Chapter 77
Sue's Pov
"Ang sarap naman ng amoy" kapwa kami napatingin ni Tita France kay Cent ng akbayan niya kaming pareho habang inaamoy ang ginigisa ni Tita
"Bilis mong makaligo ah" sabi ko naman sa kanya
"Nakita kasi ako ni Lucky at Lychee dinamba ako, nakipag laro na din ako kaya ang dungis ko kanina. Nahiya naman akong dumikit sayo na puro balahibo ng aso" sagot nito sakin
"May dogs pala kayo? Na miss ko tuloy si Betty namin" sabi ko
"Mas marami pang nakatirang aso dito kaysa sa tao, bili sila ng bili ng mga aso hindi naman nila inaalagaan" sabi ni Tita na sinabawan na yung niluluto
"Ang cute naman po kasi talaga nila" nakangiting sabi ko
"Cute sila kapag maliliit palang sila pero kapag lumaki na kunsumisyon sila. Pero kahit mas malaki pa sila sakin at malilikot sila parang anak ko narin sila. Buti pa nga sila nakikinig sakin hindi tulad ng mga totoong anak ko na ketitigas ng ulo" reklamo pa ni Tita
"Mahilig kaba sa mga aso?" Tanong ni Cent sakin
"Mmm" tumangong sagot ko "may aso din kami sa Korea na sobrang arte at spoiled" natawang sabi ko
"Gusto mong tignan mga aso namin?" Tanong ni Cent na titig na titig sakin
"Okay lang ba?" Tanong ko naman sa kanya
"Oo naman halika sasamahan kita" sabi nito na hinawakan pa kamay ko. Pilit naman akong ngumiti dahil nakatingin samin ang mommy niya. Nang makalabas na kami ng kusina hinila ko kamay kong hawak niya
"Kaya iniisip ng mommy mo na mag boyfriend tayo dahil sa kakahawak mo sa kamay ko eh" angil ko sa kanya
"Girlfriend naman talaga kita ah, anong masama kung isipin niya na boyfriend mo'ko?" Parang tangang sabi niya
"Iba ang girlfriend sa babaeng kaibigan kaya hindi mo pwedeng sabihin na girlfriend mo'ko" mariin na sabi ko
"Anong pinagkaiba? Bakit lalaki kaba? Ano ba sa tagalog ang girlfriend?" Pilit nito
"Malaki pagkakaiba. Ang girlfriend yun yung taong mahal mo, kini care mo, pino protektahan mo, sinasabihan ng i love you, kinikiss at niha hug mo in short jowa mo, syota, nobya. Samantalang yung babaeng kaibigan naman ay yung kaibigan lang. Naging babaeng kaibigan lang dahil sa gender na dinagdag mo pero kaibigan lang talaga yon" paliwanag ko sa kanya
"Mahal naman kita ah. Pinahahalagaan din kita. Pino protektahan din naman. Hindi ko pa nasabi yung I love you pero nakiss at nayakap na rin kita pero para makumpleto na sasabihin ko na" sabi nito na huminto sa harapan ko at tinignan ako "I love you Sue" para naman akong tangang natulala at bahagyang napanganga pa sa kanya. Joke lang ba to at napag tripan niya ako? Mariin akong pumikit at tinignan siya ng masama ng tignan ko. Agad din dumapo ang isang paa ko sa paa niya at sinipa siya.
"Seryoso kasi ako eh!" Inis na sabi ko
"Seryoso naman ako ah" sagot nito sakin
"Cent ah ayoko ng ganyang biro" sabi ko dito tsaka naglakad palayo sa kanya
"Sino bang nagbibiro? Seryoso nga kasi ako" pigil nito sa kamay ko na hinawakan pa niya ng mahigpit. Seryosong tinignan ko naman siya at nakikita ko sa mata niya ang pagka seryoso nito.
"Hahaha! Abnormal ka talaga akala mo mapapaniwala mo'ko sa mga jokes mo no? Sorry pero hindi bagay sayo mag jokes pero tatawa parin ako hahaha" sabi ko dito tsaka tinawanan siya
Nagulat naman ako ng hilahin niya ako palapit sa katawan niya at niyakap ang isang kamay niya sa baywang ko. Isang dangkal lang ang layo ng mukha namin dalawa ng hawakan pa nito ang pisngi ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Unti unting lumapit ang mukha ni Cent sa mukha ko na nagpa pikit sa mga mata ko. Para namang bibigay ang mga tuhod ko ng maramdaman ko ang labi niyang nakadikit sa labi ko.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nanatili lang akong nakapikit. Hindi ko alam kung bakit ayaw bumuka ng mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ulit ang labi niyang dumikit ulit sa labi ko. Mas mahigpit narin ang yakap niya sa baywang ko at ginalaw na rin nito ang mga labi niya na kanina'y nakadikit lang. Napakapit naman ako sa likod niya at sinabayan ang pag galaw ng mga labi niya. Para naman akong binuhusan ng tubig at napadilat ng marealize kung ano ang ginagawa ko. Agad kong tinulak si Cent at tinakpan ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala at ilang segundong natulala sa kanya at hindi makagalaw bago tumakbo pabalik sa loob ng bahay nila.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi makapaniwala sa nangyari. Paano ko nagawang makipag halikan sa hindi ko naman nobyo at sa labas pa talaga ng bahay. What if may nakakita samin? Ano nalang sasabihin nila samin? Bakit ba ang landi ko at pumayag akong magpahalik sa kanya?
Napatingin ako sa may pinto ng pumasok si Cent. May buhat siyang dalawang kulay brindle na shih tzu na kumakawag kawag pa ang mga buntot. Lumapit si Cent sa inuupuan ko tsaka siya tumabi sakin. Halos hindi naman ako makahinga sa pinaghalong kaba at hiya hanggang sa lumipat sa lap ko yung isang aso. Super cute niya talaga. Hindi ko napigilan na haplusin ang may kahabahang buhok niya at parang nagustuhan pa niya dahil sumiksik pa siya sakin.
"Hey! Percy bawal ka diyan" sabi ni Cent sa aso na akmang kukunin pa sakin
"Bakit ba? Gusto niya kaya sakin" sabi ko dito na binuhat yung aso at lumayo sa kanya
"Percy come here" tawag niya sa aso na kumawag pa ang buntot at mukhang lalapit na. Pinigilan ko yung aso at hinimas siya sa ulo
"Bayaan mo yon dito ka lang sakin" usap ko sa aso tsaka niya ako dinilaan sa pisngi
"Hey!" Agaw ni Cent sa aso sa kamay ko tsaka niya mahinang pinitik ang bibig nito "sabing bawal diba?" Sabi niya sa aso na parang pinapagalitan
"Akin na nga siya gusto niya sakin eh" agaw ko naman sa aso at binuhat niya paharap sakin "bad siya no? Yaan mo di natin siya bati" kausap ko sa aso at kumawag kawag naman buntot niya na kinangiti ko
"Paano naman ako?" Napatingin ako kay Cent habang hinihimas naman ang buhok ng isa pang aso
"Anong paano ka? Hayan nga meron ka din naman" sabi ko tsaka inismiran siya
"Gusto din kita pero hindi mo'ko hinihimas" sabi niya na kinaloka na naman ng puso ko. Hinawakan nito magkabilang pisngi ko tsaka dinampihan ng mabilis na halik sa labi tsaka siya humiga sa sofa at nag unan sa legs ko. "Simula ngayon bawal ka ng lumapit sa girlfriend ko inaagawan mo'ko ng pwesto" sabi nito sa aso tsaka tumingin sakin
"Tama na yang lambingan niyo at masyado ng matamis. Percy, Gidget dito na kayo kay Mommy" sabi ni Tita kaya tinulak ko ulo ni Cent na kinatawa niya. Nag unahan naman tumakbo palapit yung dalawang aso kay Tita.
Kinarga ni Tita sina Percy at Gidget at lumapit samin. Umayos ng upo si Cent at kinuha ulit si Gidget na super cute habang nakay tita naman si Percy.
"May nagustuhan kabang aso?" Tanong ni Tita France sakin. Napatingin naman ako kay Percy at muling tumingin sa kanya "Gusto mo si Percy?" Nakangiting tanong niya sakin. Tumango tango naman ako at ngumiti.
"Ang cute at ang lambing po kasi niya" sabi ko tsaka hinimas pa ulo ni Percy
"Hindi pwede si Gidget nalang sayo" sabat ni Cent tsaka nito nilagay sa legs ko si Gidget. Super cute ni Gidget kaya hinimas ko ang ulo niya at sinuklay pa ang buhok niya sa daliri ko.
"Hello Gidget ako si Sue" pakilala ko sa maliit na aso
"Bakit hindi si Percy ang ibigay mo sa kanya mas gusto yata niya si Percy" sabi naman ni Tita France
"Hindi nga pwede lalaki yang si Percy" sagot niya sa mommy niya
"Tita okay lang po hindi ko naman sila maiuuwi kahit gusto ko, hindi ko naman sila maaalagaan kawawa lang" sabi ko
"Eh ano ngayon kung lalaki? Huwag mong sabihin nagseselos ka sa aso?" Sabi ni Tita kay Cent tsaka niya ako tinignan "bakit naman hindi mo sila maiuuwi? Dalhin mo na sina Percy at Gidget. Naniniwala ako na maaalagaan mo sila. Tignan mo sila mukhang gustong gusto ka, nakatulog pa si Gidget sayo" sabi pa nito
"Kawawa po kasi sila kung iiwan ko lang sila sa bahay maghapon dahil may pasok po ako sa school" malungkot na sabi ko
"Trained naman sila mag poop at ihi sa potty nila kaya wala kang dapat ipag alala, iwanan mo nalang ng food at water feeder nila bago ka umalis" turo sakin ni Tita
"Sure po kayo ibibigay niyo sakin si Percy?" Tanong ko na may malawak na ngiti
"Oo naman" sabi nito
"Thank you po Tita" masayang sabi ko
"Si Gidget ang iyo sakin si Percy" sabi naman ni Cent
"Kahit sino sa kanila tatanggapin ko" todo ngiting saad ko
Tapos na kaming mag lunch at nagpasyang umalis na dahil may klase pa kami. Kasalukuyan akong nakasakay sa motor ni Cent at nakayakap ngayon sa baywang niya habang iniisip kung paano ko maiuuwi sina Percy at Gidget. Nahiya naman akong magtanong kanina kay Cent dahil binigay na nga nila sakin tapos sila pa mag iisip ng paraan kung paano ko sila mauuwi? Ang cute pa naman nila.
************