Chapter 68

Sue's Pov

Pagbalik ko sa unit ko ay bitbit ko na yung nilutong corned beef ni Cent. Napakamot pa siya ng kilay na tila nahiya pa ng ilapag ko sa mesa yung niluto niya.

"Kain na tayo" aya ko sa lahat ng maupo

"Thank you sa pagkain" sabi ni Myca bago sumandok ng kanin

"Marami yata nailagay mong sibuyas at bawang?" Tanong ni Lorraine kay Cent ng kumuha siya sa corned beef nito

"Favorite kasi niya yung sibuyas at bawang kaya kung siya lang din ang kakain dinadagdagan niya talaga" sagot ko kay Lorraine

"Ahh kaya pala.. ako naman gusto ko ang maraming bawang kaso kapag sumobra sa luto pumapait" sabi pa nito

"Cent tikman mo yung stew ni Sue ang sarap" sabi ni Myca na pinagsandok pa si Cent

"Salamat" sabi naman ni Cent

"Sus! Huwag kang magpasalamat may kailangan sigurado yang si Myca" sabi naman ni Claire na ikinatawa ni Lorraine

"Tama. Hihingi yan ng favor sayo" sabi pa ni Lorraine

"Yah! Grabe kayo sakin ah!" Sabi naman ni Myca tsaka sumimangot "para itatanong ko lang sa kanya kung kumusta si Bryan eh" sambit pa nito

"O kita mo na? Sabi sayo eh" sabi pa ni Lorraine

"Ikaw ang may boyfriend bakit sa kanya mo tinatanong? Diba dapat ikaw ang may alam niyan?" Tanong ko naman kay Myca

"Nakatext ko naman siya kaninang umaga busy daw siya ngayon. Tinanong ko kung may practice sila sabi naman niya wala. Nag aalala lang ako kasi hindi niya sinasagot mga tawag ko mula kaninang hapon" malungkot na sagot niya sakin

"Nakita mo ba jowa nito?" Tanong ni Claire kay Cent na ikinatingin namin lahat dito

"Kaninang uwian nakita kong kasama niya si Harry sa parking lot" sagot nito

"Tapos?" Interesadong tanong ni Myca

"Yun lang nakita ko lang siya tapos umalis na'ko" sagot niya

"Saan ka naman nagpunta? Sabi mo kararating mo lang diba?" Tanong ko naman sa kanya pero sa pagkain nakatingin

"Sa bar" tipid na sagot nito na ikinatingin ko sa kanya

"Sa Hill?" Tanong ko ulit habang nakatingin kami sa isa't isa

"Hindi" sagot nito sakin

"Uminom ka?" Tuloy na pagtatanong ko sa kanya

"Konti" sagot niya sakin tsaka ako umiwas ng tingin sa kanya

"Bilisan niyong kumain mga bruha late na masyado baka wala na akong masakyan" sabi ni Myca

"Mag taxi nalang kayo" sabi ko sa mga to

"Taxi ka diyan, baka taxikel?" Sagot sakin ni Myca tsaka tumawa

"Mahal kasi bayad sa mga taxi lalo na kapag ganitong gabi na, nananamantala yung ibang driver" sabi naman ni Lorraine. Napatingin naman ako kay Cent. Nakilala ko si Cent dahil din sa mapag samantalang taxi driver.

"Kung may kotse lang ako ihahatid ko kayo" mahinang sabi ko

"Magpabili ka sa dad mo, kaso marunong kabang mag maneho?" Sabi naman ni Claire

"Marunong naman ako, hindi ko lang talaga kailangan ng kotse sa ngayon. Malapit lang naman dito ang school" sagot ko

Napatingin kaming lahat sa phone ko na naka lapag sa mesa at nag ri ring.

"Hyun Woo Oppa? Sino yan?" Tanong ni Myca na binasa pa ang pangalan ng caller

"Kaibigan ko. Sandali sasagutin ko lang" sabi ko sabay tayo at lumayo ng konti sa kanila

"Yeoboseyo?" (Hello) Sagot ko sa phone ko tsaka tumingin sa mga kaibigan ko na nakatingin din sakin

"Ne, gwaenchanh ayo?" (Yes, are you okay?)

"Nado nuh bogoshipuh" (I miss you too) "Hangookee geuriwoyo" (I miss Korea) sambit ko pa tsaka bumuntong hininga

"Molla" (I don't know)

"Arraso"

"Neeeee. Jalga"

Pagkatapos naming mag usap ni Hyun Woo ay nakangiting bumalik ako sa upuan ko

"Biglang nagbago mood mo ng makausap mo yang oppa mo. Sino ba yon?" Tanong ni Claire sakin

"Si Hyun Woo kaibigan ko" nakangiting sagot ko

"Kaibigan lang ba talaga?" Tukso nila sakin

"Oo nga kaibigan ko lang" sagot ko sa kanila

"Bakit may I miss you too akong narinig? Kahit hindi ako koreana naiintindihan ko parin yung ibang salita niyo" sabi naman ni Myca

"Na miss ko din naman siya kaya sabi ko I miss you too. Ano ba kayo huwag niyo nga akong bigyan ng issue" sabi ko sa kanila

"Thank you sa pagkain mauna na ako" paalam ni Cent

"Nandiyan kapa pala? Kala namin wala kana ang tahimik mo kasi" pagbibiro ni Lorraine

"Paalis palang" sagot naman nito na nagkamot pa ng kilay

"Teka yung mangkok mo" sabi ko

"Hayaan mo muna diyan sa susunod ko nalang kukunin" sabi nito

"Sure ka? Okay sige" sabi ko tsaka namin siya hinatid sa pinto.

Hinatid pa ng tatlong kasama ko sa mata si Cent hanggang makapasok ito sa unit niya.

"Ang lapit lang pala ng unit niya" sabi ni Claire

"Lagi bang pumupunta dito si Cent?" Tanong naman ni Myca sakin

"H-hindi. Parang hindi niyo siya kilala ang cold kaya niya" nautal pang sabi ko

"Sabagay. Pero gwapo siya ah!" Sabi ni Lorraine

"Gwapo nga wala naman sense of humor. Kahit hindi kagwapuhan ang lalaki basta may pagka komedyante gumagwapo sila. Kaysa naman sa gwapo nga napapanisan ka naman ng laway, huwag na uy" sabi naman ni Claire

"Bakit nga ba ang cold nung taong yon? Akala ko nga hindi yun marunong ngumiti dati eh. Ang weird tuloy sa pakiramdam kapag ngumingiti siya" sabi pa ni Lorraine

"Ang cute kaya niyang ngumiti" wala sa loob na sabi ko

"Napansin ko ikaw lang kinakausap niya samin, baka may gusto siya sayo" sabi naman ni Myca

"Hindi ah! Hayan na naman kayo medyo naging close nga lang kami dahil dun sa research paper tapos magkapitbahay pa kami" paliwanag ko sa kanila

"Pero iba kasi tingin niya sayo" sabi naman ni Claire

"Tigilan niyo nga ako" malakas ang kabog ng dibdib na sabi ko.

"Pero alam mo mas gusto ko yang si Cent kaysa kay Harry. Maraming nagkaka gusto kay Harry dahil chickboy siya pero marami rin may gusto kay Cent. Yun nga lang hindi sila ganon ka showy dahil alam nila ugali ni Cent" sabi ni Lorraine

"Aish! Baka mabulunan yung tao. Tulungan niyo nalang ako magligpit ng pinagkainan natin ng maihatid ko na kayo sa baba" sabi ko sa mga ito

"Oo nga baka may maabutan pa akong jeepney" sabi ni Myca

Pagkatapos nila akong tulungan sa pagligpit ng pinagkainan namin ay hinatid ko sila sa sakayan. Sakto naman may dumaan na jeep papunta sa lugar nila Myca kaya agad na siyang sumakay at nagpaalam samin. Sunod naman nakasakay ang dalawa kaya bumalik na ulit ako sa loob.

*****************