Chapter 24
Sue's Pov
Sa pagkakaalam ko sinabi ni unni na huwag kong gugutumin sarili ko, pwede daw akong kumain ng kumain hanggat gusto ko pero sinabi din niya na luto at gawa lang niya ang kakainin ko. Hindi ko naman alam na yung pagsabi niya na pwede akong kumain ng kumain ay puro cherry tomatoes ang ipapakain niya sakin at isa hanggang dalawang kamatis lang.
Alas onse na ng gabi ng makaramdam ako ng gutom kaya naman nagpasya akong bumaba. Pagbukas ko sa sa refrigerator ay tumambad sakin ang maraming pagkain na naka silid sa mga tupperware. Kukuha na sana ako ng isa ng makita ko yung kamatis, pepino at carrots na laging binibigay sakin ni unni na snacks ko.
Nakabukas lang ang ref habang hawak ko ang dalawang tupperware. Hindi ko alam kung mag chi cheat ba ako sa diet ko o kamatis nalang ulit kakainin ko? Pikit mata kong pinili ang isang tupperware at naglabas ng isang sparkling water tsaka umupo sa may mesa.
"Omo! You scared me" sabi ni unni na napahawak sa didbdib at pumasok sa kusina "why didn't you turn on the lights?" Tanong nito na binuksan ang main lights ng kusina at umupo sa harapan ko
"Ahm.. may be I'm saving electricity?" Natatawang sagot ko.
"When I was young I was bullied for being fat, i did a lot of crazy things just to lose weight like getting myself starved to death. Until one day a woman in her late fourty's asked me if I want to lose weight, of course I immediately answered yes" may ngiti sa labi na sabi niya
"Seriously? But not as fat as me right?" Sabi ko
"Mmm.. yeah. I'm 70kgs that time and you're almost 100, this is a real challenge for me" tumatawang sabi niya
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain at nalaman ko na tumatakas din siya tuwing gabi para kumain. Hindi din kasi siya pwedeng kumain ng hindi gawa o approve ng fitness instructor niya. Everytime daw na hindi nababawasan timbang niya at mas tumataas pa ay lalo siyang pinaghihigpitan.
Ilang gabi na rin daw siya nagpupunta dito sa kusina para i check kung pumupunta ako para kumain pero good girl daw ako dahil hindi ako nang uumit ng pagkain. Nagulat nga daw siya ngayon dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya ako dito at mas kinagulat niya dahil hindi junk at instant foods ang kinakain ko. Siya daw kasi non sitsirya ang binabanat niya tuwing gabi.
Natapos akong kumain at kahit papaano ay naibsan ang gutom ko, pwede na ulit akong mabuhay ng isang daang taon pa. Nahiga ako sa kama ko at bumalik sa isip ko yung sinabi ni unni sakin kanina na mataba din daw siya dati. Kahit saang anggulo ko kasi tignan ang sexy sexy niya. Makaya ko kayang maging sexy na tulad niya? Huwag na akong umasa, pumayat lang ako sapat na sakin.
***************