Chapter 32
Sue's Pov
Dito sa bansang Korea napaka halaga ng mukha ng isang tao, kaya kung may pera ka magpa retoke ka, kung wala naman mag ipon ka ng makapagpa retoke ka. Karaniwan na dito ang cosmetic surgery gaya ng pinagawa ko. Marami nga mga celebrities, models at mga Idols pa nageendorsed sa mga ito.
Mula ng magparetoke ako ay nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Mahiyahin parin ako pero hindi na tulad ng dati. Marami na rin akong mga kaibigan, pero wala talagang titibag sa samahan naming lima nina Ji Yoo, Min Seo, Ji Soo at Seo Hyeon.
Kahit magkakaiba ang kursong kinukuha naming apat at iba din pinapasukan namin ni Ji Yoo kina Seo Hyeon at Ji Soo hindi parin naging hadlang para hindi kami magkaroon ng oras para magkita kita.
Dahil hindi na nag college si Min Seo at nagpasyang magtayo nalang ng negosyo naging tambayan tuloy namin ang bake shop niya na tinawag niyang Louise. Tinanong namin siya kung bakit Louise pinangalan niya sa shop niya. Sagot niya samin sosyal daw kasing pakinggan. Akala pa naman namin ay english name niya yon o kaya pangalan ng pet niya o ng favorite bread foods niya o ng kung ano man.
Ngayon ay third year college na kami, kumukuha nga pala ako ng kursong Nursing habang si Ji Soo naman ay Education at Management naman kina Seo Hyeon at Ji Yoo. Madalas hindi nagkakatapat mga schedules namin lalo na kapag may mga biglaang meeting mga org namin o nagpatawag ng meeting mga sunbae namin.
Napag desisyonan naming lima na every saturday magkakasama kaming mag m-movie marathon sa bahay ng isa samin, pero ang nangyayari kasi, kahit kina Ji Soo o isa sa kanilang apat nakatoka ang bahay na gagamitin namin ay nauuwi lang din sa bahay namin. Ayos lang naman sakin at sa mga tao sa bahay natutuwa pa nga sina Mama kapag nasa bahay mga kaibigan ko dahil may kakwentuhan siya.
Isa pang dahilan daw kung bakit mas gusto nila ang bahay naming tambayan dahil marami daw pagkain. Nakakahiya kasi sa kanila kaya laging pinupuno ni Mama ang refrigerator namin lalo't alam niya na darating sila.
Nasubukan kona din makipag blind date. Actually ilang beses na kaso laging palpak. Hindi naman ako pumipili o nag r-rate ng itsura ng makaka date ko, mas makakampante nga ako kung panget o average lang itsura nila. Nasasabi ko lang naman na laging palpak dahil may mga nakikita akong ugali nila na hindi ko gusto.
Tulad ng huling naka blind date ko, okay naman siya, gwapo din, napaka gentleman at may pagka komedyante pa nga kaya akala ko siya na talaga. Kaso ang nangyari bigla niyang inopen yung topic about sa Choi Groups. Nagsimula na siyang makiusap sakin na baka pwede ko daw ipasok ng trabaho kapatid niya sa company nina appa.
Napangiwi nalang ako noon at nag excuse sa kanya na pupunta lang ng restroom pero sa totoo ay tatakasan ko na siya. Pagdating kasi sa usapan sa Company hindi ako nangengealam, pakiramdam ko rin ay hindi ako nababagay doon kahit sinabi naman nina Appa at Kuya na pagka graduate ko may pwestong naghihintay na sakin doon.
****************