Chapter 7: KABANATA 7 (1888 words)

Pagkaparada pa lang ng sasakyan ni Troy ay agad siyang pumasok sa bahay nila.

Nang makapasok si Troy ay dumeretso siya sa sala at nakita niyang nakaupo ang mga magulang niya.

Tumayo naman ang Mommy niya para halikan siya sa pisngi at ganoon rin ang ginawa niya sa Mommy niya. Tumingin naman siya sa Daddy niya na nakapikit ang mga mata at saka iminulat ang mata nito saka tumingin sakanya.

“What does the Alcaraz Family say that you pulled out the contract marriage to their eldest daughter?”

Tanong agad ng ama niya.

Tumingin naman siya sa Mommy niya at saka umupo sa katapat nilang upuan.

“Make sure you have a good reason why you did that, Troy.”

Huminga ng malalim si Troy saka tumingin sa mata ng ama niya at nagsalita. “I have someone I like.”

Nagulat naman ang Mommy niya sa sinabi niya. “A-Are you serious?”

Tumingin naman ito sa Mommy niya at sinagot. “Yes. I’m serious.”

Hindi na umimik ang Mommy niya pero bakas pa rin sa mukha nito ang pagka-gulat.

“Who is it?” Tanong Dad niya.

“It’s Leah. Younger sister of Sabrina.”

“What?!” Nagulat naman ang ama niya at tumayo saka siya hinawakan sa kwelyo.

“You! Alam mo ba kung si---”

“Mahal ko siya, Dad! Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Sabrina.”

Natigilan naman ang ama niya sa pagsagot niya at inalis ang mga kamay nito sa kwelyo niya.

“H’wag kang makipagkita sa babaeng iyan.” Diing aniya ng ama ni Troy dahilan para magulat siya sa sinabi nito.

“What? Are you se---”

“Pagsinabi kung h’wag kang makipagkita, h’wag kang makipagkita sa kanya. Hindi siya makakabuti sa pamilya natin.” Saad nito at umalis na sa sala at iniwan silang mag-ina.

Lumapit naman sa kanya ang ina niya. “Ako na bahala sa Daddy mo. Kakausapin ko siya.” Saad nito at hinaplos ang mukha niya.

Tumingin naman siya dito at ngumiti saka umalis ang ina nito para sundan ang kanyang ama.

Napasuklay naman siya sa buhok.

“F*ck this.”

•*•*•*•*•*

Lumabas na naka-suot ng p. e pajamas si Leah habang suot suot nito ang salamin niya. Nagdesisyon siyang maglakad lakad muna sa parke para makapag-isip.

Pinag-iisipan niya kasing puntahan ang Ate Sabrina niya bukas para komprontahin na mali ang iniisip niya sa kanilang dalawa ni Troy na wala namang namamagitan sa kanila.

“It’s just a one night stand, that’s it. Mas mabuti ng linawin ko na bago pa mahuli ang lahat.”

Habang naglalakad sa may parke ay may nadaanan si Leah na convenience store. Kumalam naman agad ang tiyan na at naalalang hindi pa pala siya kumakain ng hapunan.

Hindi naman kasi siya nagugutom kanina kaya lumabas na muna siya pero ng makakita siya ng tindahan doon niya agad naramdaman ang gutom.

Napahawak naman siya sa tiyan niya ng kumulo ito ulit kaya pumunta siya sa convenience store at pumasok. Naghanap siya ng makakain sa loob. Napatingin naman siya sa mga hotdog na nakalagay sa isang steam machine.

Kumuha siya ng tinapay sa gilid at kumuha naman ng cheesedog saka nilagyan ng sauce. Pumunta naman siya sa counter para bayaran ang kinuha niya. Dalawang cheesedog ang binili niya dahil natakam siya sa lasa nun.

Nang makapagbayad ay palabas na sana siya ng convenience store ng mahagip niya ang isang can beer na iniinom ng dalawang lalaki sa may labas lang ng convenience store.

Medyo nanuyo naman ang lalamunan niya doon. Napatingin naman siya sa refrigerator sa likod at bumalik ulit ang tingin sa can beer.

“Okay. Isa lang bibilhin ko. Titikman ko lang ulit.” Aniya ni Leah sa isip niya saka pumunta sa likod kung saan nandoon ang mga beverage’s.

Hinanap niya doon ang can beer na nakita niya sa labas. Nang mahanap na ay kumuha lang siya ng isa dahil titikman niya lang naman.

Ito na siguro ang pangalawang beses na makatikim ng alam and this time beer naman. Napatingin naman siya sa hawak niyang can beer at biglang naalala ang mga nangyari nung nalasing.

Naiiling na agad niya ang ulo niya bago pa niya maalala ang isang pangyayari na nagpa-bago sa buhay niya. Kaya naman ay dumeretso na lang siya sa counter para bayaran ang can beer.

Nang mabili iyon ay puwesto siya sa isang bakanteng upuan at lamesa sa labas at inilipag ang binili niya. Habang kumakain ng cheesedog ay binuksan niya naman ang can beer.

“Wohh.” Aniya niya ng makitang medyo bumula ng mabuksan niya ito.

Inamoy-amoy niya ito, at medyo masakit sa ilong kaya nilayo niya. Napatingin naman siya ulit sa mga lalaki na hawak hawak ang kanilang can beer. Nakita niyang tinungga agad iyon ng lalaki at bakas sa mukha nito ang pait na lasa ng beer.

Napatingin naman siya sa can beer niya. Kinuha niya iyon at tinikman.

“Ang pait!” Bulalas niya ng manuot ang pait ng lasa ng beer sa lalamunan niya pero habang tumatagal ay sumasarap iyon.

Habang umiiniom ay hindi niya mapigilan na mapaisip ang tungkol sa kanila ni Troy.

“Gusto kita, Leah.”

“What would you say, that I do all of this because I like you.”

Hindi niya tuloy mapigilang matawa ng maisip niya iyon.

“Sinasabi mo lang iyan dahil may nangyari satin.” Aniya at tinungga ang can beer.

Hindi na namalayan ni Leah kung nakailang inom na siya ng can beer. Nagkalat na rin sa lamesa ang mga binili niyang pagkain at can beer.

Medyo nahihilo na siya at hindi niya na rin kaya tumayo, kaya naman ay ipinikit niya muna ang mata niya

“What are you doing here, woman?”

Napamulat naman siya ng mata at tiningnan kung sino ang nagsalita.

Nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa kanyang harapan.

•*•*•*•*•*

Habang tinatahak ni Troy ang daan pauwi ay tumigil ang sasakyan nito dahil sa stop light.

Habang naghihintay mag green light ay hindi niya maiwasang tumingin tingin sa paligid niya.

Sa pagtingin tingin niya may nahagip siyang babae na nakaupo sa isang convenience store sa labas nito at umiinom ng can beer sa kanan niya lang.

Nasa kabilang lane iyon samantalang ang Sasakyan niya naman ay nasa kaliwa. Tinitigan niya ang babae at ng maalis ang can beer sa bibig nito ay nagulat siya ng makilala iyon.

“Leah? What the h*ll she’s thinking drinking out there.”

Napamura naman siya ng marinig ang sunod-sunod na busina sa likod niya.

“Can’t you just f*ck*ng wait? D*mn it.”

Inis naman na agad binuksan ni Troy ang makina at pinaandar ito. Inikot niya ang sasakyan niya para puntahan si Leah.

Nang maka-parada sa gilid ng convenience store ay agad siyang bumaba para puntahan ang dalaga.

Nang makita ang dalaga ay nagulat siya dahil sa dami ng can beer na nagkalat sa lamesa at meron pang mga tsitsirya.

Nakapikit naman ang dalaga kaya lumapit siya dito.

“What are you doing here, woman?”

Nagmulat naman ng mata ang dalaga at tiningnan siya. Napakunot naman ang noo nito.

“Huh? Sino *hic* ka…?” Saad ng dalaga.

“Tara na. Uuwi na tayo.” Aniya niya at hinawakan sa braso si Leah para patayuin pero tinulak naman siya nito.

Naramdaman niyang may nakatingin sa kanila pero hindi niya na ito pinansin. Nakita niyang binuksan ng dalaga ang isang can beer at iniumang sa bibig nito para inumin pero kinuha niya iyon.

“Ano ba! Akin na yan!” Tumayo naman si Leah para kuhanin ang can beer sa kanya pero ininom niya ito at itinapon.

Bigla namang pumalahaw ng iyak ang dalaga na ikinagulat niya.

“Bakit mo ininom! Akin iyon eh! WAAHH!”

“Hey, hey. Sto---” mas lumakas lang lalo ang iyak nito kaya naman ay binuhat niya ito ng parang sako.

Nagulat naman ang dalaga sa ginawa niya kaya naman ay nagsisigaw ito at pinalo-palo siya sa likod.

“Yah! Put me down!” Hindi niya pinansin ang angil ng dalaga at dumeretso sa sasakyan niya pero hinarang naman siya ng isang staff ng convenience store.

“Sir, ano pong ginagawa niyo? Mas---”

“I’m bringing my girlfriend home. Any problem with that?” Saad niya at tiningnan ito.

Mukang nagulat naman ito sa sinagot niya kaya tumango na lang ito at umalis sa harap niya.

Patuloy pa rin sa pagwawala si Leah kaya hindi niya tuloy mapigilan na paluin ang pang-upo nito na ikinatigil naman ni Leah.

“What the!” Gulat na sambit ni Leah sa ginawa ng binata.

Ipinasok naman ni Troy si Leah sa loob ng sasakyan at umikot siya para pumasok sa driver’s seat.

•*•*•*•*•*

Tahimik lang ang loob habang nagmamaneho si Troy. Nagising ang diwa ni Leah ng paluin siya ng binata sa pang-upo nito kanina.

At dahil doon ay nawala ang kalasingan niya. Nahihilo pa rin naman siya pero ngayon ay gising na gising na para bang walang nangyari.

Sinabi naman niya dito ang address niya kanina at hanggang doon lang pag-uusap nila. Hindi siya makapaniwala na si Troy pala ang lalaki na nakita niyang nakatayo kanina.

Napapikit naman siya ng maalala ang nangyaring pagwawala niya sa convenience store.

“Akala ko ba tikim lang? Halos maubos mo na ang can beer ng convenience store, eh.”

Ilang minutong walang imikan ay tumigil na ang sasakyan ni Troy. Napatingin naman siya sa labas na nandoon na pala sila sa tapat ng building kung saan ang condo unit niya.

“Ahh, thank you sa paghatid.” Saad niya At tinanggal ang seatbelt niya.

Bubuksan niya na sana ang pinto ng passenger seat ng hawakan ni Troy ang kamay niya.

“Leah. About the---”

“I think, kailangan na natin lumayo sa isa’t-isa.”

Natigilan naman si Troy sa sinabi ni Leah.

“What?”

“Mas ikabubuti pang h’wag na tayong magkita. This is the best for both of us, you know. It’s just a one night st---”

“No. Kung sa iyo ay one night stand iyon, sa’kin hindi. Bakit ayaw mo bang maniwala sa’kin na---”

“Paano ako maniniwala sayo na isang araw susulpot ka sa harap ko at sasabihin mo sa’kin na gusto mo’ko? Huh. Isang pagkakamali lang ang nangya---”

Naputol ang sinasabi ni Leah ng abutin ni Troy ang mga labi niya. Nagsimulang gumalaw ang mga labi nito kaya naman ay napahawak siya sa balikat nito.

Bumitaw naman sa halik si Troy at ipinagdikit ang noo nila. “Just give me a chance, Leah. Yes, It is a one night stand but for me it’s different. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin pero nung may nangyari satin ng gabing iyon ay hindi ko pinagsisihan lahat.”

Nagsimula namang manubig ang mga mata ni Leah.

“Hinanap kita kinabukasan noon ng mawala ka sa tabi ko. Malapit nakong sumuko ng hindi kita mahanap kaya tinanggap ko ang alok ni Dad na pumunta sa isang dinner at hindi ko aakalain na doon kita makikita. Napakasaya ko ng makita kita ulit.”

“But… you’re getting married… to my sister…”

“Screw that f*ck*ng marriage.” Saad ni Troy at pinunasan ang pisngi ni Leah.

“I love you, Leah. Kaya h’wag mong sasabihin sa’kin na lumayo tayo sa isa’t-isa. I’ve suffered enough just to find you. Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba, kung hindi naman ikaw ang makakasal sa’kin, then hindi rin ako magpapakasal. Give me a chance to prove my love to you, Leah.”

Hindi na lang umimik si Leah at tumango na lang. Walang masabi si Leah, ng marinig niya mismo sa bibig nito na mahal siya nito.

Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.

“Wala na talaga akong kawala. Mahal ko na talaga ang lalaking ito.”