Chapter 35

Sue's Pov

Sabi nga sa kasabihan kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan. Sa pagkakataong ito ay nagwagi na naman ako dahil wala talagang tatalo sa taong pursigido't matiyaga.

Walang nagawa si Appa kundi umoo at pumayag sa pagbabalik ko sa pinas, hindi naman kasi ibig sabihin na babalik ako ng pinas ay hindi na ako uuwi dito sa Korea. Sa ngayon buo na ang desisyon kong ituloy ang pag aaral ko sa sariling bansa ko. Isa pa sa dahilan kaya gusto kong bumalik sa pinas ay dahil gusto kong dalawin Papa ko. Ayoko naman banggitin kay Mama at Appa ang tungkol sa gusto kong pag pasyal sa Papa ko dahil baka mandamdam si Appa.

Alam ko naman na kung sasabihin ko kay Appa na gusto kong dalawin Papa ko sigurado papayag siya agad pero syempre iniisip ko rin kung ano mararamdaman niya.

Kumakaway ako ngayon kina Mama, Appa at Hyun Woo habang naglalakad. Nag flying kiss pa ako sa kanilang tatlo hanggang sa tuluyan na akong tumalikod at naglakad papunta sa eroplanong sasakyan ko.

Gusto nga akong ihatid ni Mama hanggang pinas kumontra lang ako. Okay naman ako, hindi na ako ang dating si Sue na takot sa mundo. Noong araw na pumayag si Appa sa desisyon kong mag balik sa pinas para mag aral ay pinahanda na niya ang tutuluyan ko kaya wala na akong dapat ipag alala pa.

Pag upo ko palang sa seat ko ay pumikit na agad ako. Hindi parin mawala sa isip ko kung ano ang dadatnan ko doon. Sana lang maging okay ang lahat.

********

"Kuya sa Angels Memorial Park po tayo ha?" Sabi ko kay Manong driver

"Ma'am malayo po yon" kumakamot sa ulong sagot niya sakin

"Babayaran ko naman metro mo manong eh" sagot ko dito na hindi mawala sa boses ang pagka irita. Kaya hindi umuunlad ang pinas eh, inuuna kasi ang reklamo.

"Sige po" sagot nito tsaka na sinimulan ang pagmamaneho.

Nang makarating kami sa memorial park ay sinabihan ko pa si Manong na hintayin ako. Nag reklamo ulit siya at pinarinig pa talaga sakin na sayang magiging pasahero niya. Tulad ng sinabi ko sa kanya kanina babayaran ko metro niya. Hindi na talaga mawawala sa mga tao dito ang pagiging mareklamo.

Agad akong nag hello kay Papa ng makarating sa puntod niya. Humingi agad ako ng sorry kung bakit ngayon lang ako dumalaw tapos wala man lang dala kahit kandila. Kinwentuhan ko siya sa mga nangyari sakin sa Korea at sa buhay ko ngayon, sinabi ko din na huwag na niya kaming alalahanin ni Mama dahil okay naman kami. Kwinento ko din ang tungkol kay Appa, sinabi kong mabuting tao ito at mahal kami ni Mama. Humingi ulit ako ng tawad sa pagtawag sa ibang tao ng Papa, pero kailanman hindi siya mabubura sa puso't isip ko.

Mahigit kalahating oras rin ginugol ko sa sementeryo bago magpaalam kay Papa na aalis na at babalik nalang sa ibang araw. Nakahinga ako ng maluwag ng makita parin yung taxi driver, mukhang inip na inip na talaga siya.

Pag sakay ko ulit sa taxi ay sinabi ko ang address na pupuntahan namin. Sa haba ng binyahe ko gustong gusto ko na talagang ilapat ang katawan ko sa kama. Isa pa kailangan kong tumawag sa bahay para sabihin na safe akong nakarating sa condo.

**********