Chapter 27: Sabotahe
HALOS takbuhin na ni Jeydon ang daan papasok sa kanilang bahay pagkababa ng sasakyan. Maging ang pagka park ng sasakyan ay hindi maayos. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang namura ang sarili dahil sobrang late na ang uwi niya for lunch.
"Baby, I'm really sorry!" Agad niyang niyakap ang asawang nakatalikod at nakaupo sa harap ng hapag kainan na mag-isa. "May biglaang meeting at hindi ko napansin ang oras."
Kahit masama ang loob ay sinikap ni Ynrahd na pakahinahon at umaktong matured na. Tulad ng sinabi ni Geng kanina nang tawagan niya upang maglabas ng sama ng loob, kailangan niyang baguhin ang kaniyang ugali upang maiwasan na ang hindi pagkakaunawaan nilang mag asawa.
"Bumalik na si Lemuel at may balak siyang agawin ang posisyon ko."
Tuluyan nang nabura ang tampo niya sa asawa nang makita ang mukha nitong misirable. Alam niyang wala itong pakialam sa mamanahin, ang concern nito ay hindi ito papayag na mapunta sa ibang tao lalo na sa tinuturing nitong kaaway ang para sa kanilang pamilya.
"Humarap ka sa kaniya na ganiyang ang hitsura?" Nakasimangot niyang sikmat sa asawa nang mapansin ang magulo nitong buhok at gusot na full sleeve.
Napaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa mukha ng asawa. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasalubong sa kaniya. Napangiti siya nang tumingkayad ito upang maabot ang kaniyang ulo at inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi siya sanay na makita itong mahinahon at hindi umiiyak sa tuwing nadismaya ito sa kaniya.
"Sorry dahil pinaghintay kita!" Niyakap niya ito na ikinatigil nito sa pag-ayos ng kaniyang damit. "Huwag kang bibitaw ha kahit ano mangyari? Ikaw lang ang babaeng minahal ko at mamahalin habang buhay. Pangako, tatapusin ko lang ang lahat ng balakid sa ating pagsasama then magbabakasyon tayo kahit saan mo gusto."
Namilog ang mga mata ni Ynrahd sa narinig mula sa asawa. Matagal na niyang gusto ang magbakasyon sila sa malayong lugar at walang trabaho na iniisip. Gusto niya ito masolo maghapon at magdamag sa tahimik na lugar. Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang kailangan nitong ayusin na problema. May tiwala siya dito at naniniwala sa bawat katagang binibitawan. First rime rin nitong mangako sa kaniya kung kaya doble ang sayang nadarama. Alam niya na pinakaayaw nito ay ang salitang pangako pero nagawa nitong bitawan iyon ngayon sa kaniya.
"Ikaw lang din ang mamahalin ko habangbuhay, Hubby!" Pinupog niya ito ng halik sa mukha habang nakatingkayad at nakapulupot ang mga braso sa batok nito.
Lahat ng tampong nadarama kanina dahil late na ito at walang tawag sa kaniya ay tuluyang nawala. Naging magana ito sa pagkain kasalo siya kahit hindi ganoon kasarap ang kaniyang mga nilutong pagkain.
"Oo nga pala, naalala mo ang babaeng nakasalubong natin sa Mall kahapon?"
Ang pag inum sana ng tubig ni Jeydon ay naudlot at marahas na napalingon sa katabi niyang asawa. "Bakit mo siya biglang naitanong?"
Gustong magsisi ni Ynrahd kung bakit nabanggit pa niya ang babaeng nagpakita sa kaniya kaninang umaga. Ang masayang aura ng mukha ng asawa kanina, ngayon ay bumalik sa pagiging pormal. Ganoon ito kapag hindi nagustohan ang topic.
"Ahm!"
"Go ahead," ani Jeydon sa asawang bantulot na ipagpatuloy ang nais itanong sa kaniya. Pilit niyang itinago ang kabang nadarama sa isiping si Ruby ang tinutukoy nito.
"Nakausap ko siya kaninang umaga—"
"What?" gulat na tanong niya sa asawa. "Sorry!" Bigla niyang bawi nang makita ang gulat din sa mukha nito dahil bahagyang tumaas ang timbre ng kaniyang boses. "Paano mo siya nakausap, 'di ba hindi ka umalis ng bahay?"
"Nakasalubong ko siya dito sa loob ng compound habang nagja-jogging." Hindi niya hinihiwalay ang tingin sa mga mata ng asawa. Gusto niyang makita ang maging reaksyon nito tungkol sa babae. Naumpisahan na niya kaya tatapusin na upang matapos na ang mga agam-agam o duda sa kaniyang isipan.
Hindi magawang salubungin ni Jeydon ang mga titig ng asawa. Dinampot niya ang basong may lamang tubig at ininum iyon upang makaiwas sa mapanuring paningin nito.
"I don't like here," may bahid ng iritasyon ang nasa kaniyang tinig. "Ayaw ko na mapalapit siya sa iyo kahit dati mo pa siyang kaibigan."
Muntik nang maibuga ni Jeydon ang tubig na nasa bibig nang marinig ang sinabi ng asawa. "She's not my friend kaya magandang huwag mo siyang hayaang makalapit sa iyo." May kasamang paglalambing ang ginawa niya upang mabawasan ang init ng ulo ni Ynrahd. Alam niyang nagseselos ito kay Ruby lalo na at sinabing ng huli na magkaibigan sila.
"Pero bakit alam niya kung saan tayo nakatira? Kasama pa niya ang bata na inakala kong anak niya."
Biglang naging mailap ang paningin ni Jeydon nang mabanggit ng asawa ang bata. Lihim niyang namura sa isipan si Ruby at naikuyom ang isang palad. Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya at inipon ang lakas upang sabihin ang totoo sa asawa.
Biglang kinabahan si Ynrahd nang ginagap ng asawa ang kaniyang palad at bakas sa mukha nito ang kaseryusohan. Ramdam niyang isa si Ruby ang pinagkakaabalahan nito ngayon na nireresulba umano nitong problema.
"Gusto kong kahit ano ang mangyari ay huwag mo akong iwan at unawain ang sitwasyon." Pauna ni Jeydon sa asawa, buo na ang loob na sasabihin ang tungkol kay Ruby. Nang tumango ito ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Si Ruby ay nitong buwan ko lang din siya nakilala."
"Saan mo siya nakilala at paano?" Hindi siya makapaghintay na matapos ang sasabihin ni Jeyron.
Napakamot sa ulo si Jeydon dahil naging makulit na naman ang asawa. Mahahamig niya sa tinig nito ang pagkabahala sa mga susunod pa niyang sasabihin.
"Siya ay—" naputol ang iba pa niyang sasabihin nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa harap lamang nila nakapatong sa lamesa.
"Sagutin mo muna, baka importante." Utos ni Ynrahd sa asawa nang makita ang pangalang nag-appear sa screen.
Mabilis niyang dinampot ang cellphone at sinagot iyon. "May importante ka bang balita?" tanong niya kay Jay na siyang nasa kabilang linya.
"May nanloob sa laboratory at nawawala ang record ng bata."
"Shit!"
"May masama bang balita?" Nababahalang tanong ni Ynrahd sa asawa nang magmura ito.
"I'm sorry, Baby! Kailangan kong umalis at personal na ayusin ang lahat ng ito. Pangako, pagbalik ko ay mag uusap tayo ng maayos, okay?" Yumukod siya at inabot ang pisngi ng dalaga upang halikan ito doon.
Awang ang bibig na sinundan niya ng tingin ang papalabas na asawa sa main door. Kinakabahan siya dahil sa nakikitang kilos ng asawa ay mukhang malaking gulo ang nangyayari.
Pagdating ni Jeydon sa laboratory ng kaibigan ni Ashton ay naabutan niya ang mga ito na abala sa pag-aayos ng mga gamit. Sa hitsura ng paligid ay halata ngang niloob iyon ng masamang tao.
"Mukhang may nakakaalam ng sekrito mo at ayaw na malaman mo ang katotohanan tungkol sa bata."
Nanlulumo na napaupo si Jeydon sa tabi ni Ashton na siyang kausap niya ngayon.
"Hindi pa tapos ang proseso ng test kung kaya wala pang data na naka record. Kailangan mong—"
"Dadalhin ko dito ang bata at sa pagkakataon na ito ay kailangan niyong higpitan ang siguridad dito sa laboratory." Putol niya sa iba pang gustong sabihin ng kaibigan.
"Nagtalaga na ako ng mga taong magbabantay dito bente kuwatro oras."
"Salamat, Bro!" May kasamang buntonghininga ang pagtayo niya upang umalis na.
"Sabihin mo na sa kaniya ang lahat bago ka pa maunahan ng taong nasa likod ng lahat ng ito." Payo ni Ashton kay Jeydon.
"I will, salamat ulit!" Tinanguan niya si Jay na naroon din bago tuluyang nilisan ang naturang lugar. Habang nagmamaneho ay naging mahigpit ang paghawak niya sa manobela. Naglalaro sa isipan ang galit na nadarama sa taong gustong sumabotahe sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Gulat ang nakarehestro sa mukha ni Ruby nang mapagbuksan ang taong kumakatok sa pintuan. "Sino ka?"
"Napag-utusan po ako ni Sir Jeydon, pinapasundo niya ang bata para dalhin sa kanilang bahay."
Tumaas ang kaliwang kilay ni Ruby habang pinag aaralan ang pagkatao ng babaeng kaharap. May kasama itong dalawang lalaki na mukhang hindi mapagkatiwalaan kung kaya nakaramdam siya ng takot para sa kaniyang pamangkin.
"Sa tingin mo ay basta na ako maniniwala at ibigay ang pamangkin ko sa iyo?" Masamang tinigin ang ipinukol niya sa babae upang ipakitang hindi siya basta mapatumba ng mga ito kung sakali.
"Huwag ka nang magmatigas, akin na ang bata!" Tinulak ng babae si Ruby na humaharang sa pintuan.
Ang pagsigaw ni Ruby ay hindi natuloy nang tutukan siya ng patalim ng lalaki sa tagiliran. "Parang awa niyo na, bata pa ang pamangkin ko, hindi ko naman ipagdamot sa kaniyang ama kung—"
"Huwag nang maraming kuda!" Tinulak ng babae si Ruby papasok sa loob ng bahay. Walang nagawa ang huli nang kunin ang bata lalo na at itinali siya sa isang upuan at binusalan ang bibig upang hindi makalikha ng ingay.
"Tao po?"
Biglang nabuhayan ng loob si Ruby nang may marinig na tao sa labas ng bahay na tinutuloyan nila ng pamangkin. Ang yaya ng bata na pinahiram sa kaniya ni Lemuel ay wala dahil nautusan niya mag grocery.
"Doon kayo dumaan sa likod." Utos ng babae sa dalawang lalaking kasama. Buhat nito ang batang natutulog.
"Uhmmmm!" Pilit na kumawala si Ruby sa pagkagapos ng dalawang kamay patalikod sa kinaupoan. Bigla siyang tumahimik nang itaas ng babae ang hawak nitong patalim at itinutok sa katawan ng pamangkin niya.
"Kapag gumawa ka pa ng ingay, pati buhay mo ay babawiin ko!" pabulong nitong banta kay Ruby.
Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Ruby at hindi na nga ulit nag-ingay pa. Muli nilang narinig ang katok ng tao mula sa labas. Nangunot ang kaniyang noo dahil pamilyar sa kaniya ang boses ng babae na siyang nasa labas ng bahay.