Chapter 25: Abduction failed
The hatred can kill human’s lives. If you felt hatred to somebody else, heal yourself and forget it, to avoid repentance at the end.
Dahil sa katotohanan na nalaman ni Tenner ukol sa kanyang pagkatao nagdulot iyon ng matinding galit sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang kanyang iaasta. Buong maghapon ay hindi niya pinansin ang kanyang asawa.
Sa kabilang banda, hindi malaman ni Joysie kung sasabihin ba niya kay Marriel ang katotohanan I hahayaan na na lang niyang ang kanyang kinilalang ama na si Thomas Barrientos na lamang ang magsabi dito ng buong katotohanan.
Buong maghapon nakakulong lamang si Tenner sa kanyang kwarto habang ang kanyang asawang si Soledad ay umiiyak lamang sa isang sulok, gustuhin man niyang damayan ang asawa hindi niya magawa. Ayaw kasi ni Tenner ng kinaaawaan siya.
Dahil sa nangyari, kumuha na lang si Mang Thomas ng panibagong tauhan sa kanyang negosyo, upang hindi niya na muna makita ang kanyang dalawang tinuring na tunay na anak. Isang kaluluwang ligaw ang nakakita sa nangyari.
Kinagabihan umuwi na si Joysie at hindi man lang niya sinabi ang buong pangyayari, ayaw niyang manghimasok sa buhay ni Marriel. Lalo pa hindi naman sila tunay na anak ni Thomas Barrientos, at ang masakit pa niyan hindi itinuring na pinsan or kapamilya si Marriel ng kanyang kuya Tenner. Kaya naman mas lalo itong nagdulot ng matinding hiya kay Joysie na magsalita.
**
Napansin ni Marriel ang kakaibang kilos ng kanyang pinsan na si Joysie, dahilan upang mag-suspect siya sa kung ano bang problema na pinagdaraanan nito. Iniwan muna ni Marriel ang kanyang mga anak sa pangangalaga ni Rankin, at sinundan ang kanyang pinsan.
“Kung ano man iyang pinagdaraanan mo na hindi mo masabi sa akin, malalaman at malalaman ko din ‘yan.” Sambit ni Marriel at palihim na sinundan ang kanyang pinsan. Sumakay ito ng taxi, kaya naman ganoon din ang kanyang ginawa dahil hindi naman pwedeng mag-mando sa jeep driver.
Makalipas ang ilang oras na pagsunod-sunod sa kanyang pinsan, natagpuan ni Marriel ang kanyang sarili na papasok sa isang lumang cemetery. Dito nakalibing ang mama at papa niya, ganoon na din ang mama ni Joysie at Tenner.
“May problema ba siya? Bakit hindi niya ako kausapin para matulungan ko siya sa problema niya.” Sambit ni Marriel sa kanyang sarili habang sinusubaybayan si Joysie, nakita niyang napaluhod ito. Gusto man niyang lapitan ito upang alalayan hindi niya magawa dahil alam niyang magagalit ito sa oras na malaman nitong sinusundan niya ang pinsan.
“Ano bang problema mo, Joysie?” Tanong ni Marriel sa kanyang sarili, habang si Joysie palakas na nang palakas ang atungal.
**
Sa kabilang banda, abala si Rankin sa paglilibang sa dalawang bata dahil wala si Marriel. He was playing with two kids, kahit nasa work siya nagagawa niya pa din bantayan ang mga bata. Nakaramdam ng gutom ang mga bata kaya naman nag-aya na ito.
“Tito Rankin, we want to eat.” Sambit ni Devin Max kay Rankin.
“Okay,” tipid na sagot ni Rankin. Hawak-hawak niya ang kamay ng dalawang bata at nagtungo sila sa isang cafeteria upang bumili ng makakain ng mga bata. Mayroon naman silang dalang milk sa bag, pero alam ni Rankin na tatanggihan ng mga ito ang gatas dahil kakainom lang ng mga ito. Nais sana nila bumili ng lemon cake, pero sabay-sabay silang napatingil. Sumenyas si Rankin sa mga bata na huwag gagawa ng kahit anong ingay.
“I’m going to abduct the twins!” Mariin na sambit ng tinig ni Hector, nakita ni Rankin na mayroong kausap si Hector. Subalit hindi niya makita ang buong mukha nito dahil sa suot nitong sumbrero.
“Siguraduhin mo lang, tahimik na ang buhay ko ng namatay si Owen. Bakit may extra pa na gustong magsumiksik sa pamilya na ito?” Iritang sambit ng boses ng isang babae.
“I don’t know!” Hector’s answered.
Mabilis silang umalis sa company, at pinilit ni Rankin na makatulog upang si Owen ang lumabas. Pero bago ang lahat, umuwi na muna sila.
“Mga bata, kailangan nating magtago sa safest place ng bahay nila daddy Owen ninyo. Pagkatapos, sabihin ninyo sa daddy ninyo na bad guy wanted to abduct us!” Sambit ni Rankin sa mga bata. They both nodded, mabilis na pinatakbo ni Rankin ang sasakyan subalit kalmado lang ang mga sa likod dahil smooth lang magpatakbo si Rankin.
Umakyat na sila sa pinaka top ng bahay at doon nagtago kasama si Rankin. Uminom ng pampatulog si Rankin, tahimik lamang ang mga bata at naghihintay na magising siyang muli bilang si Owen na. Nang magising na siya ay nakipag-usap si Owen sa utak ni Rankin subalit tahimik lamang at walang ibang makakadinig.
Walang nakakaalam kung kailan susugod si Hector sa bahay ng pamilya ni Owen. Dahil diyan tila hiniling ni Rankin na huwag muna siyang bumalik para na din sa kaligtasan ni Devin and Devine. Mayamaya pa nakarinig sila ng kaluskos mula sa pinaka-ibabang floor. Hindi nagpakita ng takot si Owen, upang hindi din umiyak o magsisigaw ang mga bata. Nilabas ni Owen ang kanyang cellphone at naroon ang CCTV footage na pinasok ni Hector ang bahay ng pamilya Burke. Nagpa-usok ito ng kung ano, nakita ni Owen na nakabulagta na ang kanyang nanay at gano’n na din ang kanyang tatay.
“Ang sama mo talaga!” Impit niyang sambit at pinipigilan ang kanyang matinding galit.
Nakita niyang lahat ng kwarto ay pinasok nito upang masilip kung saan naroon ang mga bata sa bahay. Pinigilan niyang mag-react dahil alam niyang mangungulit ang mga bata, at maaring gumawa din ito ng ingay dahilan upang marinig sila ni Hector Miguel.
“Mga bata!” Sambit ni Hector habang hinahanap ang mga bata.
Akmang aakyat na si Hector sa hagdan, nang biglang marinig nito ang pag-bukas ng gate ng bahay. Nagmadali itong lumisan at pinanghinayangan ang misyon na hindi nag-tagumpay. Nagmadali ito upang hindi na makita ni Marriel, pero dahil loyal naman si Owen kay Marriel sasabihin ko lahat ng nangyayari.
“Calm down!” Sambit ko. Nang mga sandaling matagumpay na naka-puslit itong si Hector Miguel.
Narinig niyang tinatawag siya ni Marriel, kaya naman tinawagan niya ito sa cellphone. Upang malaman nito kung nasaan sila.
“Hello, nasaan ba kayo? Sabi ng mga tao sa company umuwi daw kayo?” Sambit ni Marriel sa kanya.
“Si Owen ito!” Sambit ni Owen kay Marriel.
**
Nagulat si Marriel sa naging pahayag ni Owen. Naroon daw si Hector sa bahay ng magulang ng huli, sa hindi malamang dahilan kinutuban na si Marriel. Kaya naman agad siyang tumawag ng barangay tanod upang samahan siya sa bahay.
“No problem ma’am, sasamahan po namin kayo!” Respond ng barangay tanod at nakita kaagad niya ang mga ito na papunta na sa main gate ng subdivision. Magkakasama na pinuntahan ang bahay ng mga Burke, napansin nila na naka-open ang main gate. Pagpasok pa lang ng bukana nakita na nilang gulo-gulo ang mga kagamitan sa garden pa lang. Dire-diretso hanggang sa makapasok sa loob ng bahay, subalit wala silang nakitang anino ni Hector.
“Tingnan ninyo ang buong paligid, sumigaw lang kayo kapag may nakita kayong kahina-hinala.” Sambit ng tila leader ng mga tanod. Dahil may kalakihan ang tahanan ng mga Burke talagang hindi sila magkakarinigan kung normal na tawag lamang ang gagawin. Tinawagan ni Marriel si Owen upang i-check ang kalagayan ng mga bata.
“Hello, kumusta na ang mga bata? Ayos lang ba kayo?” Sambit ni Marriel habang hinihintay ang respond ng mga tanod kung mayroon ba silang nakitang kahina-hinala.
“Wala naman nangyari sa amin, nakita mo ba si Hector? Mag-ingat ka sa pagpasok dito!” Bilin ni Owen kay Marriel.
“Ayos lang ako, kasama ko ang mga tanod. Ang gulo dito, maraming mga pinaggugulo na gamit sa garden at sa living room!” Salaysay ni Marriel kay Owen.
“Kung may mga tanod naman pala baba na Lang kami,” sambit ni Owen.
“Huwag muna!” Sambit ni Marriel.
“Hindi natin alam kung anong trip ni Hector, mainam na safe ang mga bata. Hindi ko kakayanin kapag may masamang mangyari sa kanila.” Sambit ni Marriel.
“Naiintindihan ko!” Mahinang sambit ni Owen kay Marriel.
**
Hindi na naman natuloy ang masamang balak ni Hector, nakatikim na naman siya ng malakas na sampal mula sa kanyang kasintahan na si Ada.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo gawin mo ang lahat upang makuha ang mga batang hadlang sa tagumpay natin?” Sambit ng babaeng umuusok na ang ilong sa galit.
Malaki ang galit nito sa pamilya ni Owen, lalong-lalo na kay Owen. Dahil hindi nito tinanggap ang kasunduan na kasal. Dahil doon ginamit ni Ada si Hector bilang patibong. Kahit sinong makakakita sa kanila iisipin na ginamitan ni Ada ng itim na mahika ang binata. Dahil diyan naging sunod-sunuran si Hector sa kahit anong sabihin ni Ada, ito rin ang dahilan ng maagang kamatayan ni Owen. Ito lang naman ang nag-utos ng ikakapahamak ni Owen.
“Ginawa ko lahat ng inuutos mo Ada, pero masyado lang matalas ang pakiramdam ni Rankin!” Sambit ni Hector kay Ada.
“Ibig mong sabihin hindi mo kaya iyong lalaki na iyon?” Bigla itong humalakhak na parang walang bukas, dahilan upang mapangiwi si Hector.
“Anong silbi na binigyan kita ng alalay. Gamitin mo ang itim na usok at ang mga boses ng mga namatay na para takutin si Owen.” Sambit ni Ada. Bukod sa pagiging isang mangkukulam, marunong din si Ada na makita kung sinong kaluluwa ang kanyang kausap.
Mahirap itong linlangin, subalit magaling itong manlinlang. Yumaman ang pamilya ni Ada Humor dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika, at iyon ang hipnotismo. Bukod pa riyan mayroon ding kakaibang panggayuma si Ada na nakikita siya bilang isang napaka-gandang babae, kahit sa totoo lang ay kabaliktaran iyon.
“Babawi ako!” Sambit ni Hector kay Ada.
“Dapat lang, kung hindi naman dahil sa akin wala ka ngayon sa kinatatayuan mo!” Sambit ni Ada kay Hector.
Nabalot ng matinding takot ang buong pagkatao ni Hector ng makita ang itim na itim mata ni Ada na halos bumalot na sa buong eyeball nito.
“Ada, itigil mo na iyan! Nababawasan ang kagandahan mo kapag ganyan ka!” Sambit ni Hector sa babae.
“So, sinasabi mong pangit ako!” Asik nito kay Hector.
“No, hindi sa ganoon!” Sambit ni Hector.
“Eh anong gusto mong iparating?” Singhal ni Ada kay Hector.
“Gusto mo i-massage kita, mukhang napagod ka sa lakad mo today!” Sambit ni Hector, pero deep inside natatakot na ito kay Ada.
“No, ibang init gusto ko tonight!” Sambit ni Ada.
“Masusunod!” Sambit ni Hector na para bang naging puppet at hinagkan si Ada kahit hindi naman kaaya-aya ito sa kanyang paningin.
**
Magkakasama sina Marriel, Rankin, at Owen. Habang ang mga bata ay tulog na. Biglang pumasok sa isipan ni Rankin ang isa pa nilang kababata na hindi na nila nakita pa.
“Owen, naalala mo pa ‘yong kababata natin na si Ada?” Sambit ni Rankin.
“Ada, sinong Ada?” Sambit ni Marriel.
“Ah, si Ada Himor. Actually, five years ago pinagkasundo kami na magpakasal. But, I don’t like her. Ayoko kasi sa pangit. Kung pangit si Marriel sa paningin ko noong una kaming nagkita, nako kapag makita mo ‘yong si Ada, sama ng hilatsa at bukod pa riyan sama ng ugali. Total package sa kasamaan.” Sambit ni Owen, nakasimangot naman si Marriel at biglang hinampas si Owen, ang ending siya lang ang nasaktan dahil tumama sa silya ang kanyang kamay.
“Bwisit ka!” Inis na sambit ni Marriel.
“Joke lang, ito naman masyadong affected. Palibhasa totoo.” Natatawa pang sambit ni Owen kay Marriel. Natatawa lang si Rankin sa kanilang dalawa.
“Kumusta na kaya siya ngayon, ganoon pa din kaya siya? Masama pa din kaya ugali niya?” Sambit ni Owen.
“Nako! Ayoko nang alamin, kahit sa burol ko hindi ko iyan nakita. Hindi ko alam kung sadya bang hindi siya nasabihan o ayaw lang talaga pumunta!” Sambit ni Owen habang nakatingin sa picture frame kung saan naroon si Ada at Owen noong junior prom nila.
“Huwag ka naman maging harsh masyado. Naging friend din naman natin siya.” Sambit ni Rankin.
“Nako, baka masabunutan mo pa iyon kapag nagkita kayo, ang tindi ng kamalditahan. Noong tumanggi ako noon sa kasal na nais niya, muntik niya na ako lasunin sa kasamaang palad si Snoopy ‘yong nadali ng lason niya!” Sambit ni Owen kay Rankin.
“Ang sad naman!” Sambit ni Rankin.
Wala silang kamalay-malay na ito na pala ang dahilan ng lahat ng paghihirap nila. Sino ba namang mag-aakala na ang isang simpleng babae na mahilig manggayuma noon, ang siyang magiging dahilan ng kamatayan ni Owen. Paano kung mag-cross ulit ang kanilang mga landas? Magiging sagabal ba ito sa plano nilang pagbawi sa company ng mga Burke? O magdulot ito ng matinding peligro sa buhay ni Rankin, Marriel, ng mga bata, magulang ni Owen, at maging sa kaluluwa ni Owen?
**