CHAPTER 30
Mahigpit na ikinuyom ni Phoebe ang kamao sa laylayan ng dress na suot. Nagsimulang mamasa ang mga mata nya habang nilalabanan ang tingin ng binatang kaharap at bago pa man tuluyang tumulo ang mga luha ay mabilis syang tumalikod at naglakad palayo.
Rinig nya ang paulit-ulit na pagtawag ni Anne ngunit maski ang kaibigan ay hindi nya na pinansin pa.
She run away. Gusto nyang kalimutan ang malamig na tingin sa kanya ni Evan ilang segundo lamang ang lumipas.
“Phoebe?” She looked at the man in front of her with her teary eyes. It was Louie. May pag-aalala syang lumapit sa dalaga saka nito sinapo ang pareho nyang pisngi at bahagyang itiningala sa kanya. “What happened?”
“Dapat ba ganito pa rin kasakit?” Hindi na tuluyan pang napigilan ni Phoebe ang pag-iyak.
Hinayaan nyang ikulong sya ni Louie sa kanyang mga bisig habang paulit-ulit na sinasabing magiging maayos din ang lahat bagaman wala syang ano mang ideya sa maaring rason ng pagluha ng dalaga.
Nagpalinga-linga sya sa pagligid. Nang walang makitang kakilala o maaaring kasama ng dalaga ay agad nya itong inakay patungo sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan.
She’s hurting. That’s all he knows at hindi nya alam kung paanong papagaanin ang damdamin ng dalaga. Phoebe’s sobs echoes to his ears. Hindi nya alam kung bakit pero nararamdaman nya ang hinanakit ng babaeng kasama.
“Gusto mo bang ihatid kita kay Evan?” Pagkakuwan ay tanong nya.
Ipinagtaka nya ang paulit-ulit na pag-iling ni Phoebe.
“Hindi,” anito saka pinunasan ang kanyang mga luha. Mga luhang hindi nya malaman kung kailan mauubos o kung mauubos nga ba. Kakatwang sa loob ng dalawang linggo ay wala syang ibang ginawa kundi umiyak pero heto’t tila walang kapaguran ang kanyang mga mata.
“May problema ba kayong dalawa?”
Ngunit imbis na sagutin ay puno ng luhang sinalubong ng dalaga ang kanyang mga tingin.
“Pwede bang abalahin muna kita ngayon?” Pilit ang ngiting tanong ni Phoebe. Nang tumango si Louie ay nagbuga muna sya ng malalim na hininga bago tuluyang sinabi ang pabor na nais ipakiusap. “Pwede mo ba akong dahilan sa lugar na tahimik?”
“Ayos ka lang ba?” Puno ng pag-aalala na tanong ni Louie.
Umiling si Phoebe, may ngiti sa labi ngunit mababakas ang matinding lungkot sa namumugtong mga mata.
Ayos nga lang ba sya?
Gusto nyang magsinungaling at sabihing oo ngunit maniniwala kaya ang binata gayong katatapos lang nitong umiyak sa harapan nya?
Nagbuga sya ng malalim na hininga. Umiwas ng tingin bago sumagot. “Hindi, Louie. Hindi ako ayos at hindi ko alam kung kailan mawawala ang nararamdaman ko.”
Sa mga sinabing iyon ni Phoebe ay mabilis na kumilos si Louie para lisanin ang lugar na iyon. Tahimik lamang si Phoebe sa buong byahe. Nakatingin sa kalsada at tila ba pinapadama sa liwanag ng paligid ang kadiliman ng puso na kanyang kinaroroonan.
Nang marating ang lugar ay mabilis na bumaba si Phoebe ng sasakyan. Tumakbo sya patungo sa gilid ng dagat saka pabagsak na iniupo ang sarili sa putting buhangin.
Inilahad nya ang parehong palad sa ere, pumikit at saka dinama ang lamig ng hangin na tila ba niyayapos sya at pilit na ipinararamdaman ang pagmamahal nito sa kanya.
“Phoebe…” Pagtawag ni Louie. Gusto nyang tanungin ang dalaga ngunit nang makita ang kalmado nitong mukha ay mas pinili nya na lang maging tikom. Umupo sya sa tabi nito at hinayaan ang sarili na lamunin din ng parehong katahimikan na dinadama ng dalaga.
Halos ilang oras silang nanatili roon. Tahimik na pinanunuod ang pagsayaw ng mga alon sa dagat hanggang sa tuluyang mamaalam ang araw.
“Louie.” Pagtawag ni Phoebe. Akala ni Louie ay magyayaya na ito pauwi pero laking gulat nya ng iba sa inaasahan ang lumabas sa bibig nito. “Bili ka naman ng kahit beer lang.” Nahihiyang saad ng dalaga.
“Umiinom ka?” Gulat na tanong naman ni Louie.
“Oo naman no.” Mahinang tumawa ang dalaga. “Beer lang. Bayaran na lang kita kapag nagkatrabaho na ulit ako.”
Nakangiti namang tumango ang binata.
Agad nagpaalam si Louie para saglit na umalis at bumili. Akala ni Phoebe ay mas mananamnam nya ang katahimikan sa oras na mapag-isa sya pero nagkakamali yata sya sa inakala dahil nang maiwan sya ay nagsimula nanamang mag-unahan ang kanyang mga luha dahil sa parwhong lungkot na nais nya nang mawala.
Paulit-ulit nyang nakikita ang nakangiting mukha ni Evan sa tahimik na paligid, naririnig ang mga pangako nitong ngayon ay isa na lamang ebidensya ng pagkukunwari.
“Bakit, Evan? Bakit kailangan mong gawin ito?” Ayon nanaman sya sa parehong tanong na paulit-ulit nyang itinatanong sa sarili. “Bakit hindi mo ako sinundan?” Lumuluhang tanong nya nang maisip na wala man lang ginawa si Evan para ibalik sya sa condo nito.
All she wanted is a little time to herself. Iyon lang naman talaga ang gusto nya pero hindi nya inaasahan na pababayaan sya ng binata.
“Nandito na…. ako.” Papahinang anunsyon ni Louie at saka nagmamadaling naupo nang marinig ang paulit-ulit na paghikbi ni Phoebe. “Ayos ka lang ba?” Madiin syang napapikit nang marealize na puno ng katangahan ang tanong na iyon. Sino ba naman ang ayos lang kung umiiyak ito, hindi ba?
Pinunasan ni Phoebe ang luha. “Nakakatawa lang ‘no?” Aniya saka pilit na ngumiti. Tumingala sya sa kalangitan saka nagbaba ng tingin sa binatang naroon sa kanyang tabi. “Kahit nasasaktan ka na ay iyong parehong taong nanakit pa rin sa’yo ang hinahanap-hanap ng puso mo.” Dagdag nya saka pinahid ang isang luhang pumatak.
Sa mga puntong iyon, nabigyan ng kasagutan ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ni Phoebe. Hindi man malinaw para sa kanya, alam nyang malabo ang relasyon ng dalawa ngayon.
“Phoebe—”
“Mahal ko si Evan.” Naroon nanaman ang pagiging emosyonal ng dalaga. “Mahal na mahal ko si Evan, Louie, pero bakit kailangang ganito sya kasakit mahalin?” Paulit-ulit nyang dinamba ang dibdib na tila ba sa pamamagitan non ay matatanggal nya ang pagmamahal na nararamdaman sa lalaking nagdudulot ng sakit sa kanya.
Louie stopped her by holding her hands. Hinawakan nya ang pareho nitong pisngi at pilit na iniharap sa kanya.
“Ibinigay ko ang lahat. Saan pa nga ba ako nagkulang?”
“Wala. Wala kang pagkukulang, Phoebe. It was Evan’s fault that he didn’t see the best in you,” aniya bagaman hindi pa malinaw ang problema ng dalawa sa kanya. Maganda ang ngiting ipinukol nya sa dalaga and all Phoebe can feel is confusion when she see’s how he looks at her.
Hindi iyon parehong ngiti ng pagcomfort na ipinakita ni Louie sa kanya. It is different.
“You are perfect the way you are, Phoebe.” Dagdag pa nito.
Namilog ang namumugtong mga mata ni Phoebe nang maramdaman ang paglapat ng labi ng binata sa kanya. Naikuyom nya ang mga palad sa buhangin and before she can even react, she feel a force that pulls Louie away from her.
“Tarantado!”