Chapter 49

Sue's Pov

Sinag ng araw ang gumising sakin.

Nag unat unat ako at tumayo mula sa sofa.

Napahinto ang kamay ko sa taas habang nag uunat ng maisip kung bakit ako sa sofa natulog.

Agad dumapo ang dalawang palad ko sa naka ngangang bibig ko ng maalala ang nangyari kagabi.

Mabilis kong tinignan at inispeksyon ang sarili ko. Wala naman akong naramdamang kakaiba kaya siguradong safe ako. Pero safe nga ba talaga?.

Tinignan ko ang kumot na nasa sofa at mabilis na kinuha yon at patakbong tinapon sa kwarto ko.

Kinalma ko ang sarili at pilit inisip kung anong nangyari kagabi.

Ang huling natatandaan ko ay tinutulungan ko si Cent sa research paper niya at hindi ko namalayan nakatulog ako. Pero nakatulog ako sa center table at hindi ako nakahiga sa sofa.

Waaah! Cent! Anong ginawa mo sakin?!

Para akong pusang di mapaanak habang iniikot ang sofa at nginangatngat ang kuko. Kaya ako nasa sofa at nakahiga ay dahil binuhat ako ni Cent. Walang ginawang kakaiba sakin si Cent pagkatapos niya akong ihiga sa sofa diba?. Paulit ulit na sabi ko sa sarili

"Bakit kasi hindi nalang niya ako ginising diba?!" Inis na sabi ko sa sarili ko hanggang sa mapatingin ako sa table na may sulat.

Good Morning. Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo. Pasensya na nga pala kung pumasok ako sa kwarto mo, kinuha ko lang naman yung kumot mo dahil nag aalala akong baka lamigin ka. Wala naman akong ginalaw sa mga gamit mo maliban sa mga baso at plato na hinugasan ko na. Cent. Basa ko sa isang pirasong papel

"Okay. So safe talaga ako. Buti naman kung ganon" sabi ko sa sarili atsaka palang nakahinga ng maluwang.

*****

Napatingin ako sa pinto ng marinig na may nag d-doorbell. Nasundan pa yon ng pagkatok kaya tumayo na ako para tignan kung sino nasa labas. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Cent na preskong presko. Naka black sando siya na hapit sa katawan at 6 pocket short.

"Ikaw pala, tuloy ka" sabi ko na niluwagan pagkakabukas ng pinto at nauna ng nagpunta sa may sala

"Hindi ko kasi natapos yung method ng research paper ko magpapatulong sana ulit ako, okay lang ba?" Tanong nito sakin

"Oo naman sige" sagot ko tsaka nginitian siya

"Salamat" sabi niya tsaka siya pa indian sit na umupo sa sofa habang kinakalikot ang laptop niya na pinatong nito sa dalawang throw pillow

"Feel at home" sabi ko pa sa kanya baka sakaling tamaan siya

"Sure thanks" sagot pa nito sakin. Grabe kapal ng mukha. Inikot ko nalang eyeballs ko at pumunta ng kusina para ipaghanda siya ng snacks niya.

"Mag vegetable salad ka muna" alok ko sa kanya tsaka binaba sa center table yung pagkain

"Thanks" sagot nito habang naka focus lang siya sa tinatype niya.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ginagawa niya.

"Ano bang maitutulong ko sayo?" Tanong ko tsaka umupo sa may bandang likuran niya. Mula sa pwesto ko'y amoy na amoy ko ang shampoo na ginamit niya. Napangiti pa ako dahil nililipad ng hangin ang buhok niya sa ilong ko. Bango bango naman ng baby na to sarap pugpugin ng kiss sa mukha.

"Water please" sagot nito na lumingon sakin. Nanlaki ang mga mata ko at napaurong ng biglang magtama ang ilong naming dalawa. Parang wala lang naman sa kanya ang nangyari kaya nagpanggap ako na okay lang din yon sakin.

"O-okay" may nginig sa boses na sabi ko tsaka mabilis na pumunta ng kusina para ikuha siya ng tubig. Pinakalma ko muna ang sarili bago muling nagbalik sa sala kung saan naroon si Cent.

"Bossing heto na po tubig niyo" masiglang sabi ko tsaka nginitian siya

"Thanks" sagot niya sakin tsaka nito inabot ang baso. Naubos nito ang laman ng baso bago nito ibinaba sa may center table.

"Gusto mo pa ng tubig?" Tanong ko sa kanya

"Umupo ka nalang dito sa tabi ko" sagot niya habang nakatutok ang mga mata nito sa screen ng laptop niya

"H-huh?" Nautal naman na sabi ko

"Umupo ka sa tabi ko gusto kong malaman kung okay naba to" sagot nito na diretyong tumingin sa mga mata ko.

"O-okay" utal parin na sabi ko tsaka ito umusog para makaupo ako.

Pag upo ko ay nilapit pa nito ang katawan niya sakin na ikina bilog ng mga mata ko. Habol hininga ako habang hawak ang dibdib ko na malakas kumakabog. Pilit kong pinakalma ang sarili pero ayaw sumunod sakin ng puso ko na gusto yatang kumawala sa rib cage ko. Sa lakas ng kabog ng puso ko ay natatakot akong marinig ni Cent yon. Ayokong may isipin siyang kung ano na magiging dahilan para mailang kami sa isa't isa.

*************