upang ipa-intindi kay Itzy ang nais

nilang iparating.

"They are skilled, well-mannered and smart, Itzy," tugon ni Gerard.

"Pero mapagkatitiwalaan ba sila? 'Yan ang tanong na gusto kong malaman," mabilis na tugon ni

Itzy sa ama. "Saka alam niyo na ba ang background nila para ipagkatiwala niyo ako sa kanila?

Hindi ko kailangan ng marami kung hindi naman katiwa-tiwala."

Kumunot ang noo ni Xinthy, mukhang hindi na natutuwa sa inaasta ng kaniyang anak. Kasama

nila sa hapag-kainan ang mga binata ngunit kung magsalita si Itzy ay parang wala ang mga ito

roon, at parang sinasadya niya na marinig ng mga binata ang mga salitang binibitawan niya. Si

Xinthy na mismo ang nahihiya sa inaasta ng kaniyang anak sa harap ng hapag-kainan.

"Kanina lamang ay tungkol sa pagkain nang sabay-sabay ang pinag-uusapan natin, bakit

napunta na sa pagtitiwala ang sinasabi mo, Itzy? Ano ba ang gusto mong mangyari?" Tanong ni

Xinthy, may bahid ng inis ang boses.

Napalunok si Itzy, ramdam na niya ang pagkainis sa kaniya ni Xinthy dahil sa inaasta niya pero

hindi pa rin siya titigil sa pagsasalita. Dahil nga sa gusto niyang paalisin ang apat sa

kani-kanilang trabaho, ito na ang kaniyang unang hakbang para makamit ang goal niya.

"Ayaw mo ba kami makasabay sa pagkain o may mas malalim ka pang dahilan?" Tanong ni

Jace, hindi na nakapagtimpi pa sa pagsali sa usapan.

Agad napalingon si Itzy sa kaniya at nagtaas ito ng kilay, nagulat sa biglaang pagsali ni Jace sa

usapan. Hindi kasi niya naisip na magsasalita siya, ang akala niya kasi sa apat ay tuta lamang

ng kaniyang ama. Hindi niya alam na gumawa ng program ang kaniyang mga magulang para

lamang maghanap ng apat na magigiting na lalaki na magiging bodyguards niya. Hindi rin alam

ni Itzy ang mga kakayahan ng apat.

"Excuse me? Are you talking to me?" Itzy asked, raising her eyebrow. "Ito ba ang

well-mannered na sinasabi mo, Dad? Bigla na lamang sumasali sa usapan."

"Paumanhin po, ma'am Itzyana Bush, ngunit may karapatan naman ata kaming magsalita dahil

kami ang pinag-uusapan niyo," maingat na sabi ni Laszlo dahil baka makapagbitaw siya ng

hindi magandang salita.

Sa kabilang banda, lalo pang nag-init ang ulo ni Itzy sa inis nang banggitin ni Laszlo ang

kaniyang buong pangalan. Habang si Linus naman ay nagpipigil ng tawa sa hindi malamang

dahilan na napansin naman ni Itzy.

"May nakatatawa ba, huh?" Tanong niya sa binata.

Agad naman umiling si Linus at sumimsim ng tubig sa baso na na sa kaniyang harapan.

Habang tumikhim naman si Ryker upang kunin ang atensyon ng dalaga.

"Maaari niyo po bang sagutin ang tanong ni Jace? Nais din po naming malaman kung ano ang

na sa isip mo," aniya ni Ryker.

Inalis ni Itzy ang kaniyang titig kay Ryker at nilipat iyon sa pasta na na sa kaniyang harapan.

Huminga siya ng malalim bago mag-umpisang magsalita, "Anong gagawin niyo kung sabihin ko

na ayoko kayo makasabay sa pagkain? Aalis ba kayo?" Panghahamon ng dalaga.

"Itzy!" Xinthy exclaimed, napatayo pa sa kaniyang upuan. Hindi na talaga niya nagugustuhan

ang inaasta ng anak. Bago lang din ito sa kaniya dahil ngayon lamang umasta ng ganito si Itzy

sa harapan nilang mag-asawa. Ngunit hindi niya maisip kung bakit ngayon pa na kasama nila

sa hapag-kainan ang bagong hired na apat.

"Calm down, Xinthy. Sit down," sabi ni Gerard, hinahaplos ang likuran ni Xinthy para pakalmahin

siya. Sumunod naman ang asawa sa kaniya, pag-upo ay hindi niya binalingan ng tingin si Itzy.

"Kumain na muna tayo, p'wede ba? Hindi dapat tayo nagpapalitan ng mga salita sa harap ng

lamesa," sabi ni Gerard sa anak. "Tapusin muna natin ang pagkain at mag-uusap tayo mamaya,

Itzy."

Napalunok si Itzy, kinakabahan sa maaaring mangyari mamaya sa pag-uusap nilang mag-ama.

Wala ng nagawa pa si Itzy kun'di ang kumain kasabay ang apat na gusto niyang paalisin sa

kanilang mansion. Hindi naman niya hate ang mga 'yon, ngunit kung ang pagkawala nila ang

makapagpatatahimik ng kaluluwa niya ay handa siyang gawin ang lahat upang patalsikin sila.

Takot lamang siya na malaman ng kaniyang mga magulang na biktima siya ng bullying sa

school nila, dahil malaking kahihiyan din iyon sa pangalan ng ama niya dahil kilala siya bilang

sikat na business tycoon sa bansa. Ayaw niyang mabahiran ang pangalan ng ama niya dahil

ginagalang niya ito.

Iyon lamang, hindi alam ng mga bullies niya ang tungkol sa kaniyang ama. Hindi nila alam dahil

hindi naman siya nilalabas sa media ng mag-asawa. Hindi nila alam dahil hindi naman talaga

nila kilala si Itzy noong ginawa nila siyang target. Hindi nila alam dahil hindi rin binalak ni Itzy na

sabihin o ipagmalaki iyon sa iba.

Pagtapos kumain, pinatawag agad ni Gerard sa Itzy sa kaniyang study para kausapin. Huminga

pa ng malalim si Itzy upang paalisin ang kaba sa kaniyang dibdib, bago siya pumasok sa study

ng ama.

"Dad," tawag niya sa ama.

Umupo ng tuwid si Gerard at sinandal ang kaniyang likod sa swivel chair na inuupuan niya.

Seryoso niyang tinitigan si Itzy na siya namang hindi mawala ang kaba sa dibdib. Pinaikot niya

sa kaniyang mga daliri ang ballpen na hawak niya at sinabing, "Take your seat.”