Chapter 63
Sue's Pov
Pagkatapos kaming kumain ni Cent ay nakinood pa siya sa unit ko. Hinayaan ko nalang at least mapapanatag ako dahil nakikita ko siya. Napatingin ako sa kanya ng biglang tumunog ang message alert tone niya. Pasimpleng lumapit ako at tumabi sa kanya para malaman kung sino ka text niya.
Dahil mabilis siyang mag type hindi ko nakita kung sino ka text niya at ano nireply niya. Parang wala lang din naman sa kanya dahil may gana pa siyang kumain ng nachos habang naka padekwatrong nakaupo.
Muling tumunog ang phone niya kaya humaba na naman leeg ko, hindi ko nabasa yung message ng kung sino man ka chat niya pero nabasa ko naman reply niya na I got it. Hindi ako mapakali at hindi maka focus sa movie na pinapanood namin dahil iniisip ko kung sino yung nagtext sa kanya.
"Mag aalas nuebe na pala uwi na ako doon nalang ako manonood" biglang paalam niya na ikinakunot ng noo ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Dito kana manood para maka menos ka sa kuryente" sabi ko sabay hila sa kanya paupo
"Hindi dun nalang sa bahay ko gusto ko kasing mahiga" pagdadahilan niya
"Edi mahiga ka dito. Sige mahiga ka. Gusto mo kumot? Ikukuha kita" sabi ko na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at inayos pa mga throw pillow para may unan siya
"Hindi hindi maupo kana uupo nalang ako" sabi niya na dumekwatro ulit at tinuon ang mga mata sa pinapanood
"Dito nalang ako" tuloy ko sa single na upuan "baka maisipan mong mahiga eh, ikukuha na din kita ng kumot" sabi ko pa
"Huwag na baka makatulog ako dito" natatawang sabi niya at nginitian pa ako.
Kahit ilang beses ko ng nakitang tumawa si Cent at ngumiti hindi pa rin ako maka get over sa pagtawa at pagngiti niya. Ewan ko ba satwing nakikita ko siyang nakangiti otomatik ng natutulala ako sa kanya.
"Eh ano ngayon kung makatulog ka dito? First time mo matulog dito?" Sambit ko tsaka inirapan siya at naglakad papasok sa kwarto ko para kumuha ng kumot.
"Salamat, nag abala ka pa" sabi nito ng iabot ko sa kanya yung bulaklakin kong kumot
"Wala yon sige na manood kana" sagot ko sa kanya
Limang minuto lang ang lumipas ay nagpapaalam ulit siya. May kukunin daw siya dun sa unit niya. Tinanong ko naman siya kung ano kukunin niya, sabi niya yung charger daw niya. Hindi ko na siya pinauwi at pinahiram ko nalang siya ng charger ko. Ang dami pa niyang paligoy ligoy, kesyo maarte daw phone niya hindi tumatanggap ng hindi ka match na charger. Ginawa ko binigay ko sa kanya yung apat na original charger ko ewan ko lang kung may masabi pa siya.
"Sino ba yang katext mo at kanina pa tunog ng tunog phone mo?" Mataray na tanong ko na tumabi pa sa kanya para makita kung sino ka text niya. Tinangka ko pa ngang agawin phone niya pero mabilis niyang naiwas.
"Wala to" sagot niya sakin habang tinatago sa likod niya phone niya
"Tinatanong ko kung sino. Wala naman pala pero kung unasta ka parang may milagro kang ginagawa diyan" sabi ko
"Wala nga lang to nagtext lang yung kaibigan ko" sagot niya sakin tsaka ulit tumunog phone niya. Tumayo pa siya para lang mabasa at makapag reply sa katext niya.
"Babae yan no?" Panghuhuli ko sa kanya
"Kaibigan ko nga" sagot niya sakin
"Bakit hindi ba pwedeng babaeng kaibigan? " taas kilay na tanong ko
"Lalaki to lalaki ka text ko" paliwanag pa niya
"Okay fine. Wala naman akong pake kung babae o lalaki yang katext mo" pinaikot ko pa eyeballs ko at nagkibit balikat
"Ikaw lang babae ko i check mo man phone ko" sabi niya
"Ang sama sa tenga parang kabit ang dating ko. Pero akin na phone mo titignan ko kung sino nag text sayo" sabi ko na tinaas pa kamay ko para ibigay niya phone niya
"Wala na, binura ko na. Wala naman kasing kwenta text niya" sabi nito tsaka niya nilagay sa kamay ko ang phone niya
"Bakit binura mo? Ano pa mababasa ko dito?" Matalim na tingin ang binigay ko sa kanya bago kinalkal phone niya. Walang message kahit isa sa inbox niya at ng i check ko naman mga call logs niya wala rin naka registered don.
Inis na tumingin ako sa kanya habang siya ay pigil ang pag ngiti. Muli akong tumingin sa phone niya ng biglang tumunog yon. Lumapad ang ngiti sa labi ko ng tangkain kong basahin yon, pero agad niyang naagaw sakin phone niya.
"Bakit ka nagbabasa ng message na hindi iyo?" Sabi nito na lumayo pa para basahin lang message niya
"Sorry ha?! Akala ko kasi okay lang sayo dahil binigay mo sakin phone mo! Kung ayaw mong sabihin sino katext mo okay lang bahala ka sa buhay mo!" Pagtataray ko tsaka nag indian seat sa sofa at niyakap ang isang throw pillow.
Ilang segundo lang tumabi ulit siya sakin. Wala kaming kibuan habang nanonood. Tumunog ulit phone niya pero hindi ko na siya pinansin, baka sabihin pa niya pakyalamera ako. Gamit ang dulo ng mga mata ko ay nakita ko ng ilagay nuto ang phone niya sa tenga niya. Uusog sana ako ng konti para marinig usapan nila kaso tumayo siya at lumayo pa sakin. Nanggigigil na tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Sue uwi na ako inaantok na ako" paalam nito matapos siyang makipag usap sa phone niya. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.
"Dito ka nalang matulog" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon pero halata sa mukha ni Cent na nagulat ito sa sinabi ko "Dito ka nalang matulog ng maka menos ka ng kuryente" pilit kong pinasigla ang boses ko tsaka tumawa
"Sa bahay na para mas komportable ako" sagot nito sakin
"Sabagay" tumatangong sabi ko "sige ako nalang matutulog sa unit mo, don't worry sa sofa lang ako. Kailangan ko kasing lagyan ng gamot every three hours yang sugat at mga pasa mo eh" sabi ko dito tsaka kinuha yung kumot na binigay ko sa kanya kanina.
Pinatay ko na din yung tv at ako pa nanghila sa kanya palabas ng unit ko. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanya at nagpahila pa siya papunta sa unit niya.
Nang makarating kami sa unit niya ay binuksan niya yung tv. Nag paalam pa siya sakin saglit dahil may tatawagan daw siya. Nakangiting tumango nalang ako.
"Kuya hindi ko alam kung matutuloy ako ngayon pasensya na kamo" rinig kong sabi ni Cent sa kausap niya sa phone. "Oo nga eh sayang" sabi pa nito "okay okay sige" sagot pa niya sa kausap sa kabilang linya bago binaba ang phone niya.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Cent ng makita niyang nasa likuran niya ako. Agaf naman itong nakabawi at nakipag laban ng titigan sakin.
"Uwi na ako" paalam ko sa kanya at tinalikuran siya
"Teka, akala ko ba dito ka matutulog?" Habol niya sakin hanggang sa huminto kami sa sala niya
"Sana sinabi mo nalang sakin na may lakad ka, hindi yung ang dami mong excuse makaalis lang sa unit ko" sabi ko tsaka bumuntong hiniga "Pumunta kana sa lakad mo pasensya na sa istorbo" sambit ko pa na kinuha mula sa pagkakapatong sa sofa yung kumot ko.
"Hindi naman importan-" hindi ko na narinig pa sinabi niya dahil sa pagmamadali kong lumabas. Halos takbuhin ko ang ilang hakbang lang na layo ng unit naming dalawa ni Cent. Agad kong ni lock yung pinto ko ng makapasok ako. Sumobra na yata ako sa pagiging feeling close ko kay Cent pati tuloy sariling lakad niya nasisira dahil sakin.
Humiga na ako sa kama ko at pumikit. Siguro nga kailangan ko na din umiwas kay Cent. Dahil kasi sakin napapahamak siya at ngayon nasisira ko pa schedule niya. Tama, iiwasan ko nalang siya. Ako lang din naman nagpipilit na mapalapit sa kanya eh.
***********