Chapter 18
Sue's Pov
Isang buwan na rin simula ng makarating kami ni Mama dito sa Korea. Nag aaral na rin ako pero home school nga lang. Pinapaturuan din ako ni Ahjussi ng korean language dahil kailangan ako mag adjust dahil nasa bansa nila ako. Nag file na rin sina Mama ng marriage certificate nila at on going na rin yung adoption paper ko.
Ayoko sanang palitan apelyido ko pero kalaunan ay naintindihan ko si Ahjussi kung bakit gusto niyang maging legal daughter ako, siguro naman maiintindihan ni Papa kung bakit pumayag ako.
Simula na rin ang diet program ko. Yes! Kinuhanan ako ni Ahjussi ng gym instructor at magsisimula na kami ngayon.
Noong banggitin nila Mama na kung gusto ko daw ba mag diet ay nahihiyang tumango ako. Matagal ko naman na talagang gustong mag diet at sinubukan ko naman kaso nga lang imbes na pumayat ako eh lalo akong tumataba.
"Annyeong haseyo, jeoneun Na Eun Ha imnida. Cheoeum boepgesseumnida." (Hello, my name is Na Eun Ha. Nice to meet you) Natulala ako sa ganda at sexy ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Kasama siya ni Ajussi at sinabing siya ang magtuturo sakin kung paano mag diet.
"Annyeong haseyo, jeoneun Sue imnida. Yeol sim hi il ha get seum nida. Jal bu tak deu rim ni da" (hello I'm Sue. I will work hard. Please take care of me) sagot ko at nag bow.
"Gaja" (let's go) nakangiting sabi nito tsaka kami naglakad papunta sa may kusina. Halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya pero na ge gets ko naman ang iba.
Hindi daw ibig sabihin na nag didiet ako ay hindi na ako kakain. Dahil malapit ng mag lunch ay pinaghanda niya ako ng pagkain ko. Chicken salad with olive oil and feta cheese ang ginawa ni eonie para sa lunch ko, hindi na masama para sa mag d-diet na tulad ko.
Hiyang hiya ako ng timbangin ako ni eonnie, halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa 218 lbs na timbang ko. Ang lesson daw namin ngayon ay healthy foods. Ayos lang daw kumain ako ng kumain basta alam ko daw ang plate servings ko. Bukas daw ay mag ready ako dahil bukas na namin sisimulan ang Military Training namin. At tungkol sa pagkain ulit, okay lang daw talaga na kumain ako pero mga pagkain lang na ihahanda niya ang kakainin ko. Napakunot noo ako, paano kung wala siya at gusto kong kumain? Bahala siya.
Lumipas ang lunch time at nagpaalam na si Eonnie Eun Ha. Pag alis niya ay dumiretyo ako sa kwarto ko para maligo, mamayang konti lang kasi ay darating na ang tutor ko sa history at korean.
Malapit ng dumilim ng makita ko ulit si Eonnie, kumunot ang noo ko dahil may dala siyang maleta at mga grocery bags. Tinulungan siya ni Ahjumma na dalhin mga groceries na dala niya sa kusina. Narinig ko pa si Ahjumma na nalinis na niya yung magiging kwarto niya.
"Annyeong Sue ssi" kumakaway na sabi ni Eonnie Eun Ha
"Annyeong" alanganing sagot ko na may ngiti sa labi
Naglakad na sumunod siya kay Ahjumma papunta sa kusina habang naiwan naman ako dito sa may sala na nakasunod lang ng tingin sa kanya.
**************