Chapter 74
Sue's Pov
"Good morn-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hindi ako pansinin ni Cent.
Tatlong araw narin simula ng hindi niya ako pansinin. Pati nga mga kaibigan ko tinatanong kung bakit ang cold na naman ni Cent samin. Mukhang galit talaga siya sakin. Mabilis akong humakbang palapit kay Cent hanggang sa pareho kaming makasakay sa elevator.
"Good morning!" Masiglang sabi ko. Sa wakas natuloy ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya kanina. Kinalabit ko siya at patingalang tumingin sa kanya "ang tangkad mo pala talaga no? Anong height mo?" Nakangiting tanong ko pero wa epek dahil busy siya kakapindot sa phone niya.
Bumukas ang elevator at sumabay parin ako sa kanya. Tanga tanga ko lang kasi talaga hindi ko pinindot yung elevator pababa sa lobby.
"Cent pasabay ako ha?" Sabi ko at patakbong pumunta sa motorsiklo niya. Para namang wala siyang nakita at basta nalang sumakay sa motor niya, sinuot ang helmet, inistart ang motorsiklo niya at walang paalam umarangkada palayo.
Napakagat labi naman ako at pigil ang pag iyak habang pinapanood si Cent na papalayo hanggang sa mawala siya sa mga mata ko. Kahit anong pigil gawin kong hindi tumulo ang luha ko ay hindi ko nagawa at nag unahan pa pagtulo ng mga ito. Napaupo ako at hindi na talaga napigilan ang pag iyak. Sinubsob ko mukha ko sa mga palad ko habang parang batang umiiyak.
"Mmm" dinig kong sabi ng kung sino habang nasa harapan ko ang isang stripe na panyo na may letrang nakalagay na CMA. Lalo naman akong umiyak ng inabot yon at tumingala sa lalaking nagbigay non.
"Ang bad mo" umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kanya
"Halika na mali late na tayo" masuyong sabi lang niya at niliyad ang kamay niya sakin
"I hate you" namutawi sa labi ko na patuloy parin sa pag iyak
"Tara na malelate na talaga tayo" sabi pa niya matapos malalim na huminga
"Mauna kana mag ta taxi nalang ako" sagot ko sa kanya tsaka tumayo habang pinupunasan pisngi ko
"Sorry na tara na" malumanay parin niyang sabi. Tumingin ako sa kanya at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang malakas na pag iyak.
"Shiro! Kkeo jyeo!" (Ayoko! Umalis kana!) Sigaw ko tsaka humakbang paalis
Hindi pa ako nakakakayo ng biglang umangat ako.
"Yah! Ibaba moko!" Sigaw ko sabay palo sa likuran niya habang nagpupumiglas
"Pinapakain kaba ni Harry? Bakit ang gaan mo?" Tanong nito sakin
"Ibaba mo'ko sabi eh!" Palo ko ulit sa likod niya. Pinalo rin niya pwet ko na ikinabigla ko "yah! Joogeulae?!" (Wanna die?!)
Pagkababa niya sakin ay hinampas ko agad siya sa bag ko.
"Hindi ako sasakay sa motor mo! I hate you!" Sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya ulit pero maagap niyang hinuli ang isang braso ko at hinarap sa kanya
"Please sumakay kana" sabi nito sakin pero pilit akong nag pumiglas pero hindi talaga niya binitawan kamay ko
Wala naman akong magawa kundi kunin ang helmet na binibigay niya sakin at sinuot yon. Sinuot din niya helmet niya at sumakay na sa motor niya. Pagkasakay ko naman ay agad akong yumakap sa baywang niya. Mabilis na pinaharurot ni Cent ang motorsiklo niya na ikinahigpit ko ng yakap sa kanya.
"Teka hindi ito ang daan papuntang school ah!" Sabi ko kay Cent na mas pinabilis pa ang motor niya "yah! Saan tayo pupunta?!" Malakas na sabi ko
Para akong tanga na salita ng salita pero wala naman akong nakukuhang sagot. Hinayaan ko nalang siya dahil wala rin naman akong magagawa. Kinse minutos din kaming nasa kalsada ng tumigil ito sa isang lugawan. Bumaba ako at tinignan yung Aling Baby's Lugawan.
"Tara" aya ni Cent sakin na hinawakan pa ang kamay ko at naglakad papasok
"Sabi mo late na tayo bakit pumunta pa tayo dito?" Tanong ko sa kanya ng makaupo kami. May babaeng lumapit samin at tinanong kung anong order namin.
"Dalawang chicken and beef mami at adobong siopao" sagot ni Cent sa babae
"Lugawan pero mami ang tinitinda" sabi ko habang nakatingin sa menu board ng karinderya
"May iba't ibang lugaw din sila kaso mas gusto ko ang mami nila" sabi naman ni Cent
"Late na ako mag ta taxi nalang ako" sabi ko tsaka sinukbit sa balikat ang shoulder bag ko
"Late na nga tayo kaya dinala na kita dito. Tatlong araw na akong hindi kumakain at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon kumain" sagot nito sakin. Tinignan ko siya kung seryoso ba siya pero tulad ng dati wala akong mabasa sa mukha niya.
"Kahit sobrang busy mo sa school at sa basketball mo hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Tsaka bakit tatlong araw? Ano yon puro tubig lang laman ng sikmura mo?" Sabi ko tsaka pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang hawak kong panyo na binigay niya sakin kanina
"Hindi naman kasi ako nagugutom kaya nakakalimutan ko. Puro tubig nga lang, umiiwas na ako sa alak dahil baka kung anong gawin ko" sagot nito sakin
"Buti naman naisip mo yan. Mag alarm ka sa phone mo every breakfast, lunch at dinner time para hindi mo makalimutan. Buti hindi mo nakakalimutan maligo no?" Sabi ko pa
"Alam ko kasing may pasok kaya naliligo ako" sabi niya
"May problema kaba?" Tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sakin diretyo sa mata
"Mmm" tanging sagot niya
"Kahit ano pa yang problema mo sana huwag mo naman pabayaan sarili mo. Sana din magsabi ka hindi yung basta ka nalang hindi namamansin. Ilang araw mo na akong pinahihirapan alam mo ba? Ha?! Alam mo bang nakakasakit kana?" Naiiyak naman na sabi ko. Kaya pala hindi niya ako pinapansin dahil sa may problema siya. Pwede naman kasi siyang mag share bat dinidibdib niya.
"Mas nahihirapan at nasasaktan ako" sagot nito sakin
"Alam ko yon pero pwede ka naman kasi mag share ng problema sakin, madalas lumuluwang pakiramdam ng tao kapag na share niya sa kaibigan niya problema niya. Hindi yung basta ka nalang hindi namamansin kasi masakit din yon" sabi ko
"May Harry ka naman eh" sabi nito tsaka ngumiti
"Anong pinagsasasabi mo? Pinatawad ko lang si Harry at magkaibigan na ulit kami. Diniretyo ko narin siya na hanggang friends lang talaga kami" sagot ko sa kanya
"Ang tagal mo ng hindi kumakain dito akala ko tuloy sa kabilang lugawan kana kumakain pero busy ka lang pala sa magandang girlfriend mo" sabi ng ale na lumapit samin at nagbigay ng inorder ni Cent.
"Pwede ba yon? The best yata mami mo aling baby" sagot ni Cent sa matanda "si aling baby nga pala siya may ari nito" sabi nito sakin
"Hello po" nakangiting sabi ko
"Kagandang bata bagay na bagay kayo ni Cent ano nga bang pangalan mo?" Tanong nito sakin
"Sue po pangalan ko at hindi ko po siya boyfriend" tanggi ko sabay wasiwas sa kamay ko
"Sus! Saan paba hahantong yan kundi doon din. Maiwan ko na kayo ng makakain na kayo" sabi nito tsaka tinapik pa sa balikat si Cent na ngiting ngiti
"Daebak" sambit ko matapos matikman yung sabaw ng mami "ang sarap!" Nakangiting sabi ko kay Harry
"Mas masarap kung sasabayan mo nito" sabi niya na hinati sa gitna yung siopao at nilagyan ng sauce tsaka ako pinakagat doon
"Jeongmal masisseoyo" (masarap talaga) sagot ko tsaka kinuha yung siopao at sinimulan kainin yung mami "paano mo nalaman lugar na to?" Tanong ko kay Cent
"Napadaan lang ako sakto gutom ako kaya naisipan kong kumain. Tapos ayun na araw araw na akong dito kumakain" sagot nito sakin
"Araw araw na mami kinakain mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko
"Hindi naman, minsan pares o kaya palabok" sagot niya
"Sayang talaga yung kusina mo no? Alam mo bang hindi healthy yung paulit ulit nalang kinakain mo? Hindi balanse yung mga foods na kinakain mo" sabi ko dito habang kumakain
"Wala naman nagluluto para sakin at hindi rin ako marunong magluto kaya dito nalang ako pumupunta" sagot naman niya
"Tuturuan kitang magluto para naman mapakinabangan mo yung kusina mo. Kapag nagugutom ka isang doorbell lang naman sa pinto ko mabubusog kana" biro ko pa dito tsaka ngumiti
"Sabi mo yan wala ng bawian" nakangiting sagot niya sakin
"Ahm, Cent saan mo pala nabibili mga hanky mo?" Wala sa loob na tanong ko habang nakatingin sa panyong pinahiram niya sakin na nakapatong sa bag ko.
"Hindi ako bumibili ng panyo, binibigay lang sakin ng mommy ko. Lahat kaming magkakapatid binibigyan niya ng panyo kahit hindi naman namin ginagamit tapos lalagyan niya ng initials ng pangalan namin. Madalas towel ginagamit ko kaya nagtataka ako kung bakit hindi nalang niya ako bigyan ng towel kaysa sa panyo" sagot nito sakin
"Nasaan ba mommy mo? Bakit naka hiwalay ka sa parents mo?" Tanong ko sa kanya
"Nandiyan lang sa malapit, ayoko lang talaga sa bahay at nasanay na rin akong mag isa" sagot nito
"Ahh.. pero in good terms naman kayo?" Tanong ko ulit
"Yeah, gusto mo siyang makilala?" Nakangiting sabi niya na ikinatingin ko sa kanya
"Abnormal ka talaga! Isipin pa non girlfriend mo'ko" sabi ko
"Bakit hindi ba?" Kunot noong tanong niya sakin
"Wala naman si Shane kaya hindi natin kailangan mag panggap" sagot ko sa kanya
"Nagpapanggap lang ba tayo?" Seryosong tanong niya sakin na ikinatigil ko sa pagkain
"Hindi ko alam kung napasobra ka lang sa gutom o napasobra sa sarap yung luto ni aling baby at nagka amnesia kana" sabi ko
"Kung ganon pala mag ano tayo?" Tayong nito
"Nakakainis kana ah! Para kang ewan. Magkaibigan tayo okay? Ayan masaya kana? Malinaw naba?" Sabi ko na tinignan pa siya ng masama
"Edi girlfriend nga kita. Babaeng kaibigan. Girlfriend" pangongorek pa niya sakin
"Oo nalang boyfriend" sabi ko at tinuloy ang pagkain.
*************