Chapter 18

Natigilan si Alemana. Kitang-kita pa niya ang nag-aapoy na mga mata ng dalaga. Alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay nagsasabi ito ng totoo. Pero bakit nga ba siya nagagalit? Nagseselos nga ba siya nang makitang halos magkadikit sina Zoie at Domenic kanina sa kusina nang maratnan niya?

Mukhang nawala siya sa katinuan pagdating kay Zoie at hindi niya alam ngayon kung paano lumabas sa sitwasyong ito nang hindi niya pinag-iisipan nang maayos.

Ineksamin niyang muli ang sarili. Nagseselos ba siya kay Domenic na nakipag-usap kay Zoie sa dis-oras ng umaga? Nagselos na ba siya noon nang makipag-usap ito kay Huapala at nakangiti pa nang matamis?

‘Maybe. I don’t want her to smile at other men!’ Naghihimagsik ang kalooban niya.

“You’re against it? You mean, you do really want to get married,” ang wika niya sa babae.

Her eyes wavered. Kita niya rin ang paglunok nito habang nagtaas-baba ang dibdib. Sa suot nitong pantulog ay pansin niyang hindi ito nakasuot ng bra.

Biglang uminit ang katawan niya bilang reaksyon dito. Parang gustong abutin ng kaniyang mga kamay ang babae. Gusto niya itong yakapin at lamukusin ng halik hanggang sa wala na itong ibang maisip na lalaki o bagay kundi siya. Siya lang!

Humakbang siyang papalapit sa babae ngunit umatras ito.

“Fine! But I’m warning you. If I see anything like that again, you better be ready for your punishments, Zoie,” babala pa niya rito.

Pagkatapos niyon ay nag-walk out na siya ng library. Dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa niya na baka pagsisisihan niya sa huli.

He had to take care of this libido that was raging inside him. It was not right or appropriate.

***

‘Ano raw? Punishments? Lagi na lang niya akong binabalaan, ah!’

Napasunod na lamang ng tingin si Zoie sa lalaking papalabas ng library. Inis na inis siya sa kaniyang amo. Gusto niyang sumigaw sa galit. Bakit tila pinagdidiskitahan siya nito? Wala naman siyang ginawang masama kasama ang kapatid nito o ang kung sinumang lalaki sa rancho. Kumain lang siya. Uminom lang ng tubig si Domenic. Iyon lang. Pero parang ipinalabas ng amo na may ginagawa siyang milagro kasama si Domenic sa mga oras na iyon.

“Huh! That evil... hateful man! Wala na nga siyang pruweba at sinisisi pa ako? Huh! Makikita mo! I’ll make a Book of Death for all those evil people, and I’ll list you down as number one! Ipakukulam kita, Alemana! Galit ako sa ‘yo!” Humihingal siya sa inis at galit sa lalaking ‘di na narinig ang kaniyang pagmumura. “Ang kapal ng mukha mong pagbintangan akong malandi ako! Kainis ka talaga!” tiim-bagang na dagdag niya. Patuloy na nagtaas-baba ang kaniyang dibdib.

Umupo siya sa sofa nang pabagsak. At dahil siguro sa busog siya ay ‘di niya namalayang nakatulog na siya roon sa pagod at galit. Nakasandal lang siya sa mahabang sofa.

***

Alas siyete na ng umaga ay bumalik si Alemana sa mansion pagkatapos ng trabaho niya sa kada umaga sa rancho. Inatasan na niya si Huapala na mag-take over sa ilang kailangang gagawin habang kumakain pa siya ng almusal.

Pagkatapos ng kaniyang daily routine sa umaga at pagkatapos niyang mag-almusal ay sasama sa kaniya ang butler na siyang mag-a-assist sa kaniya at sa kaniyang mga kailangan sa rancho. Alam na nito ang pasikot-sikot sa rancho at alam na rin nito ang kaniyang ugali at mood.

“Is Domenic⸺?” umpisa pa niyang tanong sa butler na siyang naglagay ng pagkain sa harap niya.

“As you know very well know, Master Alem, he’s going to have his breakfast late together with your sister and your second mother,” pagpaalam pa nito sa kaniya na alam na ang itatanong niya kaya pinutol na nito iyon. “After brunch, I heard they will leave the mansion.”

“How about my⸺?”

Pinutol na naman nito ang kaniyang katanungan. “Oh, I haven’t seen Zoie yet, Master Alem. Do you want me to look for her all over the mansion?” pormal pang anito.

“No, I’ll look for her myself. Prepare her food.”

“Yes, Master Alem. I will do that.”

Tumayo na si Alemana at nagtungo sa second floor ng mansion. Kinatok niya ang kuwarto ng dalaga ngunit nang buksan niya ang pinto ay wala ito roon o kaya ay sa banyo.

Nanaog na lang siya at naalalang iniwan niya ito kanina sa library kaya doon na siya dumiretso. Pagpasok niya sa library ay nakita nga niyang nandoon ang dalagang nakatulog sa sofa. Bahagya pa siyang naiiling at saka isinara ang pinto nang marahan at walang ingay.

Nakadungaw siyang nakatunghay sa babaeng halatang hindi komportable sa posisyon nito ngayon. Kalahati ng katawan nito ay halos mapahiga na sa sinandalan. Humakbang pa siya papalapit dito at napatitig nang husto sa natutulog na dalaga. Nakatingin siyang maigi sa maganda nitong mukha. Parang hindi niya nakikinitang marunong itong magalit dahil sa kalmanteng ekspresyon ng mukha nito ngayon.

Marahan siyang napasingasing nang maalala ang paghaharap nila kanina bago siya pumunta sa kaniyang opisina sa rancho. Alam niyang puro naman tahol ang ginagawa niya at walang kagat. Lagi naman siyang ganoon.

Umupo siya sa isang sakong at tinititigan pa rin ang natutulog na dalaga. Mahaba at pakurba ang mahabang pilik-mata nito. Ang cute ng ilong nito at nakaawang nang bahagya ang mapupulang labi nito na walang bahid na lipstick.

Bigla tuloy nanunuyo ang kaniyang lalamunan habang nakatitig sa mapupula nitong labi na medyo nakaawang. Napaisip-isip siya tuloy kung gaano kalambot o kaya’y katamis nitong hagkan. Matagal na ring panahon nang may nakaniig siyang babae. Kaya paminsan-minsan ay napaisip siyang baka mababaw na pagnanasa lang itong nararamdaman niya para sa hahaliling property manager niya.

‘But then again, I haven’t felt anything like this before,’ bulong ng kaniyang isip.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa isiping iyon at si Zoie ang nakikita sa kaniyang balintataw. Napasinghap pa siya sa mabangong amoy nito. Ang perfume na gamit nito. Pagkatapos ay napababa ang kaniyang paningin sa inosenteng naka-display na cleavage nito dahil sa isang butones na nakawala.

Napalunok ang binata. Gusto niya sanang takpan iyon pero baka magising ito at iba ang iisipin.

Natigilan na lang siya nang may sinambit ito nang mahina.

“Master Alem…”

“What? Are you dreaming about me now?” Napangisi pa siya. Hindi niya alam kung ano itong kasiyahang nagpalundag sa kaniyang puso.

Patuloy siyang nakatunghay sa babaeng tulog pa rin. Marahan itong gumalaw kaya tumikhim na lang siya at tumayo. Ipinasok niya ang mga kamay sa kaniyang bulsa at sinipa ang sofa. Noon pa ito nagising.

“What?” disoriented na anito.

“Breakfast. Follow me right away,” matabang na tugon niya rito at nagpatiuna na.

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang umunat pa ito. Napangiti na lang siya sa kaniyang sarili.