Final Chapter
Sue's Pov
Alas nuebe na ng umaga ng dumating si Appa para sunduin kami sa hospital. Na settle na ni Mama ang bill namin kaya naman mabilis na kaming nakalabas.
Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami nina Hyun Woo, Ji Soo, Seo Hyeon, Ji Yoo at Min Seo. Hindi na daw sila pumunta sa hospital dahil nalaman nila na uuwi na rin ako ngayong araw. May kanya kanyang bitbit pa ang mga ito at sobrang natuwa ako dahil sa mga sitsirya at soju na dala nila.
"Naneun nega yeomduedugoissneun geoseul joh ahanda" (gusto ko ang nasa isip niyo) sabay kindat sa kanila
Dahil lunes ngayon at may pasok pa kami nagsi alisan na mga kaibigan ko. Babalik daw sila mamayang 6pm at mag m-movie marathon kami tulad ng dati. Kahit anong pilit ni Mama sakin na huwag ng pumasok sa school ay pumasok parin ako. Baka mabaliw ako sa kakaisip at isugod nilang muli sa hospital kung hindi ako papasok. Buti pa sa school magiging abala ang utak ko at panandalian kong makakalimutan yung sakit na dala dala ko.
******
Alas singko y medya ng makarating ako sa bahay, nadatnan ko na si Ji Soo doon kasama si Ahjuma habang nanonood sila ng tv.
"Sue ie" pa cute na tawag sakin ni Ji Soo at minuwestra ang kamay niya na pinapaupo ako sa tabi niya. Nakangiting lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Kumuha rin ako ng isang potato chips at buong sinubo yon sa bibig ko.
"Myeochsie wassni?" (Anong oras ka dumating?) Tanong ko kay Ji Soo
"30 bun jeon e?" (30 minutes ago?) Patanong pang sagot niya sakin. Tumango tango lang ako.
"Nan osman gal a ib eulgeoya" (saglit lang magpapalit lang ako) sabi ko sabay tayo
"Gagi" (go) sagot nito na hindi man lang tumingin sakin
Umakyat ako sa kwarto ko at hiniga ang pagal kong katawan sa kama bago muling kumilos para maligo. Isang maluwang na tshirt at panjama ang nilabas ko sa closet ko. Nakita ko rin doon ang nakasampay na pulang jacket ni Cent at kinuha yon.
Pagbaba ko sa sala ay nagulat ako ng makitang nandon na rin sina Min Seo, Ji Soo at Seo Hyeon. Kumaway agad sila sakin ng makita ako, lumapad naman ang ngiti ko at nagmadaling lumapit sa kanila.
Nagsimula na kaming manood ng kaibigan ko at ang napili pa nila ay Werewolf Boy. Halos hindi namin nagalaw ang pagkain at inumin namin dahil seryoso lahat kami sa panonood. Nang matapos ang movie ay nagpasya nalang kaming uminom sa may garden namin. Bitbit ang mga pagkain at soju ay lumabas kami ng bahay. Binuksan ko rin ang ilaw sa may garden at sa swimming pool.
Nakaka sampung bote na kami ng soju at medyo lasing na ako, bagsak na nga si Ji Yoo pero ang iba naming kasama ay parang hindi ata tinatablan ng alak. Nag prisinta akong pumasok sa bahay para kumuha pa ng soju sa kusina.
Hindi ko alam kung nag dedeliryo naba talaga ako o sobrang lasing ko lang? Tumatahol at kumakawag ang buntot ng dalawang aso na nasa paanan ko. Imposibleng si Betty sila dahil kulay puti siya at Brindle ang kulay ng dalawa.
"Mga baby ko?" Namutawi sa labi ko tsaka umupo at binuhat sila. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaluha. "Sobrang miss ko na kayo" sabi ko tsaka niyakap sila habang umiiyak.
"Babe" lasing na nga siguro ako dahil kung ano ano na ang nakikita at naririnig ko. Ganito ba talaga kapag brokenhearted ang isang tao?
Binitiwan ko ang mga aso at tinignan sila habang tumatakbo. Huminto sila sa isang pares ng sapatos mga higit kumulang sampung hakbang lang ang layo sakin. Inangat ko ang mukha ko at mas lalong mapaluha ng makita ko ang imahe ni Cent sa harapan ko.
"Kung alam ko lang ganito ang epekto ng soju matagal na akong uminom, baka inaraw araw ko pa" sambit ko habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang imahe ni Cent maging ang pagkurap ay pinipigilan ko dahil baka bigla nalang siyang maglaho.
"Babe" garalgal na boses ng imahe sa harapan ko. Lalo naman akong napaluha dahil parang totoo siya.
"Sobrang miss na miss na kita" tanging nasabi ko habang patuloy ang pag tulo ng mga luha saking mga mga mata.
Pagkasabi ko ng mga salitang yon ay patakbong lumapit sakin ang imahe ni Cent at mahigpit na niyakap ako. Halos buhatin niya ako habang magkayakap kami at umiikot sa pwesto namin.
"Kung panaginip lang to ayoko ng magising" sambit ko pa sa pagitan ng pag hikbi "sobrang miss na miss na kita" sabi ko pa
"Sobrang na miss din kita babe, mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita" sabi nito sakin na hinawakan ang dalawa kong pisngi at nakipag laban ng titigan sakin.
Umangat ang kamay ko at pinunasan ang mga luha sa mata ni Cent tsaka pinakatitigan siya.
"Lasing na nga ako" natatawang sabi ko pero patuloy parin ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko "parang totoo, parang nandito ka nga" sambit ko pa na nagpa agos lalo ng mga luha ko.
"Babe totoo ako, nandito ako at kahit kailan hindi na tayo maghihiwalay pa. Hindi ako papayag na maghiwalay pa tayo" sagot nito sakin tsaka niya ako niyakap. Yumakap din ako pabalik sa kanya. Kahit man lang sa imahinasyon maramdaman ko ang init niya.
Nakita ko naman sa may bandang pinto sina Mama at iba pa na tinitignan ako. Nagtataka pa ako dahil umiiyak si Mama, iniisip siguro nila na nababaliw na ako. Ayokong mag alala pa si Mama sakin kaya titigilan ko na kahibangan ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at humiwalay ng yakap kay Cent, pagkatapos ay yumuko ako at pumikit.
Pag angat ko ng tingin ay imahe parin ni Cent ang nakikita ko. May mga luha sa pisngi at mata niya pero maliwanag ang mukha niya habang may ngiti sa labi nito.
"Cent" wala sa loob na tawag ko sa kanya
"Babe" nakangiting sagot niya sakin
"Hindi pwede. Nasa Pilipinas ka. May girlfriend kana" umiiling na sabi ko at nagsimula na naman mag unahan pumatak mga luha sa mga mata ko
"Ano ang hindi pwede? Nasa Korea ako kaharap mo. May girlfriend talaga ako at ikaw yon" sagot nito sakin.
Muli akong tumingin sa kinakatayuan nila Mama at nakita ko ang ngiti sa mga labi nila ni Appa. Maging si Ahjuma na umiiyak ay nakangiti rin na nakatingin sakin.
"Ikaw talaga si Cent?" Paniniguro ko na tinignan siya mula ulo hanggang paa
"Magseselos naba ako? May ibang lalaki ba na hihigit sa kagwapuhan ko sa paningin mo?" Tanong nito sakin.
Napahakbang ako palapit sa kanya at pinisil ang pisngi at ilong niya. Pinadaan ko rin ang mga daliri ko sa kilay, mata, pisngi at labi niya. Wala naman tigil ang pag agos ng mga luha ko habang nakangiting tinitignan ang bawat parte ng mukha niya.
"Kahit si Coco Martin pa hindi mahihigitan ang kagwapuhan mo" sagot ko
Hinapit naman ni Cent ang baywang ko at mariin na hinalikan sa labi. Napapikit naman ako at dinama ang init ng labi niya. Unti unting gumalaw ang mga yon na sinabayan ko naman. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tsaka ko naman pinulupot ang dalawang kamay ko sa batok niya at pibakatitigan siya.
"Mahal na mahal kita" sabi nito na nakatingin sa mata ko
"Mahal na mahal din kita" mabilis na sagot ko. Ayoko ng mag isip ng kung ano, ang importante ay nandito sa harapan ko ang lalaking mahal ko at hinding hindi ko na siya bibitiwan pa.
"Kung mahal mo'ko patunayan mo" sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Inalis nito ang kamay niya na nakayakap sa baywang ko at humakbang paurong. Inalis ko naman ang kamay kong nasa leeg niya at tinignan lang siya.
May dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya at lumuhod sa harapan ko. Pag angat niya sa kamay niya ay isang maliit na box ang tumambad sa mga mata ko na may lamang singsing.
"Babe, gusto kong sabihin sayo na bago kita nakilala hindi ko inakala na may babaeng magpapatibok ng puso ko tulad ng ginagawa mo ngayon. Hindi ko naisip na mapapangiti ako ng walang dahilan dahil lang sa naisip kita. Gusto kong maging reason mo rin ng pag ngiti at pagtawa mo araw araw kahit isang segundo lang. Akala ko dati ayos na ang buhay ko pero dumating ka at kinumpleto mo ako. I just can't explain the words how much you mean to me, I'm so blessed and grateful for meeting you, I do not know what whould I do without you" sabi nito tsaka huminga pa ng malalim "Babe diba sabi mo pag nag propose ulit ako sayo mag y-yes ka? Inaasahan ko ang sagot mo ngayon at may sungsing na rin ako" sabi pa niya na nakangiti at pigil ang pagtawa. "Sue will you marry me?" Tanong nito sakin na seryoso ang mukha.
Ilang segundo akong natulala kay Cent na agad kinabago ng ekspresyon ng mukha niya, para bang nag aalala ito kaya nginitian ko siya.
"Syempre yes. Oo naman" sagot ko sa kanya. Napakagat ng labi si Cent at lumiwanag ang mukha niya. Mabilis siyang tumayo at sinuot sa palasingsingan ko ang hawak niyang singsing. Nang masuot ko yon ay hinalikan pa niya ito at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you babe I love you so much" sabi pa niya
"I love you too" sagot ko sa kanya na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
Nagpapalakpakan naman lumapit samin ang magulang ko at mga kaibigan ko. Binati pa nila kami ng congratulations at halata sa mukha nila ang saya para samin ni Cent.
******
Pumasok kaming lahat sa loob ng bahay at ilang sandali lang ay nagpaalam na mga kaibigan kong umalis. May mga pasok pa kasi kami bukas ng umaga.
Iniwan naman kami nila Mama at Appa para bigyan kami ng oras magka sarilinan upang mag usap. Inutos din ni Mama kay Ahjuma na linisin ang guest room at palitan ang kobre kama dahil doon tutuloy si Cent.
"Parang hindi totoo" sambit ko habang nakatingin sa magkahawak kamay namin ni Cent.
"Ang tagal kong nagtiis na hindi ka puntahan dito. Alam mo bang araw araw naiisip kong lumipad para puntahan ka dito?" Sabi nito sakin
"Sinungaling. Nakita ko kaya mga pictures ni Shane kanina at sobrang sweet niyo" may halong pagseselos na sabi ko. Binitiwan naman niya ang kamay ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko tsaka hinarap sa kanya.
"Naging close kami dahil sayo. Siya yung laging nasa tabi ko ng iniwan mo'ko siya yung laging naka alalay sakin nung panahong wala ka. Alam mo ba naging buhay ko nung nawala ka? Para akong patay na humihinga. Pero babe hindi ako sumuko, ikaw ang naging dahilan ko para lumaban" sabi nito
"Umalis ako comatose ako, gusto kong tanungin sina Lorraine kung nagising kana pero ako ang nagsabi na huwag kang babanggitin sakin kahit pangalan mo kaya hindi na rin ako naglakas loob na magtanong" sabi ko
"Isang buwan akong comatose at isang buwan akong nagpa therapy para makalagad ng maayos, ang una kong binalak gawin ay ang puntahan ka dito at ibalik sa Pilipinas. Pilit kong kinukuha yung contact number mo kina Myca pero sabi nila hindi nila alam. Kahit anong kulit ang gawin kong pagtatanong kung kumusta kana ay ayaw nilang magsalita" kwento pa niya
"Sorry kasalanan ko, sinabihan ko rin kasi sila na huwag akong banggitin sayo" napakagat ako sa labi sa kahihiyan
"Para akong mababaliw nung panahon na yon hanggang sa naawa na sila sakin dahil siguro sa miserableng lagay ko. Hinahayaan nilang marinig ko ang boses mo satwing kausap mo sila. Kahit boses mo lang ay ayos na sakin kaysa wala talaga. Hinihintay kong tanungin mo sila tungkol sakin pero ni minsan hindi mo ginawa. Kinwento nila sakin ang sinabi mo sa kanila na ayaw mo ng LDR kaya naman binalak kong mag aral nalang ng Korea para magkasama parin tayo, kaso hindi nangyari dahil kinailangan kong tulungan si Dad sa kumpanya" nakita ko ang pag lungkot ng mukha niya
"Napano ba company niyo?" Tanong ko na may halong pag aalala
"Na audit ang kumpanya namin at inakusahan na may slush funds, nagsi alisan ang ibang mga investors namin at mabilis na bumaba ang market stocks namin. Kinailangan kong tumulong hanggang sa malinis ang pangalan ng kumpanya namin at ni Dad" sagot niya sakin
"Buti naman kung ganon" sabi ko at nakahinga ng maluwag. Inakbayan niya ako at humilig naman ako sa kanya
"Isang araw nagkita kami ni Shane, lasing na lasing siya nun at sabi niya uminom daw siya dahil sa pagtanggi ko parin sa kanya. Anong magagawa ko ikaw lang laman ng puso ko. Dahil sa kalasingan niya nalaman ko ang tunay na dahilan kung bakit iniwan mo'ko. Alam mo bang sobrang saya ko non? Daig ko pa yung tumama sa Ultra Lotto" kwento pa niya.
Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya.
"Sabi ko non sa sarili ko, bibigyan kita ng panahon para mag isip. Ibibigay ko yung kalayaan mo hanggang sa marealize mo na kailangan mo'ko sa buhay mo. Isang sign lang hiningi ko kay God ay yun ang ma miss mo'ko at binigay nga kahapon ni God ang best gift niya sakin" sabi pa niya na ikinatingin ko sa kanya.
"Paano mo naman nasabi na kailangan kita sa buhay ko?" Pabirong tanong ko sa kanya. Madiin naman niyang pinisil ang isang pisngi ko
"Basta alam ko kailangan mo ako" sabi pa nito tsaka niya ako niyakap "Sabi ni Joaquin ni like mo daw yung picture namin kaya dali dali akong tumakbo papunta sa girls dorm ng MU at pinatawag si Claire sayo" sabi pa niya tsaka hinalikan ang noo ko
"Ibig sabihin kasama mo sila kahapon?" Tanong ko sa kanya
"Yep! Nasa likod lang ako ng phone ni Claire at nakikinig sa pag uusap niyo. Nang malaman kong nasa hospital ka sobrang nag alala ako, ginamit ko pa si Lorraine para lang makausap ang Mama mo. Matagal kaming nag usap at nalaman ko ang tungkol sa paghihirap mo noong bumalik kayo dito. Kinuwento lahat sakin ng Mama mo kaya nag desisyon agad akong lumipad dito. Kaso hindi agad ako naka alis dahil kina Percy at Gidget. Buti nalang nagawan ng paraan ni Dad na maisakay at maisabay ko sila sa eroplano papunta dito. Kaya heto na kami ngayon" sabi pa niya at ngumiti sakin
Wala naman akong maisagot sa kanya kundi ang pag ngiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya basta umaapaw ang puso ko ngayon sa kaligayan. Mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa labi at niyakap ng mahigpit.
Alam ko hindi pa dito nagtatapos ang kwento naming dalawa ni Cent dahil ito palang ang simula. Magsisimula ulit kami at mag iipon ng maraming memories na iipunin namin hanggang sa pagtanda.
Fin..