Chapter 16

Nathalia pov...

Hapon na pero nandito padin kami sa amusement Park, habang tumatagal dumadami lalo ang mga tao rinig dito sa pwesto namin ang bawat tawa ng iba mga harutan ng mga bata at kwentuhan ng ibang kabataan para bang walang problema, sana ganun lahat pero alam ko sa bawat tawa, kwento at biro may mga tinatago din silang problema gaya ko, Kaso mukang mas malala sakin I know someday magiging maayos rin ang lahat.

Napatingin ako sa katabi ko mukang malayo rin ang kaniyang iniisip gaya ko.

"Do you have a problem?" Saad ko sa kanya ako na bumasag ng katahimikan namin parehas.

He just smiled at me but I know his smile didn't even reach his eyes, like the smile he always gives me.

"Wala may iniisip lang ako about sa family, ikaw huh inoobserbahan mo ako may gusto ka na ba sakin?," pang aasar niya sakin na alam kong dinadaan niya lang sa biro para hindi ko na siya tanungin pa.

That's why I just shrugged at him before I took him home, I still have a meeting to go too. "Let's go uuwi na tayo may pupuntahan pa ako"

Umangat ang paningin niya sakin, ang mga mata niya na may pagtataka at halong pag tatanong, alam ko may gusto siyang itanong sakin pero hanggat maari ayoko munag sabihin.

"Uuwi na tayo ang bilis naman, pero sige mukang inportante yang pupuntahan mo" sagot niya sakin saka siya tumayo at ngumite, soon damian malalaman mo rin sa ngayon ganito muna.

"Hmm Vanessa wants to see me that's why I need to go" paliwanag ko sa kanya ayokong may isipin siya na hindi maganda kahit hindi niya sakin sabihin halata naman sa mga mata niya.

Wait bakit kailangan ko nga pala magpaliwang sa kanya he's not my boyfriend after all.

Ginusto mo yan nathalia wala naman nag sabing magpaliwanag ka sa kanya.

"Okay lang sige Tara na tutal naman gabi nadin, pero nat about sa sinabi ko mag aantay ako" ayan nanaman pinaalala nanaman niya sakin.

Tinap ko naman ang balikat niya saka ako sumagot "dont worry pag iisipan ko bigyan mo lang ako ng tatlong araw malalaman mo na ang sagot"

Ngumite lang siya sakin ng pagka laki-laki na akala mo nanalo na kung saan, tsk childish pero nakkatuwa at masarap sa pakiramdam.

"Okay Tara" saad niya saka niya ako hinawakan sa kamay habang nag lalakad.

Nakatingin lang ako sa kanya hindi ko alam kung tama ba na ganito ang maramdaman ko, alam kong hindi ako ganito nuon pero pagdating sa kanya nauubos ang tapang at angas ko, Para bang hinihigop niya lahat ng lakas ko. Pano mo ba nagagawa ang ganito damian pano mo ako napapasunod sa mga gusto mo, gusto kong malaman ano pa bang kaya mong gawin para sakin na alam kong ikakasaya ko.

Napatingin naman siya sakin saka ngumite "Oh wag mo akong katitigan baka lalo kang magka gusto sakin" saad niya sakin na siyang kinaarko ng kilay ko. Ang tigas din talaga ng muka ng lalaki na ito siya itong nangliligaw sakin tapos ako itong sinasabihan niya ng ganyan kakaiba rin talaga.

Tumawa lang ako sa kany na kinataka niya "alam mo iba ka rin, masiyado kang mahangin bawasan mo yan nakakamatay yan" biro kong sagot sa kanya na kinasimagot niya.

"Alam mo ang panget mong mag biro, hindi magandang biro yun buhay ko yang sinasabi mo tch" naka nguso niyang saad habang naka simangot humagalpak naman ako ng taw na lalong kinainis niya. Para siyang bata kung titignan.

Aaminin ko ngayon ko lang naranasan ang ganitong tawa at ganitong kasaya sana hindi ka magbago damian sana lahat ng malaman mo tungkol sakin sana maunawaan mo.

"Ayan na yung jeep Tara na nga " hindi ko napansin na pumara na pala siya ng jeep sa sobrang pag iisip ko pinauna niya akong pasakayin para alalayan bago siya sumakay. Nasa jeep na kame lahat pero ang kamay niya nanatili parin hawak ang mga kamay ko.

Gusto ko ito, pati ang nararamdaman kong saya sa kanya ay gusto ko at ayoko ng mawala pa.