Chapter 12
Sue's Pov
"Nak gising na malelate ka sa eskwela" tawag ni Mama sakin. Kanina pa ako gising ngunit ayokong tumayo para mag handa sa pagpasok sa school. Sino ba naman gaganahan pumasok matapos mangyari yung kahapon diba?
Bumuntong hininga ako. Kung hindi lang kami mag eexam hindi talaga ako papasok.
Mabilis akong naligo at walang ganang kumain ng almusal. Mabagal din ang mga hakbang ko habang naglalakad palabas ng bahay. Tinanong pa ako ni Mama kanina habang kumakain kung may sakit daw ba ako. Gusto kong sumagot ng oo at ituro ang dibdib ko at umiyak sa kanya pero hindi ko ginawa dahil ayokong mag alala siya sakin.
Nakahinto ako ngayon sa harap ng gate sa school namin. Pilit kong hinahakbang mga paa ko pero nanginginig at nanlalambot mga tuhod ko.
"Shreak sabay na tayo!" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko yung ka teammate ni Harry na ngiting ngiti sakin. Siya din yung nagsabi na natalo siya sa pustahan nila ni Harry ng limang libo.
Inakbayan niya ako at halos kaladkarin hanggang makapasok kami sa school.
"Bitawan mo'ko" sabi ko na marahas na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
"May gana kapa mag inarte?" Inis na sabi nito tsaka hinarap ako na lumalangutngot ang ngipin. "Alam mo bang dahil sayo natalo ako ng limang libo ha?!" Di na napigil ang galit nito at tinulak niya ako. Nalugmok ako sa lupa at ni isang tao sa paligid ko ay wala man lang tumulong sakin, bagkus ay pinagtawanan pa nila.
"Lumindol naramdaman niyo yon?" Tawanan na naman sila sa biro ng isa ding estudyante.
Hirap akong tumayo pero nagawa ko pa rin. Hindi nalang ako nagsalita at umiwas nalang sa kanila.
"Yes I will be your girlfriend" malakas na sabi naman ng isang babae na pinamulan ulit ng tawanan.
"Hoy shreak!" Tawag sakin ng isang babae na sinabayan pa ako sa paglalakad
"Grabe ang ganda niya snob niya ang beauty ko" sabi pa niya
Binilisan ko pa ang paglalakad pero ganon din ginawa ng babae na huminto pa sa harapan ko at pinigilan ako sa paglalakad.
"Ambisyosang to pinagod mo pa ako, ganda ka ganda ka?!" Sabi pa niya na tinaasan ako ng kilay
"Ano bang kailangan mo?" Hindi napigil na tanong ko
"Wala akong kailangan sayo pero may gusto akong gawin sayo" sabi nito tsaka lumagapak sa pisngi ko ang isang palad niya. "Yan ay dahil pinagod mo'ko at heto naman ay para sa pagiging ambisyosa mong pangit ka!" Sabi pa niya tsaka dumapo naman sa kabilang pisngi ko ang palad niya.
"Ano bang kasalanan ko? Bakit niyo ginagawa sakin to?!" Hindi ko mapigilan ang umiyak at tatakbo sana pero hinila ng babae ang buhok ko.
"Kasalan mo kasi naging pangit ka!" Sabi pa nito tsaka tinulak ako.
"Hindi ko ginustong maging pangit!" Malakas na sabi ko tsaka tumayo "Hindi ba ako pwedeng mabuhay at maging normal na estudyante dahil pangit ako?!" Halos sumigaw ako dahil punong puno na ako. "Oo pangit ako! Alam kong pangit ako! Alam na alam ko yon dahil ako may ari ng mukhang ito! Pero sana maging sensitive naman kayo at umasal tao!" Sigaw ko sa lahat ng nanonood samin.
Walang lingon lingon at mabilis akong umalis. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan mga luhang naguunahan sa pagtulo.
Kailan ba tatahimik ang buhay ko? Kailangan bang mamatay muna ako?. Walang pakialam akong pumasok sa classroom namin at umupo sa upuan ko. Bakit paba ako mahihiya? Wala ng dahilan para mahiya ako.
Walang sawang pinaringgan na naman ako ng mga kaklase ko. May mga taga kabilang classroom pa nga tumambay samin para lang makita at maparinggan ako. Biruin niyo yon kahit hindi ko kilala kung sinasabihan nila na tanging hayop lang yata makakatanggap.
Okay sige. Okay lang na sabihan ako ng kung anong gusto nila pero ang saktan ako? Hindi ako pinanganak ng nanay ko para saktan lang nila. Tulad din nila iniingatan, inaalagaan at pinakamamahal din ako ng Mama ko.
********