Chapter 13: Disperado

"GOOD MORNING!" Masiglang bati ni Ynrahd sa lahat na naroon na nakadulog sa hapag kainan. Bumati rin sa kanya ang naroon maliban kay Jeydon na seryosong nakatingin sa kanya.

Pinukol niya ito nang nagtatanong na tingin ngunit lalo lamang ito nagseryoso at pinahihiwatig ng tingin nito na hindi nagugustohan ang kanyang hitsura ngayon. Hindi niya ito matanong dahil nakatingin sa kanya ang lahat. Nakasimangot na umupo siya sa tabi ng ina dahil bawal na siyang umupo sa tabi ng lalaki ayon sa kanyang ama.

"Anong mukha na naman iyan?" Pabulong na sita ni Julia sa dalaga.

"Wala po!" Nakayuko niyang sagot.

Hanggang matapos ang pagkain ay tahimik lang si Jeydon. Hindi katulad ni Lemuel na bidang-bida sa mag-asawa at dalaga. Lahat nang nangyari sa buhay nito sa ibang bansa ay kinukwento maging ang mga bagay na naabot at napatunayan sa sarili. Mukha na itong nagbubuhat ng sariling bangko at nayayabangan si Jeydon. Ipinagmamalaki pa na nakatapos sa kursong business management.

"Sisiw!" palatak na bulong ni Jeydon, hindi na napigilang isatinig ang nasa isip.

"What did you say?" tanong ni Lemuel sa katabing lalaki.

"Nothing, excuse me!" Kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na siya at nagpaalam sa mag-asawa.

"You are not yet done." May pagtataka na turan ng ama ni Ynrahd kay Jeydon.

"Busog na po ako, Sir, thank you!" Bahagya pa siyang yumukod bago tumalilis ng alis at dumiritso sa harden.

Napasimangot na lang si Ynrahd nang makaalis na ang binta. Ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng ina ang inaasta ng dalaga kung kaya lalong lumakas ang kanyang hinala.

Pasimple na nilapitan ng dalaga amg binata na naninigarilyo sa isang tabi. Lalaking-lalaki ang dating nito sa suot na simpleng t-shirt at maong short na hanggang tuhod. Dumagdag pa ang tindig nito ngayon na tuwid at nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay may yosi na hawak.

"Stop staring! Go back to your room and change your cloth!" iritabling sikmat niya sa dalaga at hindi na nag-abalang lingunin nililingon ito.

"Cigarette smoking is not good to your health." Nakalabi niyang puna sa binata sa halip na magtampo sa pagtataboy sa kaniya.

"Pampakalma ko ito, magpalit ka na ng damit mo bago pa dumating ang mga bisita." Plat ang tono at muling nagbuga ng usok sa bibig mula sa sigarilyo.

"Bakit ba kasi ang aga eh ang init ng ulo mo?" Kagabi lang ang sweet mo tapos—"

"Simula sa araw na ito ay ayaw kong binabalandra mo iyang katawan mo lalo na kung may ibang lalaki sa paligid." Sansala niya sa iba pang sasabihin sana ng dalaga.

Nakasimangot na tinignan ni Ynrahd ang sarili. Ang akala pa naman niya ay matuwa ito at puriin siya kapag nakitang sexy sa suot niyang damit. Pero dagli lang din ang nadaramang tampo sa binata nang mapagtanto kung bakit ito nagagalit.

"Uy, nagseselos siya kay Lemuel." Malapad ang ngiti na tukso niya sa binata.

"Tsk, wala sa bukabolaryo ko iyan. Magpalit ka na nga ng damit mo at baka matusok ko ang mata ng lalaking iyon dahil halos maglaway na sa katawan mo!" pabarumbado niyang wika, hinarap niya ang dalaga at pinaningkitan ng mga mata nang hindi pa rin ito tumitinag sa kinatatayuan.

"Kiss muna!" Pinatulis niya ang kanyang nguso.

"Ynrahd!" Galit ang tono na tawag niya sa pangalan nito.

"Ang damot!" Nagdadabog na tinalikuran ang binata upang sundin ang utos nito. Kahit ang mga magulang ay ayaw siyang magsuot ng ganoong damit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib at sobrang hapit sa katawan. Ngunit ni hindi niya pinakikinggan ang mga ito, ngayon lang siya sumunod at kay Jeydon pa.

"Mabuti naman at naiisipan mong magpalit ng damit." Nakangiting puna ni Julia sa anak nang lumabas ito sa silid na iba na ang suot. Maging ang asawa ay natuwa at pinuri ang anak.

"Ayaw kasi ng masungit kong guard makita na ganoon ang suot ko." Pagsusumbong niya sa mga magulang. Nakaugalian na niya na magsumbong sa ina kapag may kinainisang bagay.

"Dahil ba sa kanya kaya ka nagpalit ng damit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Julia sa anak.

"Opo! I like him po, kaso ang sungit!" Parang bata na sumbong niya sa ina.

"Hija, baka may makarinig sa iyo lalo na ang iyong ama. Hindi maganda na magkagusto ka sa iba dahil si Lemuel ang nakalaan para sa iyo." Sermon niya sa anak, mabuti na lang at wala na ang asawa za harapan nila ngayon.

Lalong nagusot ang mukha ng dalaga sa tinuran ng ina. "Ayaw ko po magpakasal doon!"

"Anak, hindi pa naman sa ngayon pero kailangan mong sundin ang iyong ama sa pagkakataon na ito." Pang-aalo nito sa dalaga. Alam niya na kasunod niyon ay magta-tantrums na ito.

Nagpapadyak na ang mga paa ng dalaga at gustong umiyak. Kung hindi lang dumating si Jeydon ay baka naglumpagi na ito sa sahig na parang bata.

Nais pa sanang kausapin ni Julia ang anak ngunit dumating na ang mga magulang ni Lemuel.

"What's wrong?" May pag-alala na tanong ni Jeydon sa dalaga nang sila na lang dalawa ang naiwan. Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito.

"Ayaw kong makasal kay Lemuel!" Humihikbi na sagot nito sa binata. Pakiramdam niya ay aping-api siya ngayon at tanging ang binata ang kakampi.

"Hussh, huwag kang umiyak!" Niyakap niya ang dalaga, " hindi ko papayagang mangyari iyan kung kaya huwag ka ng umiyak."

"Talaga? Hindi ka na po galit?" Parang bata na tumingala sa binata at gumanti ng mahigpit na yakap dito.

Nakangiti na umiling si Jeydon, " sige na ayusin mo na ang sarili mo at pakiharapan ng maayos ang mga bisita ninyo."

"Kiss ko po muna?" nakangiti na rin ngayon ang dalaga.

Napailing ang binata bago ginawaran ng banayad na halik sa labi ang dalaga. Ngunit ang pilyang babae ay hindi pumayag na mabilis lamang ang halik. Halos umabot isang minuto ang halik bago nito pakawalan ang binata.

"I love you po!" Masaya na naibulalas ni Ynrahd bago maliksing lumayo sa binata. Hindi na nito hinintay ang sagot.

Mula sa isang sulok ay nanlilisik ang mga mata ni Lemuel habang kuyom ang mga kamao na sinundan ng tingin si Jeydon. Kitang-kita niya ang halikan ng mga ito na labis niyang kinagalit. "Akin ka lang, Ynrahd!" bulong nito sa sarili bago sinundan ang dalaga palabas ng bahay upang salubongin ang kanyang mga magulang.

"How are you!" Masaya na sinalubong ni Waleed ang mag-asawa, nagulat pa siya dahil maging ang mga matatanda na magulang ng ina ni Lemuel ay naroon rin.

"Alhamdulelah, we're fine!" Masiglang sagot ni Robert sa kaibigan. Nakipag beso-beso siya dito maliban sa asawa nito.

Bumati rin si Lyndia kay Julia. Nagkakilala sila noong ikinasal ito sa asawa nitong arabo. Ang kanyang mga magulang ay kilala ng pamilya ni Waleed dahil magkasosyo ang mga ito noon pa man sa negosyo.

"Ang ganda ng anak mo, balae!" Puri ni Lyndia dito, balae na ang tawag niya dito dahil nakatakda nang ikakasal ang kanilang mga anak sa tamang oras.

Napangiti si Julia sa kaibigan, alam niya ang history ng buhay nito at natuwa siya dahil naging masaya na ito ngayon sa buhay nito.

"Thank you balae, tayo na muna sa loob." Aya ni Julia sa mga panauhin.

Nagmano si Ynrahd sa mag-asawa maging sa matatanda na sobrang magiliw sa kanya. Nauna na ang mga babae na pumasok sa bahay at bahagyang nagpahuli sina Lemuel, ang ama at ang abuelo nito.

"Siya ba?" pabulong na tanong ni Robert sa anak."

"Opo!"

Napatingin din si Don Alfonso sa tinutukoy ng manugang. Hindi lingid sa kanya ang sinumbong ni Lemuel kung kaya sumama sila doon. Hindi siya papayag na may umagaw nang para sa kanyang pamilya.

Mula sa malayo, tanaw ni Jeydon ang tatlong lalaki. Nagkasalubong pa ang tingin nila ng matanda na matiim nakatingin sa kanya. Matapang na nakipagtitigan siya rito, alam niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Eagle One. Tawag ni Waleed sa binata na bumalik sa labas pagkaalala dito. Ipinakilala niya ito sa mga panauhin at ipinagmamalaki bilang magaling na bodyguard.

"Ano ang pangalan mo, Hijo?" Tanong ni Lyndia sa binata nang makadaupang palad ito.

"I'm sorry May'm, confidential po ang profile ko. Just call me Eagle One." Magalang na sagot ni Jeydon sa ginang.

Malungkot na tumango si Lyndia, hindi mapanatag ang loob habang tinititigan ang binata.

Nag-usap muna si Lemuel at ang ama bago ito umalis. May nabuong plano na silang dalawa lang ang nakakaalam.

"May gusto akong pasundan." Kausap ni Jeydon kay Dexter mula sa telepono. Idinitalye niya ang lahat at mabilis na pinutol ang tawag nang palapit na sa kinaroonan niya sina Lemuel na masama ang tingin sa kanya ngayon.

"Ikaw pala ang mayabang na bodyguard ng nobya ng anak ko." Mapang-uyam na wika ni Robert habang tinitignan ang binata na tila isa lang itong dumi sa kanyang mga mata.

"Ako nga po, pero ang alam ko ay hindi pa siya sinasagot ni Ynrahd?" Nakangising sagot niya sa ginoo.

"Wala kang mudo!" Biglang napalis ang mapang-uyam na ngiti sa labi ni Robert. "Huwag kang ambisyoso na hampas-lupa ka!" Nangangalit ang ngipin na turan nito.

"Relax, wala pa akong ginagawa." Naaliw si Jeydon sa hitsura ng mag-ama ngayon sa kanyang harapan.

"Robert, tayo na." Tawag ni Lyndia sa asawa nang mapansin na pinag-iinitan nito ang bodyguard ni Ynrahd.

Hindi rin nagtagal ang mga panauhin dahil balak ng mga ito mamasyal sa lungsod. Kakadating lang din kasi ng mga ito mula sa Italy kung saan madalas mamalagi mula nang mag-asawa si Lyndia.

Mabilis na kumilos si Micko nang makuha ang impormasyon mula kay Dexter. Sinundan ang subject kahit saan magpunta.