Chapter 16: I Had a Thing for my Bestfriend

"Pen," tawag sa'kin ni Elise habang abala ako sa pagbabasa.

Nandito kami sa terrace namin ngayon. Madalas dito ang tambayan namin.

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa librong binabasa ko.

Habang tumatagal lalo akong nahihirapan na tignan siya. Baka lalo akong mahulog at hindi na ako makabangon.

"May tanong ako."

"Spill it," sagot ko ng hindi pa rin siya tinitignan.

'My heart beating so fast again! And worst sa maling tao at pagkakataon pa'

"Sa love ba kailangan ng gender?" sa tono ng pananalita niya kahit hindi ko tignan alam kong seryoso siya.

I turned my head on her direction. At mukhang seryoso nga siya sa tanong niya.

"Alam mo kung anong kasarian ko. Hindi rin naman lingid sa kaalaman mo na mahal kita. At lalong hindi ko rin naman nakakalimutan na inayawan mo 'ko. Kaya dapat alam mo na kung anong sagot ko riyan sa tanong mo," sagot ko.

I liked boys, but I knew that I liked her too for satan's sake. At alam ko rin na mag bestfriend kami. Ang hindi ko maintindihan kung bakit siya pa.

"Just answer my question Pen," mariin niyang tugon.

I sighed. "Fine. Kapag ba nagmahal ka ng isang tao may requirements? 'Di ba wala naman? Kung 'yong sarili nga nating ideal girl o ideal boy hindi nasusunod, what more pa kaya 'yong sa gender? Kapag tinamaan ka sa isang tao wala ka ng magagawa ro'n."

'Wala ka ng magagawa ro'n. Yeah just like you and me.'

"Pero magkaiba naman 'yon," sagot niya.

"Look, sabi nga love has no gender. Sa love pagmamahal ang basehan at hindi ang kasarian," paliwanag ko sa kaniya.

She nodded. "Alright, see you tomorrow. Bye." At saka nagmamadaling umalis.

Ano bang problema no'n? Hindi nanaman yata nakainom ng gamot 'yon. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kuwarto ko. Para ibalik ang libro ko sa lalagyan nito ng biglang tumunog ang phone ko. I turned my phone on to check my messenger.

Elise:

Thank you!

Me:

Always welcome.

Padarag akong umupo sa kama ko at saka binalibag ang phone ko sa kama. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala.

I heaved a sigh. Dinampot ko ulit ang phone ko para sana mapunta sa iba ang atensyon ko, pero lalo lang nitong pinabilis ang tibok ng puso ko dahil sa mensaheng nabasa ko.

Elise:

Malay mo rin maging bi ako para sa’yo. Wala ng char char pang mahina lang 'yon. HAHAHAHAHA

'Active 6 minutes ago'

T*ngin*?

Genre: Teenfiction