Chapter 42: Jealous

Lara

Napaka ingay ng bahay ngayon dahil sa presensya ni Zeus at nung makulit na si Rip. Na bo-bored daw ito sa trabaho at sumama sa kanya dahilan ni Zeus ng pag buksan ko siya ng pinto. Day off ko ngayon, balak ko nga sana na ipasyal ang mga bata pero masama ang panahon.

Nakaupo lang ako sa single sofa ng maka rinig ako ng matinis na tili ng aming anak. Nakasakay ito sa likod ni Rip, piggyback ride. Habang ang mag ama naman ay nakaharap sa play station. Hindi ako ang bumili sa bagay na iyon. Si Zeus ang may dala nyan kanina at agad naman nilang isinet-up.

"Mommy! I'm flying! Hihihi"

Nginitian ko lang ito saka pinag sabihan na humawak ng mabuti sa Uncle Rip nya, pero kinorek lang ako nito dahil Uncle

pogi daw ang pangalan ni Rip.

Mabilis naman nagkapalagayan ng loob ang kambal at ang binata. Hindi naman obvious sa ginagawa nila diba?

Napatayo ako ng marinig ko ang Door bell ko. Napatingin sa akin si Zeus.

'' may inaasahan kang bisita? "

" wala. Baka kapitbahay lang. Titingnan ko lang. "

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay ang masayang mukha ni Rick ang humarap sa akin.

Anong ginagawa nya dito? Bakit ngayon pa?!

" Rick, napadaan ka? "

Binigyan naman ako nito ng magaang ngiti. Saka inabot sa akin ang dala nitong Pizza at donuts.

"Hindi naman kasi ganoon ka busy sa ospital kaya naisip ko na bisitahin ang mga bata. Miss ko na rin kasi sila. Sinabi ko naman sayo na bibisita ako kapag maluwang luwang na ang schedule, diba?"

Shit!! oo nga pala.!

Sa lahat lahat ng araw ngayon pa naging maluwag ang scheduled nya.

" Ganon ba. Pasok ka"

Ang sama ko naman kung hindi ko sya pa papasukin, nag abala pa naman yung tao saka si Zeus lang naman yun at Rip.

Siguro naman walang tinatagong something si Zeus kay Rick ilang taon narin ang lumipas.

Nanlaki ang mata ng kambal ng makita nila si Rick, agad namang bumaba si Zandra sa likod ng uncle nya. Sabay nilang niyakap ang tito Rick nila.

"tito Rick!" zandro

"Tito daddy!" Zandra

Nakita ko ang pag taas ng kaliwang kilay ni Zeus ng marinig nito ang tawag ng prinsesa nya kay Rick.

"How's my babies, huh? Hindi nyo naman pinapagod si mommy no?"

"babies your ass" narinig kong bulong ni Zeus.

Inaasahan ko ang gulat o kaguluhan sa mukha ni Rip pero mukha naman itong nag e-enjoy sa kinakain na Pizza at donuts.

"Zandra you should not call tito Rick daddy, he is not our dad."

"but he is still my tito daddy!"

"it's OK little man."

Lumapit naman si Zeus sa kambal. Kita ko kung paano nya sinamaan ng tingin si Rick bago inilapit sa kanya ang kambal.

"your brother is right, I'm your daddy right princess? Masasaktan si daddy kapag may iba ka pang Daddy. Do you want daddy to get hurt?"

"No, sorry daddy"

Niyakap naman kaagad ni Zandra ang ama.. Hindi naman kailangang sabihin iyon ni Zeus, matagal nang nakasama ng kambal si Rick na to the point na tito daddy na ang tawag ni Zandra dito. Ito ang tumayong ama ng kambal ng nasa ibang bansa pa kami, yung mga panahon na hindi pa sya nag e-exist sa buhay ng kambal.

Kita ko naman na ngumiti lang si Rick but I know deep inside of him hindi nya nagustuhan ang sinabi ni Zeus.

" Come on kids! Look what tito Rick bought for you!"

"Donuts!"

"Pizza!"

"wai-wait!"

Natawa naman ako dahil inupuan ng dalawa ang tito pogi daw nila.

Binalingan ko naman ang dalawang lalaki sa tabi ko.

"am..... Coffee? Rick?"

"oh sur-"

"hindi na. Uuwi na sya kaya di na nya kailangan ng kape." masungit nanaman ang hayop na Zeus na ito.. Inirapan ko lang sya saka hinawakan si Rick sa braso para igaya pa upo sa sofa.

"kumain ka na rin ng dala mo, madami yan. Ipagtitimpla lang kita ng kape."

Binigyan ko lang si Zeus ng tingin bago pumasok ng kusina.

Habang nag titimpla ng kape para sa unexpected visitor ko pati narin sa mainit na ulo na si Zeus at gatas narin para sa kambal ay bigla nalamang nakaramdam ako ng kilabot dahil sa mainit na hininga na dumampi sa aking batok. Na paharap naman ako ng wala sa oras!

"Ginulat mo ako! Tarantado ka!"

Hinampas ko nga sya sa balikat pero mukha namang wala lang sa kanya.

"tsk"

Aba! At talagang ipag papatuloy nya ang pagsusungit na iyan?! hindi ko nalamang sya binigyang pansin at bumalik nalamang sa ginagawa.

"Kung ganyan din naman ang ugaling ipapakita mo sa harap ng mga anak ko-"

"Anak natin" pag ko-korek nito sa akin.

Fine , okay! Anak namin. Bwisit nawala tuloy ako!

"Yun na nga! Anak n-natin, eh...... umalis ka nalang, isama mo na yung makulit na cemetery na iyon!"

Hindi naman sya nag salita pero alam kong nasa likod ko parin ata dahil nararamdaman ko ang bawat hinga nya sa aking batok na talaga namang nag bibigay ng kakaibang feeling. Malandi na ba ako kung nakakaramdam ako ng sexual something something dahil lamang sa hininga nya?

My gosh~~~

Normal naman ang tibok ng puso ko kanina pero parang rumaragasang tubig mula sa talon ang tibok ng puso ko, pambihira! Lara naman!! May anak kayo sige , pero tama bang maramdaman mo yan eh diba wala namang kayo?

Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Lara?"

Nasa likod ko parin si Zeus, ni hindi man lang tumabi para makita ko si Rick na tinatawag ako. Sinamaan ko naman si

Zeus ng tingin bago sya lampasan.

"Yes?"

Napakamot ito sa kanyang batok, ang cute nya kapag nahihiya. Gawain nya iyan kapag nahihiya sya.

"Tulungan na kita sa coffee, ang tagal mo kasi, hnahanap ka na ng mga bata."

Binalikan ko naman ang tinitimplang kape at gatas. Nakalimutan ko na ito ng dahil lamang sa walang kwentang Zeus na nagpapabilis ng pu- wala wala. Walang bumibilis ang tibok na puso dito, wala~

"Sorry, may asungot kasi eh, kaya natagalan" nahihiya ko namang nginitian si Rick.

"Pansin ko nga" natatawa naman nitong sabi.

Gusto ko rin sanang matawa kung hindi lang nag salita ang asungot.

"Ang gwapo kong asungot."

Tinaasan ko lang sya ng kilay pero nginisian nya lang ako saka nya tinignan si Rick ng something na sila lang ang nagkakaintindihan. Anong meron?

"Hayaan mong ako na ang magdala nyang tray"

Agad naman kinuha ni Zeus iyon saka kami nilampasan.

"I guess his jealous"

"Pinapaasa mo ba ako?"

"Bakit umaasa ka ba"

"Muka ba?"

Tinitigan lang muna ako nito kaya naman pinanlakihan ko sya ng mata.

"Yah" natatawa nitong sabi saka umalis para lang makikulit sa mga bata na nakay Zeus ang atensyon.

Minsan talaga may mga bagay na hindi ko ma gets kapag lalaki ang nagsasabi.