Chapter 19: Pagkatalo sa kaso
"Kaano-ano mo ang lalaking iyan na inutusan umano ni Eagle One? Diritsong tanong ni Cloud sa ginoo.
"Objection your---"
"Your honor kailangan niyang sagutin ang aking tanong." Putol ni Cloud sa iba pang sasabihin ni Jacob.
"Sagutin mo ang kanyang katanungan!"
"Hindi ko po kilala ang kriminal na iyan at wala akong kaugnayan sa kanya!" Defensive na sagot ni Robert.
"Kung ganoon, sino ang lalaki na nasa larawang ito na kasama niya?" Itinaas ni Cloud ang isang litrato na kanina pa niya hawak.
Tumayo si Micko at ipinamahagi sa lahat ang hawak na litrato katulong si Ashton.
"Hindi totoo iyan, edited ang larawan na iyan!" Galit na tanggi nila Robert nang makita ang larawan. Si Jacob ay napasapo sa noo sa pagkadismaya sa kanyang kliyente. Talo na naman siya sa hawak niyang kaso ngayon.
"Your honor, nasa larawan na iyan ang lahat kung paano nag-usap ang dalawa maging nang abutan niya ng suhol ang kriminal upang i-set up ang aking kliyente. Mayroon din pong video na mas malaking katibayan at hindi masabing edited. Sa takbo ng kasong ito, malaki ang paghahangad niya na sa anak niya maikasal ang anak ng pamilya Ehd. Alam nilang mag-ama na may namumuong relasyon kina Jeydon at Ynrahd, kung kaya binalak nito na gawan ng masama ang dalaga at ibintang kay Jeydon." Mahabang salaysay ni Cloud sa harap ng hukuman.
Walang nagawa ang mag-ama nang pinakita na rin ang video. Huli na nila naisip na matinik ang kalaban kahit walang kayamanan dahil isa itong secret detective na alerto palagi at malakas ang pangdama sa kalaban.
"Your honor, umamin na kanina si Ynrahd Ehd na may relasyon sila ni Jeydon Laserma at lihim lamang iyon. Kung ano man ang dahilan nila ay personal na nilang buhay iyon. Isa lang ang malinaw dito, sila ang tunay na nagmamahalan at hindi iyon matanggap ni Lemuel at ng ama nito kaya nagawa nila ang bagay na ito sa aking kliyente." Muling pagpapaliwanag ni Cloud sa harap ng hukuman.
Nagwala si Lemuel at pilit na ipinagtatangol ang sarili ngunit hindi pinakinggan ng hurado. Hindi na nagsalita muli si Jacob upang ipanalo ang hawak na kaso. Ang akala niya kanina ay sila na ang panalo. Ngunit biglang nabaliktad ang lahat, hanga na talaga siya sa mortal na karibal sa husgado.
Nang araw ding iyon ay binasa ang hatol at nakulong ang mag-ama. Si Lemuel ay maaring piyansahan dahil mababa ang hatol bilang kasabwat lamang ng ama. Maari itong tuluyang makalaya kung mapatawad ni Jeydon at i-abswelto. Si Robert ay makukulong ng sampung taon at walang piyansa.
"Anak?" Lumuluha na lumapit si Lyndia sa binata at niyakap kahit na hindi pa siya kinakausap nito. "Patawarin mo ako, anak!"
Napangiti si Raul sa binata at tinanguan. Wala namang sama ng loob si Jeydon sa kanyang ina dahil laging pinaalala ng ama kung gaano kabuti ang ina nito. Nasasabik din siya na mayakap ang ina kung kaya gumanti siya dito ng yakap at tinaggap. Maging ang abuelo ay humingi ng tawad sa kanilang mag-ama.
"Kailangan ko na pong puntahan ang alaga kong pasaway." Nakangiti na paalam ni Jeydon sa mga magulang. Natawa ang mga kaibigan dito dahil hindi na siya nagkukumahog sa pag-alis.
"Hubby!"
Napangiti si Jeydon nang umungol ang dalaga at siya ang hinahanap. Nanatili itong nakapikit at may oxygen na nakakabit sa ilong nito.
"Kanina ka pa hinahanap niyan." Naluluha na bulong ni Julia sa binata. Sobrang natakot siya kanina nang halos hindi na humihinga ang dalaga bago maipasok sa emergency room.
"Salamat po at hinayaan ninyo akong makalapit sa kanya." Taos puso na pasasalamat ni Jeydon sa ginang.
Si Waleed ay ngumiti sa binata. Kahit hindi pa nito alam ang nangyari sa paglilitis ay balak na nitong iurong ang kaso laban dito para sa kapakanan ng anak. Maging ang nais ng anak na ito ang maasawa ay ibibigay niya huwag lang mawala sa kanila ang dalaga.
"Balae, tayo muna sa labas at pag-uusapan natin ang kasal nilang dalawa." Masayang anyaya ni Lyndia kay Julia kasabay nang pagkapit sa braso nito.
Kunot ang noo na nilingon ni Julia si Lyndia na kasabay lang ni Jeydon na dumating doon.
"Siya ang anak ko na sinasabi ko sa iyo dati." Ginagap niya ang kamay ng kaibigan.
"Talaga? Oh my, tuloy talaga ang pagiging balae natin?" Halos mapalundag sa tuwa na tanong ni Julia.
Maging ang asawa niya ay natuwa din sa nalaman. Galit ito kay Lemuel at Robert dahil inilagay sa alanganin ang kanyang anak na muntik ng ikapahamak.
Lumabas silang lahat at iniwan ang dalawa nang mapansin na magigising na si Ynrahd. Sa coffee shop sila tumuloy at doon nagplano para sa mga anak nila.
"Hubby!" Humihikbi na tawag ni Ynrahd sa binata habang nanatiling nakapikit ang mga mata. "Patawad hubby, kasalanan ko kung bakit ka nila ikukulong!"
"Husssh tahan na, narito na ako!" Masuyo niyang kinintalan ng halik sa noo ang dalaga.
Biglang napamulat ng mata ang dalaga at kinusot ang mga mata sa pag-aakla na nanaginip lang siya. Kung nanaginip man siya ngayon ay hiling niyang huwag na siyang magising.
"Hindi ba't ang sabi ko sa iyo ay huwag mo nang ulit pahirapan ang sarili mo nang dahil sa akin?" Sermon niya dito dahil nalaman niyang hindi ito kumain mula kahapon. Kinuha niya ang kamay nito nang makita na kinurot ang sariling pisngi.
"Ano ba ang pinaggagawa mo sa iyong sarili?" Nakakunot ang noo na tanong niya dito at kumurap-kurap pa ang mga mata nitong nakatingin lang sa kanya.
"Hubby?" Awang ang bibig na tawag niya muli sa binata.
"Tssk, wala na ba akong maririnig sa iyo kundi puro hubby?" iritableng tanong muli sa dalaga.
"Hubby!" Mabilis siyang umupo sa kinahigaan at yumakap ng mahigpit sa binata habang malakas ang iyak. "Ang akala ko ay kinulong ka na nila at hindi na kita muling mayakap!"
"Tumahan ka na nga, para kang bata!" masungit na anito sa dalaga.
Napalabi si Ynrahd at mabilis na pinunasan ang kuha sa mga mata. "Ang sungit mo pa rin, may sakit na nga ako. Tignan mo oh ang daming dextrose nakakabit sa akin." Ipinakita niya ang kamay kung saan naka kabit ang dextrose.
Mabilis na kinabig ni Jeydon ang batok ng dalaga at mariin na hinalikan sa labi upang matigil na sa pagsasalita na parang bata.
"I want more, hubby!" Namumungay ang mga mata na hiling niya sa binata nang pakawalan na nito ang kanyang labi.
"Pagaling ka muna bago humiling ng more, kumain ka rin ng marami at biglang lumiit oh." Nakangisi na ininguso niya ang dibdib ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Biglang inabot ang pagkaing nasa lamesa at kumain. Ayaw niya na maliitan sa kaniya ang binata at baka iwan siya.
"Dahan-dahan, kahit maliit iyan pakakasalan pa rin kita." Inagaw niya ang hawak nitong kutsara at siya na ang sumubo ng pagkain dito.
Sobrang kinikilig si Ynrahd dahil nakangiti na sa kanya ang binata. Bigla siyang napipilan at ramdam niyang namumula na ang kaniyang pisngi.
"I love you my Baby Girl!"
Mabilis na nalunok ni Ynrahd ang pagkaing nasa bibig pagkarinig sa sinabi ng binata. Hindi ito nakatingin sa kanya pero malinaw niya iyong narinig.
"I love you too, po!"
Nakangiting humarap siya sa dalaga. Ang cute nito kahit na walang ayos at magulo ang buhok. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang ngumiti ito sa kanya. "I love you more!" tuwid ang tingin sa mga mata ng dalaga nang sabihin ang katagang iyon.
Naluluhang isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Sobrang saya niya ngayon dahil narinig din ang katagang gustong marinig mula dito.
Hahalikan pa sana muli ni Jeydon ang nobya ngunit dumating na ang mga pasaway niyang mga kaibigan. Maging ang ama ay kasama ng mga ito at ipinakilala niya ng pormal ang dalaga dito. Masaya siya nang makitang nag-uusap na rin ang kaniyang mga magulang.
Napagkasunduan na magtatapos muna ng pag-aaral ang dalaga bago ganapin ang kasal. Nagpa-convert ng relihiyon si Jeydon sa pagka muslim upang hindi na maging komplikado ang sitwasyon nila ng dalaga. Mula nang araw na iyon, siya ang naghahatid sundo sa dalaga sa eskwelahan nito kahit patuloy siya sa trabaho sa agency nila. Hindi niya iniwan ang mga kaibigan pero hindi na siya humahawak ng dilikadong kaso.
Ang mga magulang ay nagkabalikan at hindi na muli nakialam ang abuelo.
Maraming negosyo ang kanyang abuelo na pinag-aaralan din niya ang pagpatakbo sa ngayon. Kahit busy, hindi siya nawalan ng oras sa nobya na sobrang pasaway lalo na sa kama.
"Hubby, deposit mo na!" Hiling nito nang maramdaman na malapit na siyang labasan. Pang limang round na nila ito at palaging withdraw ang ginagawa niya.
"Uhmm wife, hindi ka pa pwedeng mabuntis!" may kasamang hingal na sagot niya sa nobya dahil malapit na siya makaraos. Naroon sila ngayon sa hotel sa halip na sa paaralan sana ang hatid niya dito. Patago ang ginagawa nilang ito sa kanilang mga magulang.
"Basta deposit mo!" Maktol ng dalaga at mahigpit na pinagsiklop ang dalawang paa sa beywang ng binata upang hindi ito makaurong.
"Ahh fuck, Ynrahd!" Napaungol siya nang hindi na ma-control ang sarili lalo na nang maramdaman na sasabay sa kanya ito na maabot ang climax. Wala na nga siyang nagawa kundi ang mag deposit ng binhi sa sinapupunan nito.
Nang araw ding iyon ay sinabi niya sa mga magulang ng dalaga na kailangan na nilang makasal kahit hindi pa tapos ito sa pag-aaral bago pa magbunga ang ginawa nilang deposito. Hindi naman nagalit ang mga magulang nito at nakaintindi sa pagiging pasaway ng kanilang anak.