Chapter 11: First kiss
"Tama na ang pag-e-imagine at baka maengkanto ka na riyan sa kinatatayuan mo."
Nakasimangot na nilingon ni Yvonne ang may-ari ng baritonong tinig.
"Bakit ka narito?" Lapat ang ngipin na tanong ni Ashton sa dalaga.
"Hindi ba't dapat magpasalamat ka sa akin sa halip na magtanong ng ganyan?" Nakataas ang kilay na aniya sa binata.
"Hindi ligtas sa iyo ang pumunta rito ng gabi na at mag-isa lang. Ano ang naisip mo at pumunta ka rito?"
Napasimangot naman ngayon si Yvonne dahil sa panenermon nito sa kanya. Nakita niya ito kanina na pumasok sa silid ng pasyente, nakilala niya ito kahit naka disguise dahil nakabuntot dito ang kilala niyang kaluluwa. Susundan na niya sana sa loob ang binata ngunit namataan niya ang pagdating nila Meynard.
"Tayo na at umuwi," mabilis na hinuli niya ang kamay ng dalaga at inakay palabas ng gusali. Nakasalubong pa sila ni Meynard at ipinagpalagay loob nito na siya ang kasamang kamag-anak ng dalaga nang hindi siya nakilala.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tawag niya sa dalaga nang pumunta ito sa gilid ng kalsada.
"Uuwi, sabi mo umuwi na ako hindi ba?"
"Tsk, wala kang dalang sasakyan?" Aburidong tanong niya dito nang mapagtanto na mag-aabang ito ng pampasaherong sasakyan.
"Hindi ako kasing yaman mo, Doc!" Nakaingos na sagot niya dito.
"Ihatid na kita," aniya at binuksan ang kabilang pintuan ng saaakyan.
"Nakaramdam ng lamig si Yvonne kung kaya hindi na siya nagpakipot pa. Ayaw niya rin naman magtagal sa lugar na iyon dahil pakiramdam niya ay maraming mata nakatingin sa kanya mula sa madilim na lansangan.
"Ang lakas ng loob mo lumabas nang ganitong oras at ganiyan pa ang kasuutan." Palatak na turan ng binata nang umusad na ang minamanehong sasakyan.
"Ano ba ang masama sa suot ko? Nakanguso na tanong niya sa binata.
"Nagpunta ka ba sa hospital upang akitin ang mangmang na doctor na iyon?" Mahamig na sa boses ng binata ang iritasyon.
"Ang sama mo!" Biglang sumama ang loob niya sa binata. Buong buhay niya ay ngayon lang may naglakas loob na kuwestyonin ang kaniyang sarili. At ngayon lang din siya nakaramdam ng panibogho dahil hindi maganda ang puna at galing pa sa isang lalaki.
Itinigil ni Ashton ang sasakyan sa isang tabi at hinarap ang dalagang nagtatampo. Napangiti pa siya dahil mukhang mahinhing dalaga na ito ngayon kung umasta.
"I'm sorry, ayaw lang kita mamanyak kung kaya napuna ko ang iyong kasuutan. Kita mo naman kanina kung paano titigan ng lalaking iyon ang katawan mo at ninakawan ka pa niya ng halik!" May diin ang huling salita na anito.
Gumaan naman agad ang pakiramdam ng dalaga nang marinig ang sinsiridad nito. "Napaginipan ko kasi sila."
"Sila?" Pag-uulit ni Ashton. Alam niya ang tungkol sa panaginip nito na minsan ay nagpapakita rin sa kanya. "May kasama na siya?"
Tumango ang dalaga habang tikom ang bibig.
"Umayos ka nga ng upo!" Tinapik niya ang hita ng dalaga na daig pa siya kung makaupo.
Nakasimangot na nagde-kwatro ng upo ang dalaga, nakasanayan niya kasi na pabukaka kung umupo na parang lalaki. "Ang dami mo namang puna palagi sa akin!"
"Umayos ka kasi, kababaeng tao eh!"
Lihim na napangiti siya sa tinuran ng binata, tila nakiliti siya sa isiping babae na ang tingin nito sa kanya. "Ang lalaki na pasyente, kasama siya sa panaginip ko kanina kung kaya napapunta ako roon.
"Mukhang tama nga ang hinala ko na baliw ang Meynard na iyon." Ang naibulong ni Ashton na umabot sa pandinig ng dalaga.
"Sa tingin mo ay siya talaga ang killer?" Bakas sa boses niya ang panghihinayang.
"Huwag mong sabihin na gusto mo na ang mangmang na iyon?"
"Maka mangmang ka naman, ang bait kaya ng tao." Nakalabi niyang wika.
"May gusto lang sa iyo, mabait na? Mangmang iyon dahil hindi nakapasa sa board exam at pasang awa nang magtapos."
Nakangiti lang si Yvonne habang nakatitig sa binata. "Baka maubos ang kapogian ko sa mga titig mo na iyan "
"Yabang!" Umiwas siya ng tingin dito bago nagsalita muli. "Baka mapahamak ang pasyente na iyon ngayong gabi?"
"Sa narinig ko kanina, hindi pa niya gagalawin ang pasyente ngayon. Kailangan natin malaman kung ano ang ginagawa nila sa katawan ng biktima at bakit nila ito pinapatay."
Humikab siya nang makaramdam ng antok. "Pwede mo na ba ako ihatid? Inaantok na ako."
Walang salita na pinaandar muli ni Ashton ang sasakyan. Tatlumpong minuto din ang tinagal ng beyahe bago nakarating sa tinutuloyan ng dalaga. Napatitig siya sa mukha nito na nakatulog na sa kinaupuan. Maganda ito at makinis ang kutis kahit laking probinsya. Ngayon lang siya humanga sa kagandahan ng babae. Napalunok pa siya ng sariling laway nang mapatitig sa binti ng dalaga. Iyon ang kanyang weakness sa babae, ang makinis at mapintog na hita.
May pag-aalinlangan na ginising niya ang dalaga mula sa mahimbing na pagkatulog nito. Gusto niya sana hayaan ito sa pagtulog at alam niya na sira lagi ang tulog nito dahil sa panaginip, ngunit hindi siya maaring tumagal doon.
"Tama na!"
Natigil siya sa pagtangkang hawakan sa balikat ito upang gisingin nang magsalita ito habang tulog.
"Mga hayop kayo!" muling wika ng dalaga at bahagya pang pumiyok ang boses.
"Yvonne, gising! Sinalat niya ang noo nito habang ginigising dahil mukhang nagdidileriyo ito.
"Tama na, maawa kayo sa kanya!"
Nabahala si Ashton nang hindi pa rin magising ang dalaga at umiiyak na ito habang nanaginip. Hinawakan niya ito sa palad at pinisil sa masilang bahagi roon upang magising ang dalaga.
"Ahhh mga hayop!" Nagkakawag ang dalaga nang magising at wala pa rin sa wisyo ang isip. Nanlalaki ang mga matang luhaan na nakatingin kay Ashton.
"Shhhh, its ok! Panaginip lang ang lahat," pang-aalo niya sa dalaga, "ouch!" Daing niya nang suntokin siya nito. Mabuti nalang at nakailag siya kung kaya sa braso niya tumama sa halip na sa mukha.
"Hayop ka! Halimaw!" Patuloy ito sa panununtok na walang direksyon.
"Maging halimaw talaga ako kapag hindi ka pa tumigil!" Hinuli niya ang mga kamay ng dalaga at ikinulong sa pagitan nila nguhit malakas ito at naitulak siya.
"Fuck! Yvonne tama na!" Tumaas na ang timbre ng kanyang boses dahil tila sinapian ito ng masamang espirito.
Epiktibo naman ang ginawa niya dahil tumigil ito sa pagwawala pero bumanghalit naman ito ng iyak na lalo niyang ikinataranta.
"Husshhh! Panaginip lamang iyan, tahan na!" Niyakap niya ito upang pakalmahin.
"Iba ito, kitang-kita ko ngayon kung paano siya pinag pasa-pasahan at gahasain ng dalawang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nila pero malinaw ang ginawa nilang kahayopan sa babae!"
Ramdam ni Ashton ang pinaghalong nararamdaman ngayon ng dalaga, takot at galit. Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.
"Tahan na, huwag kang mag-aalala at malapit na natin siya mabigyan ng katarungan." Patuloy na pang-aalo niya dito.
Umangat ang ulo niya at tumitig ang luhaang mata sa binata. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nagpakita ng kahinaan at sa harap pa ng binata. "Hindi ka katulad nila 'di ba?" parang bata na tanong niya sa binata.
"Silly!" Ngumiti siya dito, "hindi ko kailangan mang-rape, sa pogi kong ito?" Pabiro niyang sagot sa dalaga.
"Hindi mo ako sasaktan?" Wala sa sarili na tanong niya dito. Tila nahipnotismo siya sa pagkatitig sa mukha nito na lalong gumawapo nang ngumiti.
Lalong lumapad ang pagkangiti niya sa tanong ng dalaga. Ang cute lang nito na umastang bata. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, namalayan na lamang niya na nakalapat na ang kanyang labi sa malambot na labi ng dalaga.
"Are you satisfied with my answer?" Tanong niya dito sa namamaos na tinig nang maghiwalay ang kanilang labi pagkalipas ng halos isang minuto. Idinikit niya ang kanyang noo sa noo ng dalaga at sinapo ang baba nito upang hindi makaiwas ng tingin sa kanya.
"Ang sakit kaya!" Nakalabi na sagot niya sa binata. Bahagya kasi nitong kinagat ang ibabang labi niya kanina, nang manatiling tikom ang bibig niya upang makapasok ang munting dila nito sa loob. First kiss niya iyon pero ni hindi siya nakaramdam ng galit sa ginawa nito na walang pahintulot. Pakiramdam niya ay dinuduyan siya sa alapaap nang malasahan ang tamis ng halik nito at gusto niyang maulit pa muli.
"Sorry, I was impatient." Tabingi ang ngiting humulma sa kaniyang labi na humingi ng paumanhin sa dalaga.
"First kiss ko iyon!" Namumula amg pisngi na sikmat nito sa binata. Bigla siyang nahiya at mukhang kate reaction na ang kaniyang damdamin.
"Ang swerte ko naman!" Nagsasayaw ang tuwa sa kanyang mga mata sa narinig. Marami naman na siyang nahalikan na siya ang first kiss pero iba ngayon.
"Magnanakaw!" biglang bumalik ang pagka tigre ng ugali niya nang mahinuha na nagpahalik siya sa lalaking hindi pa niya gaanong kilala ang pagkatao at wala silang relasyon. Ang masama pa ay sa labi siya hinalikan, na ayaw man niya aminin ay kanyang nagustohan.
"Tsk! para ka namang multo, pabago-bago ang timplada ng ugali. Minsan mananakot, minsan naman maamo." Aroganteng puna niya sa ugali ng dalaga.
"Sisingilin kita sa ginawa mo!" Padabog na binuksan ang pintuan ng sasakyan at pabagsak na isinara iyon.
Inilabas ni Ashton ang ulo mula sa binatana at tinawag ang nagdadabog na dalaga. "Hey, dahana-dahan at brand new itong sasakyan ko."
"Kung lagyan ko kaya ng brand new black-eye iyang mukha mo?" Galit na turan nito nang lingonin niya ang binata.
"Sabi ko nga ang bait mo, goodnight my pretty ghost!" Nakangisi na kumaway pa siya sa nakasimangot na dalaga.
Mabilis niyang ipinasok ang ulo sa loob ng sasakyan nang mabilis na lumapit sa kanya ang dalaga at nasa mukha nito na napipikon sa kanyang biro. "Hindi na mabiro," aniya ng pabulong lamang.