Chapter 22
Magsasalita pa lang sana si Phoebe para sabihin ang totoo nang biglang magsalita si Evan sa pinto, “Why aren’t you—hi.” Nakangiting baling nya kay Anne. Agad na lumapit sya kay Phoebe saka inabot ang dala nitong paperbag. “She’s your sister?” Nakangiting tanong nya.
Umiling si Phoebe bago nagsalita, “Kaibigan ko, si Anne.” Nakaturo sa kaibigang saad nya. Napangiwi pa sya nang makita ang bahagyang pagkakanganga ni Anne sa kanyang nobyo. “Anne si Evan.”
“Nice to meet you.” Evan extended his hand.
“H-hoy. Akala ko bawal maglaway?” Tinabig nya si Anne nang hindi ito kumilos para abutin ang kamay ng binata.
“S-sorry. Ang gwapo nya sa malapitan eh.” Mahinang saad ni Anne saka palihim na tinabig ang kanyang kaibigan. Kinikilig na inabot nya ang kamay ni Evan na kanina pa nakalahad sa kanyang harapan. “H-hi.” Wala na yatang mas aarte pa sa paraan ng kanyang pananalita.
Nakangiwing pinanuod sya ni Phoebe na kiligin saka amuyin ang kanyang kamay nang bitawan nito si Evan, “Anong klase yang pagsasalita yan?” Tanong nya saka bahagyang kinurot ang tagiliran ni Anne.
Palihim syang tinabig nito saka malaki ang ngiting tumingin kay Evan. Bahagya nyang itinabingi ang kanyang ulo saka bumulong sa dalaga, “Manahimik ka, Phoebe. Kapag maganda ka na saka mo malalaman na natural ang tonong ganon.” Saad nya na hindi inaalis ang paningin sa binatang nasa kanyang harapan.
Walang ibang nagawa si Phoebe kung nanunuya lang na tignan ang kanyang kaibigan. Alam nya namang mahilig ito sa gwapo pero hindi nya inaasahan na aakto ito ng ganoon sa harap ng kanyang amo.
“Why aren’t you answering your phone?” Tanong ni Evan sa nobya.
Agad na inilabas ni Phoebe ang kanyang cellphone at nang hindi ito mabuhay ay mabilis syang nag-angat ng tingin, “Nasira na yata?” Aniya saka isang beses pang muli na sinubukang buhayin ang kanyang cellphone pero hindi na talaga iyon nabuhay pa.
Nanlalaki ang mga matang tinignan sya ni Anne, “Nasira na?! Patingin nga!” kinuha nya iyon saka paulit-ulit na pinukpok sa kanyang kamay. Nang hindi na talaga iyon na buhay ay mabilis na tinanggal nya abf likurang bahagi ng cellphone saka iniayos ang maliit na papel na sumusuporta sa baterya.
“A-anne.” Nahihiyang pag-awat ni Phoebe sa kaibigan. Nang malingunan nya si Evan ay nakakunot na ang noo nito at tila ba pinipilit na intindihin kung ano ang nagyayari.
“Ayan, buhay na. Dagdagan mo na kasi yung nakaipit na papel oh. Maluwang na.” Salita ni Anne saka iniabot ang cellphone kay Phoebe.
“Kakapalit ko lang nyang kanina eh. Baka sobrang nipis ng nailagay ko?” Saad ni Phoebe saka sinilip ang likod ng kanyang cellphone.
Nang magtangka syang lumakad para kumuha ng bagong papel na maaring ilagay doon ay agad na nagsalita si Evan dahilan para mabilis syang mapahinto sa paglalalakad. “Where’s the phone I gave you? Nevermind. Umuwi lang ako para ihatid sa’yo yang pagkain. I still have one appointment left.” Saad nya. Hindi naiwasan ni Phoebe ang mahiya. Paano’y nakalimutan nya na naroon nga pala si Evan. “I promise to come home after.” Walang sing-tamis ang ngiti ni Evan sa kanya.
“Okay, ingat ka.”
“B-bakit na-nagpapaalam ka sa kanya?” Naguguluhang tanong ni Anne. Nakaturo pa ito sa kanyang kaibigan. Sino ba namang hindi magtataka? Ang amo ay nagpapaalam sa personal assistant nya? “Ganito na nga ba ang ganap kapag alalay ka? Saka hindi ka ba sasama sa kanya?” Baling nya kay Phoebe. Ang alam nya kasing trabaho ng isang personal assistant ay ang bumuntot nang bumuntot sa kanyang alaga pero bakit parang sa sitwasyon ni Phoebe ay iba?
“Oh. I forgot to properly introduce myself.” Nakangiting tinignan nya si Phoebe bago muling ibinalik ang paningin kay Anne. “I am Evan Johnson.” Inilahad nya ang kanyang kamay saka nakangiting hinapit si Phoebe palapit sa kanya, “Phoebe’s boyfriend.”
Halos malaglag ang panga ni Anne sa narinig. Nagpapalit-palit ang kanyang paningin sa kaibigan at sa lalaking katabi nito. Nang dumako ang kamay nyang naroon sa baywang ni Phoebe ay agad syang napatakip ng kanyang bibig, “Oh my gulay! Tunay ba?” Masayang saad nya. “Congratulations, Phoebe!” aniya saka hinila ang kaibigan saka mahigpit na niyakap.
Nang bitawan nya ito ay muli nyang inayos ang kamay ni Evan sa baywang ni Phoebe at nakangiting tumayo sa harapan nila. Pinagdaop nito ang kanyang mga palad at inilagay sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Ang mga mata nyang nagniningning ay sapat na para magdala ng hiya kay Phoebe.
“Pasensya ka na, hindi kasi nakainom ng gamot yan.” Nahihiyang saad ni Phoebe sa kanyang nobyo. Nang magbaba sya ng tingin ay agad nyang pinandilatan ang kaibigan.
Saglit pa munang nanatili doon ang binata bago nagpaalam na aalis na.
“Hoy! Hindi mo sinabi na boyfriend mo si Evan!” Sigaw ni Anne nang hindi na matanaw pa si Evan sa hallway. Malakas pa nyang hinampas si Phoebe na mukhang wala namang pake sa mga ikinukuda nya.
“Anong ginamit mong gayuma, mare?” Tumatawang tanong ni Anne saka isinara ang pinto.
“Kagandahan. Di mo alam yon dahil di ka naman maganda.” Pangbawi ni Phoebe sa kaninang pang-aasar ng kanyang kaibigan. Tumatawang dumiretso ito sa kusina saka nag-ayos ng pagkain nilang dalawa.
Nanatili ang nakakalokong ngiti ni Anne habang pinanunuod ang kaibigan na maging abala sa ginagawa. Ang likot ng imahinasyon na ay napunta na kung saan-saan.
“Ibig sabihin ikaw yung babe na tinatawag nya?”
Tumango si Phoebe bilang tugon. Agad nyang iniabot ang spaghetti sa kaibigan saka naupo sa katabing silya nito.
“Kami lang naman ang nakatira dito, edi ako lang ang pwede nyang tawagin na ganon.”
Agad namuo ang kakaibang ideya sa isip ni Anne matapos iyon marinig, “So may nangyari na?” Tanong nya dahilan para mabilaukan ang kaibigan. Malakas syang tumawa. Hindi nya kailangan pang marinig ang sagot ni Phoebe dahil sa reaksyon pa lang nito ay alam nya na kung ano ang totoo.
“Kamusta naman ang pinakamagandang nilalang ha?” Nang-aasar na tanong ni Anne pero imbis na sagutin ay hinawi lang ni Phoebe ang kanyang bukod saka nakangiting nagtuloy sa pagkain. “Paano ka umamin?”
“Anong paano ako umamin?” Tanong nya.
“Syempre imposible naman na sya ang aamin hindi ba? Wag kang assuming, di ka ganoon kaganda.” Nakangiwing salita ni Anne saka bahagyang binatukan ang kanyang kaibigan.
“Eh sya ang may gusto sa akin.”
Padabog na inilapag ni Anne ang kanyang kutsara saka madiing pumikit. Bumuga muna sya ng isang malalim na hininga bago tuluyang nagdilat ng mga mata, “Alam mo…” Huminto sya saka hinawakan ang buhok ni Phoebe. “Hindi ko alam kung bakit kaibigan kita eh.” Nakataas ang kaliwang parte ng kanyang labi na mahina nyang hinila pababa ang buhok ng kaibigan.
“Excuse me. Nagka-amnesia ako—”
Hindi na naituloy pa ni Phoebe ang sasabihin dahil sa biglaang pagsigaw ng kaibigan. “Nagka-amnesia ka?! Bakit ka nagka-amnesia?!” Hawak nanaman nito ang magkabilaang balikat nya kaya mabilis syang nagpumiglas.
“OA. Sinabi ko na aksidente ako, hindi ba? Nagka-amnesia ako at nagkunwari syang asawa ko.”
Tatango-tango syang tumitig kay Phoebe. “Tapos?” Tanong nya saka umayos ng upo. “Paano mo sya naalala?”
Bahagya syang natigilan sa tanong na iyon ni Anne. Nang maisip ang dahilan kung paano nyang naalala si Evan ay agad syang napangiti pero mas pinili nyang itago ang totoong dahilan. “Basta naalala ko lang.”
“Destiny na yan sa palagay mo?” Nakangiting tanong ni Anne. Nagkibit-balikat lamang si Phoebe pero sa isip ay paulit-ulit nyang hinihiling na sana destiny na nga ito.