Chapter 106
Sue's Pov
"Ha?! Bakit mo sinabi kina Mama?!" Malakas na tanong ko kay Hyun Woo
"They need to know at tumawag sakin si Mama tinatanong ka kaya sinabi ko" sagot nito sakin
"Kahit na. Nag aalala sigurado mga yon" halos maiyak na sabi ko at napaupo nalang sa kama
"Mabuti pa umalis na ako ng masundo sila sa airport" sabi pa niya
"Kakasabi mo lang sakin tapos ngayon susunduin mo na sila?" Hindi makapaniwalang sabi ko
"Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kahapon" sagot nito sakin
"Ewan ko sayo" tanging nasabi ko at nahiga sa kama tsaka tinakpan ang mukha ng unan
"Papunta naman na sina Claire at Lorraine any minute nandito na mga yon, okay lang naman na iwanan na kita diba? Ayokong maghintay sina Mama sa airport" sabi pa nito
"Bahala ka" nagtatampong sagot ko sa kanya
"May gusto ka bang kainin?" Tanong pa niya sakin
"Okay lang ako, sige na umalis kana" sabi ko dito
"Okay alis nako" sabi nito. Umupo ako at tinignan siya
"Mag ingat ka" sabi ko pa. Ngumiti naman siya sakin
******
"Bakla alam mo naba yung balita na nahuli na yung boyfriend ni Chanel? Na aktuhan pa silang gumagamit ng bawal na gamot ng mahuli kaya patong patong sigurado ang kaso nila" balita sakin ni Claire
"Si Chanel naman at yung mga alagad niya na kick out na sa school. Director pala yung mommy ni Cent sa school at pamilya nila ang may ari ng Montreal University" sabi naman ni Lorraine
"Nagtatago na yung bruha! Nag deactivate na kaya siya ng mga social accounts niya" dagdag pa ni Claire
"Mabuti naman nahuli na yung leader na bumugbog kay Cent. Lahat ba nahuli? Ang dami nila hindi na sila naawa kay Cent" sabi ko sa kanila
"Balita ko pito lang nahuli eh. Madali nalang mahuhuli yung iba niyan kasi nahuli na yung leader nila" sagot ni Claire sakin
"Sabi ni Rocco mahigit 20 yung nakalaban nilang tatlo pero ang tinira talaga nila ay si Cent. Pinagpapalo daw si Cent ng baseball bat at ginamit niyang panangga yung kamay niya, kaya yung kamay niya talaga napuruhan" kwento ni Lorraine na nagpasikip ng dibdib ko. Isipin palang ang itsura ni Cent habang pinapalo siya ay hindi na ako makahinga.
"Mabuti nalang hindi natulad yung dalawa kay Cent. I mean, hindi sila napuruhan" sabi pa ni Claire
"Nakaka guilty nga eh, dahil sakin nasaktan din sila" sabi ko sa kanila
"Hindi mo kasalanan yon bruha! Tinulungan nila si Cent dahil kaibigan nila siya at kung nandon lang din kami hindi ka ma oospital dahil tutulungan ka rin namin" sabi naman ni Lorraine
"Tama! Kung nandon lang talaga ako manghihiram sila ng mukha sa aso, hindi sila marunong lumaban ng patas kaya nanggigigil lalo ako sa kanila. Tsaka huwag mo ngang sisihin sarili mo, hindi mo ginusto yung nangyari at biktima ka din" sabi pa ni Claire
"Buti nga wala kayo don kung hindi baka nasaktan din kayo" nakangiting sabi ko
"Hoy girl! Never pa akong natalo sa sabunutan! Baka nakakalimutan mong apo ako ni Andres Bonifacio" mayabang na sabi pa ni Claire
"Anong kinalaman ni Andres Bonifacio sa sabunutan? Initak ba ng lolo mo mga buhok ng mga kastila?" Pagbibiro ni Lorraine
"Eh kung ikaw kaya itakin ko bruha? Ang ibig kong sabihin yung lahi ko hindi basta nagpapatalo sa kahit anong laban" sagot ni Claire kay Lorraine
"Minsan hindi sapat yung laban lang ng laban, matuto karing sumuko minsan para wala ng ibang masaktan" napaisip naman ako sa sinabi ni Lorraine
Tumingin kaming lahat sa pinto at ng may kumatok at biglang bumukas yon.
"Hello" nakangiting sabi ni Tita France na naka silip samin
"Tita pasok po kayo" aya ko sa kanya. Pumasok naman ito na may bitbit na mga bulaklak at isang basket ng ibat ibang prutas
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong nito sakin tsaka tumingin kina Lorraine at Claire
"Mabuti na po" nakangiting sagot ko sa kanya at tumingin din sa mga kaibigan ko "Claire, Lorraine siya si Tita France Mommy ni Cent" sabi ko "Tita mga kaibigan po namin ni Cent, si Claire po at si Lorraine" pakilala ko sa kanila
"Talaga? Hindi ko alam na may mga babaeng kaibigan ang anak ko. Nice to meet you girls" nakangiting sabi ni Tita France
"Nice to meet you din po Ma'am" sabi naman ng dalawa na biglang nanahimik.
"Tita nalang din itawag niyo sakin" nakangiting sabi ni Tita sa kanila "Anyway, sweetheart, inilipat na nga pala namin ng room si Cent, tinanggal na yung mga nakakatakot na aparato na nakalagay sa kanya. Nagising na siya kaninang madaling araw at ikaw agad ang una niyang tinanong" balita sakin ni Tita na nagpaiyak sakin
"Thanks God" sambit ko "Pwede ko po ba siyang makita? Gusto ko siyang makita" umiiyak na hinging pahintulot ko kay Tita France
"Oo naman. Dalawang rooms lang ang pagitan niyo, gusto mo bang samahan kita?" Tanong sakin ni Tita France. Tumango ako ng maraming ulit habang umiiyak pero nakangiti. "Kayo girls gusto niyong sumama?" Tanong ni Tita kina Claire
"Okay lang po ba?" Tanong pa nila
"Oo naman, naniniwala ako na lalakas agad si Cent kapag nakita niya mga kaibigan niya" mabait na sabi ni Tita France.
Inalalayan pa akong maglakad ni Tita France kahit kaya ko naman. Ilang hakbang lang ang layo pala ng kwarto namin ni Cent. Binuksan ni Tita yung pinto at nakita ko agad ang nakahiga at natutulog na si Cent. Halos takbuhin ko ang pagitan namin at mabilis na hinawakan ang kamay niya.
"Babe?" Tawag ko sa kanya pero mukhang mahimbing siyang natutulog kaya hinayaan ko nalang siyang magpahinga. "Tita okay lang po ba na dito muna ako?" Tanong ko
"Oo naman, mas mabuti may kasama siya dito. Bababa lang ako at bibili ng makakain natin. Ano bang gusto niyo?" Tanong pa ni Tita France samin
"Kahit ano po Tita" dinig kong sagot ni Claire
"Sigurado kayo ha?" Mahinhing tumawa pa si Tita bago siya lumabas ng kwarto ni Cent
"Mukhang okay na siya salamat kay Papa God" sabi ni Claire na nasa tabi ko
"Mas okay na siya kumpara kahapon nung nakita ko siya sa ambulance. Nanlambot kaya ako kahapon ng makita ko siyang duguan" sabi naman ni Lorraine
"Thank you kay God hindi niya kami pinabayaan" sabi ko sa kanila
"Ayan ah! Okay na si Cent kaya huwag ka ng umiyak baka pag nagising yan magalit samin" sabi pa ni Claire
"Oo nga, tama na kakaiyak mo bruha! Baka may ibang makakita sayo isipin pinaglalamayan mo na jowa mo! Ang lakas lakas kaya niyan" sabi naman ni Lorraine na mas lalong kinaiyak ko
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Umiiyak ako kasi masaya ako at okay na siya. Alam kong malakas siya at hindi niya ako basta iiwan" sabi ko
"Okay sorry pero alam mo ba na kapag nagising yang si Cent at nakita ka niyang umiiyak pwedeng hindi ka niyan makilala dahil sa namamaga ang mga mata mo? Kahapon kapa umiiyak hindi paba natuyo mga luha mo?" Sabi pa ni Lorraine
"Oo nga Sue tsaka sigurado kami na hindi ka sinisisi ni Cent sa nangyari kaya tigil tigilan mo na yang pag sabi na dahil sayo nasaktan siya kasi hindi siya matutuwa promise" sabi naman ni Claire
"Ang ingay.. natutulog yung tao eh" namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Cent. Tumingin ako sa kanya at nakitang naka pikit parin siya.
"Babe? Gising kana?" Tanong ko sa kanya na mahigpit ang hawak sa kamay
"Sinong hindi magigising kulang nalang magsigawan kayo sa tenga ko" sagot nito matapos magmulat ng mga mata. Sobrang saya ko ng makita ko siyang nagising na kaya hindi ko napigilan ang sarili na halikan siya sa labi
"Thanks God. Thank you" sabi ko habang umiiyak
"I've missed you" sabi nito na tinaas ang kamay niya na may swero pa at hinaplos ang mukha ko
"Sobrang pinag alala mo'ko" umiiyak na sabi ko "sobrang namiss din kita" sabi ko na hawak ang kamay niya sa mukha ko
"I'm sorry hindi man lang kita naipagtanggol" sabi nito. Umiling iling ako
"Hindi. Sobra sobra na ginawa mo. Ako dapat humingi ng sorry sayo dahil sakin kaya nangyari lahat ng to, kaya nandito ka ngayon" sabi ko sa pagitan ng pag iyak
"Huwag ka ng umiyak ang pula na ng mga mata at ilong mo oh. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari, kung wala namang pamalo mga yon sila yung nandito ngayon at hindi ako. Ang laki kaya ng mga takot sakin ng mga yon kaya nagbaon sila ng pamalo" pagyayabang pa nito. Pinunasan naman nito mga luhang tumulo sa mga mata ko. "Alam mo bang proud na proud ako sayo? Hindi ko alam na ganon katapang ang girlfriend ko. Nung nakita kitang sinampal mo yung babae alam mo bang napangiti ako? Ikaw kasi yung tipo ng babae na hanggat kayang umiwas sa gulo iiwas ka" sabi pa nito na kumindat pa sakin kahit kirat ang isang mata nito dahil sa pamamaga. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi matawa
"Ang gwapo mo parin kahit ganyan itsura mo" hindi napigilang sabi ko na pinipigil ang pagtawa
"Maliit na bagay" tumatawang sabi nito "kiss mo ako" sabi pa niya na ngumuso. Mabilis naman akong tumalima at hinalikan siya.
"Aigoo! At naglandian na po sila" parinig ni Claire na ikinatawa ko
"Kung magkikiskisan kayo diyan sabihin niyo naman samin ng makapag ready naman kaming tumalikod, hindi yung ineeskandalo niyo kami dito" sabi naman ni Lorraine
"truth! Hindi na tuloy innocent ang eyes ko. Pero sige ulitin niyo ulit yung kiss niyo habang nag se selfie ako kayo yung gagawin kong background. Tapos mag c-caption ako sa fb ko na finding Mr. Right para may ka kissing scene din ako" sabi pa ni Claire
"Mga baliw" tumatawang sabi ko
"Yan oh pretty na ulit frenny namin kasi gising na boylet niya" sabi ni Claire na ngiting ngiti sakin
Nagpatulong umupo si Cent sakin sakin pero hindi ko naman siya kaya inadjust ko nalang pataas yung kama niya at inalalayan siya ng unan sa likod.
Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa dumating ang mommy niya at kumain kaming lahat. Tinuloy namin ang kwentuhan yun nga lang ay kasali na si Tita France. Ang daming kinuwentong reklamo nina Lorraine at Claire kay Tita tungkol kay Cent sa school na kinatawa naming lahat. Sa wakas nakahinga na ako ng maluwag.
*******