Chapter 9: One Ordinary Day
Matapos ang practice nila para sa opening ng show nila bukas ay nagpahinga na sila. Kumuha ng tubig si Jiro at ininom iyon.
"Okay, guys. Let's take a break." Sigaw ng choreographer nila at kinuha ang cellphone niya.
Si Kie naman ay pinapanood lang ang asawa niya. Ang tahimik niya ngayong araw nakakapanibago para talagang may kakaiba sa kanila ngayon lalo na kay Yuri.
"Let's take a break para makapang-chicks muna si Baymin." sambit ni Yohan at binato siya ng tuwalya ni Baymin na ikinatawa ng lahat. Lumapit naman si Kie sa asawa at pinunasan ito.
"And here it goes nagsisimula ng maglandian ang mag-asawa. My eyes!" sambit ni Baymin kaya natawa ako dahil para siyang direng-dire na ewan.
"Puro ka reklamo. Maghanap ka na nga ng lovelife mo. Hindi iyong parang nakalunok ka ng ampalaya sa tuwing makikita mo si Jayvee at Yuri na kasama ang babae sa buhay nila...." Natatawang sambit ni Jackson at napapailing pa.
"Naku, huwag na. Hindi pa ko handang mabaliw sa pag-ibig dahil lang dyan." sambit ni Baymin.
"Water guys!" Sigaw ko at binigyan sila ng tubig isa-isa,
"Thanks." sambit ni Yuri ng bigyan ko siya ng tubig.
"Mark, ito, oh..." Abot ko sa kanya at nginitian.
"Thanks, Samantha. Ang laking tulong mo talaga dito." sambit niya at kinindatan pa ako.
"Huwag ka ngang gumanyan-ganyan mamaya tumalab pang-aakit mo." Natatawang sambit ko sa kanya. Ganyan kami kapag nagkikitang dalawa nasanay na kasi kami sa isat-isa dahil magkasama kami sa mga photoshoot naming before.
"Bakit tumatalab na ba?" Tanong niya at binuksan ang bote.
"Sadly, No. Better luck next time, Mark Torres. " sambit ko at tumawa muli.
"Sad nga..." sambit niya at nagpout pa. Ang cute niya hahaha
"Hi, guys!" Napalingon naman kaming lahat sa nagsalita.
"Nicole!" Masayang sambit nila at lumapit pa doon sa babaeng iyon. Itong si sungit ay nagmistulang anghel sa harap ng babaeng ito. May bago na atang madadagdag sa ito-torture ko sa utak ko. Tsk!
"Miss me guys?" nakangiting tanong niya sa mga ito.
Tss... Bakit ba naiinis ako sa babaeng ito? Oo, maganda siya pero mas maganda kung wala siya sa paningin ko.
"Yes, kamusta ang France?" Tanong ni Jackson sa kanya.
"Sa New York ka nagpunta, di ba?" Tanong naman ni Jayvee.
"Haha.. Saan ka ba talaga galing?" Tanong naman ni Yohan.
"Sa France mas matagal ako doon." Sagot naman niya at tumingin kay Yuri.
"Who is she?" Tanong ni Kie
"Ahh.. She is---"
"Hindi mo ba ako iwe-welcome, Yuri? Tagal ko ding nawala, ah. " Sabi naman nito at ngumiti ng malawak.
"Oo, nga welcome mo naman ang bestfriend mong si Nicole." sambit naman ni Mark.
Kilala niya din? Ahh, oo nga pala magkakaibigan sila.
"Ahh... Oo, nga welcome liit." sambit ni Yuri at ngumiti sa kanya. Bestfriend niya?
"Akala ko nakalimutan mo na ko tangkad." sambit nung Nicole at tumingin sa kanya. Napakunot-noo naman ako ng tanggalin ni Yuri ang braso ni Kie na nakakapit sa kanya.
"Hindi mo ba ipapakilala sakin ang dalawang babaeng kasama niyo?" sambit ni Nicole at lumapit samin. Di ko talaga siya vibes.
"Ahh... This is Kieseyah my wife." sambit ni Yuri at inakbayan si Kie.
"Hi," si Kie at nginitian siya.
"And this is Samantha." sambit ni Yuri sabay turo sakin.
"Hi, Nicole" walang ganang sambit ko
"Hi! Nice to meet you guys." sambit niya at tinalikuran na kami
"By the way, meron akong dalang pagkain sa inyong lahat lunch na kasi alam kong gutom na kayo." sambit ni Nicole at tumingin kay Yugyeom.
"Tara Kie. Tumulong tayo sa kanila." sambit ko at hinila siya. Napansin ko naman na hinila ni Yuri si Nicole palabas at itong si Kie ay walang kamalay-malay. What's happening?
"Hoy, bruha! Tulala ka anong iniisip mo?" sambit ni Kie at kumaway pa sa harap ko
"Wala. Kumain ka na dyan..." sambit ko sa kanya
"Paabot ng ulam, Samantha." Narinig kong sambit ni Jiro kaya inabot ko agad iyon sa kanya.
"Thanks." sambit niya at tinanguan ko lang siya
"Cr lang ako..." Pabulong kong pagpapaalam kay Kie
Palabas na sana ako ng marinig ko si Yuri at Nicole na nag-uusap sa labas. Bahagya naman akong sumilip at nakita ko silang magkayakap.
"What is the meaning of this?" Pabulong kong sambit
"What are you laughing at? I'm serious " pagalit na sambit ni Nicole
"I know baby." sambit Yuri sa kanya
"Samantha, anong ginagawa mo dyan?" Gulat akong napaharap kay Jayvee.
"Ano... Ahm... Wala… Sige, balik na ako. Minsan talaga inaatake ako ng pagkaweird ko saka pagkabaliw. Huwag mo na lang pansinin ang nakita mo." sabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Nakita mo si Yuri?" Tanong sakin ni Kie
Sasabihin ko ba? Pero ayaw kong masaktan siya. Saka hindi ko pa naman sure iyon.
"H-Hindi eh.." Pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba? Sige, hahanapin ko nalang." sambit niya kaya pinigilan ko siyang tumayo.
"Nadyan lang iyon dito ka muna. Ikaw naman kanina lang magkasama kayo eh. Aka naman masakal si Yuri niyan" sambit ko sa kanya at pilit na ngumiti. Nakita ko kung paano kumunot ang mga kilay niya.
"Bakit ganyan ka? Ang weird mo..." sambit niya sakin ng may halong pagtataka
Ano ba iyan?! Isip ka ng idadahilan.. My precious mind gumana ka.
"Ahh... Kasi... Natitimang kasi ako ngayon... Ahmm... Ang sexy kumain ni Jiro ngayon daldalin mo ko para hindi ko siya gapangin dito..." Bulong ko sa kanya
Well! Ang sexy naman niya talaga kumain hehe...
"Yown lang?! Geh, GO! Gapangin mo na..." sambit niya at akmang tatayo na li kaya hinila ko ulit siya paupo.
"Aish! Baymin, may sinasabi si Kie."
"Ano?" Takang tanong niya.
"Bakit daw mas maganda ka pa sa kanya?" sambit ko nalang dahil wala akong maisip na idahilan.
"Oy, wala naman akong sinabi na ganyan, ah?!" pasigaw na sabi ni Kie
"Syempre, mas hot ako eh." sambit naman ni Baymin at nagsitawanan sila.
"Yuri!" Tawag ni Kie sa asawa niya na kakapasok lang at agad siyang binigyan ng pagkain.
"Thanks, Kie." sambit ni Yuri ngunit agad din naagaw ng atensyon niya ni Nicole dahil binigyan siya nito ng mga pagkain. Kaya napaurong nalang si Kie.
Maghapong nakikiepal si Nicole kila Kie. Maybe tama nga talaga ang hinala ko. May something si Nicole at Yuri. Samantalang si Kie ay walang kamalay-malay. I need to do something with this situation.
"Hoy!" Napalingon ako sa gilid ko at buti nalang uso ang salitang adrenaline rush kaya nasalo ko ang boteng hinagis ni Jiro.
"What now?!" Inis na sambit ko.
"Lagyan mo ng tubig iyan." sambit niya at bumalik sa pwesto niya habang tumatagal sumusungit iyon. Magiging straight ata lahat ng kulot kong buhok sa katawan dahil sa kanya. Pagkatapos kong lagyan ng tubig ang tumbler ni Jiro ay binigay ko na uli sa kanya.
"Oh?!" sambit ko sabay abot sa kanya
"Thanks..."
"Whatever..."
"Let's take a groufie." sambit ni Nicole. Sila lang naman ang naggroufie. Paki ko ba dyan. Hayst!
"Hey, Kie " tawag ni Nicole kay Kie
"Yes?"
"Picturan mo naman kami, oh," sambit niya at binigay ang cellphone sa kanya
"S-Sige..." sambit niya at tumayo. Si Nicole naman ang umupo sa tabi ni Yuri.
"Para-paraan..." Bulong ko
"Anong para-paraan?" Rinig kong sambit ni Mark
"Wala. " sambit ko at tinali ang buhok ko
"Are you seducing me?" Rinig kong sambit ni Mark
"Are you talking to me?" Tanong ko at nakaturo pa sa sarili ko
"Yes..." sambit niya at tumingin sakin
"Baliw ka ba? Bakit kita ise-seduce. Tsk!" sambit ko sa kanya
"Atsaka bakit mo naman nasabi iyon..." Kunot noong sambit ko at lumingon sa kanya matapos kong magtali ng buhok
"Wala, nasabi ko lang..." sambit niya atsaka nag-inat
"Baliw ito! Kung mangse-seduce man ako hindi ko sayo gagawin..." Mahinang sambit ko
"Ano iyon?" Tanong niyang muli
"Wala! Ang sabi ko ang weird mo." sambit ko at iniwan siya
"I enjoy this day thank you guys. I should go home now." Narinig kong sambit ni Nicole
Ang tagal din nilang nagpicture-taking, ah. Tsk! Mang-aagaw pala ng spotlight ito.
"Dapat lang." I murmur. Naramdaman ko naman ang paglingon sakin ni Yuri kaya nginitian ko nalang siya.
"Hatid na kita palabas." Narinig kong sambit ni Yuri.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Malalaman ko din ang dapat. Kailangan ko lang ng ebidensya.
-
Dalawang buwan na ang lumipas at heto staying strong sa pagiging personal assistant ni Jiro. Ewan ko ba? May split personality ata ang lalaking iyon dahil minsan mabait, childish, nakasimangot lagi pero mas madalas na badmood at mapang-asar.
"Hey, Samantha..." Tawag niya sakin
"What?" Inis na tanong ko. Sanay naman na siyang ganyan ako sa kanya, eh. Tinaasan niya lang ako ng kilay at humalukipkip siya.
"Siguro naman naayos mo na ang gamit mo? Dahil simula mamaya ay sa dorm ka na rin uuwi..." sambit niya sakin.
"Oo na.. Alam ko. Hindi mo kailangang ulit-ulitin..." sambit ko at nagcross-arms rin.
"Mahirap na. Paimportante ka kasi imbes na ako ang boss mas feeling boss ka. " sambit niya at tinalikuran ako. Akmang babatuhin ko siya ng bote ng mineral ng lumingon siya muli.
"Ano iyan? May balak ka bang batuhin ako?" sambit niya ng nakakunot ang kilay
"Hindi, ah... Hehe.. Bibigay ko kaya sayo ito." sambit ko at lumapit kaagad sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Sige, doon na ako kila Glyren. Hehehe..." sambit ko at nagmamadaling pumunta kila Glyren.
"Mas mukha pa silang mag-asawa kaysa sa inyo. Nagtataka na tuloy ako kung magbestfriend nga lang ba talaga sila." Narinig kong sambit ni Glyren pagkalapit ko sa kanila.
"What? I'm just saying kung anong nakikita ko. Bakit ikaw ano bang nakikita at nadadama mo?" Dugtong pa nito sa sinasabi niya kay Kie.
"Same." May inis na sambit ni Kie
Napatingin naman ako kay Nicole at Yuri. Ilang beses ko na silang nakikita pero hindi ako nabibigyan ng pagkakataon at tyempo para sabihin iyon. Iniisip ko rin kasi ang mararamdaman ni Kieseyah.
"Bakit hindi ka kumilos? Like duh! Bob*han mo pa Kie. Maagaw na ng babaeng iyan ang asawa mo." sambit ni Glyren
"Hindi ako papayag." sambit ni Kie at lumapit sa asawa niya. Mababakas mo ang pagkainis sa mukha ni Nicole at pagka-trying hard ni Kie sa paggitgit sa pagitan nila para mapaghiwalay ang dalawa. Goodluck girl!
Kinuha ko na ang gamit ko dahil oras na para samahan si Mr. Moody pumunta sa isang Tv program. Well, MC siya doon.
"Yuri pwede makisabay?" sambit ni Nicole
"Hindi ba may kotse ka namang dala bakit ka sasabay sa kanila?" sambit ko at hindi maiwasang iparamdam ang pagkainis ko
"Ahh.. Oo, nga pero kasi punta lang sana ko kil--"
"Hindi ba you promise Nicole na pupunta tayo ng mall?" sambit bigla ni Baymin. Nakaramdam ata ng tensyon?
"Oo, nga pala. I forgot about that"
"Next time nalang, Tangkad. Si Baymin muna for now." sambit nito at ngumiti pa
---
"Magandang Araw sa programang kay saya!" Masiglang bati ni Jiro at Jessa sa harap ng camera.
"Bagay na bagay talaga sila. " sambit ng isa sa staff na nanonood sa kanila.
Gusto ko man magprotesta ay wala akong magagawa personal assistant lang naman ako at isang fan. Sa lahat talaga ng pinapartner sa kanya kay Jessa ako nagseselos. Ano ba namang laban ko dyan? Si Jessa ay maganda, sikat at balingkinitan. Madaming fans at mahal ng lahat samantalang ako ay isang ordinaryong tao lamang kapag dinikit ako sa kanya ay hindi mo na ako mapapansin pa.
"Tama bagay na bagay nga sila..." Sang-ayon naman ng Manager nila Jessa.
Bago pa ako magwala sa lugar na iyon ay umalis na ako. Tinext ko nalang si Jiro na kapag tapos na siya ay itext niya nalang ako. Bahala siya kung magagalit siya dahil ayokong saktan ang sarili ko na makita silang nagtatawanan samantalang ako selos na selos na.
Naglibot nalang ako dito sa loob ng building busy naman silang lahat kaya hindi nila ako mapapansin. Nakisabay ako sa maraming staff no’ng makita kong may security na naglalakad.